40
Gumaling na rin si Lara nang painumin nila ng gamot na gawa mismo nina Seyriel at Asana, at kasama nila ngayon ang mag-asawa sa sala.
Nalaman nilang tatlong taon na rin ang pag-uulan ng mga ulang may lason.
"Hindi kayo maaaring lumusob lang ng basta-basta. Masyadong misteryoso ang lugar at malalakas din ang mga kawal na nagbabantay dito. Isa ding Tiatros ang mga manggagamot na nagtatrabaho sa loob." Paliwanag ni Mar sa kanila.
"Alam mo Seyriel." Pagsisimula ni Aya.
"Sabi niyo hinahabol kayo ng mga Dethrin. Matutunton kayo hangga't hindi niyo babaguhin ang pangalan niyo." Sabi ni Mar.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong naman ni Izumi.
Kinuha ni Mar ang isa sa mga miliston na meron sila. Pinalutang niya ito sa hangin.
"Tingnan niyong mabuti." Sabi niya kaya ipinukos nina Asana ang atensyon sa maliit na bato.
"Lara Shinju." Isang transparent na screen ang lumitaw at nakikita mula rito ang ginagawa ni Lara. Nasa kusina ito at naghahanda ng meryenda para sa kanila.
"Hangga't alam nila ang pangalan niyo at may tatawag sa inyo sa pangalang ito na malapit lang sa inyong kinaroroonan, matuton kayo ng sinuman. Maliban nalang kung nasa mundo kayo ng mga tao o mula sa lugar na walang miliston sa paligid. Tulad nito. Ariston Minju." Hindi nagbago ang eksena sa screen. "Ibig sabihin walang miliston sa paligid ni Ariston o ba kaya wala siya sa Mysteria."
"Kaya ba nagsidatingan ang mga naghahabol sa amin magmula noong nakilala ko sina Seyriel at Asana? Binabanggit na kasi nila ang pangalan ko. May mga miliston ding nakakalat malapit sa gubat kaya posibleng nalaman nilang malapit lamang ako sa Ifratus." Sambit ni Aya.
"Ang lugar kung saan binanggit ang pangalan niyo ang siyang makikita nila. Katulad nalang kapag tatawagin kong Seyriel si Seyriel. Kapag may maghahanap sa kanya gamit ang miliston gamit ang Seyriel Arizon na pangalan, lilitaw ang lugar ng Norzian dahil dito may tumawag na Seyriel sa kanya. May pagkakataon naman na lilitaw ang eksaktong lokasyon ng hinahanap at makikita kung ano na ang ginagawa nito sa kasalukuyan tulad ni Lara kanina."
Tinawag niya ang pangalang Kleofe Aliho. Lumitaw mula sa screen ang isang babaeng nakatanaw sa isang bintana. Kitang-kita nila ang malakas na patak ng ulan mula sa labas.
"Sino po si Kleofe Aliho Tito?" Tanong ni Asana. Kitang-kita nilang may kakaibang ganda ang babaeng ito na kaedad lamang ni Seyriel.
"Isa sa batang pinoprotektahan namin noon ngunit nabigo kami. Hindi ko alam kung nasaan ang lugar na iyan ngunit nagpapasalamat akong ligtas naman siya. Hangga't hindi niya babaguhin ang kanyang pangalan at may tatawag pa rin sa kanya sa dati niyang pangalan sa lugar kung saan siya ngayon, masusubaybayan ko pa rin kung ano na ang kalagayan niya."
"Kung ganoon kailangan nating baguhin ang ating mga pangalan Asana." Sagot ni Seyriel.
"Hindi ko babaguhin ang aking pangalan kung ito lamang ang magiging paraan para malaman ni Ama na ayos lang ako." Sagot naman ni Asana.
"Hindi ko na rin babaguhin ang aking pangalan dahil bukod sa inyo, wala namang ibang nakakakilala sa akin." Sagot ni Arken.
"Kilala nila ako kaya kailangan kong baguhin ang buo kong pangalan." Sagot naman ni Aya.
"May bagong pangalan na ako sa'yo." Masiglang sagot ni Seyriel.
"Ano naman 'yon?"
"Liit."
Naitikom ni Aya ng mariin ang mga labi at sinamaan ng tingin si Seyriel. Tumawa naman ang kaibigan.
"Hahaha. Oo na. Bunso nalang."
"Magkaedad lang tayo."
"Di ba sabi niyo ako Ate niyo? Kaya Ate tawag niyo sa akin mula ngayon. At ikaw ang bunso." Sagot ni Seyriel.
"Ate? E ikaw ang pinaka-isipbata sa atin e." Sagot ni Asana.
