CHAPTER 28: Kakaibang Pangyayari
Agad silang napalapit kay Shinnon. Si Seyriel naman napatigil dahil nakakita ng kulay scarlet na halamang katulad sa halamang hawak ni Shinnon. Kinuha niya ito at ipinakita rin sa grupo.
"Tingnan niyo o. Katulad ng halamang iyan. Iba nga lang ang kulay." Sabi niya.
"Ganito ang halamang Incenia pero hindi ko alam kung may iba pa bang kulay maliban sa silver." Sagot ni Shinnon. Hinawakan niya ang kulay scarlet na Incenia ngunit bigla nalang nagiging brown ang kulay nito. Nabitiwan niya ito sa sobrang gulat. Muli na namang bumalik sa pagiging scarlet ang kulay nito nang hawakang muli ni Seyriel.
"May nakita din akong katulad niyan. Tingnan niyo." Tawag ni Izumi at pinakita ang kulay emerald na halamang Incenia na hawak niya.
"Bakit gano'n? Wala akong nararamdamang enerhiyang nagmumula sa halamang ito. Parang ordinaryong halaman lang." Sambit ni Aya.
"Kaya naman pala walang makakahanap nito dahil walang mag-aakalang hindi naglalabas ng Mysterian Ki ang isang Incenia." Sagot ni Asana.
"Hindi natin mararamdaman ang Mysterian Ki na meron ang halamang iyan dahil mahihina pa tayo. Katulad lang din ito sa mga imortal at ng katulad natin. Hindi natin matutukoy ang level ng isang imortal kung hindi nila ilalabas ang kanilang kapangyarihan." Paliwanag ni Shinnon.
Natuklasan nilang magkakaiba ang kulay ng mga incenia na maaari nilang hawakan at kunin. Depende sa kung ano ang kapangyarihan nila.
"Maghahanap pa ako sa ibang lugar. Sandali lang." Umakyat siya sa isang malaking bato sa gilid ng talon.
Sumalubong sa kanyang paningin ang kulay gintong halaman na may maliliit na mga dahon.
"May gintong Incenia din pala?" Binunot niya ito gamit ang kaliwang kamay.
Biglang nalanta ang halaman nang mahawakan niya ito. Agad niyang inalis ang kamay at napatingin sa kanyang palad.
"Bakit nalanta siya?" Sinubukan niya itong hawakan gamit ang kanang palad at bigla na lamang bumalik sa dati ang halaman.
Nanlaki ang kanyang mga mata at napaawang ang kanyang bibig sa natuklasan.
Sinubukan niyang humawak ng ibang halaman gamit ang kaliwang kamay ngunit wala ng nangyaring kakaiba.
"Namamalikmata yata ako kanina." Sambit niya at nagpatuloy sa pangunguha ng mga halamang maaari nilang mapakinabangan.
Nagpatuloy siya sa paglilibot sa paligid. Hindi na napansin kung saan na siya nakarating.
Isang maliit na lawa ang sumalubong sa kanyang paningin. Sa paligid ng lawa ay ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak. May nagliliparang mga magic beast sa ibabaw ng lawa at ang ilan ay nagtatalon-talon sa bulaklakan.
"Ang ganda." Sambit niya at napangiti sa nakita. "Katulad na katulad ss mga napapanood kong mga fantasy land." Pipitas na sana ng isang bulaklak ngunit napatigil dahil may nahagip ang kanyang paningin.
Hinanap agad ang nilalang na nahagip ng kanyang paningin at nakita ang isang kakaibang nilalang. May maitim na balat, pulang mga mata, at may dalawang sungay sa ulo na lumitaw mula sa makapal nitong buhok.
Muntik na siyang mapatakbo sa takot ngunit napatigil din mapansing sugatan ang kakaibang nilalang.
Nababalot ng mga sugat ang buong katawan nito at kulay asul ang dugong lumalabas mula sa mga sugat nito. Napalunok laway siya habang namimilog ang mga matang nakatingin sa nilalang.
"Alien kaya siya o katulad sa mga demon?" Sambit niya.
Isang cold na tingin ang ibinigay sa kanya ng nilalang.
"Ayos ka lang ba?" Nauutal niyang tanong.
