CHAPTER 35: Rujin and Geonei
(revised)
***
"Pero syempre biro lang." Sagot naman ni Rujin at tumawa.
Sumama ang tingin ni Seyriel at akmang batukan si Rujin pero pinigilan agad ang sarili baka kasi di na naman niya makontrol ang kanyang lakas at matuluyan pa ito. Kaso di pa nga tumatama rito ang maliit niyang kamao, umaaray na ang lalake.
"Aray! Aray!"
"Di pa kita nabatukan."
"Inihanda ko lang ang sasabihin ko-" di natapos sa pagsasalita nang tumama sa batok niya ang nakakuyom na kamay ni Seyriel. Bigla nalang nabalot ng dilim ang kanyang paningin hanggang sa tuluyan ng nawalan ng malay.
Napatakip si Seyriel sa bibig maisip na napalakas yata ang pagbatok niya.
"Rujin! Wag ka na ngang umarte diyan." Pukaw ni Geonei sa kaibigan kaso hindi parin ito gumagalaw.
Nilingon niya si Seyriel na nakatakip ang isang palad sa bibig at guilty'ng nag-peace sign. "Di ko 'yon sinasadya." Katwiran niya at aalis na sana sa takot na magantihan ni Geonei pero nagsalita ang lalaki.
"Hindi ka maaaring umalis, baka maabutan ka ng ulan. May dalang sakit ang ulan sa lugar na ito. At siyang dahilan kung bakit maraming mga mamamayan ang nagkakasakit at namamatay." Sabi ni Geonei.
"E Ba't sabi niya biro lang?" Sabay turo kay Rujin na walang malay.
"Totoo ang sinasabi ko. Pagpasensyahan mo na ang isang 'to dahil wala talaga 'tong kwentang kausap." Sabi ni Geonei at pinasandal si Rujin sa poste ng pavilion.
May apat na poste ang pavilion na nilulumot na samantalang nababalot naman ng mga alikabok ang buong paligid. Nababalot na rin ng mga mga halaman ang bubong nito na gawa sana sa pulang bato. Walang pader at halatang matagal ng walang napapagawi sa lugar na ito.
May upuan sa gitna ng kinaroroonan nila at may nag-iisang mesa na yari sa puting kristal. Kapansin-pansin ang mga bitak sa paligid nito dahil kalumaan.
May apat na poste ang pavilion na nilulumot na samantalang nababalot naman ng mga alikabok ang buong paligid. Nababalot na rin ng mga mga halaman ang bubong nito na gawa sana sa pulang bato. Walang pader at halatang matagal ng walang napapagawi sa lugar na ito.
Umupo si Seyriel sa isang upuang yari sa bato at isinandal ang likod na ikinabagsak niya sa sahig. Wala nga kasing sandalan ang upuan. Napangiwi siya at muling umupo sa upuan. Nakita niyang tumatawa si Geonei kaya sinamaan niya ito ng tingin.
"Wag mo 'kong pagtawanan."
"Paumanhin." Hinging pasensya ni Geonei at tumikhim para mapigilan ang tawa.
Unti-unti ng bumuhos ang malakas na ulan. Siya ring pagkagising ni Rujin na nakangiwi ngayong hinawakan ang batok.
"Masakit 'yon a." Sambit niya bago muling tumayo at napatingin sa malakas na buhos ng ulan.
Si Seyriel naman nakakunot ang noo dahil sa may halong itim na likido ang tubig ng ulan. Lumapit siya sa bandang pinapatakan ng ulan galing sa bubong at akmang ilahad ang palad pero nahila agad siya ng dalawa.
"Huwag!" Halos panabay pa nilang sigaw.
"May lason ang tubig ulan kaya gusto kong tingnan kung anong uri ng lason ang meron dito." Sagot niya at muling nilahad ang palad.
"Paano kung malason ka?" Tanong ni Rujin at hihilahin sana siya kaso may tubig ulan ng naipon si Seyriel sa isang palad niya.