"Sige na nga lang. Steffy. Iyon naman ang tunay kong pangalan e."
"E di mas lalo kang matutunton niyan." Sagot ni Izumi.
"Isang sumpa ang pangalang iyan sa Mysteria at walang sinumang babanggit sa pangalang iyan sa lugar na ito maliban sa mga pinahihintulutan ng may-ari." Sagot ni Mar.
Napatingin silang lahat kay Seyriel.
"Lahat ng babanggit sa pangalang ito ay matatamaan ng sumpa. Mawawalan sila ng kapangyarihan na di man lang alam kung bakit. Magmula noon, walang kahit sino ang babanggit sa pangalang iyan at pinalitan ng sinumang may ganitong pangalan ang mga pangalan nila para hindi matamaan ng sumpa. Hindi ko alam kung bakit ngunit ang natitiyak ko iyon ay para maprotektahan ang may-ari ng pangalang iyan." Napatitig siya kay Seyriel.
"Kung iyan ang tunay mong pangalan maaaring ikaw ang batang iyon hindi ba?" Sambit ni Mar sabay lunok ng laway.
"Alam kong hindi kayo ordinaryong mga kabataan. Pero sana, kung mas malakas na kayo, pakiusap, iligtas niyo ang mga batang Pinili na iniisip na isang malaking sumpa ang kanilang pagiging Pinili." Sabay sulyap nito sa screen na likha ng miliston. Kitang-kita parin nila hanggang ngayon ang babaeng nakadungaw sa bintana na tila ba may hinihintay.
"Maraming mga batang Pinili ang ineksperimentuhan at ang iba ginagamit ng mga nasa tungkulin para pakinabangan o ba kaya para gawing alipin. May mga Pinili na may magandang buhay at mayroon namang katulad nina Aya at Izumi na nagtatago at sinisikap na matakasan ang mga humahabol sa kanila.
"Hindi ganito ang dapat na kahihinatnan ng mga Pinili. Sila dapat ang mamumuno at magpapanatili sa kapayapaan at kaligtasan ng mundong ito, hindi ang siyang makakaranas ng kasamaan sa mundong ito." Sabi ni Mar at naikuyom ang kamao.
Napatitig si Seyriel sa screen. Sabay banggit sa pangalang "Stacey Zaihan." Ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa ring nangyari. "Mirzen Zaihan." Wala ring nangyari.
Lumunok siya at muling nagbanggit ng Pangalan. "Hisren Hanja." Dito nagsimula ng magbago ang eksena sa screen. Namilog ang mga mata nila makitang naghahalikan ang mga Mysterian sa screen kaya agad kinuha ni Mar ang bato at ibinulsa. Naglaho naman ang screen na likha nito.
"Bakit sila naghahalikan sa pampublikong lugar at may miliston pa sa paligid nila." Nakangiwing sambit ni Mar.
"Bakit mo kinuha agad? Di ko tuloy nakita ang mukha nila." Sambit ni Seyriel at napanguso.
"Anong ginagawa nila? Bakit ganoon?" Inosenteng tanong ni Aya.
"Naghahalikan sila. Muah, muah tsup, tsup, gano'n." Paliwanag ni Seyriel na agad namang tinakpan ni Asana ang bibig niya.
"Ikaw, kung ano-ano na ang itinuturo mo sa Bunso natin? Bad influence ka talaga." Sagot ni Asana.
"Ginagawa lamang ang ganoon ng magkasintahan o mag-asawa." Paliwanag naman ni Izumi.
"Ano ang pangalang gagamitin mo Izumi?" Pag-iiba ni Arken sa usapan para hindi na nila mapag-usapan ang nakita nila kanina.
"Kazumi ang pangalang ginagamit ko sa aming kaharian. Para maitago ang aking tunay na katauhan at para di nila ako matunton, Izumi ang pagpapakilala ko sa inyo. Patawad kung nagsisinungaling ako tungkol sa tunay kong pangalan."
"E di mas mabuti iyong ginawa mo. Kaya Izumi pa rin ang itatawag namin sa'yo." Sagot naman ni Seyriel.
"Pwede ba yun? Magkatunog lang e." Sagot ni Aya.
"Basta ako, Steffy na ang itatawag niyo sa akin mula ngayon. Ate Steffy."
"Mas matanda pa ako sa'yo no." Sagot naman ni Asana.
"Saka para malaman ng mga kapatid ko na buhay pa ako. At para makita nila na ayos lang ako at lumalaban pa rin."
"Kahit makikita ka nila hindi ka nila makikilala." Sagot ni Asana.
