54: Mind link

Naicron Academy

Habang nagpapaliwanag ang kanilang guro bigla nalang may sumigaw sa isip ni Rujin.

"RUJIN!"

"ARAY!" Napangiwi siya sa biglang pagkirot ng kanyang ulo. Sakit sa ulo o pagkirot na tila tinusok ng karayom ay epekto kapag may nagpupumilit kumunektang isang Mysterian sa isipan ng kapwa Mysterian, na walang pahintulot sa mula sa kabilang side o hindi nito napaghandaan.

Hinanap ni Rujin kung sino ang bigla nalang sumigaw sa kanyang isip. Maliban sa mga kaklase niyang nagtatakang nakatingin sa kanya at sa nakakunot noong guro nila wala na siyang mapansing ibang kahina-hinala na siyang may-ari ng boses na iyon.

Saka bihira lang ang may kakayahang kausapin ang iba gamit ang isip. At sa Naicron nabibilang lamang ang nakakagawa nito at kadalasan ay mga guro lamang nila.

"May problema ba Bre?" Tanong ng guro nila dahil sa pag-aray niya. Bre ang tawag ng lahat sa kanya maliban kay Geonei.

"Wa-wala po Arshi." Arshi naman ang tawag nila sa kanilang magtuturo.

Nagpatuloy na sa pagpapaliwanag ang kanilang guro habang si Rujin naman sobrang antok na naman. Ilang sandali pa'y napapikit na habang nakalagay ang kamay sa chin niya.

"Huy Rujin! Nasan ka na? Kapag di ka sasagot papasabugin ko iyang ulo mo." Sumigaw pang muli ang boses na ikinahawak ni Rujin sa kanyang ulo ng mahigpit.

"Bree!" Mas malakas na ang sigaw na ito kaysa noong una.

Nadulas ang kamay ni Rujin na nakalagay sa ibaba ng chin niya. Muntik na rin siyang mahulog sa inuupuan.

"Ano ba Geo! Wag ka ngang naninigaw?" Sigaw niya kay Geo na katabi niya.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Wag ka ngang maingay. Nagsasalita si Arshi Bia." Sagot ni Geonei at itinuon ng muli ang atensyon sa guro nila.

"Nanaginip ba ako? Ah, nakatulog kasi ako kanina kaya ayan, inaakala kong narinig ko ang sigaw ni Seyriel (referring to Steffy)." At dahil kaya ni Geo ang magpalit ng boses, kaya niya napagbintangang si Geo ang narinig niyang sumigaw kanina.

Iniisip din na dahil lamang sa antok kaya napagkamalan niyang sa utak niya nagsasalita ang boses.

Iidlip na sana siyang muli pero may sumigaw na naman.

"Rujin Bree!" Sigaw muli ng kung sino sa kanyang isip. Sa pagkakataong ito, muntik na siyang mahulog sa inuupuan sa sobrang gulat at napatayo pa siya ng wala sa oras

Sakto namang nagtanong ang guro kung sino pa ang may katanungan patungkol sa lecture nila.

"Yes, Bre?"

"Arshi! Paano po ba mangharang ng mga Mysteriang naninigaw sa iyong isip?" Tanong niya sa guro habang nakangiwing hawak ng mahigpit ang ulo. Iniisip niyang may isa sa mga kaklase nila ang nangti-trip sa kanya. Imposible naman kasing si Steffy ito dahil wala sila sa capital city ng Norzian.

"Katulad lang din sa pagharang mo sayong isip para di mabasa o marinig ng iba ang iniisip mo."
Sagot din ni Arshi Bia na inaakalang may gusto lang i-block si Rujin na isa sa mga kaklase niya.

"Ginawa ko na po yan Arshi pero kapag talagang kinakausap niya ako nakakapasok talaga ang boses niya sa isip ko. Na parang nasa loob lang siya sa utak ko. Ang sakit po Arshi, para pong biniyak ang aking ulo." Parang batang sumbong niya.

"Weird, kaya nong mag-telepathy at mind link. Sino naman sa mga nag-aaral dito ang nakakagawa non?" Nagtatakang tanong ng guro.

"RUJIN! BREE! ALIHOOOOO!"

"ARAY ARAY NAMAN! SEYRIEL DISTURBO KA SA KLASE KO." sigaw niya pabalik. "Teka? Seyriel? Ikaw ba yan?" Nagpalinga-linga pa siya sa paligid, nagbabakasakaling makita si Steffy.

"Bree! Bree! Bree!" Paulit-ulit na sigaw ni Steffy sa kanyang isip.

"Aray! Aray! Ano ba! Tama na. Masakit sa ulo!" Sigaw din ni Rujin habang nakahawak sa kanyang ulo at nakapikit ang mga mata.

"Ano bang kailangan mo?" Nakangiwi niyang tanong.

Lahat ng mga kaklase niya nakatuon ang pansin sa kanya na puno ng pagtataka. Si Geo naman di na nakakapagpigil at nagtanong agad.

"Rujin, anong nangyari sayo? May problema ba?" Seryoso niyang tanong. Nag-alala na baka hindi pa maayos ang pakiramdam ng kaibigan.

