CHAPTER 34: Journey to Norzian Kingdom
"Ash, malayo pa ba tayo?" Tanong muli ni Seyriel na tinatamad ng humakbang.
"Pang sampung beses mo ng tanong 'yan." sagot naman ni Asana.
"Panglima palang extra pa 'yong unang lima. Bakit mo pa kasi binibilang? Di ka naman yayaman do'n." katwiran naman niya.
"Bakit kasi di nalang tayo lumipad?" sambit pang muli ni Seyriel. Pwede naman kasi silang lumipad ng ilang minuto sa himpapawid at lalapag na lamang kapag malapit na silang maubusan ng enerhiya.
"Kaya mo silang dalhin?" tanong ni Asana sabay turo sa tatlo nilang kasama.
Napanguso naman si Seyriel dahil di rin siya sigurado kung hanggang ilang minuto ang kaya niyang manatili sa himpapawid, lalo pa't hindi na niya muli pang nasubukang lumipad mula no'ng matanggal ang purple thread sa crystal core niya.
"Pagod na ako e." angal na naman niya.
"Di ka naman mukhang pagod e." sagot naman ni Aya at sinuring mabuti ang mukha ni Seyriel.
"Di 'yan pagod. Tinatamad 'yan." Sagot naman ni Asana. Inirapan siya ni Seyriel at nagpatuloy na sa paglakad.
Napapatingin ang mga Mysteriang nadadaanan nila na may kakaibang mga tingin.
"Ang creepy ng mga Mysterian dito. Tingnan mo kung makatingin sila o nakanganga pa. Di kaya sila nangangain ng kapwa Mysterian? " tanong bigla ni Aya at nagtago sa likuran ni Asana.
"Ngayon lang sila nakakakita ng dayo sa lugar na ito." sagot ni Izumi.
"Pa'no mo nasisiguro?" tanong naman ni Aya.
"Madalang lang mangyayaring may mga dumadayong Mysterian sa Norzian. Tanging ang mga may malakas lang na kapangyarihan o ba kaya mga military students. Meron ding galing sa mga academy na pinadala rito para makapagpaamo ng mga flying beast. Kung tama ang narinig ko tungkol sa lugar na ito, maraming mga magical beast ang nagwawala at naghahasik ng lagim sa bawat village taon-taon na naging dahilan kung bakit tanging mga malalakas lamang ang nagpapasyang dumayo rito." Paliwanag ni Izumi.
"Kung gano'n mapanganib din pala ang lugar na ito." nag-alalang sambit ni Aya.
"Ang ganda pala dito kung gano'n. Kung sa Ifratus kailangan pa nating magpunta sa forbidden forest para makahanap ng mga Magic Beast, dito pala sila na ang lumalapit? Gusto ko 'yon!" Tuwang-tuwa namang sambit ni Seyriel.
"Natuwa ka pa? Mapanganib ang lugar na 'to tapos ikaw tuwang-tuwa pa?" Di makapaniwalang tanong ni Asana.
"Ayaw mo no'n? Sila na ang lumalapit. Di na natin kailangan pang maghanap." Sagot ni Seyriel na halos umabot na sa tainga ang ngiti.
Habang naglalakad sa kalsada, di nila maiwasang di marinig ang usap-usapan at bulungan ng mga Mysterian sa paligid.
"Hindi ba nila alam na mapanganib ang lugar na ito sa panahon ngayon?"
"Baka isa sila sa mga malalakas na mga mag-aaral na ipinadala dito para manghuli ng mga flying beast. "
"O baka naman inaakala nilang kaya na nilang harapin ang mga nagwawalang Bysteria sa pulang gubat?"
"Mga kabataan nga naman ngayon. Inaakala nilang malakas na sila at dadayo-dayo na sa lugar na ito ng walang nakakatandang kasama."
Napakunot tuloy ng noo si Seyriel sa narinig. Iba't-iba kasi ang reaksyon ng mga nadadaanan nila. May galit, may nangungutya, may namamangha, at ang iba naman nakikitaan nila ng panghihinayang at awa.
Isang lalakeng nasa mid-thirties na ang nilapitan ni Asana at tinanong kung naasaan na ang pamilyang Zinyu sa Norzian.
"Nasa Sentrong Syudad na sila naninirahan ngayon." Sagot nito at nagmamadali ng umalis.
"Magtungo tayo sa terminal ng mga sasakyang panglupa."
Pagdating nila sa terminal, napakunot ang noo ni Seyriel sa mga sasakyang nakikita niya.