"Kahit binago ko ito kunti, cute pa rin naman ako a. Saka kunti lang naman ang binago ko." Binago kasi niya ang kulay ng buhok at mga mata.
"Sa hitsura mong 'yan? Ang layo kaya niyan sa tunay mong hitsura." Sagot naman agad ni Asana.
"Nagbabago naman talaga ang kulay ng aming mga mata at buhok depende sa anumang emosyon meron kami. Kahit hindi na kulay ginto ang aking buhok, at di na kasing ganda ng dati kong mukha, makikilala pa rin niya ang ugali ko no."
"Bakit di mo kasi ipakita sa amin?" Intresadong tanong ni Aya.
"Oo nga Seyriel ay Steffy. Bakit di mo ipakita sa amin iyong isang anyong meron ka?" Tanong din ni Izumi.
"Ayaw ko nga. Mas gusto ko ang hitsurang 'to. Cute akong tingnan at kahit di man gaanong kapansin-pansin, titigan mo lang, di mo ba mapapanaginipan." Sinuklay pa ang buhok gamit ang daliri.
"Ayan ka na naman sa kayabangan mo." Naikot pa ni Asana ang mata.
"So ano na? Balik na tayo sa unang usapan natin kanina bago mapadpad ang usapang ito sa kagandahan ko?"
"Yung manggagamot nila, singputi ng niebe ang balat. Yung aura niya katulad sa mga aura ng mga humahabol sa akin noon. Hindi ako sigurado kung tunay ba ang itim na kulay ng kanyang mga mata."
Paliwanag ni Aya.
"Maaaring isa siyang Hanaru. Singputi ng yelo ang kulay ng balat ng mga Hanaru habang pula naman ang kulay ng mga mata. Maari naman nilang baguhin ang kulay ng kanilang mga mata katulad ng mga ginawa natin." Sagot naman ni Izumi. Dahil lahat sila binabago ang tunay na kulay ng mga mata maging ang mga anyo. Nakakita na rin siya ng mga Hanaru kaya alam niya ang pisikal na katangiang meron sila.
"May usap-usapang Hanaru ang pinuno ng mga Dethrin." Sabi naman ni Mar.
"Kung may Dethrin sa lugar na ito, maaaring sila ang may pakana sa ulang may lason. Para kapag may nagkakasakit gagamutin nila. Ang mga hindi nagagamot gagawa ng paraan para makahanap ng mga Mysteriang may dugong Chamnian." Napaisip naman silang lahat sa sinabi ni Seyriel.
"Anong gagawin natin ngayon? Mukhang dumadami na ang miyembro ng mga Dethrin. Ang alam ko, mga Mizuto lamang na galing din sa kontinente ng Celeptriz ang kabilang sa Dethrin Organization, pati pala mga Hanaru?" Tanong naman ni Asana.
"Sabi niyo nasa Emperialta tayo. Tapos may Celeptriz. May Hariatres pa. Parang kontinente sa Earth na may mga hiwa-hiwalay ding kontinente." Tanong naman ni Seyriel.
"Ang nararamdaman nating aura sa Ifratus bago tayo tumakas papunta sa Emperialta ay mga aura na katulad sa mga taga-Hariatres. Ang Hariatres ang pinakamalakas at pinakamaunlad at may maraming kaharian. Celeptriz ang pumangalawa at kilalang mga imbentor at pinamumugaran ng mga manipulator at kontroler, pinakamababa naman ang Emperialta kung nasaan tayo ngayon at pinakamaliit ang lost continent na Chamni na dating tinaguriang holy continent dahil sa kabutihan ng mga Chamnian. At siyang pinakamaliit na kontinenteng binubuo lamang ng limang kaharian at limang malalakas na clan at iilang Independent States." Nang mapansing humikab si Seyriel tumigil siya sa pagsasalita at tinanong ito.
"Hindi ka na naman nakikinig?" Tanong ni Asana.
"Pakiramdam ko kasi para kang Google, ang daming alam." Sagot ni Seyriel na ikinasimangot ni Asana. "Saka paano mo nalaman ang pinagkaiba ng aura ng mga taga-Celeptriz at ng Hariatres?"
"Parang may kasamang Holy Aura kasi ang mga aura nila. Hindi ko alam kung paano ipaliwanag ngunit alam ko ang pinagkaiba ng aura ng mga taga Hariatres at ng mga galing sa Celeptriz. Nararamdaman ko rin sa pamamagitan ng aura kung isa bang Chamnian o Dethrin ang isang Mysterian na nakakasalubong ko."
"Kaya pala, alam mong isang Chamnian sina Rujin." Sambit ni Seyriel.
