66: Lost City; Keeper of forbidden ability

Si Aragon naman, pinagpapawisan habang nakatingin sa crowned prince na binugbog ni Arken.

Kung tutuusin, mas malakas ang kapangyarihan ni Sioji ngunit kumpara sa karanasan, mas sanay na si Arken sa pakikipaglaban. Hindi rin takot si Arken na mamatay o pumatay na siyang naging lamang niya kay Sioji na takot mamamatay at makapatay ng hindi sinasadya.

"Kamahalan. Di mo ba talaga natatandaan kung sino yan?" Tanong ni Aragon kay Steffy.

"Bakit? Sino ba yan?" Pamilyar sa kanya ang hitsura ni Sioji pero di niya alam kung saan sila nagkita dati.

"Siya ang crowned prince ng Arizon clan. Ang crowned prince ng kahariang ito. At ang pinsan mo." Napaawang naman ang bibig ni Steffy pero agad ding itinikom. Kaya pala parang nakita na niya ang lalaking ito. Medyo magkahawig nga pala sila kapag yung tunay niyang hitsura ang ipapakita.

"Ayos lang yon. Gagamutin ko nalang siya mamaya. Bakit kasi sinaktan ang mga kaibigan ko?"

Hindi tuloy alam ni Aragon ang sasabihin. Si Arken naman, tumigil na nang mailabas lahat ng inis niya.

"Tapos ka na?" Tanong ni Steffy.

"Oo." Sagot ni Arken at pinunasan ang pawis.

"Kung ganon gamutin mo na siya." Sagot ni Steffy.

"Bakit naman?"

"Ikaw ang bumugbog kaya ikaw ang gumamot." Sagot ni Steffy.

"Ayaw ko. Binugbog din niya ako. Saka sino ba siya para gamutin ko?" Sagot ni Arken at iniharap sa ibang direksyon ang mukha.

"Pinsan ko."

Napaawang tuloy ang bibig ni Arken.

"Pi-pinsan? Eh? Bakit mo pinabugbog sa akin?"

"Nambugbog din naman siya a."

Nakangusong nilapitan muli ni Arken ang lalaking nakabaluktot sa lupa. Itinapat ang palad sa katawan ni Sioji. Isang puting liwanag anf lumabas sa kanyang palad at tumama sa katawan ni Sioji. Ilang sandali pa'y unti-unting naglaho ang mga sugat at mga pasa nito.

Nang ibukang muli ni Sioji ang mga mata, sumalubong sa kanyang paningin ang lalaking bumugbog sa kanya kaya aatakehin na sana si Arien para makaganti ngunit hindi siya makagalaw. Hindi rin niya nagagamit ang kanyang kapangyarihan. Nasanay siyang palaging kapangyarihan niya ang ginagamit sa pakikipaglaban at umaasa lamang sa kanyang kapangyarihan kaya ano ang magiging laban niya sa mga batang ito na parehong kayang makipaglaban, gamit man ang kapangyarihan o sariling lakas lamang?

Sinamaan niya ng tingin si Steffy. Alam kasi niyang may kinalaman ito sa bigla nalang di niya magagamit ang kanyang kapangyarihan.

"Pagalawin mo ako." Utos niya kay Steffy.

"Sungit mo. Ayoko nga." Sabay dila sa prinsipe na lalong ikinadilim ng mukha nito.

"Magbabayad ka sa ginawa mo. Papatayin kita." Nagngingitngit na sambit ni Sioji.

"Akala mo naman kaya mo."

"Pakawalan mo ako!" Mariing utos ni Sioji na namumula na ang mukha sa galit.

"Bakit? Inaano ba kita?" Sabay taas ni Steffy sa kanyang mga kamay.

Dumating naman si Riftan. Agad yumuko nang makita si Steffy.

"Kung maaari po sana, pakawalan niyo na po sana ang pinsan niyo kamahalan. Iyon po ang inutos ng mahal na hari." Sabi ni Riftan sa nakikiusap na tono.

Pumitik si Steffy. Nakagalaw na rin sa wakas si Sioji. Agad naman siyang tinulungan ni Riftan na makatayo.

"Ano ang sinabi mo? Pinsan ko ang lapastangang iyan?" Hindi makapaniwalang tanong ni Sioji sabay turo kay Steffy.