Nanlaki ang kanilang mga mata. Inaasahang manghihina rin ito katulad ng ibang mga Mysterian ngunit makalipas ang ilang minuto, wala paring nangyari kay Seyriel.
"Mga lason ito galing sa mga katawan ng mga Bysteriang nagdadala ng lason. Bakit umuulan ng ganito sa lugar na ito?" Nakakunot ang noong tanong niya.
Nagtataka naman sina Rujin at Geonei kung bakit di siya napano. Ang sinumang Mysterian na natatamaan ng ulan sa Norzian ay manghihina at magkakasakit sa loob lang ng ilang minuto maliban sa mga Mysteriang may malalakas na kapangyarihan na kayang labanan ng katawan ang lasong dala ng ulan.
"Bakit di ka napano?" Gulat na tanong ni Rujin.
"Sanay na sa lason ang katawan ko." Sabi niya at muli ng umupo sa upuang bato. Hindi man niya alam ang dahilan ngunit mula pa talaga noon, hindi na naaapektuhan ng lason ang kanyang katawan.
"Sanay sa lason? Ang galing! Para kang guro namin." Masiglang sambit ni Rujin. "Nga pala, Rujin Bree Aliho." Pagpapakilala ni Rujin.
"Seyriel. Seyriel Arizon." Pagpapakilala naman niya.
"Geonei naman ako. Geonei Montehar." Pagpapakilala rin ni Geonei.
"Wag ka na ngang sumingit. Di ka kasali sa usapan ng mga bata." Sabi ni Rujin.
"Isip bata. Hindi bata. Mukha ka kayang matanda." Sabi naman ni Geonei at inirapan ang kaibigan.
"Teka, ano ulit ang pangalan mo?" Tanong muli ni Rujin nang pumasok na sa utak niya ang apelyido ni Seyriel. "Arizon ba 'ka mo?"
Tumango si Seyriel.
Nagkatinginan naman sina Geonei at Rujin.
"Kapag nagpapakilala ka sa iba, wag mong gagamitin ang apelyido na iyan sa lugar na ito. Baka sasabihin nilang nababaliw ka na." Sagot ni Rujin na ikinataas ng kilay ni Seyriel.
"Ipinagbabawal sa lugar na ito ang pagamit ng apelyidong katulad sa mga dakilang angkan ng Mysteria. Hindi mo ba alam yun?" Sabing muli ni Rujin.
Saka naisip ni Seyriel na nasa Emperialta na nga pala sila at posibleng nagsasabi ng totoo si Rujin. Base sa seryoso nilang mukha at nag-aalang mga mata, naisip niyang baka nga malalagay sa alanganin ang kanyang buhay kapag ginamit niya ang apelyidong ito.
Hinintay na lamang ng tatlo na tumigil ang ulan. Balak sanang magtanong ng dalawa kung bakit nagpunta sa lugar na ito si Seyriel pero nang lingunin nila ito ay nakatulog na pala. Muntik pang mauntog ang noo sa mesang bato, buti nalang napigilan agad ni Rujin.
"Tulog agad? Saka di man lang nag-alalang baka may gagawin tayong masama sa kanya?"
"Bakit may binabalak ka bang masama?"
"Wala. Pero kahit na. Dapat nag-iingat siya." Tinusok niya ang noo ni Seyriel gamit ang kanyang hintuturo pero kumunot lang ang noo nito. Tinapik-tapik na niya ang pisngi nito kaso ayaw pa ring magising.
"Hayaan mo na muna 'yan. Baka napagod lang." Sabi ni Geonei.
Dumidilim na ang kalangitan nang magising si Seyriel. Inunat pa niya ang mga braso at kinuso ang mga mata saka napansing may malambot pala siyang unan. Nang tingnan niya kung ano ito, saka niya nalamang hita pala ni Rujin. Nakatulog din pala ito sa kakahintay sa kanyang magising. Nang gumalaw siya'y nagising agad ito.