"Kung Dethrin nga ang manggagamot na 'yon baka makikilala nila tayo. O baka nakilala na nila tayo? Anong gagawin natin? Ayaw kong gawing Deijo Warrior at kontrolin ng mga tulad nila." Nag-aalalang sambit ni Aya.
"Deijo Warrior?" Tanong ni Arken.
"Ah, kung di ko pa nasabi sa inyo, mga Deijo Warrior ang mga mandirigma ng mga Dethrin. Nakakita na ako ng mga katulad nila noong may nilusob silang kaharian na nakikita mula sa miliston. Mga mandirigma sila na tila ba wala sa mga sarili at walang pakiramdam. Tanging sinusunod nila ay ang utos ng kanilang mga pinuno na siyang nagkokontrol sa kanila." Paliwanag ni Aya.
"Isa sila sa mga successful na bunga ng eksperimento. Ipinagbabawal ang mga ganitong bagay sa Emperialta at Hariatres ngunit hindi sa Celeptriz na pinamumunuan ng Emperador ng mga Hanaru." Paliwanag naman ni Mar.
"Maaari ba kaming makakita ng halimbawa para sakali mang makasalubong kami ng mga tulad nila malalaman naming isa silang Deijo." Sagot ni Seyriel.
Naglabas muli ng miliston si Mar. "Deijo Warriors." Banggit niya. Muling may lumitaw na malaking screen sa ere at dito makikita ang mga hukbo ng mga Deijo Warriors na nagsasanay.
"Mukha naman silang ordinaryong mandirigma a." Sambit ni Seyriel.
"Tingnan niyo kung may napapansin ba kayong kakaiiba." Sabi ni Mar.
"May ilan sa kanila na tila ba ayaw gumalaw ngunit kusang kumikilos ang kanilang mga katawan. Wag mong sabihing may komokontrol sa kanila?" Biglang sambit ni Asana.
"May mga isip pa rin ang mga Deijo Warrior ngunit hindi na sila ang komokontrol sa kanilang mga katawan. Kung isang Dethrin ang manggagamot dito sa Norzian, manganganib ang buhay ng mga mamamayan dito at posibleng magiging isa ang Norzian sa mga naglahong kaharian." Paliwanag ni Mar.
"Puntahan natin ang sinasabi nilang manggagamot para malaman natin." Sagot ni Seyriel.
"Gusto mo ba talagang mamatay? Paano kung mga Dethrin sila e di mapapahamak tayo?" Nandidilat na tanong ni Asana.
"Magpapahuli ba tayo? Hindi no. Gusto kong makilala ang manggagamot nila. Para malaman ko rin kung ano pa ang kaya kong gawin bukod sa teleportation at flying. Mga kapangyarihan ko na hindi ako nakakatulog kahit na di ko aalisin ang restriction."
Habang nag-uusap sila, napansin na naman ni Seyriel ang dalawang pares ng mga mata. Napatingin siya sa pader at muli na namang tumagos ang paningin, kaya ibinaling niya ang tingin kay Asana at nakita niya kung ano ang suot nito sa loob, maging ang dibdib nito hanggang sa makita ang mga joints, bones, ribs at heart. Ibinaling niya ang tingin kay Izumi at gano'n din ang nangyari hanggang sa makita ang puso ni Izumi na nakagapos sa isang puting kadena na yari sa liwanag. Katulad sa purple thread na meron siya noon.
"Izumi! Bakit nakagapos sa puting liwanag ang puso mo? Para siyang kadena?" Biglang sa tanong niya na ikinagulat ng mga kasama.
"Puting kadena? Isa iyong seal na ginagamit ng Zi Clan ng Chamni para hindi magagamit ng isang batang Chamnian ang kanyang kapangyarihan. Kadalasan itong ginagamit kapag hindi pa kayang kontrolin ng isang Chamnian ang kanyang kapangyarihan. Kusa din naman itong naglalaho depende sa kakayahan ng bata." Paliwanag ni Mar.
"Kaya lang, paano mo ito nakita?" Tanong ni Izumi. Ngunit nang tingnan nila si Seyriel nakatungo na ang ulo at nakasandal na sa inuupuan habang nakapikit ang mga mata. Tulog na naman ito.
Sa kabilang dako naman.
"Sigurado ka bang may underground laboratory sila sa ilalim ng bahay pagamutan nila?" Tanong ni Rujin kay Geonei.
"Meron nga. At may hinala akong hawak nila ang mga kaklase nating unang pinadala sa misyong ito." Sagot naman ni Geonei.
"Nasaan na ba si Hyper? Bakit di pa nakabalik? Nilalamok na ako dito o." Reklamo ni Rujin.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top