63: Lost City; Guardian Beast
"Isa akong Chamnian at mas malakas kumpara sa mga Mysterian na iyan." Sambit pa ni Sioji bago naglaho sa kinauupuan.
Patuloy naman sa pakikibaka sina Asana sa mga Guardian beast.
Sunod-sunod na nagpakawala ng pulang apoy ang Guardian beast na si Diragon. Si Izumi na dating di pa gaanong alam gumawa ang water shield napilitang gumawa. Pero natutunaw agad ang water shield niya sa pulang apoy.
Mabilis na gumawa ng wind shield sa anyong ipo-ipo si Asana para harangan ang pulang apoy na patungo sa kinaroroonan nila. Naramdaman nilang umiinit ang hanging nakapaligid sa kanila.
Nagkatinginan sina Aya, Asana, at Izumi. Ang kaninang wind shield ay nagiging wind arrow na may kasamang apoy at lumipad patungo sa gawi ni Diragon.
Iiwas na sana si Diragon ngunit nabalot ng yelo ang kanyang mga paa dahilan kung bakit naantala ang kanyang pag-iwas.
Napahiyaw si Diragon nang tumama ang mainit na hangin at apoy sa kanyang kaliskis. Hindi niya alam na maaapektuhan siya sa mga kapangyarihan ng mga bubuwit na ito. Nagalusan ang pinagmamalaki niyang kaliskis na uminit dahil sa matulis na apoy at hanging tumama sa kanya. Dito niya napansin na kakaiba ang apoy na meron si Aya.
"Pulang apoy ngunit bakit tila mas malakas sa apoy na taglay ko?" Sambit niya at napagpasyahan na seseryosohin na niya ang laban.
Hinampas niya ang buntot at tumama kay Asana na ikinatilapon nito palayo.
"Umalis na kayo rito. Ako ng bahala sa kanya." Sabi ni Rujin.
Nagising naman si Steffy at bumaba sa likuran ni Arken.
"Tara na!" Sabi ni Steffy pagising ng pagising niya.
"Hindi natin siya maaring iwan." Sambit ni Arken
"Kaya na niya yan. Sige Rujin ha. Talunin mo yan tapos kakarnehin natin." Sambit niya at tinapik-tapik ang balikat ni Rujin.
"Ayaw ko sa lasa niyan. Di yan masarap." Sagot ni Aya na nag-anyo pang nasusuka.
Diragon: "..." Hindi ako pagkain.
Napatingin si Steffy sa direksyong tinapunan ni Asana. Tumakbo siya palapit sa kaibigan.
"Asana, gising."
Napangiwi si Asana at dahan-dahang bumangon.
"Di ako tulog." Angal niya. Napangiwi nang maramdaman ang sakit ng katawan. Napatingin pa siya sa punong natumba dahil sa pagtama ng katawan niya dito.
"Sa palagay ko, walang limitasyon ang pagamit natin ng enerhiya sa lugar na ito kaya subukan mong alamin kung ano pa ang kaya mong gawin." Sabi ni Steffy sa kanya.
"Talaga? Paano mo nalaman?" Nakakunot ang noong tanong ni Asana. "Teka nga lang. Tulog ka kanina di ba? O nagtutulog-tulugan ka lang?"
"Di ako tulog, yung katawan ko oo. Nagising ako kanina pagdating natin dito pero mas marami akong natutuklasan kapag tulog ang katawan ko. Kaya natulog nalang ulit ako." Pansin din niyang madali nalang din sa kanya ang humiwalay sa kanyang katawan.
"Naramdaman kong sobrang lakas at daming enerhiya sa lugar na ito. Kaya lang, mas marami ang dark energy at ang pulang enerhiya kaysa sa light. Mas malakas ang destructive energy nila dito kaya hindi pwede sa katawan ng mga Mysterian. Higit sa lahat, mas marami ang Chamnian Tzi kaysa sa Mysterian Ki." Sabi ni Steffy.
"Bakit ang tagal mo namang gumising? Muntik na kaya kaming malitson ng mukhang dinasaur na iyon." Tanong ni Asana. Nakalimutan nilang may kinakalaban pa ang mga kasama.
"Nililibot ko pa ang buong paligid ng lugar na ito. At may nakita akong napakagandang lugar." Halatang excited siya habang nagkukwento.
"Kaya kung gusto mong makapunta doon, talunin mo muna iyang lobong nasa likuran mo. Magaling iyang mag-clone." Dahil sa sinabi ni Steffy napalingon si Asana sa kanyang likuran at napaupo pa sa sobrang gulat.
