100: Soul and soul's spirit

"Paano iyan? Wala tayong mga flying beast." Sabay sulyap ni Steffy munting Pipit na natutulog sa tuktok ng kanyang ulo. Lalo siyang nadismaya makita ang munting pipit na ito.

Naalala naman ni Hyper ang mala-peacock niyang flying beast na kasing laki lamang ng kanyang katawan ang katawan nito. Natitiyak niyang hindi rin maaaring gawing flying beast.

"Mukhang hindi pala mga flying beast ang mga nakuha natin. Hindi naman kasi sila mga Egleo." Sambit naman ni Arken maalala ang kanyang mala-cheetah na flying beast.

"Maghanap na lamang tayong muli. Maliwanag pa naman ang araw. Pumunta na tayo sa Blue forest." Sagot naman ni Izumi.

Habang naglalakad, bigla na lamang tumigil si Steffy. "Sandali lang." Kinuha niya ang isang green na miliston at binasag.

Saka napansin ng mga kasama ang mga nakakalat na miliston sa paligid. Kasing laki lamang ng kuko ng mga sanggol ang mga ito at nagbabago ang mga kulay depende sa kung anong kulay ang nakapaligid rito. Kaya hindi agad napapansin ng kung sino.

"Mukhang nakikita ng iba ang mga pangyayari sa gubat na ito. Sino kaya ang naglagay ng mga miliston na ito?" Tanong naman ni Rujin.

"Tanging mga Naicronian lamang ang may karapatang maglagay ng miliston sa buong paligid ng Naicron Mountain. Kasing linaw ng tubig ang kulay ng miliston na ginagamit ng mga Naicronian. Hindi rin pabilog kundi parang patak ng luha. Pero bakit may ganitong uri ng mga miliston?" Tanong naman ni Geonie habang dinadampot ang mga miliston na nakikita. Ipinasok niya ang mga ito sa kanyang bulsa.

"Sinadyang ipalagay ito para mamanmanang mabuti ang buong paligid ng gubat. Kaya naman pala, nagagawa nilang lasunin ang lawa at hindi sila natutunton ng mga taga-Emperialta dahil nakamasid sila sa paligid." Sambit naman ni Geonei.

Nagkatinginan sina Geonie at Rujin.

"Kung ganoon may posibilidad na alam nilang may mga Naicronian na naglalabas-masok sa Naicron Mountain?" Sambit ni Rujin at napasinghap pa.

"Pero bakit kahit alam nila, palihim pa rin nilang inaatake ang Emperialta?" Tanong naman ni Hyper habang nakakunot ang noo.

"Isa lang ang hinala ko. Maaaring kampante silang hindi kayo mangingialam o ba kaya alam nilang lalabas kayo kapag may nangyayaring hindi maganda sa Emperialta at posibleng may iba pa silang binabalak na hindi natin alam." Sagot naman ni Arken.

"Alam nilang may dugong Chamnian si Hyper kaya nila ito hinuli at ikinulong. Nangongolekta ba sila ng mga may dugong Chamnian para eksperimentuhan?" Tanong naman ni Asana.

"At posibleng ang mga Naicronian talaga ang pinakadahilan kung bakit nila balak sakupin ang Emperialta. Dahil kailangan nila ng pangmatagalang suplay ng dugo ng mga Chamnian. At ang mga Naicronian ang pinakamagandang pagkukunan ng suplay." Panghuhula naman ni Izumi.

Napatigil ang seryoso nilang usapan ng makarinig ng pagkagat at pagnguya. Sabay-sabay silang napatingin kay Steffy na may kinakain na naman.

"Puro pagkain talaga 'to o." Sambit ni Asana.

"Nag-iisip ako kaya kumain ako para may maisip." Sagot naman ni Steffy.

"Ano naman ang iniisip mo aber?" Tanong ni Asana na pinipigilang paikotin ang mata.

"Syempre pagkain. Ano pa nga ba." Sagot ni Steffy na ikinabagsak balikat naman ni Asana.

"Hindi ka man lang ba nabahala? Posibleng alam na ng mga kalaban kung saan ang Naicron Academy at kung nasaan tayo? Paano kung lulusob sila?" Tanong naman ni Asana.

"Ayaw mo non? Hindi na tayo maghahanap, sila na ang kusang lalapit." Gusto tuloy katukin ni Asana ang ulo ni Steffy dahil sa isinagot nito.