May dumaang gulat sa mga mata ng nilalang ngunit naglaho din agad.
"Wag kang lumapit." Sigaw nito makitang muling humakbang palapit sa kanya si Seyriel.
Naghanap ng natitirang gamot sa kanyang pouch.
"Hindi ko alam kung gagana ba ito sa'yo ngunit sana naman ay gumana." Inabot ni Seyriel ang isang maliit na bote sa nilalang.
Tiningnan siya nito na may nagdududang tingin. Ibinaba ang mga mata sa hawak na maliit na bote ni Seyriel.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago kinuha ng lalakeng mukhang halimaw ang maliit na bote at ininom. Ilang sandali pa'y unti-unting naghilom ang mga sugat nito. Dahan-dahan ding bumalik ang dating lakas ng lalake.
Sumilay ang nakakalokong ngiti nito sa mga labi at tiningnan si Seyriel na may kakaibang tingin.
"Napakainosente mo bata. Pero alam mo bang dapat nasa tamang lugar ang pagawa ng mabuti?" Sabi nito at nagpakawala ng malademonyong tawa.
Napaatras naman si Seyriel nang makaramdaman ang panganib.
"Salamat sa gamot na ibinigay mo. Sa wakas at may bagong kaluluwa na naman akong mabibiktima." Nagpakawala siya ng kulay itim na usok at nagtungo iyon sa katawan ni Seyriel.
"Isang kakaibang bata. Sa ganitong sitwasyon, hindi ka parin ba nakakaramdam ng takot?" Tanong nito at naghalf-smile.
"Alam mo bang isa akong soul eater? Lumalakas ako sa pamamagitan ng pangunguha ng mga kaluluwa ng iba. Inaagaw ang lakas at kapangyarihan nila at gawing akin. Alam mo ba 'yon?" Napataas ang kanyang kilay makitang nakatitig parin sa kanya si Seyriel.
"Bakit ba hindi ka parin natatakot ha?" Tanong ng lalake at napanguso na. "Huy!" Tawag nitong muli makitang nakatulala si Seyriel.
"Tama ka." Biglang sabi nito makalipas ng ilang sandali.
Napataas ang kilay ng lalake sa sagot ni Seyriel. Nagtataka sa sagot ng bata sa kanya.
"Tama ka. Kung totoong masama kang nilalang, malamang wala na ako ngayon. Nararapat nga na nasa tamang lugar ang pagtulong at tiyaking karapat-dapat ba ang nilalang sa tulong na ibibigay sa kanila." Sabi ni Seyriel na tila naliwanagan.
Natigilan naman ang lalake. Ang totoo, nagtago sa lugar na ito at hinihintay kung kailan siya mamamatay. Tinakot lang niya si Seyriel para masubukan. Nadismaya siya dahil sa agarang pagtulong ng bata. Hindi ito natatakot sa kanyang hitsura at di man lang nagdadalawang-isip na tulungan siya.
Sa mundo ng Mysteria, ginagamit ng mga nilalang ang kabutihan ng iba para makapagsamantala. At biktima ng mapagsamantalang nilalang ang lalaking ito. Katulad ni Seyriel, hindi siya nag-aatubiling tulungan ang sinumang nakikita niyang nangangailangan ng tulong. Ma-Mysterian man o Bysteria. Ngunit sa kabila ng kanyang kabutihan, nagawa parin siyang pagtaksilan ng mga nilalang na tinulungan niya. At sila pa mismo ang dahilan kung bakit hindi siya makaalis-alis sa Emperialta.
"Ang pagiging mabuti ay magiging kahinaan lamang sa mundong ito. Hindi lahat ng mga nangangailangan ng tulong ay nararapat tulungan. Tandaan mo iyan bata." Sabay gulo sa buhok ni Seyriel.
Tinaas ng lalake ang bote at tiningnang maigi. "Kundi ako nagkakamali, may hinalo kang iba sa gamot na ito. Ramdam ko kasing magkapareho ang enerhiyang inilalabas nito sa mahinang enerhiyang nagmumula sa katawan mo."
Napataas ang kilay niya makitang nakatitig parin si Seyriel sa kanya.
"Bakit?"
