CHAPTER 8: Pachill-chill nalang
After a few days...
"Ele, pa'no ba kasing lumipad? Turuan mo na ako." Pangungulit niya. Combat fight daw kasi muna ang ituturo sa kanila, e sa gusto niyang lumipad.
"Hindi pa nga pwede. Sinabi ng di pa natin alam kung anong ability ang taglay mo. O kung anong elemento ang kaya mong ipalabas o kontrolin." Napahilot na lamang sa sentido si Luimero sa makulit na batang ito. Kanina pa kasi siya nito kinukulit.
"Gusto ko talagang lumipad. Lumipad. Lumipad. Lumipa-aaah!" Sabi naman ni Seyriel at niyuyugyog pa ang Master kaya naman naubusan na ito ng pasensya at ipiniksi ni Luimero ang brasong hawak ni Seyriel.
May hanging lumabas sa kanyang palad at tumama iyun sa katawan ng makulit na bata na ikinatilapon nito mga ilang metro palayo sa kanya.
"Oh ayan! Nakalipad ka na!" Sabi ni Luimero kay Seyriel na nakadapa ngayon sa lupa at anumang oras ay iiyak na. Inangat nito ang ulo at tiningnan si Luimero ng naiiyak na mga mata.
"Uwahuhuhu! Hindi yun lipad! Tilapon yun! Huhuhu!" Sagot ng bata at nagngawa pero tinalikuran na siya ni Luimero at nilapitan si Asana na nagsasanay mag-cast ng spell.
"Ele naman. Sabi ko turuan mo akong lumipad. Di turuang tumilapon. Eleee!" Tawag niya pa pero di parin siya pinansin.
Tumayo na lamang si Seyriel, pinagpagan ang damit at ilang sandali pa'y "Ele. Ele. Elepante. Elepanteng luma. Elepanteng luma. Elepante, elepante. Elepanteng luma." Kanta niya na ginaya ang tono ng happy birthday to you.
"Tumigil ka!" Sigaw ng Master niya. Kaya lang, matigas ang kanyang ulo. Kung sinasabi sa kanyang tumigil, saka naman siya magpapatuloy. Ang motto kasi niya, kung "no" sa iba, "yes" sa kanya. Kapag "don't" sa iba, "do" sa kanya.
"Elepanteng luma. Elepanteng luma." Pagpapatuloy niya kaya pumulot ng maliit na bato si Ele Luimero at binato sa kanya.
Agad naman siyang nakaiwas at nag-budots pa dahil di siya natamaan.
"Galing ko talaga. Sige pa, batuin mo pa ako." Muli naman siyang binato ni Ele Luimero at di na naman siya natamaan kaya muli na naman siyang sumayaw.
"Ang kulit mong bata ka. At napakapasaway!" Tumakbo siya palapit kay Seyriel.
Kumuha ng stick at pinalo sa bata pero nakaiwas na naman. At kahit ano mang hampas niya ay nakakaiwas ito. Kaya napatigil siya sa bilis ng bata at sa agility ng katawan nito.
Sinubukan niyang iwasiwas ang stick na umano'y isa itong espada at inatake si Seyriel pero palage itong nakakaiwas. Tapos sasayawan lang siya nito.
"Bakit niya naiiwasan ang aking mga atake?" Takang tanong niya sa isip at kumuha ng isang piraso ng sanga ng kahoy saka tinapon sa gawi ni Seyriel. Natutuwa siya at the same time namangha. Pero di niya pupurihin ang batang 'to, baka lalo pang tumigas ang ulo.
"Ano 'yan Ele? Dahil di mo ako matatamaan ako na naman ang papalo sa'yo? Sige Ele, gustong-gusto ko 'yan!" At pumalakpak pa.
"'Tung batang 'to!" Akma ulit hampasin si Seyriel pero di itinuloy dahil may biglang naisip. "Isipin mong espada 'yan at labanan mo ako."
Gusto niyang magsanay ng combat fighting si Seyriel ngunit napakatamad nito kaya sinamantala niya ang sitwasyon ngayong binigyan siya ng pagkakataon para malaman kung hanggang saan ang kakayahan ni Seyriel sa pagamit ng espada.
"Sige! Game ako diyan!" Agad pinulot ang putol na sanga ng kahoy saka inihanda ang sarili.
