CHAPTER 6: Meeting Ele Luimero

Seyriel's p.o.v

Ilang araw narin kami rito sa bayan ng Azran. Isa sa mga bayan ng Zilcan Empire.

Kakaiba ang mga hitsura ng mga tao rito. Kasi para silang mga half-human half animal. Yung iba kasi matutulis ang tainga na parang tainga ng duwende. May iba naman na parang mata ng pusa. May iba din na parang balahibo ng ibon ang buhok sa ulo. Yung mga mata din nila parang mata ng ibon. Akala ko pa naman may costume party lang. Ngunit di kalaunan napagtanto kong ganito na pala ang tunay nilang anyo.

Katulad lang din ng mga ordinaryong mga tao ang pamumuhay nila. Kakaiba nga lang ang mga pananalita at hitsura. Maging ang kanilang mga letrang sinusulat. Hindi ko lang maintindihan kung bakit nababasa ko ito gayong hindi ko naman napag-aralan. O baka naman, napag-aralan ko na kaso nakalimutan lang?

Natuklasan kong hindi ito katulad sa mundo ng mga tao. Tinatawag na Mysteria ang mundong ito na nasa ibang dimension. Hindi ko alam kung nasa ibang planeta ba ito o kung saan ito nabibilang? Basta ang alam ko, hindi ito nakikita ng mga tao. Isa itong mundong nakatago sa mga mata ng mga ordinaryong tao.

Kung may mga kapangyarihan sina mama, ibig sabihin lang nito na galing sila sa lugar na ito. Pero ang sinabi ng babaeng umatake sa amin na di daw ako tunay na anak nina mama then, sino ang tunay kong pamilya?

Pinapunta nila kami sa bayan ng Ifratus. Isa sa mga lugar na sakop din ng Zilcan Empire. Dahil mas malakas ang barrier dito kaysa sa bayan ng Azran. Dito namin nakilala si Ele Lums.

Akala ko pa naman pangalan ng tao ang Ele, iyun pala ay tawag sa taong magtuturo o ba kaya Master na kumukuha ng mga disipulo. Ele ang tawag nila sa Master. Master Lums or Ele Lums. Luimero ang tunay niyang pangalan pero may palums-lums pa siyang nalalaman.

Iba din ang tawag kapag magtuturo mo lang. Arshi daw kapag guro lamang at Ele ang tawag sa guro ng sinumang disipulong magmamana sa kanyang kakayahan at kaalaman.

"Sila ba ang sinasabi n'yo?" Tanong ng matandang kamukha ni Santa Claus. Ang haba kasi ng balbas. Kaya lang itim pa ang buhok. Kapag ni-shave ang begote niyan sigurado naman akong bata pa siyang tingnan at may hitsura rin. Sa tangos palang ng ilong at mamula-mulang mga labi mukhang bata pa naman siya. Di lang talaga nag-aayos.

"Oo. Sila nga." Sagot ni Kuya Feyu. Aji ang tawag nila sa nakatatandang kapatid na lalake. Pero mas sanay ako sa Kuya.

Mukhang masungit 'ata ang matandang 'to.

Taas-baba kung makatingin tapos, nagkakadikit pa ang kilay at kumunot pa ang noo. Nginitian ko nalang siya sabay taas ng isang kamay at ikinaway. "Hello po! Ang gwapo n'yo pong pagka-lolo."

Pfft!

Pansin ko lang, bakit nagpipigil sa tawa ang tatlong lalaking 'to? Ano bang nakakatawa do'n?

Natuklasan ko rin na kapag nagpipigil ng tawa sina Kuya Feyu, ibig sabihin may nasabi na naman akong mali.

"Ako? Lolo?" Sabay turo ni Ele Lums sa sarili na lalong kumunot ang noo. Yung tatlo nagsitawanan na talaga ng malakas.

"Lolo... Hahaha! Bagay talaga sa'yo." Sabi pa ni kuya Feyn at muling tumawa ng malakas pero binatukan ng malakas ni Ele Lums.

