102: Yunic, the fruit guardian
Nakaupo ngayon si Steffy sa gilid ng isang maliit na waterfalls. Nang mapansing wala ng ibang mga nilalang sa paligid, agad siyang nagsalita.
"Magpakita ka."
Walang umimik. Aakalain ng sinumang makakakita sa kanya na nababaliw na siya dahil nagsasalita siyang mag-isa.
"Huy! Mukhang ahas. Kung ayaw mong magpakita, hinding-hindi ka na makakabalik sa dati mong anyo. Sige ka." Pananakot niya.
Ilang sandali pa'y umangat ang tubig sa maliit na waterfall at nagiging hugis ahas ito.
"Paano mo nalamang nakasunod ako sayo? At wag mong sabihing matagal mo ng alam?" Gulat na tanong ng guardian beast na ito. Siya ang guardian beast ng sacred tree na namumunga ng sacred fruit na tinatawag ng mga Mysterian na Prisya.
Hindi siya nakikita at nararamdaman ng mga Mysterian, maging ng mga Chamnian maliban sa mga Mysteriang may kakayahang makita ang mga soul spirit na katulad niya.
Hindi niya alam kung nasaan na ang kanyang tunay na katawan, at nagpalipat-lipat na lamang ang kanyang spirit body sa iba't-ibang katawan. At kadalasan, sa kalikasan siya lumilipat ngunit pansamantala lamang dahil hindi niya gustong manatili sa mga halaman o hayop habang buhay.
May hinala siyang nasa loob ng Chamni ang tunay niyang katawan kaya gusto niyang makabalik sa Chamni kaya lang hindi niya alam kung paano. Maliban sa pag-iipon ng lakas para lumakas ang kanyang soul spirit, wala na siyang maisip na iba pang paraan. Noong una ay pumasok siya sa katawan ng isang snake dragon guardian beast at inaakalang magta-transform din ang katawan na iyon sa pagiging Mysterian kapag marami siyang makukuhang energy sa sacred fruit.
Kaya lang hinarvest ito nina Asana at Steffy. Humihina na ang kanyang soul spirit kaya hindi na niya kayang i- suppressed ang soul spirit na tunay na nagmamay-ari sa katawang iyon kaya napilitan siyang umalis at nagpalipat-lipat sa mga halaman. Habang patuloy na sinusundan ang grupo ni Steffy.
Pansin din niyang palakas siya ng palakas habang patuloy na lumalapit kay Steffy. Nang pumasok si Steffy sa Monsterdom, naghintay din siya ng ilang buwan kung kailan siya lumabas. At nang makalabas, mas marami na siyang nasasagap na enerhiya galing sa katawan ni Steffy. Walang nakakaalam na palage siyang nakasunod pero hindi niya inaasahan na alam pala ni Steffy ang presensya niya.
"Wala na siyang kapangyarihan Di ba? Hindi na niya iyon magagamit di ba? Kaya paanong nararamdaman niya ang presensya ko?"
"Hindi ka nakikita di ba? Ilabas mo ako sa lugar na ito." Utos ni Steffy sa kanya.
"Hindi nga dapat. Kaya paano mo nalamang nasa paligid mo lang ako?" Tanong ng boses lalake.
"Magkatawang ibon ka, para masakyan kita palabas ng Naicron."
"Bakit ba kung makapang-utos ang isang to, feel na feel?" Kung hindi lang talaga niya alam na prinsesa ito ng Chamni, kanina pa niya sinugod ang babaing to. Pero dahil kailangan niya ang tulong nito para mahanap ang tunay niyang katawan, kaya kailangan niyang taasan ang kanyang pasensya kahit na hindi sinasagot ng isang to ang anumang mga katanungan niya.
"Hindi ko kayang magkatawang ibon pero kaya kung lumipat sa katawan ng mga magic beast pansamantala." Sagot na lamang niya.
Umalis na muna si Steffy at pagbalik may dala ng black unicorn.
