CHAPTER 27: Halamang Incenia
Si Aya ang nanguna sa pagdarasal. At siya lang din ang nagsalita.
"Sa ngalan ng Poong may likha sa lahat ng nilalang dito sa lupa. Sa ama ng lahat ng Diyos at Diyosa at sa mga tagapagbantay ng mga bagay at nilalang na inyong nilikha. Ipagpaumanhin niyo po ang aming pagambala sa inyong pamamahinga. Ipagpaumanhin niyo po kung may nagawa man kaming kasalanan o mga bagay na hindi niyo nagustuhan.
Hindi po namin ginustong makagawa ng mga pagkakamali. Nandito po kami ngayon, hinihingi po ang inyong pahintulot. Maaari po bang humiling sa inyo? Iyon ay kung pahihintulutan niyo. Maaari po ba naming bigyan muli ng kulay ang paligid na ito? Maaari po ba naming muling bigyan ng buhay at ayusin ang mga nasira sa lugar na ito? Maaari bang buksang muli ang mga lagusan ng mga tubig patungo sa mga bukal para may matirhan ang mga nilalang na umaasa lamang sa tubig?
At sa sinumang makapangyarihang tagapagbantay ng lugar na ito, maaari ba naming pakealaman ang mga halamang gamot? Hindi po namin sadyang gustong makialam. Pero kailangan lang po namin ng mga halamang gamot para sa aming mga pangangailangan. Maaari po ba? Kung maaari po, bigyan niyo po kami ng palatandaan at kung hindi po maaari ay bigyan niyo rin po kami ng palatandaan." Iyan ang dasal ni Aya.
Iminulat nila ang mga mata saka napatingin sa gitna ng kanilang kinaroroonan. Nakita nila si Seyriel na nakaupo at nakatungo ang ulo. Ilang sandali pa'y napahiga na habang humihilik. Hindi tuloy nila maiwasang maisip na ito na yata ang palatandaan na hinihiling nila. Palatandaan na ang ibig sabihin ay hindi sila pagbibigyan.
"Kahit kailan talaga." Sambit na lamang ni Asana. Alam niyang nakatulog ito sa kakahintay sa kanilang matapos sa pagdarasal.
"Dumidilim na ang buong paligid. Mas mabuti sigurong matulog na muna tayo." Sabi ni Shinnon sa kanila sabay sulyap sa batang nauna ng matulog.
"Mas mabuti nga 'yon. Bukas na lamang natin simulan ulit ang mga dapat nating gawin." Sagot ni Asana. Gumawa sila ng protective barrier sa kanilang paligid bago nagsitulog.
Nagprisinta si Shinnon na siyang magbabantay sa paligid ngunit di sinasadyang makaramdam din siya ng antok at nakatulog.
Nang makatulog na ang lahat nagising naman si Seyriel at kinuso ang mga mata.
"Nakatulog din ba sila sa kakadasal?" Tanong pa niya sa sarili. Pinagmasdan niya ang mga kasama.
Nasa tabi niya si Asana at ginawang unan ang kanyang backpack. Si Izumi at Aya magkayakap na nakahiga sa mga tuyong dahon. Si Arken nakaupo habang nakasandal ang likuran sa kahoy. Si Kurt naman, nakahiga sa ibabaw ng bato. Si Shinnon naman nakaupo habang hawak ang espada at nakasandal ang likuran sa gilid ng bato kung saan si Kurt.
Tumayo si Seyriel at inilibot ang paningin sa buong paligid. Kanina pa niya nararamdaman ang kakaibang malakas na presensya.
"Nakapagtataka. Hindi naman sila matutulog nalang basta-basta. Lalo pa't nasa mapanganib na lugar kami."
Alam niyang maingat sina Shinnon at Kurt ngunit nagtataka siyang natutulog din ang dalawa.
"Parang nananayo ang balahibo ko. Nakakakilabot pero di naman ako nakakaramdam ng panganib." Napatingin siya sa isang direksyon.
" Nakikita ba niya tayo? " pinagpapawisang tanong ng isang nilalang.
"Paano niya tayo makikita e wala naman dito ang mga katawan natin?" Sagot ng isa.
"Nararamdaman yata niya tayo. " sabi muli no'ng unang nagsalita.
Nakita nilang muling humiga si Seyriel at ipinikit ng muli ang mga mata.
"Kala ko pa naman nararamdaman niya tayo. " sambit ng isa at napahinga ng malalim.
