65: Lost City; Round two
Kumunot ang noo ni Asana makitang naglahong bigla ang mga clone ni Wolvino.
"Nang-iwan ba naman? Hoy, higanteng aso. Di pa ako tapos, bakit ka naglaho agad?" Tawag ni Asana.
"Kung kailan ginanahan na ako, saka naman naglalaho agad?" Napanguso niyang sambit. Hinanap niya ang mga kasama at naabutan si Steffy na kaharap ang isang namumutlang lalaki. Pero sa tikas at tindig maging sa hitsura sa palagay niya ngayon lang siya nakakakita ng ganito kagandang lalaki.
"Anak ka nina Seyria?" Nauutal-utal na tanong ni Aragon na nanginginig ang mga kamay at labi nang banggitin ang pangalang iyon.
"Nasaan na ang Ahas na dragon?" Nagtatakang tanong ni Asana habang hinahanap ang ahas na dragon. "Saka, ano ang ginawa mo sa kanya? Bakit siya namumutla?" Dagdag pa niya at tinuro pa ang di kilalang lalake.
"Natakot sa pangalan ni mama. Takot yatang multuhin?" Patanong na sagot ni Steffy na nakaawang parin ang bibig na nakatingala sa matangkad na lalaking kaharap. Hindi niya maiwasang malovestruck sa magandang hitsura nito.
"Ampoge niyo po. Pwede pa picture?" Tanong ni Asana sa seryosong lalaking nakatingin ngayon kay Steffy.
"Nasaan na si Seyria?" Tanong nito na nasasabik ng malaman kung nasaan na ang kapatid.
"Wag po kayong ganyan. Mukhang iiyak pa yata kayo e. Ash, may kendi ka?" Nilahad pa ang kamay kay Asana.
"Umayos ka nga. Seryoso yung tao." Sabay siko kay Steffy.
"Di yan tao, halimaw yan." Sagot naman ni Steffy. Kundi lang niya pamangkin ang batang ito baka sumabog na naman si Aragon sa galit.
"Pakiusap, sabihin mo kung nasaan si Seyria." Pagsusumamo ng dating mabangis na si Aragon.
Dumaan ang lungkot sa mga mata ni Steffy. "Hindi ko po alam. Pero nilusob kami ng mga Mizuto at magmula non hindi ako sigurado kung ano na ang nangyari sa kanila." Ang malungkot niyang sagot. Nakakuyom ang kanyang kamao habang makikitaan ng determinasyon ang kanyang mga mata. Determinasyong maging malakas at mahanap ang tunay na pamilya maging ang kinalakhang pamilya.
Dumilim ang mukha ni Aragon sa narinig. Mga Mizuto na naman. Mga Mizuto'ng walang ibang ginawa kundi ang pahirapan silang magkapatid.
Nang mapansin ang malungkot na mga mata ni Steffy gusto sana siyang lapitan ni Aragon pero sandali lang ang lungkot na yon dahil napalitan ng determinadong tingin. Hindi siya katulad ng ibang Yang clan na sinisisi si Steffy kung bakit nagkagulo ang clan nila at nagkawatak-watak. Pero hindi rin niya maiwasang maisip si Solaira na kontrolado na ngayon ng mga Dethrin. Ngunit nagpapasalamat na rin dahil sa lahat ng mga nakuha nila hindi napasama si Steffy. Dahil kung nangyari yon, sino pa ang makakatulong sa kanila?
"Ang laki mo na." Sambit ni Aragon na nakangiti. Ang dalawang babae naman nakatulala lang sa nakangiting si Aragon.
Nailang si Aragon sa mga titig nila kaya tumikhim na lamang siya. Napatingin siya kay Asana na tika tinatanong kung sino siya.
"Siya si Asana Minju." Pagpapakilala ni Steffy. "Asana, siya si Seyfran kakambal ni Mama Seyria. At ang ahas na dragon kanina."
"Hello po. Ako po si Asana." Sabi ni Asana sabay kaway kay Seyfran. "Poge pala ng ahas na iyon." Bulong niya pa kay Steffy.
"Minju?" Tanong ni Seyfran.
"Bakit po?"
"Kung ganoon ikaw ang batang iyon." Biglang sambit ni Seyfran.
Nagtataka namang napatingin sa kanya si Asana.
"Kung di mo ako maalala, ako yung nagpatakas sa inyong dalawa ng iyong ama, papunta sa mundo ng mga tao kasama ang Minju army." Sabi nito.
