41

Dalawang araw na ang nakalipas ngunit tulog pa rin si Seyriel. Hindi naman lumabas ng bahay sina Asana para makaiwas sa posibleng gulo.

Natuklasan naman ni Geonei at Rujin na nakakulong si Hyper sa underground ng bahay pagamutan.

"Ano kaya kung ipaalam na natin sa Hari ang anomalyang ginagawa ng mga Doktor sa pagamutan na iyan?"

"Kailangan natin ng sapat na ebidensya at kailangang mailigtas natin si Hyper sa loob. Saka paano kung kasabwat nila ang Hari sa lugar na ito e di masasayang lang ang pinaghirapan natin. " Sagot ni Rujin.

"May mga patibong at mga barrier ang nakalagay sa loob at sa pintuan, at masyadong malakas ang mga nagbabantay sa labas. Hindi nga tayo makalapit-lapit e." Sagot ni Geo habang nakatingin sa dalawang kawal na nagbabantay sa labas.

Kung hindi lang nila tinago ang presensya nila at nagkatawang kuneho baka nahuli na sila ng dalawang bantay. Nag-uusap rin sila gamit ang isip kaya sila lang dalawa ang nakakarinig sa kanilang mga pinag-uusapan.

Halos araw-araw na silang nagmamanman sa lugar na ito hanggang sa dumating ang ikaapat na araw. Sa mga panahong ito, handa na ang bratty gang para sa panibago nilang operation. Iyon ay ang alamin kung mga Dethrin ba ang nagtatrabaho sa bahay pagamutan o hindi.

"Nagkatawang iba na lang kaya ako?" Sambit ni Geonei.

"Para iihawin ka nila kapag nakita ka nilang lumilipad sa ere o nakadapo sa sanga." Sagot naman ni Rujin.

May narinig silang kaluskos at bago pa man sila makapagtago may dumampot na sa kanilang dalawa. Handa ng lumaban si Geonei sa kung sino mang humawak sa kanya pero nanlaki ang mga mata dahil binukaka ng sinumang lapastangang ito ang kanyang mga paa para matingnan kung lalaki ba siya o babae.

"Aray!" Napangiwi si Steffy (Seyriel) at napahimas sa ulong binatukan ni Asana.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Asana na hawak ngayon si Rujin na isang kuneho.

"Sinisilip kung babae ba siya o lalaki." Sagot ni Steffy.

Pinilit ni Geonei na makawala pero ang lakas ng nakahawak sa kanya. Pakiramdam niya madudurog na ang mga buto sa dalawang paa kapag magpupumilit siyang makawala.

Tiningnan niya si Rujin na nakatingin sa kanya pero nilabasan lang siya nito ng dila. Kahit kasi nagkatawang hayop siya pero pakiramdam niya, nasilipan parin siya. Kanya parin naman 'yon e. Kuneho bersyon nga lang. Sinamaan niya ng tingin si Rujin na pinagtatawanan siya.

Pero nagwala rin si Rujin dahil binukaka rin ni Asana ang kanyang mga paa para malaman kung babae ba siya.

"Lalaki ba 'yong sa'yo? Sa akin lalaki. Amoy ni Geonei." Nanlaki ang mga mata ni Geonei hindi dahil nahuli siya ni Steffy kundi dahil inamoy nito ang buntot niya. Syempre malapit 'yon sa hindi dapat maamoy.

"Teka nga lang, bakit naaamoy ko si Rujin sa kanya?" Babatukan sana ang kunehong hawak ni Asana pero nakarinig siya ng aray kahit di pa tumama ang maliit niyang kamao.

"Aray!" Matinis at maliit na boses ang naririnig nila. Kaya napatingin ang dalawa sa kunehong hawak ni Asana.

Bago pa man matanong ni Steffy si Rujin may naririnig silang papalapit na mga yabag kaya agad silang nag-teleport sa ibang lugar.

Hinanap ng kawal sa may halaman ang naririnig na mga boses kanina pero wala siyang nakita. Iniisip niyang siguro nagkamali lang siya ng dinig. Kaya bumalik siya sa pwesto total wala namang Mysteriang nakakagamit ng kapangyarihan o abilidad sa lugar na ito.