"Atakehin mo ako." Utos ni Luimero. Sumunod naman agad si Seyriel at ilang sandali pa'y nagpalitan na sila ng mga atake.
Si Asana na nagpapraktis ng spell ay napatulala, makita ang palitan ng mga atake nina Luimero at Seyriel. Kasi palaging nahaharang ni Seyriel ang bawat hampas ni Luimero at sa halip na si Seyriel ang dapat maagrabiyado, si Luimero ang palaging natatamaan. Kaya ang resulta, ang daming bukol ng Master nila.
"Tama na. Magpatama ka naman kahit isa." Angal ni Luimero na napaupo na sa lupa at hinihingal. Bakit kasi ang bilis at ang lakas ng batang 'to? Naisip tuloy niyang di siya karapat-dapat maging master nito.
"Hehehe! Ele, ang dami mong bukol. Kaya lang di mahaba. Pahabain kaya natin." Sabi pa ni Seyriel pero napaatras makitang sinamaan siya ng tingin ni Luimero.
"Magpahinga na muna kayo. Bukas tuturuan kitang mag-cast ng spell. At kapag matutunan mo na ang pagka-cast ng spell, tuturuan kita kung paano makalutang sa hangin." Dahil sa sinabi ni Luimero, nagtatalon naman sa tuwa si Seyriel.
"Ele, pangako. Mag-aaral akong mabuti." Masigla niyang sambit.
Pumasok na si Luimero sa tahanan nila pero si Seyriel ay nilapitan si Asana at hiniram ang hawak nitong spell book.
"Ano ba yan? Nababasa mo ba 'to?" Nakakunot noo niyang tanong kay Asana.
"Halika at tuturuan kita. Para bukas, may alam ka na kahit kunti."
"Sige turuan mo ako." Eksayted niyang sambit.
Si Luimero naman, ay napapaisip kung dapat na bang turuan si Seyriel kung paano magpalabas ng anumang kapangyarihang taglay niya. Tamad mag-aral ng martial-arts ang batang yun, pero kapag sa ibang bagay ay ganadong-ganado. Kaya lang naisip niyang may alam na ito sa martial arts dahil sa liksi at bilis nitong kumilos. At siyang dahilan kung bakit hindi na ito interesadong matuto kung tungkol sa martial arts ang pag-uusapan.
***
Madaling araw na at wala pang gaanong gising sa mga oras na ito nang magising si Luimero dahil sa napakalakas na presensya.
Nagmamadali siyang bumangon at agad na sumilip sa bintana. Sinuri ng paningin ang buong paligid baka kasi may mga kalaban ang umatake o pumuslit sa kanyang tahanan.
Pero nagulat siya makitang si Seyriel pala ang nagpapraktis kung paano makalutang sa hangin. Maging si Asana ay napalabas din sa silid niya nang mapansing wala sa tabi niya ang kaibigan.
Nagulat silang may liwanag na nakapalibot kay Seyriel, kaya lang, kahit anong gawin nito di parin siya nakakalutang sa hangin.
"Napakaaga pa. Bakit nandiyan ka na sa bakuran?" Tawag ni Luimero.
Alam niyang matagal nakatulog ang dalawang bata at hindi pa oras para sa kanilang pagising pero nagpapraktis na si Seyriel mag-isa.
"Sabi nila, pag maaga ang gising, maaga ang grasya. Saka po, ilang araw ko na kayo kinukulit pero wala kayong balak turuan ako kung paano makakalutang sa hangin." Nakanguso niyang sambit.
Ilang sandali pa'y di na pinansin ang Master at muli na itong nagkonsentreyt.
"Hay, naku. Nag-aaksaya lang ng enerhiya ang batang to." Anang isip ni Luimero habang pinagmamasdan ang enerhiyang bumalot sa mga paa ni Seyriel.
Pero nanlaki ang kanyang mga mata makitang unti-unti lumutang sa hangin ang katawan ng bata. Ngunit makaraan ng ilang minuto ay bumagsak ring muli sa lupa.
Napailing na lamang siya sa kapursigiduhan ng batang ito. Inaasahan na niyang makakatulog si Seyriel o ba kaya makakaramdam ng labis na pagod at panghihina, dahil nagpalabas na naman ng enerhiya. At di nga siya nagkamali dahil napahiga na naman sa lupa ang bata.
