103: The Next Journey

Sa grupo nina Asana naman, si Asana ang ginawang team captain ni haring Yuji. Wala siyang tiwala sa apo niyang si Sioji dahil kaugali nito ang pinsan niyang si Steffy. Parehong mga sakit sa ulo. Dahil kay Sioji, medyo nabawasan rin ang tiwala niya sa mga kalalakihan sa grupo kaya si Asana ang napili niyang gawing team captain pansamantala. Dahil si Asana lamang ang may malakas ang loob na punahin ang dalawa niyang mga apo.

Ang team nila ngayon ay binubuo ng walo, na sina Asana, bilang team captain, Arken na healer at siyang assistant ng captain, Izumi na archer, Hyper na swordman, Geonei na kunwari summoner nila, Rujin na beast tamer, Aya na kunwari tour guide ng grupo, at Sioji na gaganap na cold young master na pinoprotektahan nila kunwari.

"Di ba pwedeng ako na lamang ang kunwari runner ng grupo?" Tanong ni Hyper na mas gustong tumakbo kaysa lumaban.

"Kunwari lang di ba? Saka runner pa pinili mo? Pumunta ka nalang sa mundo ng mga tao at mag-runner don. O ba kaya sumali ka sa Olympics." Sagot naman ni Asana.

"Olympics? Grupo ba yan ng mga mabibilis tumakbo?" Tanong ni Hyper na ikinaikot ng mata ni Asana.

"Magkunwari ka nalang kayang alalay ko." Suhestiyon naman ni Sioji.

"Ayaw ko nga. Baka mamaya uutus-utusan mo pa ako." Sagot ni Hyper.

Nagkibit-balikat naman si Sioji at nakapamulsang nilagpasan si Hyper.

"Izumi, di ba ikaw ang archer bakit lubid ang dala mo? Di ba dapat pana at palaso?" Tanong bigla ni Geonei makita ang sandata ni Izumi.

"Pangtali ito ng mga kalaban." Sagot naman ni Izumi.

Saka napansin ni Asana na mali ang mga sandatang dala ng bawat isa. Kay Aya na dapat sana ay mapa, isang moon ring ang dala. Isang crescent moon shaped magic weapon na may matutulis na blade sa bawat side.

Si Arken naman na dapat first aid kit ang dala, isang pamaypay lamang. Si Rujin naman ang may dalang espada at si Hyper, isang maliit na kutsilyong panghiwa lamang ng mga prutas.

"Sa palagay ko nakalimutan niyong ito ang first ever mission ng ating grupo. Hindi rin natin alam kung gaano kalakas ang posibleng makakalaban natin pero ang mga dala niyo, mukhang mamamasyal lang naman yata kayo e." Sambit ni Asana.

"Pansin mo rin? Ako nga rin e nagtataka." Sagot naman ni Sioji.

"Lalo ka na. Wala ka namang dala."

"Kailangan pa ba iyon? Dala ko na ang katawan ko at kagwapuhan ko. Ako ang kunwari boss niyo dito kaya galangin niyo ako." Sabay ngiti at nagcross arms pa.

"Dala nga. Kaso sinama mo pa ang kayabangan at kahanginan mo." Iiling-iling na sambit ni Asana.

"Tara na nga. Baka kung ano na naman ang ginawa ng isang yon. Kawawa ang mga Mysterian. " Sabi naman ni Asana.

***

Natagpuan nila si Steffy na naghihintay sa hangganan ng Naicron mountain. Nasa balikat na nito ang munting agila.

"Steffy! Bakit ka nang-iwan ha?" Sigaw agad ni Asana.

"Saka paano ka nakalabas?" Dagdag pa niya.

"Ako pa. Saka iiwan niyo ako doon? Walang palaruan doon. Palage lang training. Training na lang ng training. Aral nalang ng aral. Nakakasawa kaya." Reklamo niya at ngumuso pa. Naturuan na sila ni Luimero sa anumang mga bagay na dapat nilang matutunan sa mundong ito. Siya lang talaga itong hindi nakikinig minsan. Ngunit kahit ganoon, nababasa naman niya ang lahat ng mga bagay na gusto niyang matututunan sa pamamagitan ng pagbabasa ng Libro ng Mysteria.

"Kailangan daw muna nating makipagkita sa grupo ng mga misyonaryonh sugo ng mga Norzian." Sabi ni Asana.

May humingi ng tulong sa Naicron at nakapangako na ang Naicron academy na may ipapadala silang maaaring makakatulong sa Norzian. At sina Asana ang ipinadala.

Napansin nilang sling shot lang ang dala ni Steffy kaya tinanong siya ni Rujin.

"Steffy bakit sling shot lang iyang dala mo? Nakalimutan mo bang hindi natin nabubuksan ang ating mga storage items kapag hindi tayo nakakagamit ng Ki, Tzi ba kaya or Ren?" Tanong ni Rujin sa kanya.

