CHAPTER 30: Flora

Napakunot ang noo ni Seyriel makita ang nagliliwanag sa dibdib ni Shinnon. Bigla nalang kasing may nagliwanag sa loob ng suot nitong damit. Pansin din niyang may nagliwanag sa bulsa ni Kurt.

"Ano 'yan? Nagdala ba kayo ng flashlight?" Sabay turo sa bulsa ni Kurt at sa dibdib ni Shinnon kung saan nagliliwanag ito sa loob.

Napakunot din ang noo ng dalawa. Nakakaintindi man sila ng kahit anong uri ng pananalita ngunit hindi nila alam kung ano ang tawag sa mga kagamitan at mga bagay galing sa mundo ng mga ordinaryong mga tao. Katulad nalang ng flashlight. Wala naman kasing flashlight sa mundo nila.

Napatingin ang dalawa sa mga nagliliwanag na mga bagay na dala nila at nagkatinginan. Halata sa hitsura ang pagkabalisa.

"Kailangan na nating umalis. May nangyaring hindi maganda." Biglang sabi ni Shinnon. Masyadong mahina ang liwanag kaya di nila napansin. Lalo pa't naging abala sila sa paghahanap kay Seyriel.

Si Seyriel naman, iniisip kung saan nga ba niya nakikita ang mga ganyang bagay. Parang pamilyar sa kanya ang ganitong eksena.

"Kailangan na naming umalis. Kaya mauuna na kami sa inyo." Paalam ni Shinnon. Naguguluhan man ang magkakaibigan pero nagsitanguan din. Maliban kay Seyriel na nasa malayo parin ang isip.

"Hanggang sa muli nating pagkikita." Sabi ni Shinnon na nakalagay pa sa dibdib ang isang kamao.

Napatingin ang dalawa sa tahimik na si Seyriel. Siniko ito ni Asana para magsalita. Mukhang natauhan din at agad na ngumiti.

"Sige alis na. Balik kayo agad ha!" Kinaway pa ang mga kamay. Muling nagkatinginan sina Shinnon at Kurt.

"Balik agad?" Tanong ni Shinnon. "Mukhang mahihirapan kaming makabalik ulit sa lugar na ito munting Shida."

"Wag niyo na ngang pansinin ang babaing to. Sige umalis na kayo." Pagtataboy ni Asana. Tumango ang dalawa bago umalis.

Nang tuluyan ng maglaho ang pigura ng dalawa sa kanilang paningin, bigla nalang sumigaw si Seyriel ng "naalala ko na!" Sigaw niya na napatalon pa.

"May bata akong nakita-teka lang. Wag mong sabihing may nangyayari na namang masama? Ash, uwi na muna tayo." Niyugyog pa si Asana. Naalala niya noong nasa mundo pa sila ng mga ordinaryong tao. May nakabangga siyang bata noon at may hawak na nagliliwanag na bilog na bagay.

Nang makauwi sila sa kanilang tahanan ay may nangyari sa buo niyang pamilya. At ayaw niyang maulit ito sa lugar na ito. Kaya lang ano naman ang magagawa ng walang laban na katulad niya?

"Ha? Wala kang balak tanggalin ang seal sa katawan mo dito mismo? Pakiramdam ko mas ligtas kung dito natin isagawa." Sabi agad ni Asana na ikinatigil niya. Ilang sandali ay napatango siya.

"Kaya lang kailangan natin ng lima pang magic user. Fire, metal, water, light at dark." Dagdag pa ni Asana.

"Ako, isa akong fire magic user." Sagot agad ni Aya.

"Metal and light sa akin. Kaya kung tumulong." Sagot naman ni Arken.

"Water sa akin." Sagot ni Izumi.

"Ayos na 'yan. Air at dark magic user naman ako. Pwede na." Masayang sagot ni Asana.

"Ano ang gagawin namin?" Tanong naman ni Aya.