"Saan mo yan galing?"
"Ninakaw ko don sa dungeon ng palasyo ni lolo." Sagot ni Steffy.
Black unicorn na mas mailap pa kaysa sa white unicorn. Higit sa lahat mas malakas sila kaysa sa ibang mga higher magic beast o sa mga sacred beast. Isa ang black unicorn sa pinakamapanganib na sacred beast ng Mysteria. Kasing bilis sila ng kidlat at may kapangyarihan silang kuryente at kidlat. Kaya din nilang manggamot ng kahit anong uri ng karamdaman at kaya din nilang magpalaganap ng sakit sa kahit kanino. Maituturing silang blessing kapag kakampi pero maituturing ding curse kapag nakakalaban.
"Paano ko matatalo ang soul spirit niya kung mas malakas pa siya kaysa sa akin?" Tanong ng soul spirit.
"Kaya siya ikinulong sa dungeon dahil wala na ang orihinal na soul spirit sa katawang ito. Ibang soul spirit ang ipinasok ng mga Dethrin sa katawan niya kaya maari kang pumasok at magtake-over pansamantala."
"Kaya naman pala mukha siyang walang buhay. Inaakala kong may nilagay kayong kontroler sa kanyang katawan."
"Masyado ng mahina ang soul spirit na umuukupa sa katawang ito. Kapag namatay na ng tuluyan ang soul spirit na kasalukuyang umuukupa nito, mamamatay din ang black unicorn na ito, kaya kailangan na ng black unicorn ng bagong soul spirit kaya ikaw na muna ang pumalit."
"Pero buhay pa siya." Buhay pa kasi ang soul spirit na kasalukuyang umuukupa sa black unicorn.
"E di itulak mo paalis sa katawang ito. Ayaw din naman niya sa loob ng katawang hindi niya pag-aari." Sagot ni Steffy. Noong naghanap siya ng mga Bysteria na magagamit, nilagpasan niya ang black unicorn na ito dahil ayaw niya sa kulay nitong itim.
Ngunit narinig niya ang hinaing ng soul spirit na nakakulong sa loob na nagmamakaawang sana may maglalabas sa kanya sa katawan ng black unicorn. Hindi makakalabas ang soul spirit na nasa loob ng black unicorn dahil sa Dethrin seal na nakabalot rito. Mapapalaya lang ang soul spirit na ito kapag may isa pang soul spirit na hahalili sa kanya sa katawang napasukan niya.
"Maglalaho na ng tuluyan ang soul spirit kapag hindi nakakalipat ng katawan." Katwiran ng boses lalake.
"Gusto na niyang pumunta sa mystic land kaya hayaan mo ng maglaho ang soul spirit na ito. Nang sa ganon magiging malaya na siya at malay natin na baka magkakaroon pa siya ng magandang katawan sa lugar na mapupuntahan."
Mystic land. Isa sa mga paniniwala ng mga Chamnian na ang mamamatay sa mundong ito, mapupunta sa mundo ng Mystic land. Tinatawag ring mga Mystikan ang mga naninirahan sa lugar na ito.
Napilitan namang sumanib ang fruit guardian sa katawan ng black unicorn. Ang kaninang namumulang mata ay nagiging kulay ginto.
"Nga pala, dahil nasa katawang black unicorn ka, ikaw na ngayon si popcorn." Nakangiting sabi ni Steffy na tumango-tango pa.
"POPCORN?" Gulat na sabi ng soul spirit na nasa katawang unicorn na ngayon. Hindi niya inaasahang magiging isa siya sa mabibigyan ni Steffy ng walang kasing panget na pangalan.
"Gusto mo blackorn?"
Hindi blackorn ang pangalan ko, lalong-lalo na hindi popcorn. Iyan ang gusto niyang isigaw. Ngunit hindi na rin niya maalala ang kanyang pangalan dahil sa haba na ng panahong walang tumatawag sa kanya ng kanyang tunay pangalan. Lalo pa't pabago-bago siya ng katawang nililipatan.