"Tinitingnan ko lang kung may ibubuti pa ang mukha niyo. Pero ang panget po talaga."
Tumikhim ang lalake at sinamaan ng tingin si Seyriel.
"Ikaw bata ka." Sabay pitik sa noo ni Seyriel. "Alam mo bang hindi lahat ng pagiging tapat ay nakakabuti? Nakakasakit ka na kaya ng damdamin? Saka paano ka nakapasok sa teritoryo namin ha?"
Hindi nakikita ng iba ang lugar na ito na ipinagtataka niya. Naisipan din niyang gamitin ang mala-halimaw na anyo para matakot ang sinumang estrangherong aksidenteng naliligaw sa lugar na ito.
"Bakit gusto niyo pong gamitin ang nakakatakot na anyong iyan?"
"Para hindi ko na kailangan pang makipaglaban sa mga manghimasok sa lugar na ito. Dahil sa hitsura ko palang, magkakandarapa na silang tumakbo palayo. Hindi ko inaakalang wala pala itong silbi para sa'yo."
"May mga pagkakataong nakakatakot ang mga may magagandang anyo kumpara sa mga mukhang halimaw." Sagot ni Seyriel.
Naalala niya ang mga nilalang na lumusob sa kanilang tahanan noon. May magaganda silang mga mukha ngunit mapanganib ang mga ito.
Mahilig siya sa magagandang mukha at magagandang bagay ngunit hindi niya hinuhusgahan ang iba base sa kanilang mga hitsura.
Katahimikan ang namamagitan sa dalawa. Ilang sandali pa'y naglabas ang lalake ng isang maliit na kutsilyo.
"Ito lang ang meron ako. Magagamit mo ito sakali mang malalagay sa panganib ang buhay mo. Wag kang mag-alala. Isa itong sandata na sumusunod ayon sa gustong mangyari ng gumagamit sa kanya. Kailangan mo lang magpasa ng kunting Mysterian Ki sa bagay na iyan para tanggapin kang bagong Master niya."
Kinuha ni Seyriel ang maliit na kutsilyo at pinagmasdang mabuti. Naglabas siya ng kanyang kaunting Ki at ipinasa sa maliit na kutsilyo. Kuminang ito at tila hinigop ng kutsilyo ang mga enerhiyang ipinasa niya.
Inisip niyang putulin ang isang dahon ng damo gamit ang kutsilyo at bigla nalang itong lumitaw sa hangin at pinutol ang dahon ng damo.
Naisipan niyang paliparin ang kutsilyo sa himpapawid na agad ding sinunod ang anumang nilalaman ng kanyang isip.
"Ang astig."
"Maaari mo din baguhin ang anyo nito ayun sa iniisip mong sandata at gawing sasakyan."
"Weh, di nga." Napatingala siya sa kutsilyo na nasa himpapawid. Inisip na magiging isang malaking espada ito.
Namilog ang mga mata ng lalaki makitang nagbago agad ang anyo ng sandata.
Pinagmasdan niya si Seyriel. Nababago ang anyo ng kutsilyo ngunit kailangan ng gumagamit nito ng malakas na enerhiya bago mangyari 'yon. Kadalasan, ikakapanghina ito ng katawan dahil nauubusan sila ng Mysterian Ki or Chamnian Tsi. Ngunit hindi niya nakikitaan ng panghihina ang bata.
"Seyriel!" Nawala sa kontrol ni Seyriel ang kutsilyo na nasa anyong espada dahil sa narinig na tawag. Bumagsak ang espada at bumalik sa pagiging kutsilyo nito.
Hinanap ni Seyriel ang mga boses ng tumatawag sa kanya.
"Mukhang hinahanap ka na ng mga kaibigan mo."
Kinuha ni Seyriel ang kutsilyo at ipinasok sa kanyang backpack.
"Marami pong salamat dito." Pagpapasalamat niya at hinanap kung saan banda ang naririnig niyang mga tawag.
"Walang makakakita sa'yo kung nandito ka sa loob ng teritoryo ko. Isipin mo ang dahilan kung ano ang ginawa mo bago ka nakapasok dito."
"Naglakad-lakad lang naman ako at nangolekta ng mga halaman." Sagot niya.
