62: Lost City; Arizonian Royal family
Lost City na kilala dati na Arizon's Capital. Ito ang Capital City ng Arizon Empire noon. Ngunit naglahong bigla mula sa mapa ng Mysteria. Napapaligiran din ito ng isang makapangyarihang harang na walang makakatanggal na kahit sino maliban sa naglikha nito.
Napapaligiran ang Lost City ng kagubatan at sa ibang bahagi ay malawak na karagatan. Ang kagubatan ay pinaninirahan ng makapangyarihang mga Bysterian, mga halimaw, at mga Bystre. Samantalang ang karagatan ay sagana sa mga Mysterian ore at sagana rin sa Chamnian Tzi ang tubig dagat.
Sa isang lugar malapit sa Lost City, makikita ang mga walang malay na mga kabataang nakahandusay sa lupa.
Dahan-dahang gumalaw ang mga daliri ni Arken. Ilang sandali pa'y ibinuka nito ang mga mata. Sumalubong sa kanyang mukha ang pang-upo ng kung sino kaya tinulak niya ito palayo sa kanya.
Nagising naman si Rujin dahil sa pwersang tumulak sa kanya.
"Aray naman. Ang sakit ng ulo ko." Rinig nilang sambit ni Aya na nakahawak sa ulo saka dahan-dahang bumangon.
Si Asana naman agad na sinuri kung ayos lang ba si Steffy bago inilibot ang paningin sa paligid.
Isang malawak na dagat ang sumalubong sa kanilang paningin. Napansin nilang nasa dalampasigan sila ng napakalawak na dagat.
"Anong lugar to?" Tanong ni Arken habang tinitingnan ang kumikislap na alon na humahampas sa dalampasigan.
"Kung hindi ako nagkakamali, nasa Lost City tayo."Sagot ni Rujin. Sa lahat ng ayaw niyang mapuntahan ay ang Lost City.
Dahil ayon sa turo sa kanila sa paaralan, sa Lost City nakatira ang halos lahat ng mga napakalakas na mga magic beast at mga Guardian Beast. Ano bang laban ng mga tulad nilang hindi pa kontrolado ang mga kakayahan at kapangyarihan? Marami na siyang naririnig tungkol sa lugar na ito. At wala pa raw'ng makakalabas sa sinumang makakapasok sa lugar na ito. Wala narin silang balita sa kanila. Maaring buhay pa sila at posible ring patay na. Kaya takot si Rujin na maligaw sa lugar na ito.
"Paano ka nakakasiguro?" Tanong ni Asana.
Yumuko si Rujin at dumampot ng isang piraso ng maliit na bato.
"Pansin niyo ba ang puting aurang nakapaligid sa batong ito?" Tanong niya. Saka nila napansin na nababalot ng mga aura ang mga batong nakikita nila. Maliliit man o malalaki.
"Mga Mysterian ore ang mga ito." Sambit ni Rujin.
"Talaga? E di mangunguha tayo." Sambit ni Aya, sabay dampot ng ilang piraso ng mga bato.
"Huwag!" Pigil ni Rujin at inagaw kay Aya ang mga batong pinulot nito.
"Bakit naman? Sayang ang mga to." Nagtatakang sambit ni Aya.
"May mga may-ari ang mga iyan. Tiyak na mapaparusahan tayo kapag nakita tayo ng Guardian. Higit sa lahat, parang may mali sa mga Mysterian ore na ito." Sagot ni Rujin habang palinga-linga sa paligid.
"Tama si Rujin. Narinig kong hindi maaaring pakialaman ang mga bagay na pinagmamay-ari ng mga Arizonian, kung ayaw nating maparusahan ng mga Guardian. At mukhang kakaiba nga ang Mysterian ore na ito. Hindi ko lang matukoy kung anong mali dito pero kakaiba ang enerhiyang nararamdaman ko sa Mysterian ore na ito." Sagot ni Asana.
Naalala nila si Gurdina na Guardian ng Iceria or forbidden forest. Kadalasan sa mga ipinagbabawal na lugar ay may malalakas na mga guardian. Kaya imposibleng walang guardian ang lugar na ito kung may maraming Mysterian ore sa paligid.
"Sa lahat ng mga lugar na ayaw kong mapuntahan ay ang Lost City." Nanghihinang sambit ni Rujin.
"Bakit naman?" Tanong ni Izumi.
"Narinig ko kasing wala pang kahit sino ang nakakalabas sa sinumang naliligaw sa lugar na ito. Na kahit ang headmistress at headmaster ng Naicron ay di na rin nakalabas nang mapasok sila sa lugar na ito." Sagot ni Rujin.
Ilang sandali pa'y napatingin sila kay Steffy na tulog pa rin hanggang ngayon.
"Si Steffy, hindi parin nagigising." Sabi ni Asana.