Isang napakalaking aso ang nakita na may mapupulang mga mata. Kasing puti ng yelo ang mahahabang balahibo.
"Meron na naman? Bakit hindi mo man lang sinabi agad sa akin agad ha?" Di pa nga nila natatalo ang isang Guardian Beast kanina tapos may bago na naman?
"Katapusan na natin!" Sambit ni Asana na gusto ng tumakbo palayo. Tiningnan si Steffy umaasang tutulongan siya ngunit nakita na lamang niya ang papalayong pigura nito.
"Uy! Ikaw lang diyan. Kaya pagbutihan mo." Sagot ni Steffy gamit ang isip.
"Langya ka Steffy, di mo man lang ako tutulungan dito? Ayaw ko pang mamatay!" Sigaw niya sa isip pero wala ng sumagot.
Inilabas niya ang kanyang espada at lumutang sa hangin.
"Mukhang totoong laban na ito." Sambit ni Asana.
"Kayo ng bahala dito." Sabi ni Steffy at lumipad patungo sa isa pang guardian beast na kanina pa nagmamasid sa kanila.
Isang Snake Dragon Guardian beast. Kulay ginto ang mga kaliskis at may ginintuang mga mata. Nakaharang ito sa daraanan nilang apat.
"Umalis na kayo. Mga 100 meters mula sa akin." Sabi niya makitang papalapit sa gawi niya sina Aya, Izumi at Arken.
"Pero Steffy." Nababahala ng sambit ni Izumi.
"Mapapahamak tayo pareho kapag malapit kayo. Dahil hindi ko maaaring tanggalin ito kapag nasa malapit kayo." Napatingin sila sa pulseras ni Steffy at agad na nagsitanguan.
Pinagmasdan lamang ni Aragon ang tatlong kabataang nagsitakbuhan palayo bago ibaba ang tingin sa munting binibining ito na nakatingala sa kanya. Hindi niya nakikitaan ng takot sa mga mata. Ang tanging nakikita niya rito ay galak at excitement habang kaharap siya?
Iiling-iling naman ang hari na nanonood sa labanan ng mga batang ito. Iniisip na wala silang pagkakaisa at pagtutulungan, makitang iniwan ng iba ang mga kasamang nakikipaglaban.
Kumunot naman ang noo ni Aragon makita ang kislap ng mga mata ni Steffy.
"Di ba ako ang pinakanakakatakot sa lahat ng mga Guardian beast sa lugar na ito?" Tanong niya sa sarili. Ang kanyang nakakatakot na presensya at nakakakilabot na gintong aura ang kinatatakutan ng mga Mysterian ngunit hindi ng batang kaharap.
Nilakasan niya ang gintong aurang nakapalibot sa kanyang katawan. Ang sinumang matatamaan nito, tiyak na kanina pa napapaluhod, ngunit kung masyadong mahina ang natamaan ng kanyang aura, tiyak na sasabog ang katawan. "Bakit hindi man lang natakot ang batang ito sa gintong aura'ng pinalabas ko? At hindi siya naaapektuhan?"
Naisipan niyang takutin si Steffy at umungol siya saka ibinuka ang kanyang bibig. Ibinaba ang mukha palapit sa mukha ni Steffy wari kakainin na ito.
Isang hagikhik ang kanyang narinig. Kaya lalong kumunot ang kanyang noo at itinigil ang paglapit sa mahahabang ngipin kay Steffy.
"Bakit di ka natakot?" Tanong niya sa nakakakilabot na tono.
"Akala ko kasi aamoyin mo lang ako. At mamamatay ka sa baho ko. Kasi tatlong araw na akong walang ligo." Sagot ni Steffy na nakangisi pa rin.
Di tuloy nakapagsalita si Aragon. Sinubukan niya ulit ibuka ang kanyang bibig habang nakatingala naman sa kanya si Steffy.
"Ang laki ng ngala-ngala mo. Parang imburnal!" Tinuro pa ang bibig ni Aragon.
"Kakainin talaga kita." Naiinis na niyang sambit. Akmang kakagatin ang lapastangang bata na mabilis namang naglaho sa kinatatayuan at lumipat sa tuktok ng kanyang ulo.
"Uy! Ahas na dragon. Wag mo naman akong kainin. Alam kong masarap ako pero hindi ka mabubusog sa patpatin kong katawan." Sabi ni Steffy habang tinapik-tapik ang ulo ni Aragon.