"Nanganganib ang buong Emperialta Steffy. Hindi lang tayo ang mapapahamak kundi pati ang buong Emperialta kapag lulusob sila sa lugar na ito." Sagot naman ni Asana. "Paano kung nakuha nila ang Naicron Mountain? Kapag marami silang makukuhang mga Mysterian na may dugong Chamnian, manganganib ang buong Mysteria."

Napaisip naman si Steffy sa sinabi ni Asana.

"Hangga't hindi lalabas ng Naicron ang mga Naicronian, walang magagawa ang mga Dethrin o sinupaman sa kanila. Maliban na lamang kung lalabas sila ng Naicron Mountain." Sagot ni Sioji. Alam ni Sioji na ang pinakadahilan kung bakit madalang lumabas ng Naicron Mountain ang mga Naicronian, iyon ay dahil sa restriction ng kanilang mga kapangyarihan.

Mas malakas ang mga Naicronian hangga't nasa loob sila ng Naicron Mountain ngunit mababawasan ang kanilang lakas at kapangyarihan kapag lalabas sila ng Naicron Mountain. Manghihina rin ang kanilang mga katawan dahil mahina ang Chamnian Tzi sa labas ng Naicron Academy at sa labas ng Naicron Mountain.

"Sandali lang. Titingnan ko ang buong paligid." Sabi ni Steffy. Umupo siya sa gilid ng isang ugat ng puno at sinubukang pumikit habang nginunguya pa rin ang kinakaing prutas.

Ilang sandali pa'y idinilat din ang mga mata.

"Hindi ako makatulog e." Nakanguso niyang sambit. Ngunit bigla niyang naisip kung paano siya nakakatulog ng hindi sinasadya.

Ginamit na naman niya ang kapangyarihan ng kanyang mga mata. Hanggang sa makaramdam na rin siya ng antok at tuluyang nakatulog.

Agad namang pinasan ni Hyper si Steffy. Nasanay na siyang pasanin ito sa bawat panahong nakakatulog si Steffy dahil batid niyang matatagalan ito ng gising. "Hindi man lang hinintay na makabalik muna tayo sa Academy bago matulog?" Iiling-iling niyang sambit.

"Paano iyan? Tutuloy pa ba tayo?" Tanong ni Aya.

"Kailangan nating ibalita kina Arshi ang natuklasan natin." Sabi naman ni Geonei.

Napagpasyahan nilang bumalik na muna sa Naicron Academy nang bigla na lamang sumuka ng dugo si Steffy na ikinabahala nila.

Nataranta naman ang mag-asawang Arizonian nang malamang sumuka ng dugo si Steffy. Palatandaan na may nakalaban ang soul spirit nito.

Tinawag agad nila si Luimero na siyang may pinakamalakas na healing ability.

"Ayos lang ang spirit body niya pero may injury ang kanyang physical body. Dalawa lang ang rason na magkakaroon ng sugat ang pisikal na katawan ng mga Mysteriang may katulad ni Seyriel ang kakayahan. Iyon ay ang sapilitan siyang gisingin na dahilan upang pwersahang makabalik ang kanyang soul spirit sa kanyang katawan o ba kaya ang biglang nakakabalik ang kanyang soul spirit na hindi sinasadya." Paliwanag ni Luimero.

"Hiniwalay niya ang kanyang espiritu sa kanyang katawan?" Gulat na tanong ni Geonei.

"May ganon ba? At hindi siya napano?" Tanong naman ni Rujin at napatingin sa natutulog na kaibigan.

"Napano na nga di ba? Di mo ba nakikita, sumuka siya ng dugo." Kontra naman ni Aya.

"E kapag ako kasi ang nahiwalay ang nahiwalay ang kaluluwa sa katawan malamang sa kabaong ang punta ko." Sagot naman ni Rujin.

Napaisip naman sila sa sagot ni Rujin at napatanong sa sarili kung sila kaya ang mahihiwalay ang kaluluwa sa katawan, makakabalik pa kaya sila? Mabubuhay pa kaya sila?

