58: Patungong Naicron City
"Ama, hindi ba talaga ako maaaring sumama sa kanila?" Tanong ni Miro sa ama na may halong panghihinayang ang boses. Nagsusumamo ang mga matang nakatingin sa kanyang ama.
"Wag mong sayangin ang magandang oportunidad na inalok ng Wynx Academy sa'yo. Malapit na ang taunang enrollment kaya kailangan mong makabalik agad sa Wynx Empire." Sagot ng ama.
Napabuntong-hininga naman si Miro.
"Hindi na ako sigurado kung matatanggap pa ba ako dahil siguradong mahuhuli na ako pagdating doon. Alam mo namang naibenta natin ang teleportation stone para sa pagpapagamot kay ina." Halos pabulong na sambit ni Miro.
"May teleportation stone ako." Sagot agad ni Asana na ikinatingin ng lahat sa kanya.
Masyadong mahirap makabili o makakakuha ng teleportation stone lalo na kung hindi galing sa isang maharlikang angkan at walang kakilalang maimpluwensiyang mga Mysterian. Kaya paanong may teleportation stone ang isang to? Saka naalala nina Mar na maaaring imposible sa mga ordinaryong Mysterian na tulad nila ngunit hindi sa mga tulad nina Asana. Lalo na't nakita na nila kung paano naglabas ng potion ang grupo ni Asana na isang potion na tanging may mga dugong Chamnian lamang ang nakakagawa.
"Talaga?" Masiglang sambit ni Miro.
"Oo." Nakataas ang noong sagot ni Asana, halatang ipinagmamalaki ang sarili.
"Nasaan na?" Kunot-noong tanong ni Steffy. Sa pagkakaalam niya, wala silang teleportation stone na kayang pumunta sa pinakamalayong kontinente tulad ng Hariatres.
Nilahad naman ni Asana ang kamay kay Aya na ikinakunot ng noo ni Aya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Aya.
"Yung pulang batong dala-dala mo akin na." Sagot naman ni Asana.
"Langya to. Di naman pala sa'yo ang pinagmamayabang mo." Tinuro pa ni Steffy ang noo ni Asana.
"Kasalanan ko bang naubos ang teleportation stone ni Ele?" Sagot ni Asana at inirapan si Steffy.
"Bakit ako ang sinisisi mo?" Sagot naman ni Steffy.
"Kung ganon, may mga teleportation stone nga ang mga batang ito? Hindi ba nila alam na ang isang teleportation stone ay maaari na silang bigyan ng katungkulan sa isang kaharian? At kapag ibinenta naman nila, maaari na silang magiging isa sa mga mahaharlika? Sabagay, may makapangyarihang potion nga sila, teleportation stone pa ba?" Ito naman ang naglalaro sa isip ni Lara.
Sa lugar kasing ito, bihira lang ang nakakakuha ng teleportation stone. Dahil kukunti lang ang may kakayahang gumawa ng ganitong magic artifact. Higit sa lahat, kailangang may taglay na teleportation ability ang maaring gumawa nito. At may apat o higit pang kapangyarihan ang taglay niya. Sa lugar na ito, bihira lang ang mga Tiatros ano pa kaya kung may apat at higit pang kapangyarihan? Tanging mga gifted chosen lamang ang nagkakaroon ng ganitong uri ng kapangyarihan kaya sila lang din ang kadalasang may kakayahang gumawa ng teleportation stone.
"Ginawa mo kayang bala ng slingshot mo." Sagot ni Asana na ikinalaki ng mga mata nina Mar at Lara. Sila, namomroblema kung saan makakakuha ng teleportation stone tapos ginawa lang bala ng slingshot ng mga batang ito?
"Puti kaya yon." Katwiran ni Steffy. Kapag kasi nagsasanay siyang gamitin ang sling shot niya, kinukuha niya ang mga puting bato ni Luimero. Di naman kasi niya alam kung ano ang gamit ng puting bato. Kala niya pangdekorasyon lang ng bahay.
"Puting bato nga. Pero teleportation stone yon." Sagot ni Asana.
"Ba't di mo sinabi?" Bakit kasi di nila sinabi sa kanya kung para saan 'yon? Ayan tuloy, ang dami na niyang atraso kay Ele Luimero.
"Di naman natin kailangan." Sagot ni Asana. Nakakapagteleport nga kasi sila kaya ano pa ang silbi ng teleportation stone sa mga katulad nila? Kaya rin naman niyang gumawa ng portal kaya para saan pa ang isang batong kaya silang dalhin sa kung saan?
Kinuha ni Aya ang pulang bato at binigay kay Asana. Binigay naman ni Asana kay Miro.
"Kahit kailangan ko ang ganitong bato, ngunit, napakahalaga ng bagay na ito kaya hindi ko ito matatanggap." Sabi ni Miro na iiling-iling pang itinutulak pabalik kay Asana ang maliit na batong hawak ni Asana.
"Kung ayaw mo, gagawin kong bala ng sling shot ko." Sabi ni Steffy at akmang kukunin ang pulang bato na singlaki lang ng hinlalaki. Inilayo naman agad ni Asana ang bato kay Steffy.
"Hindi namin ito nagagamit kaya sayo na lang." Sagot naman ni Aya na nakatingin kay Miro. Kinuha naman agad ito ni Miro at nagpasalamat sa magkakaibigan.