"Kung kayo po iyon, alam niyo ba kung buhay pa ba si Ina?" Tanong ni Asana.
Umiling si Seyfran. "Wala na kaming balita sa sinumang nasa loob ng Chamni kaya hindi ko alam." Sagot niya at napabuga ng hangin.
Bumagsak naman ang balikat ni Asana.
"Sina ina at ama kaya, nakakulong parin ba sa Chamni?" Tanong naman ni Steffy.
Tumango si Aragon. Alam niyang may inampon ang kanyang kapatid. At kasama nila ito sa mundo ng mga tao. Kasama din siya sa mga Chamnian na naglabas kay Steffy sa Chamni at siya pang nag-abot sa bata, sa kanyang kakambal.
"At dahil napadpad ako rito, maari na rin ba itong matagpuan ng mga Dethrin?" Biglang tanong ni Steffy. Saka nanlaki ang mga mata ni Aragon nang may naalala. Kung dumating si Steffy sa lugar na ito maaaring mawawala ang magic barrier na nakaharang sa lugar na ito.
"Kailangan nating makapunta sa palasyo at malaman ng kamahalan ang iyong pagdating." Agad niyang sabi.
Naalala niyang nang mapunta sa mundo ng mga tao si Steffy, nabalot ng harang ang buong kontinente ng Chamni maging ang kaharian ng Arizon. Na sa hinala niya ay may kinalaman kay Steffy.
Kaya naman pala wala siyang laban sa batang ito. Ano nga bang laban niya sa isang may tunay na dugong Arizonian? Ang tunay na ina ni Steffy ay ang nakababatang kapatid ni Seyrio at ang prinsesa ng Arizon Empire. Ang mga Arizonian ay may katumbas na lakas ng mga Chamnian.
"Alam na non. Nanonood kaya sila sa atin." Sagot ni Steffy.
Sa loob ng palasyo naman.
"Anong alam. Hindi ko pa alam." Kontra ng hari sa sinabi ni Steffy. Pinapanood parin kasi nila sina Steffy.
Kumirot bigla ang puso ni Steffy. Palatandaan na may nangyaring masama sa mga kaibigan niya.
"Kay Arken ang enerhiyang nararamdaman kong ito." Sambit niya dahil sa lakas ng kapangyarihang pinakawalan ni Arken. Kapag kasi may naglalabas ng kapangyarihan sa sino man sa kanila, mararamdaman ito nilang lima maliban kay Rujin na hindi nila nakasama sa forbidden forest.
"Asana, mukha yatang may nangyari kina Arken." Sabi ni Steffy.
"Nararamdaman ko rin." Sagot ni Asana.
"Kailangan niyo munang sumama sa akin Kamahalan." Pigil ni Aragon makitang paalis na ang dalawa.
"Mamaya nalang. Hahanapin pa namin sina Arken at iba pa." Tatakbo na sana pero tumigil at napatingin kay Aragon.
"Tama! Gusto kong sumakay sa likod mo." Sabi pa niya na abot tainga ang ngiti. Kanina lang gusto niyang mahawakan ang kaliskis nito. Kaya naisipan niyang sumakay sa likod ni Aragon.
Hindi sana papayag si Aragon pero "Sige na po." Sabay puppy eyes.
Napabuntong-hininga na lamang si Aragon at nag-anyong dragon. Agad namang sumakay ang dalawang bata sa kanyang likuran.
Balak niyang dalhin muna sa palasyo ang mga batang ito ngunit ayaw yatang makinig sa kanya ang kanyang katawan.
Lumipad siya sa pinakagitna ng isang gubat kung saan nila nararamdaman ang malakas na enerhiya.
"Bakit mo ako kinontrol?"
"Di ko naman sinasadya a. Parang ang dali kasing kontrolin ng katawan mo." Sagot naman ni Steffy.
"Anong madaling kontrolin? Wala pang may kakayahang kumuntrol sa akin kahit ang hari pa." Sagot ni Aragon.
May mga guardian beast at mga magic beast silang nakakasalubong ngunit nagsiiwasan ang mga ito na tila may kinatatakutan.
"Nandito na tayo." Pagkasabi ni Steffy sa mga katagang yon, nagiging Mysterian ulit ang katawan ni Aragon kaya ang resulta nalaglag siya pababa.
"Aaaah!" Sigaw niya at nagulat na lamang dahil nakatayo parin siya nang bumagsak sa lupa.