Sinubukan niyang maglakad muli ngunit hindi na niya mahanap ang dati niyang dinaanan bago marating ang lugar na ito.
"Seyriel." Rinig niyang tawag ni Asana na tila ba nasa tabi niya lang ngunit di niya makita.
Napatingin siya sa lalake ngunit kibit-balikat lamang ang tugon nito sa kanya. Na tila ba sinasabi na wala itong maitutulong upang makalabas siya sa lugar na ito.
Pumikit siya at pinakiramdaman ang paligid. Naririnig niya ang mga tawag at mga yabag nina Asana na tila ba nasa tabi lamang niya.
Habang nakapikit nakikita niya ang mga pigura sa kanyang paligid. Ang nasa tapat niya ay hindi pigura ng lalaking kausap niya kundi pigura ng isang makisig na lalake at may kulay puting liwanag na nakapalibot sa katawan nito. Hindi niya gaanong mamukhaan ang hitsura ng lalake ngunit natitiyak niyang hindi ito pangit gaya sa tingin niya rito kapag nakadilat ang kanyang mga mata.
Sa kanilang paligid ay ang mga halamang naglalabas ng iba't-ibang kulay ng mga enerhiya at bumalot sa kanilang paligid. Nakikita din niya ang mga gumagalaw na mga liwanag na may Iba't-ibang kulay ngunit nasa hugis katulad sa mga kaibigan niya.
Paikot-ikot lamang ang anim na mga liwanag na hugis tao sa kanyang kinaroroonan ngunit kahit napapadaan na ang mga ito sa kinatatayuan niya, hindi parin sila nagkabanggaan.
Isang pigura na kulay puting liwanag at may halong itim na tila itim na apoy ang nakatayo sa kanyang kinatatayuan.
"Nararamdaman ko siya sa gawing ito. Dito mismo sa kinatatayuan ko." Rinig niyang boses ni Kurt.
"Hindi ko nakikita ang sarili ko." Inisip niya kung ano ang itinuro sa kanila ni Luimero kapag napapasok sila sa isang dimension ng ibang nilalang.
Inisip niya ang lugar kung saan niya huling nakita sina Asana. Saka naalala ang bulaklak sa gilid ng talon kanina.
"Ang bulaklak." Sambit niya.
"Seyriel." Naramdaman na lamang niya ang mahigpit na yakap sa kanya.
Naidilat niya ang mga mata at nakita ang lalaking napasubsob sa lupa. Bago napatingin kay Asana na nakayakap ng mahigpit sa kanya.
"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit bigla ka nalang nawala?" Naiiyak na tanong ni Asana sa kanya.
"Napunta lang ako sa kakaibang lugar." Sagot niya.
"Ano iyang hawak mo?" Napatingin si Seyriel sa bulaklak na hawak niya. Isa ito sa bulaklak na kinuha niya kanina bago maglaho sa kanyang paningin sina Asana.
Tumayo naman si Kurt na napasubsob sa lupa kanina dahil biglang lumitaw sa kinatatayuan niya si Seyriel.
Binitiwan ni Seyriel ang hawak na bulaklak. Bigla din itong naglaho sa kanilang paningin.
Humikab si Seyriel dahil bigla siyang nakaramdam ng antok. Kinuso niya ang mga mata at pinilit idilat ang mga ito ngunit dumilim na agad ang kanyang paningin.
"Seyriel?" Ang narinig niyang tawag ni Asana bago siya tuluyang nilamon ng dilim.
Nang idilat muli ang mga mata, nakita niya ang sarili sa isang lugar. Rinig na rinig rin niya ang sigawan ng mga Mysterian sa buong paligid.
"Nasaan na naman ba ako?" Napakunot ang kanyang noo at inilibot ang paningin sa buong paligid.
"Asana?"
"Izumi? Aya?" Tawag niya.
Napatigil siya sa paghahanap sa mga kasama makita ang isang lalaking nakasuot ng itim na kapa na dinuduyan ngayon ng hangin. Nakatayo ito sa bubong ng isang tahanan. Ang tahanan ni Luimero.
"Teka, anong ginagawa ko sa lugar na ito?" Nagtataka niyang tanong.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top