69: Lost City; Nag-alalang magulang

Nagtaka na lamang ang magkakaibigan kung bakit biglang nagbago ang ugali ni Sioji. Ang sungit kasi nito dati at parang ang tindi ng galit sa mundo. Tapos ngayon, mas malala pa pala kay Steffy makapangpikon. At kung hindi mataas ang pasensya ng pinipikon niya, baka mamamatay ito sa tindi ng galit. Kawawa ang sinumang target ng pamimikon nito. At si Asana ang kawawang nilalang na iyon.

"Yung skirt ko, inupuan mo." Naiiritang sambit ni Asana. Wala kasing araw na di siya asarin o pikonin ni Sioji. Tapos sasabayan pa ni Steffy at aasarin na naman siya gamit ang kanyang pangalan.

Siya na hindi sana nakisali sa pang-aasar nina Rujin kay Sioji, nagiging biktima ng pamimikon ng dating cold at walangyang prinsipeng ito.

Kahit kasi nalaman nilang prinsipe si Sioji, hindi naman nila ito kinakausap ng formal. Ano ba ang alam nila sa formal na pagalang sa mga mahaharlika lalo na sa mga royal clan kung ngayon lang sila nakakakita ng mga nasa royal family? Saka para sa kanila, walang kagalang-galang sa nakakapikon na lalaking ito.

"Skirt mo pala yan? Akala ko basahan-" mabilis na umiwas makita ang papalapit na kamao ni Asana sa kanyang mukha.

Nakangiting pinagmasdan ni Sioji ang namumula sa galit na si Asana.

"Kaya naman pala, natutuwa sina Rujin at Arken kapag napipikon ako, dahil nakakatuwa naman pala talaga." Sabi ni Sioji sa isip. Napapangiti pa siya habang nakikita si Asana na namumula na naman ang mukha sa galit. At nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

Nagsimula na namang pagtripan ang pangalan ng babae. "Asana ang basahan." Pakanta niyang sabi. Ginaya ang palaging kinakanta ni Steffy na 'Asana na ang liwanag'. Sabay takbo at nagtago sa likuran ni Steffy na abala na naman ngayon sa pagnguya. Wala yatang oras na hindi nila makitang may nginunguya ang batang ito.

Ilang sandali pa'y ginaya ang palaging kinakanta ni Steffy kapag inaasar si Asana.

"Asana, ang liwanag, nitong landas, ng aking buhay.
Nagtatanong, sa maykapal, kumaripas na ako ng takboooo."

Napatakbo siya dahil tumakbo palapit sa kanya si Asana na halatang nanggigil na bugbugin siya.

"Bumalik ka dito at ng mabugbog kitang loko ka." Maririnig ang sigaw ni Asana habang hinahabol ang lalaking nang-aasar sa kanya.

Si Steffy na abala sa pagkain bigla na lamang nakatanggap ng sapok.

"Ano na naman ba?" Naiirita niyang tanong at nakita si Asana na hinihingal. Magulo ang buhok at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Ikaw." Sabay turo sa kanya na ikinataas ng isa niyang kilay.

"Anong ako? Tumigil na ako sa kaaasar sayo." Sambit ni Steffy at sinubo ang natitirang cookies na hawak.

"Ikaw ang nagpasimuno nito e. Kapag hindi mo talaga pagsabihan ang pinsan mong iyon, ikaw talaga ang sisihin ko. Lagot ka talaga sa akin." Sabay pakita sa kanyang kamao.

"Bakit ako na naman? Bumait na kaya ako kunti. Hindi na kita inaasar." Hindi na talaga siya nang-aasar dahil abala siya sa pagtikim sa mga delicacies ng lugar na ito. Abala din siya sa paglilibot-libot sa mga magagandang mga tanawin dito.

"Pero dahil sayo, inaasar ako ng loko mong pinsan."

"Ayaw mo noon, nagandahan din siya sa pangalan mo?" Nakangiting sabi ni Steffy sabay kanta ng "asana na ang kabayo mo. Na siya sanang sinasakyan ko." Kanta niya na ginaya ang tono ng kantang 'Nasaan na ang pangako mo, noong sinusuyo ako.'

