61: Lost City

Iiling-iling si Asana makitang nakatulog na naman si Steffy. Iniisip kung saang lupalop ng mundo na naman ba napadpad ang kaluluwa nito. Kumunot ang noo makita ang walang malay na si Rujin.

"Anong gagawin natin sa dalawang ito?" Tanong ni Aya habang tinutusok ng kanyang isang daliri ang pisngi ni Steffy.

"Hindi iyan magigising kahit ano pang gawin natin." Sambit ni Asana.

"Ako na ang bahala kay Steffy." Sabi ni Arken. Lumabas siya at nagpatulong kay Aya na pasampahin sa kanyang likuran si Steffy.

Ginigising naman nina Izumi at Asana si Rujin ngunit kahit anong yugyog nila rito, ayaw paring magising.

Makitang hindi pa rin nagigising si Rujin, nilapitan ito ni Aya.

"Ako ang bahala. Magigising siya panigurado."

"Bubuhusan mo ng tubig?" Tanong ni Izumi.

Umiling si Aya at niyugyog si Rujin.

"Hoy! Kapag hindi ka pa babangon diyan susunugin ko ang buhok mo." Banta naman ni Aya pero hindi parin gumagalaw si Rujin.

Sumulyap siya sa labas ng bintana sabay tingin kay Izumi. Naintindihan naman agad ni Izumi ang binabalak niya kaya hinawakan ni Izumi ang mga paa ni Rujin habang hinawakan naman ni Aya ang mga kamay nito.

Hinila nila palabas ng sasakyan si Rujin at binuhat palapit sa dulo ng gusali.

Natanaw nila ang iilang mga kawal sa ibaba ng kanilang kinaroroonan.

"Ang dami naman yatang kawal sa paligid ng gusaling ito." Sambit ni Aya.

Kumunot naman ang noo ni Asana makarinig ng mga yabag na paakyat sa kanilang kinaroroonan.

"Mukhang may mga paparating sa gawi natin. Hindi kaya forbidden area itong napuntahan natin?" Sambit naman ni Arken.

"Pagbilang ko ng tatlo, itatapon natin siya pababa." Pananakot ni Aya dahil ayaw pa ring idilat ni Rujin ang mga mata. "Isa, dalawa, tatl-" Dinuduyan nila si Rujin para itapon.

"Ito na babangon na! Babangon na." Natarantang sambit ni Rujin na mabilis na bumangon at nagmamadaling tumakbo at nagtago sa likuran ni Asana habang sinasamaan ng tingin sina Aya at Izumi.

Si Asana naman napapailing. Parang kahapon lang, isang mahinhin at mahiyain si Izumi. Si Aya naman, hindi naman ito kasing sadista ngayon. Mukha yatang nahawaan na sila sa ugali ng makulit at isip batang si Steffy. Dagdagan pa ng mas isipbatang si Rujin, mukhang si Arken na lamang yata ang medyo mature mag-isip at seryoso sa kanila. Hiniling ni Asana na sana lang naman at hindi mahawaan si Arken sa mga kalokahan ng mga kaibigan.

"Papatayin niyo ba ako?" Sigaw ni Rujin sa dalawa.

"Ayaw mong kumilos e." Sagot naman ni Aya.

Ilang sandali pa'y naramdaman nilang papalakas yata ang ihip ng hangin. Lalo namang namutla si Rujin.

"Wag naman sana. Wag naman sana." Paulit-ulit niyang dasal pero nanlaki ang mga mata dahil sa isang malaking vortex na nabuo sa itaas ng kanilang kinaroroonan. Napatingala sila sa langit at nakita ang papalaki ng papalaking vortex na tila isang umiikot na hangin ngunit may maliwanag na butas sa gitna nito.

Gusto man ni Asana at Izumi na kontrolin ang hangin o gamitin ang mga kapangyarihan nila pero walang nangyari. Wala rin silang makakapitan para hindi mahigop ng hangin papasok sa puting butas na likha ng vortex na ito.

"Magteleport na lamang tayo." Sabi ni Arken na nahihirapan ng panatilihin ang mga paa sa sahig.

"Hindi natin magagamit ang anumang kapangyarihan natin." Lalo lamang silang nawalan ng pag-asa sa sagot ni Rujin.