"Sige na nga lang. Unic na lang. Sige Kuya Yunic, ilabas mo na ako sa lugar na ito."
Kahit saang katawan man papasok si Yunic kaya niyang gamitin ang ability ng katawang ginamit niya at maging ang dati na niyang ability. Isa siya sa mga Mysterian na nabubuhay din kahit na magkakahiwalay ang soul spirit at physical body. Kaya lang hindi na niya nahahanap kung saan na ngayon natutulog ang kanyang physical body.
Nang sumakay si Steffy sa likuran niya sabay silang naglaho.
"Ang galing mo Yunic. Di ko na makikita pati sarili ko." Natutuwang sambit ni Steffy.
May kakayahan ang black unicorn na lumutang sa hangin kaya lumutang agad si Yunic sa hangin at umalis sila ng Academy.
Nabahala ang mag-asawa sa biglaang pagkawala ni Steffy ni hindi nila alam kung saan na naman ito nagpunta.
Napahilot naman sa ulo si haring Yuji. Ginawa na nila lahat, para maiwasan ni Steffy ang nakatadhana sa kanya pero hindi nila mapipigilan ang apo nila sa anumang gusto nito. Marami itong nililihim sa kanila at hindi nila alam kung ano na naman ang pumasok sa isip nito.
"Hindi maaaring mapalapit si Steffy sa sinuman. Dahil lumalakas ang sinuman kapag napapalapit sa kanya. Mas lalakas din ang kanilang mga kapangyarihan kapag nasa malapit lamang siya dahilan upang kailangang maselyuhan ang kanyang kapangyarihan at kakayahan." Sabi ni Stella.
Nag-alala sila na makakasalubong sina Steffy ng mas malakas na Mysterian. Lalakas ang mga kapangyarihan ng sinuman ng sampung ulit sa orihinal nilang lakas at kapag nangyari iyon, walang makakatiyak kung magiging ligtas ba si Steffy at ang mga kasamahan nito. Lalo na nang malaman nina Stella at Yuji na nasa Mystikan level ang tunay na pinuno ng mga Dethrin.
"Kapag makita niyo si Steffy, sabihin niyo na kasama na siya sa misyon. Pero hindi siya maaaring gumamit ng kapangyarihan." Utos ni Yuji kina Asana.
"Kaya lang paano natin siya mahahanap?" Tanong ni Sioji.
Tiningnan naman ni haring Yuji ang maliit na agila na nasa himpapawid. Wari may hinahanap.
"Natatandaan niya ang amoy ng kanyang itinuring na amo o kaibigan. Siguradong darating yan sa kung nasaan ang batang yon." Sagot ng hari.
"Pipit lang kaya yan." Sagot naman ni Aya.
"Ang white eagle na yan ay ang hari sa lahat ng mga agila. Ibig sabihin na siya ang hari sa eagle clan ng eagle warrior beast ng beastdom. Wag niyong maliitin ang laki nila dahil mas malakas pa sila sa tiger clan ng tiger warrior beast."
Napansin nilang papalayo na ang munting pipit kaya agad nila itong sinundan.
Nang makaalis sina Asana, napasalampak naman sa kanyang upuan si Haring Yuji.
"Ang babaeng Perzetonian. Natitiyak kong ililigtas siya ni Steffy. Kapag nangyari iyon, kailangan nating baguhan ang plano." Sambit ni Stella at napahilot ng sentido.
Balak nilang gawing pain si Shaira para matunton ang hide out ng mga Dethrin. Kapag nahuli ng mga Dethrin si Shaira at dalhin sa hideout ng mga Dethrin, may pag-asa ng matunton nila ang hideout ng mga ito sa Emperialta.
May tracking spell silang inilagay sa katawan ni Shaira at may inilagay rin silang protection spell dito para sakaling may panganib hindi ito mamamatay ngunit hindi ibig sabihin na hindi siya masasaktan.