"Ang ingay niyo kasi. Muntik na tuloy kaming mahuli." Reklamo ni Rujin at nagkatawang tao agad. Gano'n din si Geonei. At dahil nakahawak parin si Steffy sa leeg at buntot niya hanggang sa naging tao na ang katawan niya, iyong kamay ni Steffy nakahawak sa puwetan niya at ang isang kamay nakahawak sa kanyang leeg.

Si Asana naman nakahawak sa mukha ni Rujin kaya lumawak ang ngiti ng loko kaso nahampas sa ulo na ikinangiwi niya sa sakit. Si Geonei naman pulang-pula ang mukha. Agad naalis ni Steffy ang kamay sa katawan ni Geonei.

"Hehehe! Sorry!" Sabay peace-sign at awkward na ngumiti. Si Geonei naman pulang-pula sa hiya.

"Wag kang mag-alala, pananagutan naman kita paglaki natin." Umasim agad ang mukha ni Rujin habang si Geonei lalong namula sa hiya pero nanilim ang mukha sa dugtong ni Steffy (Seyriel). "Ipapakasal kita sa alaga kong aso." Biro niya sabay tawa makitang dumilim ang mukha ni Geonei.

"Wala kang alagang aso Sey-Steffy." Paalala ni Asana.

"Maghahanap ako ng aso sa kanto. Hahaha!" Napatawa siya ng malakas makitang di na mahitsura ang mukha ni Geonei.

"Kung gano'n, Geo, ipagdarasal na lamang kita. Bilang kaibigan, handa kitang tulungan. Pfft! Tulungang maghanap ng asong mapapangasawa mo. Hahaha!" Sabay tawa din ng malakas ni Rujin kaya sinamaan ng tingin ni Geonei.

Nang matapos na sa pagtawa ang dalawa tinanong agad ni Steffy ang dalawa.

"Anong ginagawa niyo sa lugar na iyon kanina?" Tanong niya sa dalawa. Nagkatinginan naman ang mga ito at nagdadalawang isip na sumagot.

"Kayo dapat ang tanungin namin. Ano ang ginagawa niyo sa lugar na iyon? Alam niyo bang mapanganib do'n?" Balik tanong ni Rujin halatang ayaw sagutin ang tanong ni Steffy.

"Ini-stalk 'yong manggamot nila. Gwapo daw kasi." Nakangiting sagot ni Steffy na ikinasimangot ni Rujin.

"Mas gwapo pa ako do'n. Matanda na 'yon at panget pa." Sagot niya.

"Gwapo daw? Saan banda ba't di namin makita ha?" Pambabara ni Asana.

"Duling ka kasi." Sagot ni Rujin.

"Ah, kaya pala dalawang panget ang nakikita ko." Sagot naman ni Asana na ikinatawa nina Steffy at Geonei. Si Rujin naman sumama ang timpla ng mukha.

"Handa na kami rito, kayo diyan?" Tanong ni Arken sa isip ng dalawa. Saka naalala nina Steffy at Asana ang mga pakay nila.

"Maiwan na namin kayo." Sabi ni Steffy at sabay sila ni Asanang naglaho sa harapan ng dalawa.

"Teka, saan na naman ang punta ng mga iyon?" Tanong ni Rujin.

"Di kaya sa Bahay Pagamutan din?"

"Kung nagagamit nila ang kanilang kapangyarihan sa lugar na iyon, ibig ba nitong sabihing hindi lang si Seyriel ang may dugong Chamnian?"

"Siguro."

Pagdating nina Asana at Steffy sa forbidden part ng gusali, wala na ang dalawang bantay. Hindi nila alam kung ano ang ginawa ni Arken sa dalawang bantay.

"Magteleport ka na sa loob. Magbabantay ako sa labas." Sabi ni Asana.

"No problem. Leave it to me." Masiglang sabi ni Steffy at naglaho na sa tapat ni Asana.


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top