104: Meeting the Norzian representatives
"Wala ba kayong balak magpakilala?" Tanong ng isa sa sampung sugo habang nakatingin kay Sioji.
"Wala e. Kayo ba meron?" Tinatamad na sagot ni Sioji na ikinasama ng tingin ng lalaking nagtanong.
Pumagitna na agad si Asana para di magkagulo at pinandilatan ng mata si Sioji.
"Ipagpaumanhin niyo ang dalawang yan. Ako nga pala si Asana, ang team captain ng grupong ito." Pagpapakilala ni Asana dahil ayaw niyang magkaroon ng alitan sa pagitan nila at ng grupong ito.
Inikot naman ni Sioji ang mga mata at sinundan na si Steffy.
Bago pa man makasagot ang team captain ng kabilang panig, nagsidatingan ang iba pa nilang mga kasama.
Napalingon naman si Asana sa kanyang mga kasama ngunit natuklasan niyang papalayo na ang mga ito.
"Sandali lang." Sabi niya sa team captain bago habulin sina Steffy.
Siya ring pagdating ng tatlo pa sa mga kasamahan ng mga sugong ito na nahiwalay sa mga kasamahan kanina.
"Kamahalan, nakikita mo yon? Ilang araw tayong naghihintay sa kanila tapos iiwan lang tayo na parang sino lang?" Salubong agad ni Mesia makita ang mga bagong dating na mga kasama.
"Sino ba sila sa inaakala nila?" Gatong naman ni Rohan.
"Tayo ang nangangailangan sa kanila kaya tayo ang magpapasensya. Hindi ba't dapat magpakumbaba kayo?" Sagot ni Ruffin na tinatawag nilang kamahalan.
"Kahit na. Prinsipe ka, dapat mabigay galang sila." Inis na sagot ni Mesia. Lalo na maisip na walang pakialam ang grupo nina Steffy sa estado nila. Para sa mga tulad nilang lumaking tinitingala, mga tagabundok lamang sina Steffy na walang alam. Kahit kinatatakutan man ang paaralan ng mga ito, hindi pa rin maipagkakailang mga tagabundok sila, mga walang gaanong alam at mas mababa sa kanila.
Ang grupo nila ang tinitingala at hinahangaan sa Norzian. Bukod sa pagiging mga anak maharlika, may mga malalakas din silang mga kapangyarihan at may mga tindig at gandang hihigit sa lahat. At dahil sila ang pinakamagaling sa lahat ng mga kabataan sa Norzian, sila ang pinadala ng hari para pumasok sa Naicron mountain at salubungin ang mga ipapadalang Naicronian para tumulong sa kanila.
Hindi sila sanay na hindi hangaan mula sa angking ganda, galing at katayuan. Kaya hindi nila inaasahan na mukhang wala silang mga halaga sa mga mata ng mga Naicronian na ito. Para sa kanila, mahihina parin at mga duwag ang mga Naicronian kaya nga nagtatago ang mga ito sa loob ng Naicron mountain. Hindi sila dapat sinasamba at hinahangaan dahil mahihina sila. Ang mga Naicronian ang dapat magpapakumbaba sa mga katulad nilang galing sa Norzian military academy. Paaralan para sa mga magagaling at malalakas na mga kabataang Mysterian.
Hindi lang talaga nila maintindihan kung bakit malaki ang tiwala ng hari ng Norzian sa mga duwag na Naicronian. Kung totoong malalakas sila, bakit sila nagtatago sa kabundukan? Hindi nila alam na ang kagubatan sa paligid ng Naicron City ay isa lamang sa mga bakod para hindi magugulo ng ibang mga nilalang ang mga Naicronian na gustong mamuhay ng tahimik at malayo sa gulo.