Kahit si Bia ay nag-alala na rin. Alam niyang may pagkapasaway at katigasan ng ulo si Rujin at maituturing na isa sa mga sakit sa ulo nilang estudyante sa Naicron Academy pero hindi naman ito gumagawa ng mga pranks o umaarte para lang lokohin sila maging mga guro niya.

Pero bakit ganito ang ekspresyon ni Rujin ngayon? Halata kasing namimilipit ito sa sakit. Nagi-guilty tuloy si Arshi Bia dahil kahit na kakagising lang ni Rujin, hindi parin niya hinayaang lumiban sa klase dahil sa dami na nitong naiwang lessons. Saka punishment na rin ito kay Rujin sa pagamit nito ng ability niya. Mahigpit kasi nilang pinagbawalang gamitin ni Rujin ang kapangyarihan at tanggalin ang kwintas nito pero hindi na naman nakinig. Lumusob pa talaga ng walang paalam sa hideout ng mga nagtatagong Dethrin sa Norzian at muntik na ring mahuli.

Nawala na nga si Hyper, dadagdag pa ang isang to? Ayaw niyang mamatay sa pag-alala na baka matuklasan ng mga Dethrin at Superian ang identity nila. Hangga't maaari ay hindi pa sila handang makipagharapan sa mga Mysterian dahil sa mahihina pa ang kanilang mga estudyante. Kapag sapat na ang mga lakas nila at kontrolado na ang mga kapangyarihan, maari na silang magpakilalang muli bilang mga Naicron students na bigla nalang nawala seven years ago.

"Anong kailangan mo?" Tanong ni Rujin na di parin kumbensido na si Steffy ang kausap.

"Wala. Tinitiyak ko lang kung buhay ka pa ba." Dumilim tuloy ang mukha ni Rujin sa narinig.

"Sabi kasi ni Asana, hinimatay ka raw, kaya hinanap ko ang link ng utak mo gamit ang enerhiyang nasasagap ko sa paligid. Ayos ka lang ba?"

Nang mapagtanto na si Steffy nga talaga ang nagsasalita, napangiti si Rujin at sumilay ang galak sa kanyang puso.

"Rujin! Nababaliw ka na ba? Pagkatapos mong ngumiwi, ngingiti na naman?" Nag-alalang tanong ni Geonei pero hindi siya pinansin ni Rujin.

"Ayieeh? Nag-alala siya sa akin. Crush mo ako ano?" Biglang sagot ni Rujin gamit ang isip. Umandar na naman ang kapilyohan nito. Isinantabi niya ang pagtataka kung bakit siya nakakausap ni Steffy. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay kinausap siya nito at nag-alala ito sa kanya. Saka natitiyak niyang walang nangyaring masama sa kanila.

"Oo e. Kala ko kasi natuluyan ka na." Abot-tenga na sana ang ngiti ni Rujin pero biglang naglaho.

Ilang sandali pa'y nakarinig siya ng tawa. "Hahaha! Biro lang. Tinitiyak ko lang na walang nangyaring masama sayo at sinubukan ko lang din kung kaya rin ba kitang kausapin katulad ng iba. Sige babay na." At wala ng marinig na boses sa kanyang utak si Rujin. Gumaan na rin bigla ang kanyang pakiramdam.

"Sandali lang! Uy! Huy!" Tawag niya. Saka napansin ang mga mata ng mga kaklase maging ng guro.

"Anong nangyari?" Tanong ng kanilang guro.

"Arshi, maaari ba tayong kausapin ng iba na hindi nag-aaral sa paaralang ito?" Agad niyang tanong sa guro.

"Imposible yon. Hindi nakakapasok sa barrier ang anumang link galing sa labas."

"Pero Arshi, nakakausap niya ako at nasa capital city siya ng Norwegian."

"Imposible! Tanging ang mga nasa loob lang ng compound na ito ang makakausap mo through mind link or using telepathy dahil sa lakas ng barrier na nakaharang sa paaralan. Pinipigilan nito ang anumang uri ng kakayahan at kapangyarihan na makapagpatuloy sa loob. Kaya paanong nagawa niya?"

Kahit isa pa ito sa invincible clan ng Chamni. Pero bakit nakakausap nito si Rujin kung wala naman siya sa loob nitong academy?

"Bree, you need to keep your eyes on this kid at kailangan mo siyang maisama sa paaralang ito. Hindi siya maaring makuha ng mga Dethrin." Nag-alalang sambit ni Arshi Bia.

Kung iba pa yon, kanina pa nagreklamo si Rujin dahil palage nalang siya ang binibigyan ng misyon. Pero dahil si Steffy ang mission niya natuwa siya sa pasya ng kanilang guro.

Matagal na niyang binabalak na yayaing mag-aral sa Naicron Academy sina Steffy at iba pa, kaya lang hindi niya masabi-sabi kina Steffy baka kasi ayaw nilang pumasok sa paaralang ito lalo pa't may ibang importanteng mga bagay pang ginagawa ang grupo ni Steffy.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top