"SEYRIEL!" Sigaw ni Asana na may nagbabantang boses.

Ayaw na ayaw talaga niyang inaasar siya sa pangalan niya. Naaalala kasi niya kung paano siya asarin ng mga kaklase niya noon sa mundo ng mga tao.

Ilang buwan din silang nanatili sa Arizon City. At sa mga araw na nananatili sila sa lugar na iyon tinuruan sila ng hari kung paano kontrolin ang mga kapangyarihan. Tinuruan din sila ng combat fighting. Kaya lang, sumasakit ang ulo ng hari dahil palaging hindi sumasali sa training ang kanyang dalawang apo na palaging matigas ang ulo.

Ilang ulit niyang sabihing huwag na munang lumabas ng Arizon City hangga't hindi pa nakokontrol ang lakas, naglaho na naman ang dalawa. At sa pagkakataong ito kasama na nila si Asana.

Nasanay narin silang palaging nawawala si Steffy o ba kaya palaging tulog tapos pagkagising hihilahin agad si Sioji at sabay silang naglalaho na di nila alam kung saan nagtungo.

Kaya lang, sa pagkakataong ito, nakipag-exchange soul ang hari ng Arizon sa Emperador ng Chamni na nakakulong ngayon sa Chamni para sana makausap ang anak. Pero anong nangyri? Wala dito ang anak na pasaway. Ilang minuto lang ang kayang manatili ng Emperador sa katawan ng father-in-law kaya napilitan siyang bumalik sa kanyang katawan.

"Ano na? Nakita mo ba si Steffy? Anong hitsura niya? Kasingganda ko ba? Manang-mana ba siya sa akin?" Sunod-sunod na tanong ni Steffany. Pero napatigil makitang badmood ang kanyang asawa.

"Anong nangyri?" Nagtataka niyang tanong.

"Galit ako." Sabing bigla ni Mirzen.

"Bakit nga?"

"Ginawa ko lahat para makapag-exchange soul kay ama para lang makita ang anak natin, pero anong ginawa? Lumabas na naman ng Arizon city na hindi man lang nagpaalam. Paano kong mahuli siya ng mga Mysterian?" Pasigaw na sabi nito na halatang nagpipigil ng galit.

"Nakita ko sila na nagpunta sa hangganan ng Arizon kingdom patungo sa kaharian ng mga Mizuto sa Celeptriz continent." Sagot ni Steffany. Siya ang ina ni Steffy at katulad ni Steffy kaya niyang lakbayin ang buong Mysteria na ang katawan naiiwan sa Chamni. Ang pinagkaiba lang nila ni Steffy, ay ang wala siyang combat ability o kakayahang manakit ng iba kapag wala siya sa kanyang katawan. Hindi rin siya nakakahawak ng anumang bagay. Ang kaya lang niyang gawin ay magmasid.

"Wag kang mag-alala, kasama naman niya ngayon sina Asana at Sioji." Pampakalma pa ni Steffany pero lalo lamang nagalit si Mirzen.

Kinausap na niya sina Asana at Sioji na huwag hahayaang lumabas ng Arizon city si Steffy habang hindi pa nakokontrol ang kakayahan nong minsang nakipag-exchange soul siya kay Haring Yuji pero hindi pala nakinig ang dalawa at hinayaan paring makalabas ng Arizon city si Steffy.

"Pagdating ng dalawang yon, lilitsonin ko talaga sila. Sinabi na ngang wag nilang hahayaang makalabas ng palasyo ng Arizon ang prinsesa, hinayaan parin nila." Pero alam nilang kahit sila, walang kakayahang pigilan si Steffy kung sakaling gustuhin nitong umalis. Nag-alala lang talaga siya na baka may mangyayaring hindi maganda rito dahil lapitin ito ng gulo. At gusto din sana niyang pagsabihan ang anak na huwag makialam sa gulo ng Mysteria.