Kung hindi lang talaga may mga pasaway silang mga estudyanteng tumatakas sa Naicron Mountain na nahuli ng mga Dethrin wala silang balak maglabas pasok sa kanilang teritoryo. At kung hindi lang din sa mga nakakaawang mga Mysterian na nagdadasal sa hangganan at nanghihingi ng tulong sa kanila, hinding-hindi sila makikialam sa kaguluhan sa labas ng Naicron Mountain. Kaya lang, mas gusto ng mga Mysterian na guluhin ang buhay ng mga Naicronian na gusto sanang mamuhay ng tahimik. Dahilan upang mapilitan silang lumabas at harapin ang sinumang mga kalabang sisira sa kanilang katahimikan.
"Tandaan niyo, nandito tayo dahil kailangan natin ang kanilang tulong. Tapos tinatrato niyo ang hiningan niyo ng tulong na parang kayo ang mas nakatataas? Kung hindi niyo naman pala kailangan ng tulong dahil sa palagay niyo mas malakas kayo, bakit pa kayo nandito?" Sagot ni Ruffin habang isa-isang binigyan ng tingin ang mga kabataang kasama.
"Pero kamahalan. Hindi man lang sila nagbigay galang man lang." Reklamo ni Mesia.
"Akala ba nila kung sino na silang mas mataas pa kaysa sa atin? Ipapakita ko sa mga yan na mas malalakas tayo." Sagot naman ni Rohan na sinang-ayunan ng iba.
"Tama na yan. Tayo na." Iiling-iling na sagot ni Rodrin. Matalik na kaibigan ni Ruffin at anak ng Heneral ng mga sundalo ng Norzian.
"Manghingi kayo ng tawad mamaya." Sabi ni Ruffin bago habulin sina Steffy. Sinabi sa kanya ng kanyang amang hari na hindi basta-basta ang mga Naicronian. At may iba din siyang dahilan kung bakit siya sumama sa mission na ito.
Tiningnan niya ang papalayong pigura ng siyam na mga kabataang Naicronian. Bago sumunod ang kanyang pangkat na binubuo ng siyam na estudyante at sampung kawal niya mismo, at limang mga mandirigma na mga kilalang dakilang mandirigma ng Norzian.
Hinabol naman ni Asana ang mga kasama.
"Bakit ba kayo umalis ha?" Tanong ni Asana nang maabutan sila.
"Kita mo yung mga tingin nila? Sila na nga nanghihingi ng tulong sila pa ang mapagmataas? Sino ba sila sa inaakala nila?" Inis na sagot ni Aya.
"Ikaw pa ang manghihingi ng pasensya? Sinong nangangailangan dito? Tayo o sila? Kung wala naman pala silang tiwala sa mga Naicronian bakit pa sila lumapit?" Sagot naman ni Izumi na halos umusok na rin ang ilong sa galit.
"Dahil lang maliliit tayo at mga bata pa, mamaliitin din nila tayo? Kapag mga mas matanda sa kanila gagalangin ng husto?" Nakapamaywang na sagot ni Aya.
"Ikaw lang ang maliit Aya. Kontra naman ni Rujin dahilan upang makatanggap siya ng matalim na tingin mula kay Aya.
"Saka wala silang tiwala sa atin. Bakit tayo makikipagkaibigan sa mga nilalang na walang tiwala sa atin?" Sagot naman ni Izumi na nababasa ang mga nilalaman ng isip ng grupong iniwan nila.
Tumahimik sila makitang papalapit na ang grupo ng mga sugo ng Norzian.
"Sandali." Hinihingal na tawag ni Ruffin ngunit hindi siya pinansin ng grupo nina Steffy na mas mabilis maglakad kaysa sa kanila.
"Hindi ba't naglalakad lamang sila pero bakit kahit anong takbo natin hindi natin sila maaabutan?" Hiningal na tanong ni Rohan habang nakahawak na sa mga tuhod dahil sa pagod.
Tahimik ang bawat isa, hanggang sa makarating sila sa isang lugar. Isa sa mga syudad na inaatake ng mga uncontrollable magic beast.