Aragon: "..." 'Ang lakas naman yata ng tama ng batang ito sa kanyang ulo.'
Hinampas ng kanyang buntot si Steffy, agad naman itong nakatalon pababa. Agad ding naglabas ng apoy si Aragon at muntik na nitong mahagip si Steffy. Pero mabilis siyang napatalon sa ibang direksyon.
"Pwede mo naman akong gawing tinola. Wag naman sinugba, sayang ang ganda ko." Sabi ni Steffy.
"Oo nga, ahas na dragon. Mas masarap kami kapag hindi sunog." Pasigaw na sagot ni Aya na palutang-lutang sa himpapawid habang nanonood ng laban ng kanyang mga kaibigan. Kumakain ito habang nag-i-enjoy sa panonood sa ibang abala sa pakikipaglaban.
"Bakit sa tingin ko parang pinaglalaruan lang ako ng mga batang ito?" Sambit ni Aragon sa sarili at naisip na magsi-seryoso na sa laban.
Mabilis na inapakan ni Aragon si Steffy na naiwasan din naman agad ng bata.
"Uy! Ikaw, wag mo naman akong pitpitin. Masasayang ang postura ko." Angal ni Steffy na tumalon ulit sa ibang direksyon para hindi maapakan.
Si Aya naman hinila na ni Izumi para makalayo na sila.
"Sino kayo at ano ang kailangan niyo sa sagradong lugar na ito?" Gulat na may halong galit na tanong ni Aragon.
"Hindi naman namin sinadyang mapunta dito. Saka anong sagradong lugar e tirahan kaya 'to ng mga halimaw." Katwiran ni Steffy na lalong ikinagalit ni Aragon.
"Naiintindihan mo siya? Hisss hiss lang naman ang naririnig ko." Rinig niyang sabi ni Arken sa kanyang isip.
"Ako din." Sagot naman ni Aya sa isip parin.
Kahit si Aragon ay natigilan din nang mapagtantong naiintindihan siya ng babaing ito kahit na Guardian beast language ang ginagamit niya. Bubugahan na sana niya ng frozen breath si Steffy pero hindi naituloy.
"Naiintindihan mo ako?" Gulat niyang tanong.
"Hindi siguro? Baka namali ako ng intindi." Sagot naman ni Steffy na nakakamot pa sa noo.
"Ang sinumang magti-tresspass sa sagradong lugar na ito ay mamamatay." Sabi ni Aragon para matiyak kung maiintindihan nga ba talaga siya ni Steffy.
"Ha? Bakit kailangan pa naming mamatay? Ayaw kaya namin nitong panget niyong lugar tapos dinadamot niyo pa. Sa inyo na to. Kailangan naming makaalis kaya lang di namin alam ang daan pabalik."
"Naiintindihan mo nga ako?" Muli ay gulat na tanong ni Aragon. Pero ilang sandali pa'y nagbuga siya ng yelo sa gawi ni Steffy.
Lumutang si Steffy sa hangin. At naging yelo ang lahat ng natamaan ng hanging ibinuga ni Aragon.
"Hangin, yelo at apoy. Wow! Ang dami mong kapangyarihan." Mangha niyang sambit.
Muling umatake si Aragon. Panay iwas lang din si Steffy na tila wala yatang balak umatake.
"Bakit hindi ka man lang lumalaban ha?"
"Kasi kahit atake ka ng atake wala naman akong nararamdamang killing intent mula sayo. Wala kang balak patayin ako. Mukhang gusto mo lang kaming takutin." Sagot ni Steffy na ikinatigil ni Aragon.
"Ganoon ba ako kahalata?" Sambit ni Aragon sa isip.
Ninanais niyang umalis sa lugar na ito sina Steffy sa pag-aalalang sasabog sila kapag nananatili pa sila rito. Kung nakapasok ang mga batang ito dito, natitiyak niyang maaari rin silang lumabas sa lugar na ito na walang kahirap-hirap. Hindi naman kasi kasama sina Steffy sa sumpa sa lugar na ito dahil mga outsiders naman sila.
At ang dahilan kung bakit napili nilang takutin ang mga batang ito sa halip na kausapin nalang ang balaan, gusto lang nilang alamin kung gaano kalakas ang mga batang kayang makapasok sa lugar na ito na walang kahirap-hirap. Lalo pa't inutos din sa kanila na subukan ang mga kabataang ito bago itaboy paalis.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top