Lalo na sa pamamagitan ng mga Hanaru at Superian. Hindi pa sapat ang lakas ng mga bata para harapin ang mga Hanaru o Superian. Kaya kailangan muna nilang kontrolin ang kanilang mga kapangyarihan bago isiping gumala sa kahit saang parte ng Mysteria. Paano kung mahuli sila ng mga Dethrin o ba kaya ng mga Superian?

Kung kaya lang sana ng mag-asawa na lumabas sa kontinente ng Chamni matagal na sana niyang nilusob ang mga kahariang nagtangka ng di maganda sa mga may lahing Chamnian. Kaya lang heto sila sa loob ng Chamni at walang magawa habang pinapanood ang mga batang Chamnian na nagiging puppet ng mga Mysterian. At ayaw niyang malason din ang isipan ng anak ng mga Mysterian.

"Wag mo nalang litsonin. Pwede namang i-barbecue. Hayaan mo, ako na ang maghahanda ng sauce." Natampal na lamang ng emperor ang kanyang noo. Nakalimutan niyang mas malala pa nga pala itong ina ng batang yon. Mas mainam na ito ang kanyang babantayang maigi at pagtuonan ng pansin baka kasi lalasonin nito ang isipan ng kanilang mga anak.

Mabuti nalang talaga, nagmana sa kanya ang dalawa pa nilang anak kaya walang gaanong problema. Kaya lang, nagmana si Steffy sa babaing ito kaya mas pinagtutuonan niya ng pansin si Steffy kaysa sa dalawa nilang anak na nasa Wynx empire ngayon. Maayos naman ang kalagayan ng dalawa maliban kay Steffy. Hindi nila maaaring ipunta si Steffy sa Wynx noon dahil forbidden ability ang taglay niya na pinakaayaw ng mga Superian at gustong-gusto ng mga Dethrin.

"Bakit kasi nagmana siya sayo?" Bulong niya na narinig naman ng kanyang Emperatris.

"Syempre ako ang kanyang ina." Proud na sagot ng asawa. "Saka wag ka ng mag-alala. Sayo naman niya nakuha ang pag-alis ng palasyo ng walang paalam. Ganyan ka kaya dati nong ayaw mong magmana sa trono. Kaya nga tayo nagkita e."

Napangiwi na lamang si Mirzen maalalang palagi siyang napapalo sa puwet ng kanyang ama noon dahil sa palagi niyang pagtakas ng palasyo masulyapan lang ang kanyang crush na naging asawa na niya ngayon.

"Kung mahuli talaga yon ng mga Dethrin, ipapakain ko talaga siya sa buwaya." Naiinis na sambit ni Mirzen.

"Hindi mabubusog ang alaga mo kasi maliit pa ang katawan ni Steffy."

"Hindi ka man lang nag-alala sa batang yon?"

"Anak ko yon syempre..." Pabiting sambit ni Steffany.

"Kaya nga nag-alala ako kasi anak ko yon." Sagot agad ni Mirzen.

"Makinig ka muna kasi. Anak ko yon kaya syempre di ako mag-alala." Nalaglag tuloy ang panga ni Mirzen.

"Ganito ba talaga umasal ang isang ina sa anak niya? Di man lang nag-alala?" Mas nag-alala kasi si Steffany kay Stacey ang pinakabunso nila kaysa kay Steffy dahil nagmana raw si Stacey sa kanyang ama at si Steffy naman nagmana sa kanya.

"Mahirap masaktan ang batang yon. Mana kaya yon sa akin. Masamang damo. Hindi tulad ni Stacey na walang kasing bait kaya madaling maloko. Kaya kailangan kong pagtuonan ng pansin ang isang yon kaysa sa ate niya." Confident na sagot ni Steffany.

"At mukhang ipinagmamalaki mo pang lumaking masamang damo ang anak mo?"

"Syempre naman. Manang-mana nga sa akin, kaya mahirap masaktan." Napabagsak na lamang sa trono niya ang emperador.

"Ikaw ba talaga ang ina ni Steffy?" Ilang ulit na ba niya iyang naitanong.