Sa lugar na ito, makikita ang mga sira-sirang mga gusali at mga imprastraktura. Mga nabasag na mga bagay, mga tipak na bato, mga patay na mga halaman at iilang mga katawan ng mga wala ng buhay. May mga mandirigma rin na kinakalaban ang apat na mga higanteng magic beast.
"Anong lugar ito?" Tanong ni Sioji. Ito ang una niyang pagkakataong nakalabas ng Naicron at Arizon Kingdom ngunit sira-sirang gusali ang sumalubong sa kanyang paningin.
Isang malakas na ungol ng halimaw ang kanilang narinig kasunod ng sigaw ng mga sundalong nakikipaglaban sa mga halimaw na ito.
Kahit sina Asana ay napatulala lalo na't makitang iisang tahanan na lamang ang nanatiling nakatayo sa bayang ito. Iyon ay ang tahanan nina Mar.
Halos maitanong nila sa sarili kung ito pa ba ang bayang nakita nila noon o naligaw lang sila?
Kasabay ng mga sigaw ng mga kawal ay ang paglapag ng lalaking nakasuot ng itim na kapa at may malakas na awrang kulay itim. Ang mga nadadaanan nitong mga bangkay ay nagiging mga kalansay.
May mga kaliskis ang mga braso at paminsan minsang lumalabas ang dilang katulad sa dila ng isang ahas.
"Isa din ba siyang halimaw?" Tanong ni Aya. Nang biglang lumingon sa kanila ang lalaki.
Mapupula ang mga mata at may nakakakilabot na ngiti sa labi.
"Snake Monster." Sambit ni Asana.
Napalunok sila ng mga laway. Ramdam nilang napakalakas ng halimaw na ito kumpara sa mga nakakasalubong nilang mga halimaw. Hindi lang iyon, hindi nila nagagamit ang kanilang mga kapangyarihan kaya paano nila malalabanan ang ganitong uri ng halimaw?
Gusto tuloy murahin ni Sioji ang kanyang Lolo dahil sa mga restriksyon na ipinasuot sa kanila.
"Anonh gagawin natin? Lalaban o tatakbo?" Tanong ni Hyper na nasanay na sa technique ni Steffy sa pakikipaglaban. Kung malakas ang kalaban tatakbo sila at kung mahina naman aasarin nila.
Nang makarinig sila ng pagnguya. Napalingon silang lahat kay Steffy.
"Bakit ganyan kayo makatingin? Kinakabahan ako, kaya ako kumain." Sagot ni Steffy.
"Buti nalunok mo rin." Sambit ni Asana sabay sulyap sa maliit na backpack ni Steffy. Iniisip na puro pagkain ang laman sa loob niyo.
"Wag na kayong manlaban pa. Mahihirapan lang kayo." Sabi ng snake man na ito.
"Sumuko na kayo o mamamatay kayong lahat na naririto." Sambit nito sabay halakhak na ikinapanindig ng mga balahibo ng mga nakakarinig sa kanyang tawa maliban sa batang kumagat na naman sa prutas na kinakain.
Napatingin si Steffy sa lalaking halimaw pagkatapos ay sa suot na pulseras. Dalawang pulseras na ang suot niya. Ang isa na hindi nakikita ng iba at ang isa na galing kay Haring Yuji.
Pagkatapos ay napatingin siya sa kawalan. Maraming mga miliston sa paligid kaya posibleng nakikita ang mga pangyayari sa lugar na ito sa iba't-ibang dako ng Mysteria.
"Natutuwa ba kayong nanonood sa mga kaganapan sa lugar na ito?" Sambit niya na hindi sinabi kung sino ang kinakausap.
Sa lahat ng mga nanonood sino sa mga ito ang tunay na utak ng gulong nagaganap sa Mysteria? Tanging ang may alam lamang ang nakakaalam, na ikinabuntong-hininga niya.
End of Volume 1 part 2.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top