Mga karwaheng hila ng mga magic beast at iilang mga sasakyang may gulong. Ngunit hindi katulad sa mundo ng mga tao ang hitsura. Iba't-iba ang mga hugis at disenyo ng mga sasakyan. May square lang na nilagyan lang ng kurtina. May mahabang parang tren ngunit yari sa itim na bato ang buong katawan at di yari sa metal. Hindi rin gasolina ang ginagamit sa pagpapatakbo rito. Wala ring nagmamaneho. Pero may kumokontrol nito na maituturing din na driver.
"Parang nasa toy world yata tayo." Sambit ni Seyriel na iniisip na mga mukhang laruan lamang ang mga sasakyan na may iba't-ibang kulay at hugis. May tren pa kasing parang hugis uod.
May hugis paruparo din na lumilipad na sasakyan. Iyung ibang mga sasakyan naman, dinadalang lumipad ng mga higanteng magic beast na may mga pakpak. May nakikita rin siyang mga Mysterian na nakasakay sa mga espada, pamaypay at mga kagamitang sa mga pelikula lamang niya napapanood.
"Yung parang traysikel pala dito ay ang mga magic beast na parang kabayo. May parang cheetah at leopard pa o. At saka ano naman 'yang parang dinosaur?" Sabay turo sa dinosaur magic beast na may nakasakay na Mysterian sa likuran.
"Mga Bysteria ang mga iyan." Sagot ni Asana.
"Sumakay tayo ng flying beast para mas mabilis ang pagdating natin sa Punong Lungsod ng Norzian." Sabi ni Asana at nilapitan ang guwardiya na nagbabantay sa mga flying beast na ginagamit nila bilang pampasaherong sasakyan.
"Magkano po ang renta sa isang higanteng Falcon?" Tanong niya sa bantay.
"Dalawang gintong Yang." Napatingin si Asana sa mga kasama. Wala kasi siyang gintong Yang.
"May gintong Yang kayo?" Bawat kaharian iba't-iba ang ginagamit na pera kaya lang nakalimutan ni Asana na wala nga pala silang pera.
"Ako meron." Presinta ni Izumi at naglabas ng ilang piraso ng kulay gintong manipis na papel. Inihanda niya ang perang ito bago pa man makaalis sa tahanan nila noon.
Nagbabaka-sakali kasi siyang makapunta sa Norzian at makakapagpaamo ng mga nakakalipad na Bysteria para magagamit tuwing kakailanganin niya.
Handa na sila para sumakay sa kani-kanilang mga napiling flying beast nang mapansing nawawala na naman si Seyriel.
"Nasaan na naman ba ang isang 'yon?" Tanong ni Asana. Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng sigaw.
"Waaaa! Mamaaaa! Tulooong!" Rinig nilang sigaw ni Seyriel sa di kalayuan at nakitang may isang giant eagle ng tumangay rito.
***
Si Seyriel naman ay napatingala sa higanteng ibon na nakahawak sa braso niya at nagdala sa kanyang lumipad sa himpapawid.
Flashback...
Nakita niyang abala sa pamimili ng mga masasakyan ang mga kasama kaya naglakad-lakad na muna si Seyriel at titingin-tingin sa mga dumadaang mga magic beast.
Isang kabataang lalake na nasa thirteen years old ang nakaagaw sa kanyang paningin. Pamilyar kasi sa kanya ang pigura nito.
Mukha nagtatago ang lalake. Sa di kalayuan naman ay grupo ng mga kabataan na parang may hinahanap. Nakayuko ang batang lalake at nakaharap kay Seyriel ang bandang puwetan.
Napangiti si Seyriel at kumuha ng isang maliit na putol ng sanga ng kahoy at tinusok sa puwetan ng lalake na ikinagulat nito na napatuwid ng tayo. Nauntog pa sa poste ang ulo at napaupo sa lupa. Lumikha ito ng tunog kaya napalingon sa gawi nila ang mga kabataang may hinahanap kanina.
"Ayun siya!"
"Nakita pa ako!" Napakamot sa ulo at napalingon kay Seyriel na may naninising tingin. "Kasalanan mo 'to!" Paninisi ng 13 years old na lalake sa kanya.
"E sa nakita ko ang butas ng puwet mo." Saka napahimas ang lalake at napansing may punit pala sa suot niyang pants.
Bago pa man makarating ang grupo ng mga kabataang humahabol sa batang lalake, tumakbo na ito sa tapat ni Seyriel kaya tumakbo din siya palayo. Nang madaanan ang isa pang batang lalaki na umaakyat sa isang puno. Sinungkit din niya ang puwetan nito na ikinalaglag nito pababa.