Binuhat na lamang ni Arken si Steffy saka sila nagsimula ng maglakad patungo sa nakikita nilang gubat.
"Ang sinumang nagti-tresspass sa palasyo ng founder ng Naicron Academy mapupunta sa lugar na ito at wala pang ni isa sa mga napapadpad dito ang nakakabalik. Na sa hinala namin maaaring patay na o ba kaya hindi lang nila alam kung paano makabalik." Sabi ulit ni Rujin.
Ilang oras na rin silang naglalakad pero wala parin silang nakitang ni isang halaman o nilalang sa paligid. Malawak na disyerto lamang ang nakikita nila. Naglalakihang mga bato at ang mga ash gray na mga buhangin.
"Parang ilang oras na tayo naglalakad a. Bakit hindi parin tayo nalalayo sa dagat?" Nagtatakang sambit ni Izumi.
Nakikita nila ang gubat sa unahan ngunit kahit anong lakad nila, tila wala namang nagbabago sa kanilang paligid.
"Hindi kaya, napasok tayo sa ilusyon?" Nakakunot ang noong sambit ni Asana.
Dagat, disyerto at gubat. Nasa gitna sila ng disyerto pero naririnig pa rin nila ang hampas ng alon mula sa dagat at tila napakalapit pa rin nila sa dagat samantalang kanina pa sila naglalakad.
"Parang." Sagot din ni Arken. "Mukha kasing mas lumalawak pa ang distansya natin sa nakikita nating gubat.
Nagpatuloy sila sa paglalakad ngunit kahit anong gawin nila hindi parin sila nalalayo sa dalampasigan.
"Totoo kaya ang dagat na yan o salamin lang?" Tanong ni Rujin at pumulot ng maliit na bato saka tinapon sa dagat. Pero bumalik ang maliit na bato sa kanya at tumama sa kanyang noo.
"Aray naman." Sambit na lamang niya na napapaatras pa ng ilang hakbang habang nakahawak sa kanyang noo.
Nagsimula namang naglakad si Asana palapit sa dagat kaso kahit anong lakad niya hindi rin niya nararating ang tubig.
"Paano na yan?" Nabahala ng tanong ni Aya.
"May naisip ako. Gusto kong subukan." Sabi ni Asana.
***
Sa isang lugar naman, may mga imaheng lumilitaw sa bulwagan mismo ng isang magarang palasyo.
"Mga bata lamang sila. Pero paano sila napadpad sa lugar na ito?" Tanong ng isang lalakeng may magarang kasuotan at may gintong korona sa ulo. Nakaupo siya ngayon sa isang upuang gawa sa mga mamahaling bato.
Sa gilid ay ang kanyang reyna na walang ekspresyon ang mukhang nakatingin sa mga kabataang bigla nalang lumitaw sa kanilang hangganan.
"Nakakapagtataka lang po kamahalan. Hindi po napapansin ng mga bata na dalawang araw na sila sa loob ng illusion spell pero hindi po sila nanghihina ni nagugutom." Sabi ng isang babaeng katabi ng reyna.
"At, hindi po sila nanghina kahit Chamnian energy ang nasasagap nila. Mas malakas po ang enerhiya ng Chamnian Tzi kumpara sa Mysterian Ki kaya hindi nakakayanan ng mga Mysterian ang sumagap ng enerhiyang galing sa Chamni. Kahit mga batang Chamnian nga sumasabog kapag hindi kinaya ng kanilang katawan ang enerhiya galing sa lugar na iyan. Kaya paanong hindi napano ang mga kabataang iyan?" Sabi naman ng lalakeng kanang kamay ng hari.
Nakita nilang gumawa si Asana ng portal sa loob ng illusion spell at nakalabas sila sa illusion spell na iyon.
"Ang mga batang ito, hindi pangkaraniwan." Sambit ng reyna.
"Ipadala sina Wolvino, Aragon at Diragon at huwag hahayaang makapasok dito ang mga batang yan." Utos ng hari sa malamig na tono.
Sa lugar na ito, bawal ang mahina. Kaya ang mga mahihina na hindi kayang talunin ang mga City guardian, ay hindi rin maaaring pumasok sa teritoryo na ito.
"Buti nalang talaga Asana, alam mo kung paano makawala sa illusion spell. Baka habang buhay na sana tayong makukulong dito." Sabi ni Izumi.
"Hindi ko naman alam na maari palang gumamit ng portal sa illusion spell nila dito. Nakakapagtataka nga e." Sambit din ni Asana.
Wala na ang malawak na disyerto na nakikita nila kanina maging ang malawak na dagat. Ang alam lang nila, nasa kakahoyan na sila ngayon.
Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng mga yabag. Nakita nilang natigilan si Arken at namutla habang nakatingin sa isang direksyon. Sinundan nila ng tingin ang tinitingnan niya at napasinghap sila sa nakita.
