101: Restriction
Napansin ni Luimero na habang tumatagal, unti-unti ring nanghihina ang katawan ni Steffy kaya napilitan siyang gisingin ito.
"Seyriel o Steffy o kung sino ka man! Kung hindi ka pa gigising diyan, mamamatay na iyang katawan mo." Kaso hindi parin dumilat si Steffy kaya inutusan na lamang niya ang grupo nina Asana na magdala ng masasarap na pagkain sa loob ng silid kung saan si Steffy at pinaamoy sa kanya.
Nag-ihaw rin ang mga ito sa loob ng silid.
"Kapag hindi ka pa gumising diyan, hindi ka makakatikim nito." Pananakot naman ni Hyper habang pinapapunta ang usok sa gawi ni Steffy.
Kaya agad itong dumilat at nagmamamadaling kumain na di man lang sila pinansin.
Nagkatinginan tuloy sila. Kung alam lang nila na pagkain lang pala ang kusang magpapagising rito e di sana'y ginawa na nila.
"Sabi ko na nga ba, pagkain lang ang katapat mo." Sabi ni Luimero.
Agad naman siyang tiningnan ni Steffy na may inosenteng mga tingin.
"Mali po kayo Ele. Gwapo lang po ang katapat ko. Hindi pagkain."
Wala tuloy silang masabi. Kasi kapag magsasalita sila, may ipangtatapat ang isang to. Baka mapikon lang sila.
***
"Pero bakit mo pa kasi pinasabog ang bahay ko?" Nalulungkot parin si Luimero dahil siya mismo ang nagpatayo sa tahanan niyang iyon.
"Sorry naman. Di ko naman sinasadya. Nagdidiskubre pa nga lang ako di ba? Saka bakit kasi ang rupok ng bahay mo? Para sumigaw lang ako, nagiging polbo na agad? Wala man lang natira kahit tipak na bahagi nito."
"Anong marupok? Yari yon sa pinakamatibay na bato na tanging sa Chamni lang matatagpuan." Sagot ni Luimero na halos sapukin na si Steffy dahil hindi matanggap-tanggap na tawaging marupok ang kanyang pinkamamahal na tahanan na bigla nalang naglaho.
"Kaya pala naging abo."
"Aba namang batang to." Akmang sapukin si Steffy.
***
Malamang nagising na si Steffy pinatawag sila ni Haring Yuji.
"May bago na naman kaming naimbento." Sabi ni haring Yuji.
Bagong pulseras, na pipigil kay Steffy sa pagamit ng kanyang mga kapangyarihan at kakayahan.
"Bakit niyo po ako papasuotan ng ganyan, lolo?"
Pinasuot niya kay Steffy ang nasabing pulseras bago ipaliwanag ang gamit nito.
"Para hindi ka na aalis sa Academy. Para hindi mo na magagamit kailanman ang ability mo. Magiging isang ordinaryong tao ka nalang at hindi Mysterian."
"Pero lo, bakit mo naman yan ipinasuot sa kanya?" Sinubukan ni Sioji na alisin ang pulseras sa wrist ni Steffy kaso bigla nalang itong naglaho.
"Wala ng makakatanggal sa pulseras na iyan, maliban sa akin." Sagot ni Haring Yuji.
"Paano kung may masamang mangyari sa kanya?" Tanong naman ni Asana.
"Ang pulseras na iyan din ang magliligtas sa kanya." Sagot ni haring Yuji.
Ayaw ni haring Yuji na pasanin ni Steffy ang isang mabigat na responsibilidad na nakatadhana sa kanyang apo. At ayaw niyang magsasakripisyo din ito katulad sa ibang mga pinili. Sa lahat ng kanyang mga apo, si Steffy ang may mabigat na tungkulin na dapat gampanan. At para maiwasan iyon, kailangan niyang tanggalin ang kanyang kapangyarihan. Kung hindi man niya kayang tanggalin, pipigilan na lamang niya ito.
Nakatakdang matapos ang Mysteria, hindi ang matapos at magsakripisyo ang mga Chamnian na katulad nila. Sapat na ang buhay na naisakripisyo ng mga Chamnian para sa mga Mysterian. Kaso hindi parin sila nagbabago at mas lalo pa silang nagiging masama. Kaya para sa kanya, hindi na dapat pinoprotektahan ang mga Mysterian. At hindi sila dapat magsakripisyo sa mga nilalang na hindi karapat-dapat protektahan.
Pinilit nila si Steffy na mag-aral bilang isang normal na estudyante lamang.
"Steffy! Late ka na naman." Sigaw sa kanya ni Luimero. Kailan pa ba kasi siya hindi nahuli sa klase? Kundi pa siya hinila ni Sioji hindi siya makakarating dito.
"Number 1"
"Tong si Ele, test agad?" Reklamo niya.