"Kulang pa tayo ng isang sangkap." Sabi ni Asana.

"Ang Flora." Muli silang naglakbay para makahanap ng halamang Flora.

"May naaamoy ako." Sambit ni Seyriel.

Nakarinig sila ng mga yabag at iilang mga pagsabog. Kapansin-pansin din ang mga liwanag sa di kalayuan na tila ba may nagpapalitan ng atake gamit ang mga Mysterian Ki. Narinig din nila ang ingay mula sa mga natumbang mga kahoy at mga nabaling mga sanga nito.

"Ang lakas ng mga aura nila." Sambit ni Aya. Humawak siya sa siko ni Seyriel. Bigla na lamang naglaho ang malakas na aurang nararamdaman.

Napahawak na rin sina Izumi at Asana kay Seyriel. Nakapila sila sa likuran nito.

"Uy, uy. Teka lang. Bakit kayo nagtatago sa likuran ko? Kung takot kayo e di umiwas tayo di ba?"

"Silipin mo na natin kung anong nangyayari." Sagot ni Asana ngunit pinapauna paring maglakad si Seyriel.

"Ako pinakabunso ako pa yung ginawa niyong panangga?"

"Sabi mo ako na bunso di ba? Kaya protektahan mo ako." Sagot ni Aya.

"Oo nga. Magmula ngayon, ikaw na ate." Sagot naman ni Asana.

"Tandaan niyo 'yan. Ako ate niyo." Sagot nito. Sabay namang tumango ang tatlo.

Tanaw na nila ang pinagyarihan ng labanan. Nagtago sila sa likod ng malaking puno at sumilip.

Napasinghap sila makita ang iilang mga katawan na nakahandusay sa lupa. May tatlong nilalang naman ang natitira at pinag-aagawan kung sino ang unang makakakuha sa isang bulaklak na nakalutang sa ibabaw ng isang malaking bato.

"Iyan ang Flora." Sambit ni Arken. Ang alam niya, tumutubo ang bulaklak na Flora sa ibabaw ng bato ngunit di niya alam na nakalutang ito sa hangin.

Naglalabas ang halamang Flora ng Itim na enerhiya kabaliktaran sa Incenia.

"Kung gano'n iyan ang hinahanap natin." Sagot ni Seyriel.

"Kailangang may nararamdamang negatibong emosyon ang sinumang gustong makakuha ng halamang iyan." Sagot ni Arken.

"Marami tayo no'n."

"Pero nakakuha tayo ng halamang Incenia, paano tayo makakakuha ng Flora?"

Para kay Arken kung ang halamang Incenia ay para sa mga mabubuting Mysterian, ang Flora naman ay para sa masasamang Mysterian. Sigurado siyang may mabuting puso sina Seyriel kaya mahirap para sa kanila ang makuha ang ang Flora na tanging masasamang Mysterian lamang ang makakakuha.

"Kinakabahan ba kayo?" Tanong ni Seyriel.

"Oo." Sagot ni Asana. Tumango naman sina Aya at Izumi.

"Negatibong emosyon na iyon." Sagot ni Seyriel. "Saka iyang pag-aalalang nararamdaman mo, isa na iyan sa mga negatibong emosyon." Sagot ni Seyriel.

"E ikaw, ano namang negatibong emosyon ang nararamdaman mo? Para kasing nae-excite ka pa sa halip na matakot o kabahan man lang." Sabi naman ni Asana.

Ngumisi naman si Seyriel. "Balak kong nakawin ang Flora sa kanila." Sagot nito na umabot pa sa tainga ang ngiti.

"Siguro mali ako ng inaakala. Baka kahit sino ang nakakakuha sa halamang Incenia ang mahalaga lang ay hindi sila nakakaramdam ng negatibong emosyon sa mga panahong hinahanap nila ang halaman?" Sambit ni Arken sa sarili.