"Di pa ako lolo, tandaan mo 'yan." Galit niyang sigaw. Napanguso lamang ako.

"E, pang lolo 'yang begote mo. Tingnan mo o, pwede ng pantali ng bihag. Talo niyo pa si Santa Claus." Actually, six inches ang haba ng begote niya. Ilang taon na ba siyang 'di nagsi-shave?

"Sino naman iyan si Santa Claus?" Tanong nina Kuya Feyn.

"Ah siguro kabayo nila." Sagot ni Feru kaya kinutusan ni Ele Lums.

Napahawak na lamang ako sa aking noo, kasi pinitik bigla ni mukhang kambing. "Katulad ka nga sa kinuwento nila." Sabi niya at nagpakawala ng malalim na hininga.

Ano kayang kinuwento nila? Di kaya nabad-at persayt na ako? Wag naman sana nilang ikwentong isip-bata talaga ako at iyakin. Ayaw kong mabad-shot sa unang tingin.

"Wag kang mag-alala, di nila iyun nasabi." Nanlaki ang aking mga matang napatitig kay Ele Lums.

Na-nababasa niya ang nasa isip ko? Kaya tiningnan ko si Ele para makasiguro. Nginitian niya ako. Nababasa nga niya? Namilog ang aking mga mata sa natuklasan.

Mabuti nalang talaga hindi ako nag-iimagine ng mga crush ko e di sana'y nalaman niya na marami akong crush.

"Ang daya mo Ele! Pabasa din ng isip mo." Ang unfair kasi, ako walang privacy, siya meron.

"Kung isa iyun sa kakayahan mo, pwedeng-pwede." Sagot niya.

"Talaga? Wow! Gusto ko ding makakabasa ng isip."

Kaya lang paano kung wala akong kakayahan na ganito? Saka ano ba ang kakayahan ko? Speaking of kakayahan, meron ba ako no'n, gayong hindi ako lumaki sa mundo nilang ito? At di ko nga alam kung tagarito ba ang tunay kong mga magulang.

"Iiwan na namin sila sa'yo Luimero, at tulungan mo silang tuklasin ang anumang kakayahan nila lalo na si Seyriel. Mahirap na kung matagpuan siya ng mga Dethrin o Mizuto, na di parin nagigising ang kapangyarihan niya. Paano siya makakalaban?" Feyn said.

Magising ang kapangyarihan? Kung gano'n may kapangyarihan ako kaso tulog pa. May posibilidad kayang may kapangyarihan akong katulad sa pinalabas ni mama na parang scarlet colored flame? Saka ano kaya 'yon?

"Ako na ang bahala sa kanila." Sagot ni Ele Lums.

Nagpaalam na ang tatlong Kuya habang si Asana kanina pa inililibot ang paningin sa paligid.

"May sound barrier sa paligid at may invisible barrier din." Sabi pa niya na nakahawak sa hangin. Buti pa siya may kunting alam na sa mga kakaibang mga bagay sa lugar na ito. Ako naman, nag-aadjust pa. Wala nga akong napansing kakaiba eh.

Saka wala naman akong nakikitang hinahawakan niya.

***

"Ito na ang magiging silid niyo." Sabi ni Ele Lums matapos kaming ihatid sa magiging kwarto namin.

Mas maliit ang kwarto ko rito kumpara sa kwartong inilaan sa akin nina Asana. Ngunit mas malaki naman ang kwartong ito kumpara sa kwarto ko sa amin.

"Maaari kayong tumira sa pamamahay ko ngunit dapat magtrabaho rin kayo at pagbutihin ang pagsasanay. Ayoko ng tatamad-tamad."

"Opo." Sagot ni Asana.

Tiningnan naman ako ni Ele Luimero. "Masipag po ako. Lalo 'pag kumain." Bulong ko lang yung huli. Baka mamaya makurot ako e.