"Hindi ko inaakalang may mga Mysterian pa rin palang naniniwala na may naglikha lang sa kanila. Na likha lang sila at nilalang lamang." sambit ng pangalawa.
Ang ikatlong kanina pa tahimik at nagmamasid lang ay nakapagsalita na rin.
"May mga Mysterian pa rin palang natitira at marunong magmalasakit sa mga bagay na nakapaligid sa kanila sa halip na magpokus na lamang sa kanilang pakay. Hindi ko inaakalang gagamutin niya ang tulad ko sa halip na wasakin." Sabi ng nag-anyong soul devouring flower kanina.
"Pa'no 'yan? Pumasa ba sila sa huling pagsubok?" Tanong ng una. Sabay na tumango ang dalawa pa niyang kasama.
"Bawal maingay. May natutulog." Ang narinig nilang sabi ni Seyriel at tinakpan ang magkabilang tainga habang patuloy sa pagpikit.
Nagkatinginan ang tatlo at panabay na nagtanong ng "naririnig ba niya tayo?"
At para makasiguro, naglakad palapit ang pinakauna sa kinaroroonan ni Seyriel. Hindi nga kasi gumagana sa mga tulad nila ang mga protective barrier na ginagawa ng mga Mysterian.
Lumapit ito sa tapat ni Seyriel at nagsalita.
"Bata. Naririnig mo kami?" bago pa man mailayo ang mukha nilipad na siya palayo. Natamaan kasi ng isang maliit na kamao.
Napasubsob tuloy ang mukha sa putikan. Ang mga kasama naman niya, nanlalaki ang mga mata sa gulat. Ilang sandali pa'y nag-thumbs up ang dalawa sabay sabi ng "ang galing mo bata. Tumilapon si-" napatigil sa pagsasalita nang may kumausap sa kanya gamit ang isip. Pagkatapos any binalingan ng tingin ang mga kasama.
"May nangyaring di maganda. Kailangan na nating umalis." sabi niya sa mga kasamahan.
"Bata, magpalakas ka. Dahil gagantihan pa kita." sabi ng isa na hawak ang mukha. Hinawakan na siya ng kasama bago sila naging liwanag at naglaho.
Tumaas naman ang sulok ng mga labi ni Seyriel bago idilat muli ang mga mata.
Muli siyang umupo at tiningnan ang buong paligid. Napatingin siya kay Asana bago sa iba.
"Mukhang ang himbing ng mga tulog nila." Sambit niya.
Kinuha ang aklat na nakuha niya mula sa treasure chest ni Luimero. Makapal ang pabalat ng aklat at may nakasulat ritong The Mystery of Mysteria bilang title.
"Ano kayang nilalaman nito?" Binuklat niya ang pabalat ng libro. Isang liwanag ang lumabas mula sa libro na ikinapikit niya.
"Anong klaseng libro ba itong tinatago ni Ele." Mukha ng kanyang Master ang tumatak sa kanyang isip bago maglaho ang liwanag sa libro.
***
Nagising ang grupo sa mga kaluskos at malakas na agos ng tubig. Naririnig nila ang mga awit ng mga ibon at naaamoy ang halimuyak ng mga bulaklak. Isa-isa nilang iminulat ang mga mata at kinuso ito. Muling kinusot sa pag-aakalang isa lamang panaginip ang anumang nakikita.
"Nasa dreamland parin yata tayo." Manghang sambit ni Asana. Kinapa si Seyriel pero backpack lang ang nakapa niya.
"Seyriel!" Tawag niya na kinakabahan. Agad siyang tumayo para hanapin ito pero napatigil din makitang nakaupo si Seyriel at nakaharap ang isang bonfire. May iniihaw na matabang isda.
Saka niya napansin ang saganang tubig na umaagos sa isang waterfalls. May mga bulaklak at mga halaman din na tumubo sa buong paligid. Ang munting sapa ay naging munting lawa na binabagsakan ng tubig galing sa higanteng talon. Makikita mo rin ang mga isdang nagsitatalunan sa tubig. Ang mga patay na puno naman at mga halaman ay nagkaroon na ng mga buhay.
Sagana rin sa ibat-ibang uri ng mga prutas ang paligid at mga magical plants na may iba't-ibang kulay, hugis at laki. Hindi nila maiwasang mamangha sa paligid. Ang tanging kulang nalang ay ang liwanag ng araw. Dahil natatakpan ng maitim na ulap ang kalangitan.