"Kasali ba ako sa misyon niyo? Hindi no. Manonood lang ako. Saka ito kasi ang pinakamagaan sa lahat kaya ito ang dinala ko. May isa pa nga o." Sabay pakita sa isa pang sling shot na isinuot niya sa leeg.

Nagsilabasan na sila mula sa Naicron Mountain. Dito nakasalubong nila ang mga sundalo ng Norzian. Ang inaakala nila na mga may edad ng mga sundalo ang makakasama nila sa nasabing misyon, mga nasa twenty pababa pala ang mga edad ng mga sugong ito.

"Sila ang mga estudyante ng Norzian military academy." Sabi ni Rujin. Madalas siyang lumalabas noon sa Naicron mountain kaya minsan, nakakasalubong siya ng mga Norzian military academy students. Isa sa prestigious school ng Norzian kingdom at sa kanila nanggagaling ang mga pinakamagagaling na mandirigma ng Norzian.

Isa-isang tiningnan ng mga misyonaryo sina Steffy. Missionaryo ang tawag sa mga estudyante o mga mysterian na tumatanggap ng mission, o mga binigyan ng misyon. At halos nakapokus ang tingin ng lahat kay Steffy dahil nag-jujumping rope na ito. Ang latigo ni Izumi ang ginamit na jumping rope.

Gusto lang sana niyang maglaro at walang planong makialam sa anumang seryosong usapan nina Asana sa bagong grupo. Lumayo-layo na nga siya para hindi makadisturbo e. Pero napansin pa rin na ikinanguso niya.

"Steffy, ibalik mo yan." Utos ni Asana kay Steffy. Nakanguso namang sinuli ni Steffy ang latigo kay Izumi.

"Sino-sino ang mga ito?" Nakakunot ang noo na tanong ng isa sa mga kabataang sugo ng Norzian.

"Kami ang ipinadala ng Naicron Academy." Sagot ni Arken.

"Naicron students? Nahihibang na ba ang headmistress o headmaster at mga bata ang pinadala? Hindi isang laro ang misyon na ito." Halata ang pagkadisgusto sa boses ng lalaking pinakamatandang tingnan sa sampung estudyanteng galing sa Norzian military academy.

"Asana, hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni Steffy na naghoholahop na naman. Moon ring ang ginamit niya. Isang magical weapon na pabilog na katulad sa buwan at matutulis ang bawat gilid ng blade nito na tiyak na mapuputol ang ulo ng sinumang matatamaan ng sandatang ito. Nakabalot ang buong paligid nito ng pulang tela.

"Ano na naman ba iyang kinuha mo?" Asana.

"Ibabalik na nga o." Tinapon ang moon ring at nasyot sa ulo ni Aya.

"Nakapokus ba itong si Asana sa mga kaharap o sa akin? Nasa likuran na nga ako o napapansin pa rin niya?" Bulong naman ni Steffy at mas lumayo ng ilang metro.

"Bakit di nalang kayo bumalik sa paaralan niyo at doon maglaro? Mapanganib ang misyon na ito kaya hanggat maaga pa ay bumalik na lamang kayo." Sabi ng isa na halatang minamaliit ang grupo nina Steffy.

"Kung walang maipadala ang headmaster sa Naicron academy ayos lang kaysa naman mga bata ang ipapadala." Sabi naman ng magandang babae na iniisip na pinaglalaruan lamang sila ng mga Naicronian.

Inaakala kasi nila mga eksperto ang ipapadala ng Naicron academy pero mga bata lang pala na nasa sixteen pababa ang mga edad? Samahan pa ni Aya na mukhang twelve years old sa kaliitan at Steffy na pawang laro lang ang nasa isip?

Napatingin na naman sila kay Steffy na naglalaro na naman ng jolin at sinosyot ito sa maliit na butas sa lupa. Bala iyon ng sling shot niya.

"Kung sila ang ipinadala ng Naicron ibig sabihin na may mga kakaiba silang kakayahan kaya wag niyo silang maliitin." Sagot ng tahimik nilang captain na nasa 19 ang edad. May mga kasama itong kawal na nagbabantay sa kanya.

Napaangat ng tingin si Steffy at nakangiting binigyan ng thumbs up ang lalakeng ito.

Lalo namang nagpupuyos ang kalooban ni Mesia. Ang magandang babaeng nagsalita kanina. Bakit kasi kinakampihan ng captain nila ang grupo ng mga kabataang ito?

"Paano kung maging sagabal lang sila sa atin?" Reklamo niya.

"Di pa ba tayo aalis?" Naiinip na tanong ni Sioji. Kung ayaw nilang makasama sila, e di wag. Hindi naman sila ang nangangailangan a. Iyon ang nasa isip ni Sioji na humikab pa at nagsimula ng maglakad palayo.

"Mauuna na tayo Steffy. Hindi naman nila tayo kailangan e." Nakapamulsa nitong sabi kay Steffy na agad namang ikinatango ng pinsan.

"Tara."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top