Isang halimaw na may katawang dinosaur ngunit ang ulo katulad sa dragon. May matutulis na mga spike sa likuran hanggang buntot at may kulay pulang pakpak. May mga pulang kaliskis din ito at kumikinang ng masinagan ng araw.
"Ang ganda ng kaliskis niya!" Manghang sambit ni Arken.
"Isa iyang Guardian beast kaya..." Sambit ni Rujin na umaatras.
"Takbo na!" Sigaw ni Rujin makita ang pulang apoy na patungo sa gawi nila galing mismo sa bibig ng halimaw. Nagiging abo ang bawat nadadaanan ng apoy.
"Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya nila." Sabi ng hari na nakakakilabot na ngiti sa labi.
"Hindi ba parang napasobra na yata kayo?" Mahinang tanong ni Riya na alalay ng Reyna. Sinamaan siya ng tingin ng reyna.
"Paano sila matatawag na pinili kung sobrang hina nila?" Sagot niya.
Sa isang gilid naman ay isang fifteen years old na lalake na may itim na mga mata ang nakatingin sa mga eksena na nakalitaw sa tapat nila. Para lamang silang nanonood ng Sine kaya lang hindi white sheet o white cloth o ba kaya white wall ang gamit kundi red lights. Sa loob ng red lights na yon makikita ang mga kilos nina Asana.
Masyadong cold ang lalakeng ito. Hindi rin nagsasalita at walang pakialam sa kanyang paligid. Para sa kanya lahat ng mga Mysterian o Chamnian, mahihina. Kaya naiinip niyang pinagmamasdan ang grupo ni Steffy na hinahabol ngayon ni Diragon.
"Katulad ng iba, mapupunta din ang mga iyan sa abandonadong kalupaan." Sambit niya pa.
Ang sinumang mga Mysterian na naliligaw sa lugar na ito at natatalo ng mga Guardian beast ay ipinapadala aa sa abandoned land.
Habang nagmumuni-muni, bigla na lamang may sumigaw sa kanyang isip.
"Huy!" Biglang napahawak sa ulo si Sioji at hinanap kung sino ang sumigaw sa kanyang isip.
"Bakit palage mo na lang kaming pinapanood ha? Stalker ka ba?" Sigaw muli ng kung sino. Kaya napalingon-lingon siya sa paligid.
"Idol mo kami ano?" Tukso ng boses.
"Sino ka! Lumabas ka!" Sigaw niya kaya napatingin ang lahat sa kanyang direksyon.
"May problema ba, Sioji?" Tanong ng reyna sa kanya.
Hinanap ni Sioji ang nagsalita pero wala namang ibang nilalang maliban sa kanilang lima sa bulwagang ito. Napatingin siya sa mga kabataan na pinapanood nila. At napatingin sa direksyon ni Steffy na pasan-pasan pa rin ngayon ni Arken at tulog.
"Imposibleng siya?" Sabay tingin sa mahal na reyna.
"Kamahalan. May sumigaw po kasi sa aking isip kanina. Kaya paumanhin po sa aking inasal." Sabi niya at yumuko ng ninety degree.
Lahat sila napatingin sa misteryosong kabataan. Sa kanilang anim, hindi nila alam kung sino sa kanila ang may kakayahang kausapin ang sinumang Mysteriang nasa loob ng syudad na ito. Na hindi naaapektuhan ng harang maging sa distansiya.
"Kapag talaga di niyo aalisin ang mga halimaw na ito, iihawin ko silang lahat." Banta muli ng boses. "Mukha pa naman silang malaman."
Napangiwi si Sioji sa narinig. Amg dakilang mga Arizonian Guardian, balak ihawin ng boses batang nagsasalita sa kanyang utak?
"Bakit ako kinakausap mo? Bakit hindi ang nag-utos sa halimaw na iyan?" Sagot ni Sioji sa isip.
"Kasi ikaw lang ang pinakapanget sa kanila." Sumamang lalo ang tingin ni Sioji sa mga kabataang kinakalaban ngayon si Diragon.
"Lolo. Pwede ko bang patayin ang mga lapastangang ito?" Ganyan siya kapag naiinis. Hindi na niya tatawaging kamahalan ang hari at reyna.
"Sige lang apo." Sagot naman ng reyna.
"Pero kamahalan." Nag-aalalang sabi ni Riya.
"Wag kang mag-alala. Alam kong di naman niya matatalo ang mga yon." Lalo namang dumilim ang paligid ni Sioji sa narinig. Kaya pinangako niyang hinding-hindi siya babalik hangga't hindi niya matatalo ang mga walangyang mga Mysteriang ito.
"Ako? Panget? Mahina?" Naikuyom niya ang kamao. Ito na yata ang unang pagkakataon na nilait na nga siya, at nasabihan pa ng kanyang lolo na hindi matatalo ang mga kabataang naligaw sa kanilang teritoryo.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top