"Siguro, umitim 'yang ulap dahil kinain mo ang isdang 'yan." Sabi ni Asana makitang kumakain na naman si Seyriel.
"Nagpaalam naman ako a. Sabi ko kapag nagpahuli ka kakainin kita. E nagpahuli siya ibig sabihin, pumayag siyang makain ko." Katwiran niya at ngumiti pa saka muling kumagat ng isda.
"No'ng magising ka? Wala bang pinagbago ang ulap?" Tanong naman ni Aya. Nagbago na kasi ang paligid pero bakit maitim parin ang ulap sa langit?
Tumingala si Seyriel sa langit wari nag-iisip ilang sandali ay umiling. Pero nang makita si Kurt ay biglang lumiwanag ang mukha.
"Huy! Batman. Kaya mong kontrolin ang mga ulap di ba?" Tanong agad niya rito. Hinanap naman agad ni Kurt kung saan ang batman na tinutukoy ni Seyriel.
"Ako ba ang tinatawag mo?" Nagtataka nitong tanong sabay turo sa sarili. Tumango naman si Seyriel. "Hindi nga batman ang pangalan ko kundi Zaifer." Pagtatama nito.
"Okey, Zaifer." Sagot ni Seyriel at kumagat ulit sa inihaw na isdang hawak niya. "Nga pala, pwede mo naman sigurong palitan ang maitim na ulap di ba?" Tanong niyang muli.
"Ginawa ko na 'yan kaso walang nangyari." Sagot ni Kurt. Kaya niyang hawiin ang mga ulap pero hindi pasinagin ang araw papunta sa lugar kung nasaan sila ngayon.
"Ulitin mo kasi. Malay mo, magawa mo na ngayon." Pang-eenganyo pa ni Seyriel.
Tumingala si Kurt sa langit at muling ibinaba ang tingin. Huminga ng malalim bago gumawa ng ilang hand gesture.
"Pansin ko lang Ash. Bakit kapag nagpapalabas sila ng kapangyarihan may ginagamit pa silang mga hand gestures o hand sign ba tawag d'yan. Kailangan pa ba talaga ang gan'yan? Kaya ba hindi ako nakakapagpalabas ng Mysterian energy dahil hindi ako marunong sa mga gan'yan?" Sunod-sunod niyang tanong kay Asana.
"Hindi lahat ng Mysterian ay kailangan ng hand sign. May iilan na ginagamit ang isip o mata, depende sa kapangyarihang taglay nila. Ako naman, kapag gusto kong magpalabas ng wind blade kailangan ko munang magsagawa ng ilang hand sign. Kung gaano kabilis ang aking kamay gano'n din kabilis ang kapangyarihan o wind blade na maipapalabas ko." Pinagmasdan nila ang liwanag na nabuo ni Kurt. Nang tumingala ito, umakyat ang liwanag patungo sa langit bago sumabog.
Naglaho ang maitim na ulap kasabay ng pagkalat ng liwanag sa kalangitan. Dumungaw ang sinag ng araw kaya napatakip sila sa mata para hindi masilaw sa liwanag na hatid nito.
"Anong kapangyarihan niya?" Tanong niya kay Asana.
"Liwanag. At sa palagay ko, isa siyang Tiatros. Hindi lang iisa ang taglay niyang kapangyarihan." Sagot ni Asana.
"Talaga! Ang galing!" Tinakbo na nito si Kurt para pasalamatan.
"Batman ay Zaifer pala. High five!" Itinaas ang isang palad ngunit di naintindihan ng kaharap kung ano'ng ibig niyang sabihin. Nagtataka ang mga tingin nito sa nakataas niyang palad.
Dahil hindi tinanggap ang high five niya noo ni Kurt ang pinatamaan.
"Para saan 'yon?" Bakit kasi hinampas ang kanyang noo?
"High five tawag do'n. Thank you ko sa'yo." Magmula sa araw na ito, iniisip ni Kurt na kung magpasalamat siya kailangang manghampas ng noo.
"Tungnan niyo. May nakita akong halaman dito." Tawag bigla ni Shinnon.
"Tingnan n'yo ang mga halamang ito!" Sabi ni Shinnon at pinakita ang silver na kulay ng halamang may taas na one feet at may maliliit na mga dahon na kulay silver din.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top