Napagplanuhan na nila ang mga bagay na ito, ayun na rin sa pakiusap ni Shaira. Nakiusap ito na tulungan at iligtas ang kanilang kaharian. Nakiusap ring tulungan sa paghahanap sa nawawala niyang ina at kapatid na ilang taon ng nawala na sa hinala niya'y nahuli ng mga Dethrin.
Ang pagsama niya sa mga Dethrin ang magiging daan para makapasok siya sa hideout ng mga ito. Ngunit kung may pagbabago man sa plano, pipindutin lamang niya ang pulseras na ipinasuot sa kanya ni Stella. Sa pamamagitan nito, makakausap sila ni Shaira gamit ang isip.
Kamakailan lamang, nagbago ang plano dahil hindi lang pala iisa ang nagbabalak kumuha kay Shaira. May nagbabalak pumatay sa kanya at wala silang planong dalhin siya sa hideout ng mga Dethrin. Dahil dito, magpapadala sina Stella ng team na magliligtas kay Shaira at sa kanilang kaharian na hindi na nagpapahuli sa mga Dethrin.
Bago pa man makaalis ang uutusang team, nauna ng umalis ang pasaway nilang apo. Na ikinasakit ng ulo ng mag-asawa.
"Manang-mana talaga sa ina. Hindi naman siya ang nagpalaki rito." Sambit naman ni Stella.
Sa loob ng Chamni naman, napanguso ang isang Reyna sa narinig. "Bakit kasalanan ko na naman? Kasalanan ko bang nagmana ang anak ko sa akin? Nagmana rin naman ako kay ama e. Si ama ang sisihin mo wag ako." Reklamo ni Steffany habang pinapanood sa miliskren ang ama at ina.
Kung naririnig lang siya ng kanyang ina baka kanina pa siya nito nasapok.
Makitang wala pang magandang eksena sa Emperialta, ibinaling niya ang atensyon sa isa pang miliskren kung saan nakikita ang pangyayari sa iba pang sulok ng Mysteria.
"Ang batang ito, nanlalamig ako kahit nanonood lamang dahil sa lamig ng kanyang mga tingin. Hindi naman sana yelo ang kanyang kapangyarihan." Sambit niya sabay kagat ng fried chicken na hawak.
"Kanina ka pa nanonood diyan. Sino na naman bang pinapanood mo?" Tanong ni Mirzen sa asawa.
"Si Kleofe. Nasa kanya kasi ang lightning swords ng Perzellia." Sagot ni Steffany.
Umupo naman si Mirzen at binuksan ang miliskren nito at pinanood ang pinakamamahal na bunso.
Sa munting screen na hawak niya makikita ang isang batang may kulay silver na buhok at kulay pulang mga mata.
Makikita ang dalawang batang nagsasanay sa pagamit ng palaso. Kung si Steffy ay lumaking happy go lucky, maingay at matigas ang ulo, ang batang ito naman ay lumaking masunurin, mabait at tahimik. Ibang-iba sa kanyang ate na mahilig magbigay ng sakit sa ulo.
"Hakuah. Hakuah ang pangalang ibinigay sa kanya ng nag-ampon sa kanya." Sambit ni Mirzen makitang nakatingin na rin ang kanyang asawa sa pinapanood niya.
Iku-comfort na sana ang asawa makita ang lungkot at pangungulila sa mga mata nito ng bigla na lamang nagliwanag ang mga mata ni Steffany.
"Wag mong sabihing... Huy, sandali." Tawag ni Mirzen makitang tumakbo na paalis ang asawa na may ngiti sa labi.
Napahilot na lamang siya ng sentido. "Kaninong katawan na naman ba ang papasukan nito?"
Napabuntong-hininga na lamang siya maisip kung kaninong katawan na naman ang mapiperwisyo dahil sa kanyang asawa para lamang makasama ang mga anak na malayo sa kanila.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top