"Hello pinsan. Kaya naman pala ang poge mo, pinsan kasi kita. Sana naman nakuha mo lahat ng ganda ko." Nakangisi niyang tukso kay Sioji na lalong ikinadilim ng mukha nito.

Tiningnan si Steffy mula ulo hanggang paa. Wala naman siyang nakitang pagkakahawig nila ag di hamak na mas kaaya-ayang tingnan ang kanyang mukha kumpara sa babaeng kaharap.

Maputi man ito at cute pero hindi kasingganda ng mga nakakasalamuha niyang mga Chamnian. Wala man lang sa kuko. Tapos sasabihin nilang pinsan niya?

"Wala akong pinsan na kasingpanget mo." Sagot ni Sioji. Sila na tinaguriang lahi ng mga magagandang nilalang at wala pang nakakahigit sa kanilang ganda magkakaroon ng pinsang average lang ang mukha?

"Uy! Uy! Wala din akong pinsan na masungit. Saka ang init ng ulo. Saka wag mo akong laitin dahil kapag nilait mo ako, parang nilalait mo narin ang sarili mo dahil magkadugo tayo." Sagot niya saka binalingan ng tingin sina Aya at Izumi.

"Izumi, bakit hindi ka parin lumalabas diyan?" Tanong niya kay Izumi.

"Nagdidiskubre pa ako kung paano ko mapapalaki ang itim na ulap na ito. Kaya lang, mukhang ability lang yata ang nai-enhance ko at hindi ang kapangyarihang nilalabas ng iba." Sagot ni Izumi.

"Ano?" Gulat na sambit ni Sioji sa isip. Ang akala pa naman niya na kaya hindi nakakalabas si Izumi sa ginawa niyang itim na ulap dahil sa wala siyang kakayahang gawin yon. Iyon pala'y may bago siyang natuklasang abilidad?

"Aya bakit di mo pa iyan binasag?" Tanong naman ni Rujin na kanina pa pala nakatago sa likod ng isang puno.

"Hindi ko kayang basagin pero nagdidiskubre ako kung paanong di ako maaapektuhan sa lamig. Gusto ko ring malaman kung maari kaya akong manghiram ng kapangyarihan ng iba?" Sagot niya.

Kaya pala tahimik lang ito kanina iyon ay dahil nagdidiskubre pa lamang sila ng mga bagong kakayahan. Lalo tuloy namula si Sioji sa galit. Pakiramdam kasi niya naisahan na siya at napahiya pa. Tumingin ulit siya sa pinakarason ng pagkapahiya niya. Nagbago ang kulay ng kanyang buhok at mga mata. Ang dating itim na buhok ay nagiging ginto at ang mga mata ay nagiging kulay pula.

Gusto niyang atakehin si Steffy ngunit natuklasan niyang hindi na naman siya nakakagalaw.

"Gaano ba kalakas ang batang ito at nakakaya niyang pigilan ang tulad kong itinuring na pinakamalakas pangalawa sa hari at reyna ng lugar na ito?" Sambit ni Sioji sa sarili.

Muli siyang napatingin kay Steffy. Pinsan? Impostura lamang ang shidang iyan. Hindi sila dapat nagpapaloko sa mga mapanlinlang na mga Mysterian. Iyon ang nasa isip ni Sioji kaya masama parin ang mga tinging ibinibigay niya kay Steffy.

Habang si Steffy naman nagulat makita ang kulay scarlet na mga mata ni Sioji. Nagtataka siya kung bakit gumawa agad ng shield sina Aragon at Riftan.

"Kamahalan, kontrolin niyo po ang galit niyo." Nag-aalalang sambit ni Riftan.

"Kamahalan, humingi po kayo ng tawad sa pinsan niyo. Baka magiging disyerto na naman ang gubat na ito." Sabi naman ni Aragon.

Isa sa kapangyarihan ni Sioji ay ang Dark energy na tinatawag nilang black flame o flame of death na kayang humigop ng mga life force ng anumang may life energy. Mahalaman, magical beast ba kaya o mga Mysterian. At isa sa mga forbidden magic ng Mysteria dahil sa panganib na dulot nito sa mga nilalang na may buhay.