"Psst! Hyper. Pakopya." Sinipa pa ang upuan ni Hyper.
"Ayaw ko nga. Palage ka na lang nangongopya." Sa kanya siya nangongopya dahil siya lang palage ang nakakasagot ng tama. Si Rujin kasi palage ring zero habang yung iba hindi din sigurado sa mga sagot. Ang mas ikinainis ni Steffy ay ang pinasuot sa kanyang magic artifact. Na nagpi-prevent sa kanyang magamit ang kanyang mga special ability. Hindi na tumatagos ang kanyang paningin. Hindi na siya makakapag-teleport at hindi na rin nakakalipad.
Hindi din siya nakakapapalabas ng anumang kapangyarihan. Wala na siyang pinagkaiba sa mga ordinaryong mga tao ngayon. Kaya disappointed siya. Alam niyang ginawa ito ng lola at lolo niya para hindi na niya magawang lumabas ng Naicron na hindi nila alam. Higit sa lahat hindi natatanggal ang artifact na ito na bigla nalang naglaho noong hinawakan ni Sioji.
Ilang sandali pa'y napaaray si Hyper.
"Steffy! Ano na naman ba iyan?" Tanong ni Luimero na pinandidilatan si Steffy.
"Master! Si Hyper ayaw pakiss." Sagot ni Steffy kahit ang totoo hindi lang talaga siya pinakopya.
"Wag mo yang ikiss bakla yan e." Sagot naman ni Rujin.
"Anong bakla? Hindi ako bakla." Angal ni Hyper. "Saka nangongopya lang naman ang isang to. Pati ba naman pangalan ko." Minsan kasing nangopya si Steffy nakopya rin pati ang pangalan ni Hyper.
"Magsitigil nga kayo." Napahilot na lamang si Luimero sa kanyang sentido dahil sa ingay ng mga pasaway na mga batang ito.
Pagkatapos ng quiz may inanounce si Luimero.
"May misyon akong pupuntahan kaya pagkatapos nito, posibleng magkakahiwalay na naman tayo." Sabi ni Luimero na ikinaangat ni Steffy ng tingin.
"Pero Ele, aalis ka na naman? Sasama ako." Agad na sambit ni Steffy.
Umiling si Luimero. "Natagpuan ko na ang orihinal kong katawan. Kapag magiging iisa na kami lamang ang natatanging paraan para may kakayahan na akong protektahan kayo Steffy. Mahina ang katawang ito dahil bahagi lamang ito ng aking tunay na katawan."
Nalaman nilang ang nakasama nilang Luimero sa Ifratus, maging ang Luimero na kaharap nila ngayon ay bahagi lamang ng katawan ng tunay na Luimero. At ang tunay na Luimero ay nasa Hariatres.
"Nga pala, ang babaeng natagpuan niyo nakauwi na. Kaya lang, pinabalik siya ng headmistress sa kanilang kaharian kahit batid niyang manganganib ang buhay nito." Sambit ni Luimero. "Kaya dadaanan ko siya para matiyak kung ligtas ba siya o hindi."
Napatingin siya kina Steffy na at napapailing makitang wala siyang nakitang kahit ano mang enerhiyang nakapaligid sa mga bata.
"Hindi po kayo ganyan makapag-alala kung wala pang mas mabigat na dahilan. Isa po bang pinili ang batang yon?" Tanong naman ni Geonei.
"Tama ka. Isa siyang chosen keeper ng mga rare ability. At kapag mawala siya, maglalaho din ang mga Mysteriang may mga rarest ability." Sagot ng master nila.
"Rare ability?" Tanong naman ni Asana.
"Katulad ng shadow manipulator, sand controller, soul summonner, isa sa mga rarest ability na once in a million lang matatagpuan. Ang batang iyon ay isang shadow manipulator."
"So, ano pong balak niyo?" Tanong ni Asana.
"Ipapadala ko ang grupo niyo para hanapin ang batang ito." Sagot ng guro.
Sabay-sabay silang napasimangot. Lahat sila may mga suot na pampigil sa pagamit nila ng kapangyarihan, kaya paano nila mahahanap ang batang yon na walang mangyayari sa kanilang masama?
"Isa ito sa challenge namin sa inyo. Kapag nadala niyo ang batang iyon dito na hindi kayo gumagamit ng special ability, tatanggalin na ng headmaster ang mga magic artifacts na nagpipigil sa pagamit niyo ng kapangyarihan."
Natuwa naman sila sa narinig. Gusto nilang matanggal ang mga pinasuot sa kanilang mga magic artifacts. Si Steffy naman nakanguso.
"Ikaw, maiiwan ka." Sabay turo ni Luimero sa kanya.
"E di maiiwan."
Marami siyang paraan para makalabas siya sa Naicron Academy. Kahit ikukulong pa siya sa kahit saang lugar.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top