"Gising ka na pala. Alam mo, ang bigat-bigat mo kaya." Binuhat nga kasi niya si Seyriel kanina para maibaba mula sa inuupuang bato para di malaglag. Isasandal sana niya sa pader kaso humiga sa sahig at ginawa pang unan ang hita niya.
"Kapag mabigat ako, ibig sabihin lang no'n na mahina ka." Sagot niya at napatingin sa labas na nababalot na ng dilim. Si Geonei naman nasa tapat ng ginawa nitong bonfire.
"Kailangan na nating umalis. Baka malaman pa nila na tumakas tayo." Sabi ni Geonei kay Rujin.
"Sina Asana. Baka nag-alala na sila sa akin." Halos mapatalon siya maalala ang mga kasama. Ipinukos niya ang enerhiya sa kanyang mga paa at dahan-dahan namang umangat ang kanyang katawan mula sa sahig.
"Aalis ka na? Sumakay ka nalang kay Feng." Sabi ni Rujin at sinakyan ang alagang higanteng agila.
"Ayos lang ako." Sabi niya habang pilit na itinuon ang atensyon sa pagpapalutang sa sarili. Hindi niya alam kung bakit nahihirapan siyang paliparin ang sarili katulad ng dati. Mukhang bumabalik siya sa mga panahong nagsasanay pa lamang siyang lumipad sa hangin.
"Dahil ba to sa pagtanggal ng seal o dahil sa di ko inalis ang pulseras na pumipigil sa kapangyarihan ko?"
Noong una, inaakala niyang ang seal sa kanyang wrist ang pumipigil sa kanyang kapangyarihan. Ngunit matapos nilang gawin ang ritwal ng pagtatanggal sa kanyang seal mukhang hindi ang seal ng kapangyarihan niya ang natanggal kundi ang seal na nagkukulong sa mga alaalang meron siya. May mga alaalang pumasok sa kanyang isip. Mga tunay niyang alaala noong bata pa lamang siya. Mga alaalang binago at pinalitan. Mga alaala na nagsasabi sa kanya kung ano at sino siya. Kung ano ang kaya niya at kung bakit binura ang kanyang alaala.
Kaya niyang burahin ang sariling alaala at iyon ang ginagawa niya sa kanyang sarili ngayon. Pinipili niya kung anong mga alaala ang dapat manatili at kung ano ang dapat burahin. Kaya lang, nanghihina siya o ba kaya nakakatulog pagkatapos gawin yon.
At ang dahilan kung bakit siya nakakatulog ay dahil sa kanyang pulseras. Pinipigilan nito ang pagamit niya ng kanyang kapangyarihan. At kapag nagpupumilit siya, nakakaramdam siya ng panghihina. Nakakagamit siya ng kapangyarihan at abilidad ngunit may hangganan. Nakakalipad siya ngunit, iilang minuto lang ang kaya niyang manatili sa hangin.
"Sige ka. Pag malaglag ka niyan, bahala ka." Pananakot pa ni Rujin.
Sinamaan niya ng tingin si Rujin bago lumutang palapit sa likuran ng alaga nito at sumakay na rin. Pinitik pa ang tainga ni Rujin.
"Takot na nga ako, nananakot ka pa." Sabi niya at yumakap sa baywang ni Rujin. Ayaw niyang malaglag kaya mag-iinarte pa ba siya?
Ngumiti lang si Rujin at pinalipad na ang alagang higanteng agila. Sumunod naman sa kanila si Geonei na sakay sa higanteng falcon nito.
Sa himpapawid, tanaw nila ang buong paligid. Hindi maiwasan ni Seyriel ang mamangha sa mga gusali na may ibat-ibang hugis, kulay at disenyo. May mga kakaibang uri din ng mga sasakyang panlupa at pang himpapawid. Samahan pa ng mga flying beast na nagliliparan sa himpapawid.
"Ang ganda pala dito sa itaas!" Manghang sabi niya.
"Ito ang pinaka-advance na syudad sa buong emperialta."
Ipinasyal niya sa himpapawid si Seyriel hanggang sa marating nila ang city gate ng Norzian kingdom.
***
(REVISED)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top