Kundi lang niya nakita ang pagsasakripisyo ng babaing ito para lang mailayo si Steffy at di makuha ng mga Dethrin at Superian baka sasabihin niyang wala itong pakialam sa anak. Pero nang makita niya kung gaano ito kalungkot kapag nakikitang nasasaktan si Steffy naglaho din ang pagdududang iyon. Siguro, sobrang taas lang ng tiwala niya sa anak. Katulad lang din sa sobrang taas ng kanyang tingin sa sarili. Para kasi kay Steffany, hindi dapat pinagtutuonan ng pansin ang mga Superian at Hanaru dahil mga Mysterian lamang sila na mas mababa pa sa mga Chamnian.

Dahil ginawa ang Mysteria para sa mga Chamnian at ginawa ang mga Mysterian para protektahan ang mga Chamnian. At kung wala ng mga Chamnian, siguradong maglalaho rin ang buong Mysteria.

Magmula noong nagagamit ng muli ni Steffy ang kapangyarihan at naramdaman ng muli ng mag-asawa ang kanyang presensya sa Chamni hindi na gaanong nag-alala si Steffany. Malakas ang tiwala nitong walang makakapanakit muli sa anak hangga't nagagamit nito ang kapangyarihan at kakayahan.

Nagsidatingan naman ang ama ni Asana na si heneral Minju at ang ama ni Sioji na inaakala nilang patay na.

"Wag po kayong mag-alala kamahalan, wala pong mangyayaring masama sa mga bata." Sabi naman ni Heneral Minju.

Si Ariston Minju ay isa sa mga Arizon Warrior na may kakayahang magtungo sa mundo ng mga tao at sa kontinente ng Chamni. Kaya lang maliban sa dalawang lugar na ito, wala na siyang iba pang lugar na mapupuntahan.

"Wag mag-alala? Papunta sila sa Celeptris tapos sasabihin mong wag mag-alala?" Alam nilang teritoryo na ngayon ng mga Dethrin ang Celeptris kaya paano sila makakapagrelaks?

"Nag-alala nga rin po ako eh." Sagot ng ama ni Sioji na si Ginoong Zenryck Zaihan.

"Ikaw? Nag-alala? Himala!" Biglang sabi ni Mirzen maalalang pumalakpak pa ang kapatid makitang nalusutan nina Sioji si Haring Yuji.

Minsan nilang naging guro sa martial arts si Haring Yuji noong kabataan nila. Palagi sila nitong nahuhuli kapag tumatakas sila sa klase at palaging napaparusahan. Madalas napapatapon sila sa secret training area ng mga Arizon.

"Hindi sa kanila. Sa mga Mysterian. Hahaha! Parang nakikita ko ng ang daming namumula sa inis, pikon at galit sa tatlong yon. Magkasundong-magkasundo kaya sila sa pagawa ng mga kalokohan." Sagot agad ni Zenryck na ikinaasim ng mukha ni Mirzen.

"Mukhang natutuwa ka talagang naglayas na naman ang anak mo ha!"

"Hindi naglayas. Namasyal. Namasyal lang kamahalan. Sayang at di ko marekord ang mga ginagawa nila para may mapapanood ako." Sagot pa nito na hindi mawala-wala ang ngiti.

Sa totoo lang natutuwa siya, dahil magmula nang dumating sina Steffy tila nabuhayan din ng loob si Sioji. Nawala na rin ang batang tila pasan palagi ang buong mundo. Umaasa rin si Zenryck na darating ang araw na magkakasama rin silang lahat. Na sana isang araw mahanap din nila ang iba pa nilang nawawalang pamilya.

"Zenryck!" Sigaw ng Emperador. Hindi niya maintindihan ang logic ng magkapatid na ito. Mas gusto nilang mabuhay mag-isa ang mga anak at matutong tumayong mag-isa. Hindi ba dapat ginagabayan ang mga bata sa kanilang paglaki?

Napatago naman si Zenryck sa likod ni Steffany.

"Kamahalan, ang panget pala ng asawa mo kapag nagagalit. Mukha na siyang lobo." Sabi ni Zenryck kay Steffany.

"Buti nalang talaga, hindi kami magkamukha. Kung nagkataong magkamukha kami, mawawalan talaga ako ng ganang mabuhay." Dagdag pa nito.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top