Isa sa dahilan kung bakit di niya ito tinuturuang magpalabas ng kapangyarihan mula sa loob ng katawan dahil nakakatulog si Seyriel ng ilang araw. Hindi niya alam kung dahil ba di kaya ng katawan ni Seyriel o nasa loob ito ng isang curse magic?
Gusto niyang matuto muna ang mga bata sa mga enchanting spells, cursed magic at mga combat fighting na di gumagamit ng inner energy o Mysterian energy. Para kahit di man sila gumagamit ng kapangyarihan may maipanlaban sila sakaling malalagay sa panganib ang kanilang buhay.
Ngunit isa si Seyriel sa mga batang kapag may isang goal ay hindi na mababali. Kung gusto nitong kumain, ginagawa ang lahat makakain lang at kung gustong matutunang makalipad, haharapin ang lahat matututo lamang.
Si Asana mahilig sa mga magic spell at mga potion. Mahilig ding magbasa ng libro. Nagkataong magkapareho sila ng libangan ni Luimero. Kaya nagkakasundo sila sa mga bagay-bagay. Ngunit natuklasan niyang hangin ang main element na kayang kontrolin ni Asana at siyang tunay niyang abilidad. Kaya lang, nanghihina siya kapag ginagamit ang wind elemental magic na taglay niya.
Agad na lumabas si Luimero makitang tumahimik na si Seyriel. Ibig sabihin lang nito, nakatulog na ang bata.
"Sinabi ng di pa niya maaaring ilabas ang enerhiya niya e." Sambit ni Luimero at binuhat si Seyriel. Tinawag si Feru para suriin ang katawan ng bata kung ayos lang ba ito matapos makapaglabas ng Mysterian Ki.
"Hindi ko maintindihan kung ano ang problema sa kanya. Kung bakit nawawalan siya ng malay sa bawat panahong pinipilit niyang maglabas ng kapangyarihan." Sabi ni Feru.
"Parang pinipigilan siya ng isang malakas na pwersa at pinapatulog siya ng pwersang ito para hindi na magagamit pa ang kapangyarihan niya."
"Kung gano'n posibleng malaya na siyang gumamit ng kapangyarihan kapag natalo niya ang pwersa." Sabi ni Luimero.
"Posible nga. Pero bago mangyari yun kailangan muna niyang maging mas malakas. Mula mental, physical, and spiritual strength."
Makalipas ng ilang araw, nagising na ring muli si Seyriel.
Sa umaga, umaakyat sila sa bundok, nangunguha ng mga gulay at prutas at nanghuhuli ng mga Bestri.
Binibigyan sila ng special class ni Luimero at itinuturo sa kanila ang anumang bagay na matutunan sa libro. Sa hapon ay ang pagsasanay sa combat fighting lalo na sa pagamit ng iba't-ibang uri ng sandata.
Ipinagpatuloy naman ni Seyriel ang kanyang pagsasanay kung paano makalutang sa hangin kapag natapos na ang training na ibinigay sa kanila ni Luimero.
Sa pagkakataong ito, hindi na siya nakakatulog kapag nagpapalabas siya ng munting piraso ng kanyang inner energy o Mysterian Ki, maliban lang kung mapapalakas ang mailabas niya siguradong manghihina siya at mawawalan ng malay.
Nagulat na lamang si Luimero makitang nakalutang na naman ngayon si Seyriel at hindi agad bumagsak sa lupa. Hindi na rin hinihila ng matinding antok ngunit ilang sandali ay bumagsak din sa lupa.
"Woahhh! Nakalutang ako kanina." Napasayaw pa siya sa tuwa at inulit ang ginawa kani-kanina lang. Tumawa siya mapansing hindi siya nakakaramdam ng matinding antok.
Muli siyang nakalutang sa hangin at nakaisang metro ang layo ng kanyang mga paa sa lupa. Sa sobrang galak ay kumimbot pa siya na ikinawala ng konsentrasyon niya sa enerhiyang ginagamit para mapalutang ang katawan. Dahil dito, bigla siyang bumagsak pababa na ikinaungol niya sa sakit.
"Awts! Yung pang upo ko. Uwaah!" Biglang nagngawa at may ilang luha pa ang pumatak sa kanyang mga mata.
"Hindi nga kasi nakakalipad ang mga walang pakpak tulad natin." Sabi naman ni Luimero.
"E bakit si Darna wala namang pakpak?" Sagot naman niya. Napakunot naman ang noo ni Luimero.