Nagpaalam ng muli ang magkakaibigan kina Mar at muli na naman silang naglakbay pabalik sa Naicron Mountain. Sa pagkakataong ito, tinahak nila ang daang papunta sa gate na nagsilbing hangganan ng Naicron Mountain at Norzian Kingdom.
Natanaw na nila ang hangganan ng Naicron mountain at malapit na sila sa malaking pader na ginawang bakod ng nasabing gubat. Maliban sa bakod may invisible barrier pang nakabalot paligid.
"Seyriel!" Tawag ng kung sino na patakbong lumapit sa kanila. Napatigil sila sa paglalakad at napalingon kay Rujin.
"Uy! Rujin!" Balik tawag ni Steffy na medyo kinakabahan na baka natuklasan ng isang 'to na dala-dala niya ang nagiging bato ng si Hyper. Isa din sa rason kung bakit hindi niya tinawag si Rujin para magpatulong.
Tila nabunutan naman ng tinik si Rujin makita ang grupo nina Steffy. Kanina pa niya hinahanap ang grupo nang maramdaman niya ang kanilang mga presensya sa gawing ito kaya nagmamadali siyang pumunta sa lugar na ito. Hindi niya inaasahan na paakyat din pala sa bundok ng Naicron sina Steffy. Kung alam lang niya e di sana dito nalang siya naghintay.
"Hanap ako ng hanap sa inyo, dito lang pala kayo nagpunta? Papasok ba kayo sa Kabundukan ng Naicron?" Tanong ni Rujin bago bumabas sa sinasakyan niyang higanteng ibon, at naglakad palapit sa gawi nila.
"Oo e. Hinahanap namin si Ele saka mukhang maraming pagkain sa kabundukang ito." Sagot ni Steffy.
"Pagkain? Bukod sa mga Bystre at mga halimaw, may makakain ba ang matatagpuan sa kabuntdukan? Wala rin namang gulay sa kagubatang bahagi ng kabundukang ito." Naguuguluhang sambit ni Rujin habang iniisip kung anong halamang maaaring kainin sa gubat na nasa labas ng Naicron City.
"A, ang ibig niyang sabihin, kailangan namin ng flying beast." Paliwanag ni Asana.
"Sama ako." Mabilis na sagot ni Rujin.
"Pwede basta ba, pasanin mo ako." Biro ni Steffy.
"Ah, hindi na pala. Susundan ko nalang kayo." Pabiro ring sagot ni Rujin at sabay silang napatawa ni Steffy.
"Malawak ang Naicron mountain at nahahati ito sa limang bahagi. Saan niyo ba gustong pumunta? Sa Pulang gubat, Puting gubat, Asul na gubat o sa Berdeng gubat? O baka namana a gitnang gubat kung saan nakatago ang Naicron City?" Paliwanag ni Rujin.
"Naicron City?" Sambit ni Steffy.
"Tamang-tama, doon namin gustong pumunta." Agad na sagot ni Arken.
"Talaga? Pabalik na rin ako sa Naicron City." Masiglang sagot ni Rujin. Lumawak ang ngiti dahil papunta rin pala sa Naicron City sina Steffy.
"Kaya lang, hindi kayo maaaring makapasok sa Naicron City kung hindi kayo mag-i-enrol sa Naicron Academy. Tiyak na huhulihin kayo kung wala kayong Naicron Citizen badge. At makakakuha lamang ang mga menor de edad na mula sa labas ng Naicron Citizen badge kapag nag-enrol sa Naicron Academy." Paliwanag ni Rujin.
"Totoo ngang mayroon pang Naicron Academy. Hindi ba't matagal na itong naglaho?" Tanong ni Izumi na sa pagkakaalam niya anim na taon ng naglaho ang Naicron Academy.
"Hindi kami nagpapakilala sa iba ngunit hindi ibig sabihin nito na naglaho na ang Naicron Academy. Wala lang talagang balak makihalubilo sa mga Mysterian ang mga Naicronian sa pag-aalalang madadamay kami sa gulong likha ng mga Mysterian." Sagot ni Rujin.
Tumutulong sila sa iba ngunit palihim lamang nila itong ginagawa. Pinagbawalan din silang makisalamuha sa mga Mysterian maliban nalang kung kinakailangan nila itong gawin alang-alang sa kanilang mga misyon.
"Parang gusto ko yatang makita ang sinasabi niyong Academy. Makita lang ha. Tamad akong mag-aral e." Sagot naman ni Steffy na tamad mag-aral. Maisip lamang ang ilang oras na nakakaantok na lecture, naiinip na siya.
"Mas mabuti na yong pumasok tayo sa Naicron Academy Steffy. Kaysa naman sa pumuslit tayo sa loob ng Naicron City sa paghahanap kay Ele. Baka mahuli pa tayo ng mga makapangyarihang mga Mysterian sa lugar na iyon at mapaparusahan." Suhestiyon naman ni Arken.
Sumang-ayon naman ang iba kaya napasang-ayon naman si Steffy.
"Sa bagay, may punto ka diyan." Sambit ni Steffy.
Halos magtatalon naman sa tuwa si Rujin maisip na success ang kanyang misyon.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top