"Nasa tuktok tayo ng Arizonian forbidden palace at walang kahit sinumang nakakagamit ng kapangyarihan sa lugar na ito, maliban sa mga Arizonian." Pasigaw na sagot ni Rujin dahil halos tangayin ng hangin ang kanyang boses.

Gusto nilang tumakbo o bumaba ngunit nahihirapan silang ihakbang ang mga paa at kung itaas pa nila ang isa ay tiyak na matatangay na sila.

Nakita nilang hindi naapektuhan ang sasakyan sa malakas na hangin kaya tumakbo si Aya para humawak rito, ganoon na rin ang iba ngunit tinangay na sila ng hangin paitaas.

"Aaaaah! Rujin! Kasalanan mo to!" Sigaw ni Aya bago pa man mapasok sa vortex.

Lahat sila inisip na ito na ang katapusan nila. Hindi man lang sila nakakapaghiganti. Gusto pa nilang magiging malakas at makapaghiganti. Pero hindi na mangyayari iyon dahil ito na ang kanilang katapusan.

Patuloy sila sa pagsigaw habang ramdam nila ang mga katawan na patuloy na nagpaikot-ikot paitaas. Iniisip nilang mas malala pa ito ng sandaang ulit, ang pag-ikot na ito sa nangyari sa kanila sa loob ng sasakyan ni Rujin kanina.

"Kaya siguro kami nagpaikot-ikot kanina, para masanay sa paparating na tunay na ganitong uri unos. Isang whirlwind trial ba to? Isang pagsubok para makapasok kami sa Naicron Academy?" Sambit ni Asana sa isip habang nakapikit ang mga mata. Ramdam niya ang malakas na hangin na humahampas sa kanyang mga balat. At kung hindi lang siya malakas, tiyak na kanina pa siya nagkasugat.

Matapos ang hindi na nila alam kung ilang oras na pag-ikot, naramdaman na naman nila na wari bumubulusok sila pababa at bumagsak. Saka sila sabay na nawalan ng malay.

Sa Naicron Academy naman, nababahala ang mga guro lalo na si Arshi Bia.

"Sigurado ka bang iyon ang gawang sasakyang panghimpapawid ni Rujin?" Tanong muli ng council elder kay Arshi Bia.

"Sigurado po ako." Labis na nag-alalang sagot ni Arshi Bia.

"Nakakapagtataka. Hindi pa kailanman nabubuksang muli ang lagusan patungo sa Lost City pero bakit nabuksan ito?" Sabi naman ng isa sa mga guro ng Naicron Academy.

"Ano ang ibig mong sabihin Arshi Luimero?" Tanong ni Arshi Bia.

"Ang vortex na iyon ang magdadala sa sinuman patungo sa lost City. Ngunit lilitaw lang ang vortex kapag nasa paligid lang ang headmaster at headmistress. Pero nakakulong din sila sa lost city ngayon kaya paanong lumitaw ulit ang vortex na ito?" Tanong ni Luimero.

"Maliban lang kung...." Nagdadalawang-isip na sambit ng council elder.

"Kung ano? Elder Ji?" Tanong ni Arshi Bia.

"Maliban lang kung kasama ni Rujin ang nawawalang apo ng headmaster." Sagot nito. Kaya naisip ni Arshi Bia na baka kasama ni Rujin ang batang kumausap rito gamit ang isip na hindi naaapektuhan sa mga harang, maging sa distansiya nila mula sa Norzian Capital City.

Natuwa man sila dahil natagpuan na ang apo ng headmaster pero naglaho rin ang tuwang iyon dahil siguradong makukulong na rin ito sa loob ng Lost City katulad sa mga lolo at lola niya at sa iba pang mga Arizonian.

Matagal na nilang hinahanap ang apo ng headmaster para mailigtas ang headmaster at ang asawa nito sa loob ng Lost City pero hindi nila inaasahang bago pa man nila ito makilala, makukulong na rin pala ito sa loob katulad sa mga lolo't lola niya?

"Pahina na ng pahina ang harang sa paligid ng Naicron Academy. Hindi magtatagal matutunton na tayo ng mga Mysterian. At kung sa mga oras na yon hindi parin makakabalik ang headmaster at headmistress, siguradong magugulo na naman ang buhay natin. At hindi na natin mapoprotektahan ang mga kabataang may lahing Chamnian. At ang mga batang pinili." Napatingala na lamang si Luimero sa langit.

