42
Naka-invisible si Aya habang nakaupo sa rooftop ng bahay pagamutan. Tuwang-tuwa siyang pinagmamasdan ang mga kawal na naging biktima niya.
Napataas ang kanyang kilay makitang may sinipa na naman palabas ng bahay pagamutan.
"Parang awa niyo na po. Ibalik niyo po ang aking anak." Pagmamakaawa ng isang ginoo at pinilit na gumapang palapit sa bantay na sumipa sa kanya.
Ang batas sa pagamutan na ito, kapag hindi ka nakakapagbigay ng sapat na bayad, sisipain ka palabas o gagawing alipin ang isa sa pamilyang meron ka o ba kaya naman ay kukunin nila ang pasyente bilang kabayaran.
Itinaas ng bantay ang paa para sipaing muli ang lalaking nagmamakaawa, pero bigla nalang naghiyawan ang mga Mysterian at tinuro siya. May nagtawanan pa. Yung iba naman nagulat.
"Rok! Yung suot mo." Gulat na sambit ng isa sa mga bantay na kasama ni Rok. Kaya naibaba ni Rok ang tingin at nakita ang kanyang tinatago na namimintana kaya agad niyang tinakpan.
"Yung damit ko, bakit naglaho?" Gulat niyang sambit. Ramdam parin niya ang kanyang suot na nakadikit parin sa katawan, pero bakit di niya makita?
"Aaah! Tulong! Nasusunog ang damit ko." Sigaw naman ng kung sino mula sa loob ng gusali.
Naging alerto naman ang ibang mga bantay at hahanapin na sana kung sino ang may gawa sa mga bagay na nangyayari sa kanilang mga kasama ngunit bigla nalang ding naglaho ang mga damit nila. Hubad na hubad sila mula ulo hanggang paa.
"Hanapin niyo ang bata! Nawawala ang bata!" Sabi ng isang lalakeng naka-lab gown at may magandang hitsura. Mukha itong nasa early twenties kahit na nasa fifty na ang edad niya. Siya ang dakilang lider ng mga manggagamot sa bahay pagamutang ito.
Habang inuutusan ang mga bantay nagulat siya kung bakit nagsitawanan ang mga bantay niya kahit na nakatakip ang mga kamay nila sa mga kayamanan. Kaya naibaba niya ang paningin at nakitang nakabahag lamang siya na yari sa mga dahon ng kahoy.
Tumakbo ulit siya sa loob ng gusali pero bago pa man makapasok ay nadulas siya sa basang sahig, kaya napahalik ang mukha niya sa sahig.
Nakita nilang umusok sa loob ng gusali at sunod-sunod na nagsilabasan ang mga manggagamot sa loob. Sunog ang mga buhok at maging ang mga puwetan. Yung iba naman, gulong-gulo ang mga buhok at mga kasuotan.
Hindi alam ng bawat isa sa kanila kung sino ang may lakas na loob na umatake higit sa lahat, hindi nila nakikita. Kung paanong naglaho ang mga suot nila at kitang-kita ang kanilang mga hubad na katawan. Kung paanong bigla nalang nasunog ang kanilang mga buhok? Pinakiramdaman ni Doctor Rey ang paligid ngunit wala siyang nararamdaman at wala ring makitang kahinahinalang Mysterian sa paligid?
May mga vines naman na hinahabol ang mga bantay na nagsipagtakbuhan habang nakahubad. Nadulas pa ang mga ito sa mga basang sahig na may mga nakaharang na mga halamang bigla nalang tumubo doon mismo sa sahig.
"Hanapin ang sino mang may gawa nito! Siguradong nasa paligid lamang sila!" Utos ni d
doctor Rey! Isang magaling na scientist, experimentalists at doctor na lumaki sa mundo ng mga tao at kinuha ng mga Hanaru para mapakinabangan ang kaalaman at kakayahan nito.