***

"Ang bulaklak ng Flora ay sa akin lamang." Sabi ng isang lalaking nagwagi sa laban. Umakyat siya sa itaas ng malaking bato para kunin ang bulaklak ng Flora. Aabutin na sana ito ngunit isang palaso ang tumama sa kanyang likuran.

Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita ang mga Mysterian na nakasuot ng kulay itim na mga uniporme.

"Sampong taon na kaming nakakulong sa lugar na ito. Hinding-hindi ko papayagang may ibang nilalang ang makakakuha sa mga mahahalagang mga halaman sa Yuanzang Fortress." Sabi ng lider nila.

Inutusan niya ang mga kasamahan na kunin ang bulaklak ng Flora ngunit dumating ang isa pang grupo. Katulad nila, isa rin ang grupong ito sa mga nakulong sa loob ng Yuanzang Fortress dahil sa paghahanap ng halamang Incenia at Flora at iba pang mga yamang makukuha nila sa loob ng gubat.

"Elder Cire. Hindi niyo naman mahahanap ang daan palabas ng Yuanzang kaya bakit pa kayo makikipag-agawan sa amin na makuha ang Flora?" Tanong ni Elder Opelio. Isa sa mga Elders ng mga Hanaru at mula sa Emperyo ng Hanaru sa kontinente ng Celeptriz.

"Ang bulaklak ng Flora ay hindi mapapasakamay ng mga Hanaru." Sagot ni Elder Cire. Isa siya sa mga Elder ng Wynx Empire na matatagpuan sa Hariatres Continent.

"Kung gano'n, tingnan nalang natin kung sino talaga ang makakakuha sa bulaklak." Sabi ni Opelio at may itim na usok ang lumabas mula sa kanang palad at nagiging isang mahabang espada.

Isang puting liwanag naman ang lumabas mula sa kanang palad ni Elder Cire at naging espada rin ang liwanag na ito.

Sa likod ng malaking bato nakasilip naman si Seyriel at ang mga kasama niyang nanginginig na sa tindi ng kaba.

"Bakit ba nagsasalita pa sila? Ang haba naman yata ng prologue nila. Bakit di pa nila umpisahan ang laban?" Tanong ni Seyriel.

"Naiihi na nga ako sa takot dito o, nagdadasal ka pa ng laban diyan?" Sagot ni Asana. Palingon-lingon siya sa paligid sa pag-aalalang mahuhuli sila.

"Aakyat ako at ikaw naman Asana, ihanda mo ang portal na tatakasan natin." Sabi ni Seyriel at nagsimula ng gumapang paakyat.

Nagpapasalamat na lamang sila dahil maliliit ang kanilang mga katawan para maitago ng malaking batong ito.

Napalingon si Asana kay Arken at nakitang nakabalot parin ng kapa ang buong katawan.

"Wag mong sabihing hanggang ngayon wala ka paring suot sa loob?" Tanong niya kay Arken.

Itinaas ni Arken ang mga kamay. "Meron. Medyo maliit nga lang sa akin dahil ito lang ang laman ng storage bag ko." May mga dala siyang damit ngunit mga damit niya iyon noong labing-isang taon pa lamang siya kaya medyo masikip na sa kanya.

"Kaya naman pala lage kang nakahalukipkip." Sambit ni Asana.

Sinimulan na niyang gumawa ng portal sa gilid ng bato.

Patuloy naman sa pag-akyat si Seyriel patungo sa tuktok ng malaking bato. Sinilip ang mga Mysterian na naglalaban at nakitang abala ang mga ito sa pakikipaglaban.

Iniabot niya ang isang kamay sa nakalutang na bulaklak ngunit bumangga ang kamay niya sa isang matigas na bagay na di niya nakikita.

"May harang? Naku naman." Inilagay niya ang isang daliri sa kanyang sentido at nag-isip. Agad ding nagliwanag ang kanyang mukha.

Ikinuyom niya ang kanyang kamao at susuntukin na sana ang invisible na harang ngunit may malamig na bagay ang nakatutok sa kanyang leeg.