"Hindi kayo makakakain kapag hindi niyo natatapos ang mga ipinapagawa sa inyo." Sagot niya.

"Magpahinga na kayo at bukas nalang tayo magsisimula."

Hindi ko alam kung dapat ba namin siyang pagkatiwalaan ngunit hindi ako nakakaramdam ng panganib kapag kasama namin siya. Kahit hindi pa niya kami tinanggap na disipulo niya, tinatawag ko na siyang Ele. Iyun ay dahil kumportable ako sa kanya.

Pumasok na ako sa magiging kwarto ko at inihanda na ang aking higaan. Malambot ang kama nila maging ang kumot. Mas maganda pa ang higaan ko rito kaysa sa amin.

Napatingin ako sa kandila sa gilid. Kandila ang ginagamit nilang pang-ilaw sa buong silid. Ibang-iba sa mala-palasyong bahay nina Asana.

***

Kinabukasan nagising ako sa ingay ng alarm clock.

"Gumising ka na. Ayaw ko ng batang babagal-bagal at tatamad-tamad." Sigaw ni Ele Luimero. Ang walking alarm clock ko.

Mabilis akong bumangon at inayos ang aking higaan. Saka sumunod kay Luimero palabas.

Habang tumatagal pakiramdam ko talaga, mas lalong gumaan ang aking katawan. Siguro dahil wala na ako sa mundo ng ordinaryong mga tao? O ba kaya dahil may kakaiba lang talaga sa mundong ito.

Unang trabaho namin ay magluluto ng almusal.

"Pasensya na pero may alam ka ba sa pagluluto?" Bulong ni Asana sa akin.

"Kunti." Sagot ko. Nakahinga naman siya ng maluwag.

"Hindi kasi ako marunong. Turuan mo ako."

Dati, masyado siyang formal kung makipag-usap sa akin at minsan tinatawag niya pa akong kamahalan. Ngunit habang tumatagal natuto na rin siyang maging informal sa akin at siya ang taga-tama sa mga maling ginagawa ko.

Para siyang walking encyclopedia sa mundong ito ngunit ngayong pagluluto na ang pag-uusapan, ako ang kanyang nilapitan.

"Walang problema. Leave it to me." Sagot ko.

Nagsimula na kaming magtrabaho. Ang sinasabi kong leave it to me, binabawi ko na.

"ANONG GINAWA NIYO SA KUSINA KO HA!" Naiiyak na sigaw ni Ele.

"Yung lababo ko. Yung kawali. Ang aking kaldero. Ang lutuan. Anong ginawa niyo?"

Napaigtad kaming dalawa ni Asana sa sigaw ni Ele.

Nang maghugas kasi ako ng bigas, nadurog yung mga bigas. Noong sinubukan kong muli, hindi na ang bigas ang nadurog kundi nabutas na ang kaldero. Hindi ko rin alam kung ano ang inilagay ni Asana sa kawali na ikinasabog nito. Buti nalang talaga at nakagawa agad siya ng harang kaya di kami napano.

Pero yung mga gamit sa loob ng kusina, sira-sira na.

"Nakalimutan kong iba nga pala ang mga gamit na kinagisnan niyo." Sambit niya at napasabunot ng buhok.

"Pero bakit pati kawali ko nasira rin ha? At ang espesyal na bigas ko bakit durog na? Hindi naman siguro ganito ang resulta kung naapektuhan lang ng pagsabog."

Napakagat ako ng labi. Hindi ko naman sinasadya. Hinugasan ko lang naman kaso nadurog ang mga ito.

"Patawad po. Ang lambot kasi ng mga bigas niyo rito e." Sagot ko.

Nagluluto din naman ako sa bahay. Di naman nadudurog ang mga bigas namin pero dito parang ang rupok yata.

"E ito. Paanong nabutas 'to?" Tanong ni Luimero habang nakasilip sa butas ng kaldero.

"Ang rurupok po ng mga gamit niyo dito Ele. Akala ko tuloy pinapunta mo kami sa kusina para manira ng gamit."