"Ayos lang kung nasa malapit lang ang kanyang soul spirit. Hindi ito makakagawa ng physical o spiritual damage sa kanya kahit na madidisturbo pa siya. Pero nabigla ang physical body niya sa biglaang pagkabalik ng kanyang soul spirit sa kanyang katawan. Ibig sabihin na gumamit siya ng spiritual energy at mysterian ki, para makakapaglakbay ng malaya ang kanyang spirit form sa malayong lugar. Kung iba pa yon, mamatay agad sila. Pero dahil may malakas siyang physical body, hindi siya napahamak. Pero nakagawa parin ng kaunting physical damage."
Paliwanag ni Luimero.

"Bakit walang damage ang spirit form niya? Di ba dapat may damage din itong matatamo?" Tanong naman ni Sioji. Siya kasi palaging nagkakaroon ng spiritual injury kapag nadidisturbo ang katawan niya kapag inihiwalay niya ang soul spirit sa kanyang katawan para mag-explore sa outside world. Kaya naman, hanggang hangganan lamang ng Lost City siya napapadpad kung saan mga dagat at dalampasigan lamang ang kanyang nakikita.

"Kakaiba ang soul spirit ni Steffy. May sarili itong pakiramdam, may sariling pag-iisip at may sariling kapangyarihan at kakayahan. Hindi siya ordinaryong spirit na nasa katawan ng iba. At maituturing na malakas ang soul spirit niya kaysa sa kanyang katawan. Kung naisilang ang spirit na ito sa mahinang katawan, maaaring hindi siya magtatagal sa mundo at mamamatay din agad."

Maraming mga batang Chamnian na hindi kinakaya ng kanilang katawan ang taglay na kapangyarihan ng kanilang mga soul spirit. Kaya sumasabog sila kapag hindi nakakayanan ng pisikal nilang katawan ang kanilang kapangyarihan. Dahil dito, bawat batang Chamnian na may malalakas na kapangyarihan ngunit may mahihinang katawan, ipinapadala sa labas ng Chamni pagkatapos maikulong ang mga kapangyarihan ng mga batang ito gamit ang Chamnian seal, at ilagay sa mga lugar kung saan may mga mahihinang Chamnian Tzi para mapigilan ang malakas na Chamnian Tzi ng kanilang soul spirit.

Mas mahina ang kapangrihang mahihigop ng soul spirit sa kapaligiran kapag sa Chamnian Tzi or Mystikan Ren ang mga soul spirit ng mga batang ito. Na makakatulong para mapalakas muna ang mga pisikal na katawan bago buksang muli ang nakakulong nilang mga kapangyarihan.

"Mabuti nalang at isinilang siya sa katawan na galing sa angkan ng mga Chamnian na natatanging compatible ng spirit na ito. Kaya lang, mas mahina parin ang katawan kaysa sa soul spirit niya kaya nagkaka-injury ito kanina." Paliwanag ulit ni Luimero.

"Alam mo, nalilito ako. May pinagkaiba ba ang soul at spirit at spirit body?" Tanong naman ng naguguluhang si Hyper.

"Ang katawan ng mga Mysterian ay magiging kumpleto lamang kapag binubuo ito ng physical body, at soul. At ang soul ang may spirit na tinatawag na soul spirit. Ang soul spirit na ito ay may spirit body. May pagkakataon na kung ano ang hitsura ng physical body mo ganon din ang hitsura ng spirit body mo, at may iba naman na hindi mo mawari kung ano ang porma o hitsura ng mga spirit body nila. Kadalasan kasi nakadepende ang hitsura ng kanilang spirit body sa kung anong spirit body nila sa mga nakaraang buhay."

"Sa kaso ng mga Arizonian at iba pang mga piling Mysterian, maaari nilang ihiwalay ang soul spirit at physical body. At maaari rin silang gumawa ng soul spirit solid form na may kakayahang humawak ng mga pisikal na bagay at maaari rin silang mahawakan ng iba. Ngunit nagagawa lamang ito kapag may sapat na lakas na ang isang Mysterian."

"Aakalain ng sinuman na natutulog lamang ang Mysterian na ito pero di nila alam na pinanonood ka na pala sila. Makikita lang ang mga spirit body ng mga kapwa nila spirit body at ng mga piling Mysterian na may kakayahang makita ang mga hindi nakikita ng mga mata." Sagot ni Luimero.

"Magiging ayos lang po ba siya Arshi?" Tanong naman ni Arken.