"Sino ka bata?" Tanong ni Elder Opelio at idiniin ang espada sa leeg ni Seyriel.

Napalunok laway si Seyriel at napatingala sa lalaking nakatayo na sa tapat niya. Kinagat ang ibabang labi at ilang ulit na napalunok.

Nalagyan ng dugo ang dulo ng espada ni Elder Opelio. Ilang sandali pa'y dahan-dahang nagiging abo ang kanyang espada at gumapang patungo sa kanyang mga kamay. Mabilis niya itong binitiwan at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Seyriel.

"Isa ka sa kanila?" Nakaawang ang bibig nito at habang gulat na gulat pa'y agad siyang tinulak ni Seyriel na ikinalaglag nito pababa.

Bumagsak si Elder Opelio pababa. Sinalubong naman siya ni Elder Cire at muling nagpalitan ng atake ang dalawa.

Sumulyap si Seyriel sa ibaba at napahinga ng maluwag makitang hindi naman napano ang lalake nang dahil sa kanya.

Hinimas niya ang leeg na may sugat. Naghilom na ang sugat nito ngunit may naiwan paring bakat ng dugo sa kanyang balat.

Tiningnan niya ang daliri at nakitang may dugo na ito.

Naghanap siya ng mapagpunasan ng kanyang dugo at nahimas muli ang invisible na harang na nakapaligid sa bulaklak ng Flora. Pinunas niya ang dugo sa harang.

Ilang sandali pa'y ikinuyom niya ang kamao para basagin ang harang na nasa kanyang harapan.

"Yaah, ha!" Sigaw niya sabay unat ng braso at sumuntok. Inaasahan na tatama ang kanyang kamao sa matigas na bagay ngunit sa hangin lamang tumama ang kanyang kamao.

"Aray ko." Napaungol siya at naramdaman ang pagtama ng kanyang mukha sa matigas na bagay. Nasubsob kasi ang mukha niya sa bato.

Napahawal siya sa kanyang ilong at hinimas kung saan na ang harang na nakapaligid sa bulaklak ng Flora.

"Eh? Naglaho?" Inangat niya ang mukha at natanaw ang bulaklak na nakalutang sa kanyang harapan.

"Pigilan siya."

Ang sigaw ng isang lalake makitang may Mysterian na palang nasa tapat ng Flora. Hindi nila nakita si Seyriel kanina dahil sa liit nito at nahaharangan pa ni Elder Opelio. Hindi rin nila alam na si Seyriel ang dahilan kung bakit nalaglag si Opelio. Ang inaakala nila ay dahil sa malakas na pwersang nanggagaling sa Flora.

Napalunok naman ng mga laway sina Asana at hinihiling na hindi sana sila makikita ng mga Mysterian sa kabila ng malaking batong kanilang pinagtataguan.

Halos hindi na sila humihinga sa tindi ng kabang nararamdaman. Hindi rin makapagpokus si Asana kaya hindi niya matapos-tapos ang pagawa ng portal.

"Lagot na. Nahuli nila ako." Sambit ni Seyriel sa isip makita ang mga walong makapangyarihang mga Mysterian na nakatingala sa kinaroroonan niya at nakahanda na ang mga kapangyarihan nila para atakehin siya.

Dahan-dahan siyang tumayo na halos madapa pa sa hindi pantay na bahagi ng bato.

Mabilis siyang nag-isip ng paraan. Agad namang gumana ang kanyang utak. Isang cold na tingin ang ibinigay niya sa walong mga nakatayong Mysterian sa ibaba ng kanyang kinaroroonan. Panakaw rin siyang sumulyap sa kanyang gilid at tinatantiya kung saan siya maaaring tumalon pababa para tumakas.

Tanaw niya ang iilang mga nakahandusay na katawan na wala ng mga buhay at ang walong Mysterian na halatang nanghihina na dahil sa mga natamong mga sugat sa katawan.

