59: Poisonous dew
"Paano tayo makakapunta sa Naicron City nito?" Tanong ni Izumi kay Rujin.
"Wag kayong mag-alala, may sekreto kaming lagusan." Sagot ni Rujin.
Dinala ni Rujin sina Steffy sa sekreto nilang daanan na tanging mga Naicronian lamang ang nakakaalam.
Pinagmasdan nina Steffy ang nagtatayugang mga puno sa paligid. Habang pinapakiramdaman ang kakaibang simoy ng hangin. Saka napansin ang mga punong malapit ng malanta. Nagkukulay brown na ang mga ito at ang iba naninilaw na ang mga dahon at sanga nito. May iba ring tuyo o ba kaya patay na ang mga sanga.
"Ibang-iba sa malalagong halaman at mga punong nadaanan natin kahapon." Sambit ni Arken habang pinagmamasdan ang mga halamang nadadaanan nila.
"Yung hangin sa gawing ito, parang may mali. Saka yang mga puno at mga halaman, kung sa tao pa unti-unti ng namamatay na hindi gaanong napapansin." Sambit naman ni Izumi.
"Akala ko ako lang ang nakapansin. Pero para talagang kakaiba ang hangin sa lugar na ito." Sagot naman ni Asana.
"Wala naman akong napansing kakaiba sa hangin o kung may nagbago ba sa paligid nitong gubat." Sagot naman ni Rujin na nasanay na sa
"Lason. May lason ang hangin. Pero kunti lang. At hindi madaling mapapansin ang epekto nito sa katawan dahil kunti lang ito. Pero ang lasong ito ay katulad sa ulan sa Norzian. Hundred times nga lang ang bisa nong ulan kumpara rito." Sabi ni Steffy at lumapit sa isang bulaklak na may naipong tubig sa mga talulot nito.
"Tingnan niyo, malinaw ang tubig ngunit kapag nainom o napasok sa katawan ng kahit sino, maari silang magkasakit o ba kaya mamamatay." Binuhos niya ang tubig sa palad.
"Bakit mo nilagay sa iyong palad? Baka mapahamak ka?" Nag-alalang tanong ni Rujin.
"Mag-iipon tayo ng maraming ganito at ihalo sa mga weapon natin." Kumuha ng maliit na bote na nakita sa spatial ring na galing kay Zyfer at nilagay doon ang nakuhang tubig galing sa bulaklak.
"Ano? Paano kung malalason kayo?" Tanong ni Rujin.
"Takot ang lason sa kakyutan ko Aya kaya wag ka ng mag-alala." Biro ni Steffy sabay tawa.
"Mukhang may mali nga sa hangin ngayon. Kapit kayo sa akin baka tangayin kayo sa lakas ng hanging Steffy sa paligid." Sagot naman ni Asana at nag-anyo pang matatangay nga ng hangin habang nakahawak sa braso ni Arken.
"Kung kailangan mo ng maraming lason dapat dinamihan mo nalang ang kinuha mo sa lasong galing sa lawa." Sagot naman ni Arken.
"Magkaiba ang epekto ng lasong mula sa lawa at sa lasong mula sa mga halamang ito." Sagot ni Steffy habang pinapasok sa isang garapon ang mga tubig na nakukuha mula sa talulot ng mga bulaklak at sa dahon ng mga halaman.
Napabuntong-hininga na lamang si Steffy mapansing wala na silang mapaglalagyan ng mga naipon nilang poisonous dew.
Nagpatuloy na sila sa biyahe hanggang sa marating nila ang pinakagitna ng Naicron Mountain.
Nababalot ng mga white fog ang buong paligid kaya hindi na halos makita ang mga halamang nakapaligid sa kanila.
"Rujin. Bakit di ka nalang gumamit ng teleportation stone nang makarating agad tayo sa paaralan niyo?" Tanong ni Steffy na tinatamad ng maglakad. Kanina pa kasi sila naglalakad.
"Hindi gumagana ang anumang mga special ability sa gubat na ito. Hindi rin gumagana ang mga magic artifacts." Sagot ni Rujin.
"Hinding-hindi rin matatagpuan ang lugar na ito kapag nasa himpapawid kaya nakakabuting maglakad paakyat sa gawing ito." Dagdag pa nito.
Sinubukan ni Asana ang magteleport at wala ngang nangyari. Kaya nagpatuloy na lamang sila sa paglakad hanggang sa makarating sa tuktok ng isang bangil.
"Alin ang paaralan niyo diyan e bangil naman to." Nakakunot ang noo na tanong ni Aya.
Nagtataka ring tiningnan nina Arken, Asana, at Izumi si Rujin. Pero sabay na napasigaw makitang dire-diretsong naglakad si Steffy at malalaglag ito sa matayog na bangil.
"Steffy! Anong ginagawa mo? Magpapakamatay ka ba?" Gulat na tanong ni Asana na biglang hinila si Steffy para di malaglag.
"Ha? Anong magpapakanatay? Di mo ba kita ang daan papunta sa puting higanteng gate?" Nagtatakang tanong ni Steffy.
"Gate? Alin ang gate diyan e bangil lang naman ang nakikita ko ni di ko nga makita yung kabila sa kapal ng ulap?" Naguguluhang tanong ni Asana at lumingon na sa nakatulalang si Rujin.
"Rujin! Magpaliwanag ka nga!" Natauhan naman si Rujin na naguguluhan ding nakatingin kay Steffy.