"Aba't." Kinagat niya ang labi at tinuro-turo pa ako. Nagbuga siya ng hangin at naiiyak na tiningnan ang mga gamit sa kusina. "Bakit nga ba kasi ako pumayag? Mamamatay lang ako ng maaga e dahil sa inyo e."

Tumawag ng mga manggagawa si Luimero para ipagawang muli ang kusina.

Ang bilis lang naayos muli ang kusina gamit ang kanilang mga kapangyarihan ng mga manggagawa.

"Ano bang ginawa niyo kanina? Bakit sumabog ang kusina?" Tanong ni Luimero.

"Sinubukan kong gamitan ng spell ang kawali, umaasang makakaluto ako ng pagkain gamit ang magic spell na alam ko. Binuhos ko rin ang potion na bigay sa akin ni ina na hinahalo niya noon sa niluluto niyang pagkain. Hindi ko inaakalang magkakaroon ng pagsabog." Nakayukong sagot ni Asana.

"Patawarin niyo po ako Ele."

Bumuntong-hininga si Ele bago ito umalis. Pagbalik niya, may hawak na siyang libro.

"Subukan niyo ito. Basahin niyo ang nilalaman ng libro." Sabi ni Ele at inabot ang isang spell book kay Asana.

"Maraming salamat dito Ele." Masiglang sagot ni Asana at nagniningning ang mga mata sa tuwa. Tumawa pa ito ng mahina at mabilis na binuklat ang pahina ng libro.

"Ele, wala bang libro na magtuturo sa amin kung paano makakalipad?" Nae-excite kong tanong. Gustong-gusto ko talagang makalipad.

"Kailangan niyo munang matutong gumamit ng mga basic spell. Pinakita ko lang sa inyo ang librong ito dahil interesado si Asana dito."

"Ako Ele, hindi ako interesado niyan. Mas gusto kong lumipad. Sige na Ele. Turuan mo ako kung paano makakalipad."

"Hindi mo pa alam magpalabas ng kapangyarihan mo kaya paano kita matuturuang lumipad? Hindi nga natin alam kung anong enerhiya ang meron ka."

Napanguso na lamang ako. Basic training daw muna ang ipapagawa niya sa akin kung ayaw kong pag-aralan ang magic spell.

Ang bilis lang maipokus ni Asana ang sarili sa librong hawak. Kapag mayroon siyang hindi maintindihan, tinatanong niya si Ele hanggang sa nakalimutan na nila ako rito sa tabi.

Nakalimutan nilang wala pa akong kain. Kalimutan na nila ang lahat wag lang pagkain. Maghanap na nga lang ako ng makakakain.

Pumasok muli ako sa bahay ni Ele at naghanap ng posibleng makain ko.

Walang refrigerator dito ngunit may nakita akong box na parang ref sa isang silid. Baka may pagkain sa loob.

Kaharap ko na ang parihabang kahon. Sana may pagkain sa loob.

Hinawakan ko ang handle nito at marahang hinila.

Amoy na amoy ko ang bango ng na nagmumula sa loob.

Napalunok ako ng laway makita ang mga prutas na kasinglaki ng grapes. Mukhang ang sarap nito.

Lingon sa kanan. Lingon sa kaliwa. Walang tao. Napangiti ako ng malawak at kumuha ng limang piraso. Hindi naman siguro mahahalata ni Ele kung kumain ako nito. Ang dami kaya.

Napatingin ako sa ibabang bahagi ng drawer at nagningning ang aking mga mata makitang may naka-cubes na mga mukhang black chocolate. Matikman nga rin to.

"Ang sarap." Pakiramdam ko mas lumakas ako at mas gumanda ang aking pakiramdam kapag nakakakain ako ng mga snacks ni Ele.

Di naman niya sinabing bawal namin itong kunin kaya baka ayos lang. Saka kung paparusahan niya ako, magpaparusa nalang ako. Di bale ng mamamatay basta busog.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top