Taas noo niyang hinarap ang walong Mysterian.

"Umalis ka at iwan ang Flora kung ayaw mong mapahamak." Banta ng isang babaeng Mysterian. May hawak itong mahabang latigo na nababalot ng itim na aura.

"Mga lapastangan! Sino kayong nanggugulo sa teritoryo ko." Sigaw niya na ikinagulat ng lahat. Bahagyang umalog ang lupa at nanginig ang mga halaman sa paligid dahil sa sigaw na ito.

"Eh? Umayon ang kalikasan sa trip ko a." Lalo siyang natuwa sa panggagaya sa tono ng pananalita ni Gurdina. "Ako na ngayon ang ikalawang Gurdina."

"Bakit niyo dinidisturbo ang pamamahinga ng isang dakilang Mysticia na katulad ko?"

Nagkatinginan ang walong mga Mysterian sa narinig.

Maging sina Asana ay nagtataka. "Ano'ng pinagsasabi ng isang 'yon?" Tanong ni Asana. Nagkibit-balikat naman ang tatlong mga kasama.

"Isa siyang Mysticia?" Gulat na tanong ni Elder Cire.

Ang mga Mysticia ay maituturing na imortal beast na halos kapantay lamang ng mga Imortal na mga Mysterian ang lakas. Matatagpuan lamang sila sa mga lugar na hindi pinaninirahan ng mga Mysterian.

May haka-hakang may mga imortal sa Yuanzang Fortress at dito naninirahan para malayo sa mga mabababang uri ng mga Mysterian. Ang mga imortal ding ito ang nagbabantay sa mga yaman sa loob ng Yuanzang kaya hindi ito makuha-kuha ng mga Mysterian.

"Bata, palabasin mo kung sino ang nag-utos sa'yo at wag mo nalang kaming lokohin." Sagot ng isang lalakeng galing sa Hanaru Empire.

"Bata? Hinahamak mo ba ang katulad kong naninirahan na ng ilang libong taon sa mundong ito?"

"Anong ilang libong taon na sinasabi niya?" Tanong ni Aya.

"May naisip ako." Sabi ni Izumi.

Alam ng lahat na maaaring mabuhay ng ilang libong taon ang mga Mystician at kaya nilang kumuha ng mga anyo ayon sa kanilang kagustuhan.

"Kung gano'n posibleng isa nga siyang Mystician." Sambit ng kasama ni Elder Cire. Sa sobrang tagal na nila sa lugar na ito, ang mga batang nakakasalubong nila ay ang mga Bysteria lamang na nagkakatawang Mysterian. Ngunit hanggang five to six years old lamang ang katawan na kaya nilang maging anyo.

Ngunit nasa dalawampong taon ang batang kaharap nila at siya na yatang pinakabatang Mysterian na nakita nilang napadpad sa lugar na ito at siya na ring pinakamatandang Bysteria sakali mang hindi ito Mysterian.

Imposibleng may mapapadpad na bata sa lugar na ito maliban nalang kung totoong isa itong Mysticia. Kung nasa six years old ang anyo nito, may pag-asa pang makakalaban sila ngunit kung isa nga itong Mysticia tiyak na katapusan na nila.

"Nagiging abo ang aking espada kanina. Kung gano'n posibleng isa nga siyang Mysticia." Sambit ni Elder Opelio.

Hindi magiging abo ng basta-basta na lamang ang kanyang espada nang dahil lang sa itinutok niya ito sa batang nakatayo ngayon sa tuktok ng malaking bato.

"Inaakala ko kanina na isa lamang siya sa mga Pinili." Sambit niya pa.

"Para mapatunayang isa nga siyang Mysticia kailangan nating subukan. Kamatayan lang din naman ang bagsak natin kung di tayo magtatagumpay sa pakay natin. Mystician man siya o hindi, kailangan nating matapos ang misyon natin." Sabi ng babaw at lumikha ng higanteng dragon gamit ang kanyang Mysterian Ki.