"Talaga? Nagagamit pa rin niya ang kanyang ipinagbabawal na kapangyarihan kahit na nandito  ako?" Sagot ni Steffy na ipinagtataka nina Riftan at Aragon. Saka nila napansin na kahit pinapalabas ni Sioji ang kanyang forbidden ability hindi ito lumalabas.

"Isa ka sa mga pinili?" Gulat na tanong ni Sioji. Tanging mga piniling tagapangalaga lamang ng forbidden magic and forbidden ability ang may kakayahang pigilan ang ability ng iba na may hawak na forbidden magic or forbidden ability.

"Pinili? Piniling pinaka-cute, siguro oo
."

"Pinili bilang tagapangalaga ng mga forbidden ability." Sagot naman ni Asana.

"Ewan?" Patanong na sagot ni Steffy sabay kibit ng balikat. "Ano ba kasing kaibahan ng pinili? Saka anong klaseng pinili ba ang tinutukoy ng mga to?"

"Piniling tagapangalaga, piniling tagapagbantay, at piniling tagapagligtas." Sagot ni Asana.

"Ang piniling keeper ang siyang matatawag na keeper, ruler, controller sa kapangyarihan niya at sa kapangyarihan ng iba. For example, ang keeper ng forbidden ability ay may kakayahang magbigay ng forbidden ability sa iba, ngunit may kakayahan din siyang alisin o pigilan ang forbidden ability ng iba. Siya ang pinuno sa lahat ng may mga forbidden ability."

"Kapag namatay ang isang keeper, at walang pumalit sa kanyang tungkulin, mawawalan din ng mga forbidden ability ang ibang nagtataglay nito. Kung nauubos ang nga piniling keeper mauubos din ang mga kapangyarihan sa mundo. Kapag nagsasama-sama naman ang mga keeper, wala ng makakatalo sa kanila." Pagpapatuloy ni Asana.

"Ang mga keeper ang siyang may kakayahang pumigil, komontrol, o magpalago ng isang kapangyarihan o abilidad kung saan siya nagiging keeper. Katulad nalang ng Flame keeper. Kaya niyang kontrolin at palaguin o ba kaya alisin ang fire magic sa mga fire magic user na mga Mysterian. Forbidden ability ang ginamit ng prinsipe ngunit napigilan mo, isa ka bang forbidden ability keeper? Hindi ba't isa kang Flame keeper?" Sagot ni Aragon. Sa pagkakatanda niya, kayang kontrolin ni Steffy ang iba't-ibang uri ng apoy sa Mysteria. Ngunit bakit pati ang forbidden ability ni Sioji?

Ilang sandali pa'y natanaw nilang may lumilipad na pigurang patungo sa kanilang direksyon.

"Sinong lapastangang nanggugulo sa teritoryo ko?" Sigaw ng bagong dating nang mapalapit sa gawi nila. Nakalutang ito sa hangin at nakatingin sa kanila na nasa ibaba.

"Hello po. Wag po kayong tumayo diyan sa itaas kasi po nakikita ko po yung tinatago niyo. Tumatagos po kasi ang paningin ko e." Sagot ni Steffy na napakamot pa sa noo ngunit di naman nag-iiwas ng tingin.

"Bakit po kulay yellow ang underwear niyo?" Muntik na tuloy malaglag ang hari dahil sa narinig. Hindi niya alam kung magtatago ba siya o itatanggi ang sinabi ng batang ito?

"Lapastangan! Paparusahan kita." Sabay turo ni Haring Yuji kay Steffy.

"Papaglahuin ko po iyang mahaba niyong damit, tingnan natin kung di ka ba maglakad ng naka-undies ng dilaw." Nakanguso niyang sagot.

Saka niya napansing namanawis sina Asana.

"Di mo ba ramdam ang pressure na pinakawalan niya? Para akong pumapasan ng higanteng bato." Sambit ni Asana.

"Kung ganoon, uwi na tayo. Ang daming masusungit sa lugar na ito. Ipagdadamot ba naman tong gubat na to? Teritoryo daw, di naman natin inaagaw." Agad namang nagsilapitan sa kanya ang mga kaibigan.

"Tara. Uwi na tayo. Kailangan pa nating pumunta sa Naicron Academy." Sabi naman ni Aya.

"Oo nga. Nakakasakal ang presensya ng lalaking nasa himpapawid." Sagot naman ni Izumi.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top