"Kamahalan, bakit mo binago agad ang anyo ko? Alam niyo naman pong hindi ako nakakalipad kapag nagkatawang Mysterian ako. Hindi ako katulad niyo." Pero sa halip na sagutin hindi siya pinansin.
Nakita niyang nakatingin sina Asana sa iisang direksyon.
Naglalaban ngayon sina Sioji at Arken. Kahit na ilang ulit ng tumilapon si Arken bumabangon parin ito.
Kahit si Aya na nababalot ng yelo ang buong katawan pinilit paring makawala. At nakita rin nila si Izumi na nakakulong sa itim na ulap.
"Wala na kayong magagawa kung patayin ko ang kaibigan niyong iyon. Sa tingin niyo mapipigilan niyo ulit ako?" Sioji smirked. Kanina kasi aatakehin sana niya si Steffy na nakatulala kay Aragon kaya lang hinarang siya ng tatlong ito at napa-teleport pa sila sa gawing ito para lang mailayo siya kay Steffy.
Muling naglabas ng light flame si Arken pero naglaho din agad bago pa man tumama kay Sioji. Lalo lamang nanlumo sa sarili si Arken. Bakit ba kasi ang hina niya? Bakit hindi siya katulad ng lalaking ito na may malakas na kapangyarihan? Bakit hindi siya katulad nina Rujin na isang Tiatros? Isa siyang guardian. Pero hindi man lang kayang protektahan ang mga dapat niyang iligtas. Wala siyang kwenta.
Napagtanto niyang kapag malayo si Steffy, dalawang kakayahan lang ang kaya niyang gamitin. Hindi niya nagagamit ang elementong hangin ni Asana, elementong apoy ni Aya, at elementong tubig ni Izumi. Kapag kasi nasa paligid lang si Steffy, nagagamit nila ang kapangyarihan ng bawat isa na parang kanila.
"Wala akong kwentang kaibigan." Sambit niya sa sarili.
Nagulat na lamang siya dahil may tumapik sa balikat niya.
"Steffy?"
"Bakit ka nandito? Masyado siyang malakas. Tumakas ka na." Sambit niya na halos itulak pa si Steffy palayo.
"Gusto mong gumanti?" Tanong ni Steffy.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Naguuguluhang tanong ni Arken. Alam niyang malakas si Steffy ngunit batid niyang mas malakas ang lalaking kaharap nila ngayon.
"Nandito na ako. Pwede mo na siyang bugbugin." Sabay turo sa walang imik na si Sioji.
"Pero ang lakas niya."
"Subukan mo ulit. Physical fight lang. No magic." Sabi ulit ni Steffy.
Si Sioji naman napakunot ang noo. Dahil kahit gaano karami ang natamong sugat ni Arken kanina awtomatiko itong naghihilom. Si Aya naman na dapat kanina pa nawalan ng malay dahil sa pagbalot niya ng yelo rito, parang wala namang nangyari maliban lang sa hindi magawang alisin ang katawan sa yelo. Si Izumi naman dapat kanina pa nauubusan ng lakas dahil sa itim na ulap pero hindi parin nauubusan ng lakas. At bakit kasama nina Steffy si Aragon? Si Aragon na kahit siya ayaw kausapin ni lapitan.
Inayos ni Arken ang damit at pumosisyon na.
"Round two tayo." Sabi niya pa. Nag-tsk lang si Sioji. Sino silang hamunin ang isang Arizoniang katulad niya?
Hinintay lamang niya ang paglapit ng kamao ni Arken sa kanya bago umiwas. At nagpalitan na sila ng sipa at suntok. Kaya lang hindi niya inaasahang mas mabilis si Arken sa kanya at natamaan siya sa tiyan. Tumilapon at bumagsak sa lupa. Nang subukan niyang gamitin ang kapangyarihan walang lumabas. Kaya napatingin siya kay Steffy. Hindi tuloy niya napansin ang paang patungo sa kanyang tagiliran na ikinagulong-gulong niya.
Hindi siya hinayaan ni Arken na makaganti pa. Kung kanina siya ang naglalaro kay Arken ngayon naman siya na naman itong hindi makaganti. Nakakahiya ang ganitong pangyayari sa katulad niya. Katulad niyang kilalang pangatlo sa pinakamalakas sa lugar na ito. Maliban sa lolo at lola niya wala ng kahit sino pang makakatalo sa kanya pero ngayon wala man lamang siyang laban sa Mysteriang ito na di pa nga nakokontrol ang kapangyarihan? Tinakpan na lamang niya ang kanyang mukha para di mabugbog ni Arken.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top