Bago pa man makumpleto ang pinaplano niya, bigla na lamang bumuka ang lupa sa kanyang kinatatayuan at nahulog siya rito. Mabilis ding tumiklop ang lupa bago pa man sila makakilos.

Napaawang ang bibig ni Seyriel sa nakita ngunit di ipinahalata ang gulat niya.

"Ginagalit niyo ang katulad ko. Umalis kayo ngayon din o ito na ang magiging libingan niyo?" Banta niya.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin, gumalaw rin ang lupang inaapakan nila. Nagsikilos naman ang mga puno at mga halaman na tila ba may mga sariling buhay. Naramdaman din nila ang pressure na katulad sa pressure na nararamdaman nila noong nakaharap nila si Gurdina.

Napalunok sila ng mga laway. Kaya nilang labanan ang kapangyarihang ito ngunit paano kung isa ngang Mysticia ang batang kausap nila? Tiyak na hindi pa ito ang tunay na kapangyarihan niya.

"Paumahin po sa aming kapangahasan. Aalis na po kami." Mabilis na sabi ni Elder Cire at tiningnan ang tatlong mga kasamahan bago sila nagkakandarapang tumakbo palayo.

Makitang natakot ang mga taga-Hariatres, nagsitakbuhan na rin palayo ang mga taga-Celeptriz.

Napahinga sila ng maluwag nang tuluyan ng makalayo at di na nararamdaman ang pag-alog ng lupa at ang mabigat na pressure na nararamdaman nila kanina.

Napahinga rin ng maluwag ang apat na mga kabataang nakatago sa likof ng malaking bato. Nakasandal si Izumi sa bato at pinunasan ang pawis sa noo. Siya ang nagpabuka sa lupa at ang komontrol sa mga halaman sa paligid. Napaupo naman si Arken na siyang nagdadagdag sa lakas ni Asana para makabuo ito ng malakas na hangin.

Ang inaakala ng lahat na kaunting bahagi lamang ng kapangyarihan ay siya na palang pinakamalakas na kapangyarihang kayang ilabas ng tatlong mga kabataan. At kung ipinagpatuloy pa nila ito, tiyak na bibigay na ang kanilang mga katawan.

"Bakit mo naman sila pinatakbo agad? Di ko pa nasunog ang mga kasuotan nila." Sabi ni Aya habang nakatingala kay Seyriel na nasa itaas ng kanilang kinaroroonan.

Napahawak naman si Seyriel sa kanyang ulo. Sa totoo lang, nahihilo siya sa pag-alog ng lupa at nahihirapan din siyang makatayo sa tuktok ng bato. Muntikan pa siyang malaglag pababa. Buti nalang nagkandarapa na sa pagtakbo ang mga Mysterian bago pa nila makitang nakadapa na sa may bato si Seyriel para di malaglag pababa.

Naalala niya ang halamang Flora. Kaya agad niya itong hinanap. Umiikot pa rin ang kanyang paningin at medyo malabo pa. Kaya naduduling pa siya habang nakatitig sa bulaklak na nasa tapat niya.

"Tingnan niyo, nagiging tatlo na ang halamang Flora." Sabi ni Seyriel at dinampot ang nakitang bulaklak ngunit di niya ito nahawakan.

Umiling siya at kumurap-kurap. Hinintay na luminaw ng muli ang paningin bago damputin ang halaman.

***

(Paalala: Hindi pa po ito tapos. Hindi ko muna inalis ang 100+ chapter sa book 2 dahil may kailangan pa ako sa part na iyon. Baka malito kayo dahil may book 2 na kahit di pa tapos ang book 1. Babaguhin ko palang ang part na iyon at di ko lang inalis sa Wattpad para naman mabasa ko offline. Malilito lang yung mga new readers kapag binasa niyo na iyon bago pa man matapos ang book part na ito.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top