"Darna? Sino si Darna? May mga nilalang ba na nakakalipad tulad ng mga Norzian?"
"Sino si Darna?" Di nakatiis na tanong niya kay Asana.
"Karakter po na napapanood namin sa TV sa mundo ng mga tao." Sagot ni Asana.
"Karakter ng TV? Ano yun?" Sambit ni Luimero ngunit di na nagsalita pa dahil hindi rin naman niya maintindihan kahit magpaliwanag pa si Asana.
Si Seyriel naman ay lumiwanag agad ang mukha nang maalala si Darna.
"Alam ko na!" Biglang sabi niya na abot-tainga ang ngiti at pumitik pa sa ere. Pumasok siya sa loob ng bakuran at may dala-dala ng stick, grapes at walis.
"O, anong gagawin mo diyan?" Naguguluhang tanong ni Asana.
"Watch and learn!" Masigla niyang sagot.
Kumuha si Seyriel ng isang piraso ng grapes at kinain ito saka nilunok at sumigaw ng "Darna!" Ginaya pa talaga ang pose ni Darna kapag sumigaw ito ng darna. Pero walang nangyari kaya kinuha na lamang niya ang stick sabay sigaw ng "captain barbell!"
Di tuloy alam ni Asana kung matatawa ba siya o sasapukin niya ang isang 'to para magising. Ilang sandali pa'y sumigaw na naman ito.
"Kapten Stick!" Sabay taas ng hawak na patpat.
Si Asana naman ay napatawa na. "Seyriel ano bang kapten stik ka diyan? Hahaha. Para kang baliw."
"Ayaw pa ring makalipad eh." Disappointed na sambit ni Seyriel. Napabuntong-hininga na lamang si Luimero.
"Dahil gusto mo talagang makalipad tuturuan na lamang kita kung paano makalutang sa hangin." Sambit ni Luimero na ikinasiglang muli ni Seyriel.
"Talaga Ele? Sabi ko na nga e may paraan ka." Tuwang-tuwa niyang sambit.
"Pero bago yun kailangan mo munang matutong pag-aralan ang pagbibigkas ng mga spell." Sumimangot na naman agad si Seyriel. Mas gusto niyang makalipad kaysa magka-cast ng mga spell.
Napansin ni Luimero na habang lumalakas ang physical body ni Seyriel at nasasanay sa mga physical activities, hindi na rin gaanong nakakatulog kapag nakakagamit ng inner energy. May hinala na siya na ang dahilan kung bakit hinihila ng antok si Seyriel ay dahil sa hindi kaya ng katawan ang lakas ng inner energy na nakukuha niya sa paligid.
Napagtanto niyang kailangan pa ni Seyriel ng matinding pag-eensayo at palakasin ang physical body bago makakagamit ng Mysterian Ki.
"Kung gusto mo talagang malayang makakagamit ng Mysterian Ki kailangan mong palakasin ang resistensiya mo at 'yang katawan mo. Magsisimula na tayo sa second level ng pagsasanay niyo para sa physical strength." Sabi ni Luimero.
"Physical training na naman? Ginagawa na namin 'yan ni kuya." Nang banggitin ang katagang kuya bigla siyang nalungkot. Ang totoo ay iniiwasan niya ang mga bagay na madalas nilang ginagawa ni Ariel para hindi ito maalala.
Aware siya na kailangan niyang palakasin ang pisikal na katawan dahil iyon lang ang paraan para hindi siya hihilahin ng antok na wari pagod na pagod kapag nagpapalabas siya ng Ki. Pero ayaw naman niyang mag-ensayo o subukang sanaying muli ang katawan sa mga physical activities para mapalakas ang katawan at resistensiya niya.
Pero kailangan ng kanyang katawan ang magiging malakas para makakayanan nito ang inner energy na maipapalabas o magagamit niya. Kung gusto niyang maprotektahan ang sarili at ang mga mahal sa buhay kailangan niyang magiging malakas.
"Magte-Training na po ako simula ngayon Ele. Magiging malakas din ako." Sabi niya sa Master na ikinatuwa naman nito.
Gusto ni Seyriel na maging malakas upang maprotektahan ang sarili at darating ang araw na hindi na niya kailangan pang matakot kapag nasa gitna ng panganib.
"Sa susunod na may mga kalabang gustong pumatay sa akin, pachill-chill na lang ako." Pangako niya sa sarili.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top