"Hindi nakikita ng sinumang mga hindi pa Naicronian ang tarangkahan patungong Naicron City. Kaya paanong nakita mo?" Nagtatakang tanong niya kay Steffy.
"Kung ganon, nandirito nga ang Naicron City kaya lang hindi namin makita? Kaya pala hindi nahanap nina Aji Izu ang paaralang ito noong minsang hinanap nila ito." Sabi ni Izumi. Pero nang maalala ang nakatatandang kapatid na lalaki, muling sumilay ang lungkot sa mga mata.
Si Steffy naman hindi pinansin ang tanong ni Rujin at nauna ng maglakad. Sa pagkakataong ito, hindi na siya pinigilan ni Asana na halatang malalim ang iniisip. Ang alam lang kasi ni Asana, tungkulin ng pamilya nila ang bantayan si Steffy. At kung ano man ang dahilan ay hindi niya alam. Ngunit natitiyak niyang may higit pa sa katauhan ni Steffy na hindi nila alam.
Ikinumpas ni Rujin ang mga kamay. At ang dating bangil na nakikita nila ay naglaho na. Napalitan ito ng magandang hardin na may puting kalsada sa gitna. Sa di kalayuan nakikita nila ang napakalaking gate kung saan ngayon nakatayo si Steffy habang sinusuri ang mga simbolong nakaukit sa gate.
"Tayo na." Yaya ni Rujin na nauna ng maglakad. Nagsisunuran naman silang lahat.
Napatigil si Rujin sa paglakad makitang bumukas ang gate kahit hindi pa niya ito binubuksan. Bumubukas lamang ito kapag nilalagay ng mga Naicronian ang kanilang mga palad sa alinman sa apat na simbolong nakaukit sa gate pero bumukas ito kahit wala pa siyang ginawa. Saka niya nakita ang palad ni Steffy na nakalagay sa isang simbolo ng mga Chamnian. Isang espada na kulay pula na parang nag-aalab na apoy. Ang hawakan nito ay parang ulo ng ibon na may kulay blue na mga mata. At may puting tiara pa sa tuktok. Nakatusok ang espada pababa sa dalawang higanteng pakpak kaya nagmukhang may pakpak ang espada. Sa matulis na dulo nito ang dalawang mga kamay. Ang isa, parang itim na anino ang isa naman ay parang puting liwanag na parehong gustong abutin ang espada.
"Alam mo Rujin, pamilyar ang espadang to. Akala ko dinikit lang siya dito kaya hinawakan ko. Inukit lang pala." Disappointed na sabi ni Steffy.
"Paano mo nabuksan?" Gulat na tanong ni Rujin kay Steffy.
"Di ko binuksan. Kusa siyang bumukas. Muntik pa nga akong masubsob sa lupa kanina." Sagot ni Steffy na nakatingin ulit sa inukit na espada.
"Iyan ang espada ng dating pinuno ng Chamnian. At ang siyang tinaguriang ninuno ng Mysteria. Sabihin nalang natin na siya ang founder ng Mysteria." Sagot ni Rujin sabay turo sa dalawang nagka-krus na espadang nakatusok sa dalawang pakpak.
"Nasaan na ang espada?" Tanong ni Aya.
"Nasa Wynx empire." Sagot ni Rujin. "Ang Wynx Empire ang nangangalaga sa mga pinakamahahalagang bagay sa Mysteria."
Napatingin naman si Arken sa isa pang espada na nakaukit sa may gate. May tila kidlat ang nakapaligid sa nasabing espada.
"Parang nakita ko na ang espadang ito? Katulad sa nabasa kong libro. Ang Perzetonian Sword." Sambit ni Izumi.
"Espada nga iyan ng founder ng Perzeton. Isa sa mga kaharian ng Chamni. Ngunit matagal ng nawala ang espada at walang nakakaalam kung nasa Chamni pa rin ba o nasa ibang mga kamay na napunta." Sagot ni Rujin.
"Tingnan niyo sa ibaba." Sabay turo ni Steffy sa lungsod na nasa ibaba ng kanilang kinaroroonan. "Ang gaganda ng mga gusali nila. Iyan na ba ang Naicron City?"
"Iyan ang lungsod na sakop ng Naicron City. Masyadong maliit tingnan sa gawing ito dahil sa layo." Sagot ni Rujin.
Inilagay ni Asana ang palad sa ibabaw ng kilay habang tinitingnan kung saan ang tinutukoy nina Steffy at Rujin na lungsod. Ngunit bukid sa malawak na tanawin, kabundukan, mga batis, talon, lawa at ilog na nakikita, wala na siyang ibang nakikitang mga gusali o lungsod.
"Wala naman akong nakikita a." Sagot din ni Aya na tumalon-talon pa para makita ang tinitingnan nina Rujin at Steffy.
"Kung may makikita kayong maliit na kulay puting bilog, iyon ang unang pamayanan sa Naicron City." Sagot ni Rujin saka nila napansin ang maliit na tuldok na napapaligiran ng mga naglalakihang mga kabundukan at halos matakpan pa ng mga ulap sa ibabaw nito.
"Ang layo naman? Lalakarin na naman natin iyan?" Bagsak balikat na sambit ni Steffy sabay upo sa tabi.
"Wag kayong mag-alala. May masasakyan naman tayo." Sagot ni Rujin. Nagliwanag naman agad ang mga mata ng lima at excited na makita ang sasakyang sinasabi ni Rujin.
.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top