" Wag kayong mag-alala, ayos na ang kalagayan niya. Kailangan lang niyang magpahinga. Sa susunod, wag niyo na siyang disturbuhin ulit at mas mainam kung babantayan niyong mabuti ang katawan niya kapag natutulog siya." Paalala niya sa magkakaibigan.

"Kakausapin ko siya tungkol sa bagay na yan. Hindi siya dapat basta-basta lang hihiwalay sa kanyang katawan." Nag-aalalang sambit ni Reyna Stella.

"Vulnerable ang katawan kapag wala ang soul spirit nito. At posibleng pasukan pa ito ng ibang soul spirit at siyang magkokontrol sa katawan." Dagdag pa ni Luimero.

Kaya naman ipinangako ng magkakaibigan na hindi nila iiwang mag-isa si Steffy kapag natutulog ito.

"Arshi, paano po kung may ibang soul spirit sa paligid? Paano namin sila mararamdaman?" Biglang tanong ni Geonei. "Saka paano kung papasukan ang katawan ni Steffy ng ibang soul spirit?"

"Your soul can sense them. But your naked eyes can't see them. Pero hindi nila maaatake ang physical body at tanging ang soul spirit lamang ang maaatake nila. Pero malalabanan naman ito ng soul spirit ng kanilang biktima at ang sinumang mahina ang siyang matatalo. Kaya kung mahina ang soul spirit ng kanilang target, maaaring matatalo ng mga soul attacker ang soul spirit ng target na ikamatay nito o ba kaya magkaka-internal injury lamang ang soul spirit nila."

"Maaari ring ang soul spirit na nila ang maghahari sa katawan ng inatake nila. Kaya lang, may limitasyon din ang pag-alis nila sa kanilang katawan. At kung hindi sila agad makakabalik sa takdang oras sa kanilang tunay na katawan, maaaring mamamatay ang katawan na yon. Wag kayong mag-alala, hindi naman maaaring pagharian ang katawan ng iba kung hindi compatible ng spirit body ng sinumang mang-aagaw rito. Manghihina lang ang soul spirit na iyon at maaari pang hindi na makakabalik sa tunay na katawan." Mahabang paliwanag ni Luimero. Inabutan naman agad siya ni Asana ng tubig dahil nahahalata niyang nanunuyo na ang lalamunan ni Luimero sa pagpapaliwanag.

"Paano naman nagagamot ang mga katulad nila? Kanina kasi, gagamutin sana namin si Steffy ngunit hindi namin kaya." Sabi naman ni Arken.

"Tanging mga spirit healers ang makakagamot sa mga sugatang soul spirit o mga nanghihinang mga spirit." Sagot ni Luimero.

Napatingin sila kay Steffy at napapatanong kung anong panganib ba ang nakasagupa nito sa paglalakbay ng kanyang soul spirit.

Hinintay nilang magising si Steffy, pero ilang araw na ang nakalipas, hindi parin ito nababalikan ng malay.

"Mabuti pang mag-aral na muna kayo para hindi na kayo tanong ng tanong." Suhestiyon ng reyna. Ayaw man nila pero nang ang haring Yuji na ang nag-utos napilitan silang mag-aral.

Si Steffy naman nagpatuloy sa paglalakbay. Sa totoo lang, nagising na siyang muli, ngunit muli ring natulog at ipinagpatuloy ang paglalakbay gamit ang kanyang soul spirit.

Natuklasan niyang alam na ng mga pinuno ng dalawang powerful clan na buhay siya. At pinaghahanap ng dalawang powerful clan na ito ang mga pinili para sa kanilang mga pansariling hangarin. Kaya napagpasyahan ni Steffy na hanapin ang iba pang mga chosen keeper at dalhin sa Chamni bago ito muling itago sa mga sakim na mga Mysterian.

Kaya lang, sa ilang araw na niyang paglalakbay, hindi parin niya mahanap ang mga chosen keeper na katulad niya.

Ngunit natuklasan niyang nakabalik na si Shaira sa Perzeton. At natuklasan ding isa si Shaira sa mga pinili.

"Bakit? Bakit nila hinayaang bumalik si Shaira kahit alam nilang manganganib ang kanyang buhay?" Sambit niya habang sinusundan ang mga kahinahinalang mga Perzetonian na sumalubong kay Shaira.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top