Napamura ito at namilog ang mga matang makitang paparating na ang grupo ng mga kabataang humahabol sa kanila. Para di maabutan, tinawag nito ang alagang flying beast na agad ding sumulpot at sinakyan. Nakaalis na sana ito pero bumalik pa at ayun tinangay si Seyriel ng giant eagle nito at dinala sa himpapawid.
End of flashback...
"Huy! Ibaba mo 'ko!" Sigaw ni Seyriel sa sakay ng flying beast.
"Magdusa ka diyan. Bakit mo kasi ako sinungkit? Sakit kayang malaglag." Sagot nito at sinilip si Seyriel na nakabitin at hawak ng kuko ng alaga niyang ibon.
"Kahit iiyak ka pa diyan, walang tutulong sa'yo." Nakangiti niyang sambit.
Tiningnan ni Seyriel ang higanteng ibon. "Uy! Ibon! Kapag di mo ako ibaba iihawin kita. Gusto mong maihaw?" Banta niya. Bahagyang nanginig ang ibon sa narinig at nagpagewang pa ito sandali pero agad ding nakabawi.
"Ikaw din. Mataba ka pa naman at malaman. Kahit di ka masarap pwede kitang gawan ng sauce para maging malasa. Kaya pa naman kitang pagtiyagaan." Pananakot pa niya. Bumagal ang paglipad ng higanteng ibon na wari ay naiintindihan si Seyriel.
"Huy, Feng. Bakit ka takot diyan? Wag kang maniwala sa kanya." Sigaw ni Rujin, ang may-ari sa higanteng agila.
Isang giant falcon ang humarang sa kanila. Sakay nito si Geonei. Ang 13 years old na lalakeng unang nakita kanina ni Seyriel.
"Huy! Rujin! Ibaba mo nga 'yan! Ano na naman ba iyang kalokohan mo?" Sigaw nito kay Rujin.
"Ano ba Geo. Wag ka na ngang makialam." Sagot naman ni Rujin.
"Batukan kita diyan e. Ibaba mo 'yan." Sabi naman ni Geonei. (Geonei read as Ge-yo-ne)
Kahit naiinis din siya kay Seyriel hindi niya hahayaan si Rujin sa ginagawa nito. May gagawin pa silang misyon at magiging abala lamang sa kanila kung may kasama silang iba.
Lumapag si Rujin malapit sa isang inabandonang pavilion. Sumunod naman agad si Geo.
Si Seyriel naman, hinihilot ang mga braso kung saan nakahawak ang mga kuko ng higanteng agila kanina. Nilingon si Rujin at binigyan ito ng matalim na tingin.
Naningkit ang kanyang mga mata nang mamukhaan ito. Halata ring nagulat ang gulat sa mga mata ng dalawa nang mamukhaan ng mabuti si Seyriel.
"Ikaw 'yong babae sa Gubat ng Iceria." Sabi ni Rujin na nakaturo ang isang daliri kay Seyriel.
"Kayo din 'yong nanilip kay Izumi."
"Hi-hindi no. Hindi namin sinasadya." Mabilis na depensa ni Rujin.
"Di naman kami nanilip a." Katwiran naman ni Geonei. "Nagtakip ako ng mata."
"Ako din. Di ako sumilip. Sumulyap lang kunti." Napalunok ng laway si Rujin, makitang pinandilatan siya ng mata ni Seyriel. Humakbang palapit si Seyriel na ikinaatras naman niya.
"So may balak ka nga."
"Wa-wala. Wala talaga." Mabilis na sagot ni Rujin na ikinawaykaway pa ang mga palad sa tapat niya.
Natigilan sila mapansin ang dumidilim na kalangitan.
"Ayan na naman." Sambit ni Rujin na naaasar na. May halong kaba at pangamba ang makikita sa mga mata.
Nagulat na lamang si Seyriel nang bigla siyang hilahin ni Rujin papunta sa maliit na pavilion.
"Anong meron?" Nagtataka niyang tanong.
"Ang ulan na nagbibigay sakit sa mga mamamayan rito. Kapag bigla nalang dumidilim ang kalangitan, ibig sabihin may paparating na namang ulan na nagbibigay sakit sa mga mamamayan." Sagot Rujin na halatang mababakasan ng pag-alala ang mga mata. Nawala ang dating kapilyuhan sa mga mata kanina.
"Ulan na nagbibigay sakit?" Nagtatakang tanong ni Seyriel. Ngayon lang siya nakarinig ng ganitong klaseng ulan sa mundong ito.
***
(Revised)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top