Hindi nila maiintindihan ang mga nangyayari. Paanong may nakakagamit parin ng kapangyarihan at may lakas ng loob na guluhin sila dito mismo sa lugar na ito? Alam nilang ang sinumang mapalapit sa lugar na ito mga nasa fifty meters ang layo ay di makakagamit ng mga kapangyarihan dahil sa ability nullifier na nakabaon sa ilalim ng lupang pinagtayuan ng gusaling ito. Kaya paanong may nakakagamit parin ng kapangyarihan sa kanila?
Pero isang hinala ang pumasok sa isip nila. Ang mga Chamnian, na binubuo ng limang invincible na mga clan. Ang sinumang Mysterian na kayang gamitin ang kapangyarihan kahit malapit sa gusaling ito, ibig sabihin, may lahi siyang Chamnian o ba kaya isa siyang pureblood Chamnian.
Pinagawa ang bahay pagamutang ito bilang desguise para makahanap ng mga Mysteriang may dugong Chamian. At ang bawat matuklasan nilang nakakagamit ng kapangyarihan, palihim nilang pinapasundan o ba kaya dinudukot saka eksperimentuhan.
Tuwang-tuwa naman si Izumi na nagkatawang puno habang pinagmamasdan ang mga nadudulas sa nilikha niyang tubig na may halong slime. Hindi man niya nagagamit lahat ng kapangyarihan niya, ngunit, nababago naman niya ang anyo depende sa gusto niya. At nakakatawag din siya ng tubig kahit di man kasing lakas at galing sa mga water magic users.
Si Arken naman nailayo na ang bata na balak sanang eksperimentuhan ng manggagamot. Hindi man siya nakakalipad katulad nina Steffy at Asana pero nakakapagteleport naman siya. Ang pinakamahalaga, natuklasan nilang kaya pala nilang kausapin ang bawat isa gamit ang isip. Hindi niya alam kung bakit pero nang subukan niyang kausapin sina Steffy at Asana gamit ang isip kanina, sumagot naman agad ang mga ito sa kanya na ibig sabihin ay naririnig nila ang sinasabi niya.
Si Asana naman binabantayan ang sekretong pintuan ng underground laboratory. Natuklasan niyang kaya pala niyang magkatawang hangin kaya nag-anyong hangin siya ngayon para hindi mahuli kung sakali mang may darating.
Sumulpot naman si Steffy sa tapat ng isang glass sphere. Muntik pa siyang mapasigaw dahil sa isang batang lalaking pamilyar sa kanya na nakahiga sa loob. Maputlang-maputla ang mukha nito at nakadilat ang mga mata. Nanginginig ang katawan habang nakatikom ng mariin ang mga labi. Nakagapos ang buong katawan ng kadena. Isang kadenang nakakapagpipigil sa sinumang mysteriang gumamit ng kapangyarihan. Ngunit sa kaso ng batang 'to, nanghina lamang ang kapangyarihan at katawan niya ngunit hindi tuluyang napigilan ang kapangyarihan niya.
'Hindi ako magpapatalo.'
'Hindi nila ako makokontrol.'
'Kaya ko 'to. Kasi gwapo ako.' Hindi alam ni Steffy kung maaawa ba siya o matatawa nang mabasa niya ang isip ng batang ito.
Gaya ng dati, nakita niya ang loob ng katawan nito. May dalawang enerhiyang naglalaban sa loob ng katawan ng bata. At yung isa halatang nanghihina dahil nagfe-fade na.
Hindi alam ni Steffy kung ano ang gagawin niya. Ilang sandali pa'y nakarinig siya ng tawa mula sa kanyang likuran.
"Mukhang may bago na naman kaming susubukan ngayon." Nakangiting sabi ng isang lalaking nasa mid-thirties ang hitsura. Muntik pang mapatalon si Steffy sa sobrang gulat dahil di man lang niya napansin ang presensya ng nilalang na ito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top