Hindi na niya nabibilang ang mga araw magmula nong iwan niya sina Asana at Seyriel sa Ifratus. At ngayon, mag-iisang taon na rin siyang nagtuturo at gumagawa ng misyon sa paaralang ito. Kundi lang nakulong sa lost city ang master niya na siyang headmaster sa paaralang ito, hindi sana niya maiiwan ang mga bata.

Inaakala kasi niyang makakabalik agad siya pero isang buwan magmula nong pag-alis niya nagpadala siya ng mga tauhan para samahan sina Asana at Seyriel sa Ifratus at dalhin sa Naicron Academy. Pero wala na ang mga bata ni anino ng kanyang tahanan hindi na nila matagpuan.

Pero dahil wala paring balita kina Feyu, Feyn at Feru, sigurado siyang ligtas ang mga batang iyon. Kaya lang hindi niya alam kung saan sila hahanapin.

Ang totoo kasi, palaging nakasunod ang tatlo kina Asana kahit saan sila nagpupunta.

Pero naglaho agad ang pag-asa ni Luimero dahil dumating ang tatlo sa Naicron Academy. Sa kanyang opisina mismo.

"Anong ginagawa niyong tatlo dito? Nasaan sina Seyriel at Asana?" Tanong niya habang tinitingnan ang pintuan, umaasang papasok ang mga bata.

"Sila ang sakay sa wirdong sasakyang iyon at ...." Sagot ni Feyn pero napatigil dahil nakita niyang sobrang sama ng tingin ni Luimero sa kanya.

Namutla si Luimero sa narinig. At sinamaan ng tingin sina Feru.

"Bakit mo sila hinahayaang mapunta sa palasyo at madala ng vortex?" Tanong ni Luimero na kinokontrol ang galit.

"Hinahanap ka nila, pero di ba, hinahanap rin nila ang kanilang pamilya? Malay natin baka magkikita pa sila sa lugar na iyon?" Sagot agad ni Feyu.

"Nahihirapan kaming sundan sila dahil bigla-bigla na lang silang susulpot at naglalaho." Sagot naman ni Feyn.

Nakakamot naman ng ilong na humingi ng paumanhin si Feru.

Huminga ng ilang ulit si Luimero at halos gusto ng tadyakan ang tatlo dahil hindi nila nagampanan ng maayos ang trabaho.

"Alam niyo ba kung gaano ka panganib mula pa noon ang Lost City? Ni hindi natin alam kung ano na ang sitwasyon roon sa pagkakangayon." Sambit ni Luimero. Nagsisisi kung bakit iniwan niya sina Asana at Seyriel.

"Natanggal na ang Chamnian seal sa katawan ni Seyriel. Higit sa lahat, hindi siya maaapektuahan sa mga harang kapag gustuhin niya. Kaya hindi imposibleng hindi siya makakalabas sa Lost City basta ba gugustuhin niya."  Sabi ni Feru. Napahinga sila ng maluwag makitang kumalma si Luimero.

"At iyon lang din ang tanging paraan para hindi siya makuha ng mga Hanaru. Alam na nilang isa siya sa mga pinili at siguradong matutunton ng mga Hanaru ang Naicron Academy kung nandito siya." Paliwanag naman ni Feyn.

"Hindi pa niya kontrolado ang kanyang kapangyarihan, lalo na ang mga kaibigan niya. At mas mabuting nasa Lost City sila para kontrolado na nila ang kanilang kapangyarihan paglabas nila." Sagot ni Feru.

Natahimik silang lahat dahil tama naman si Feru. May mga magical device ang mga Hanaru, Dethrin at mga Superian para matunton kung nasaan ang isang pinili. Kaya kapag malaman nilang nasa direksyong ito ng Naicron Mountain ang mga pinili, siguradong gagawin nila ang lahat para matagpuan ito at posible pang matunton din nila ang Naicron Academy na ayaw na sanang mapasama sa gulo ng mga Mysterian. Lalo pa't nasa Lost City ang halos lahat sa mga malalakas at makapangyarihang mga Naicronian.

Hindi nila alam kung gaano na kalakas ang mga Mysterian ngayon lalo na ang mga Dethrin kaya mas mainam na hindi nila kakalabanin ang mga ito ng harap-harapan. Lalo pa't hindi pa nakakabalik ang mga Arizonian.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top