CHAPTER 25: Arken 2

"Sabi niyo guardian beast ang nagbabantay sa lightning fruit? Bakit anak naman pala 'to ni Gurdina?" Tanong bigla ni Seyriel.

"Isang half guardian beast ang aking ina at half chamnian. At magmula no'ng magbago ang aking anyo at humina ang aking kapangyarihan, binabantayan ko na ang lightning fruit dahil iyon lang ang makakatulong para maibalik ang dati kong lakas." Paliwanag ni Arken.

"Kaya naman pala natamaan ka ng sumpa. Isa ka palang pinaghalong Chamnian Guardian at Guardian Beast. Kaya lang kakaiba ang sumpang tumama sa'yo. Dahil hindi nagagamit ng ina mo ang kapangyarihan niya kapag malapit ka." Sambit ni Shinnon.

"Ibig sabihin, magiging kahinaan ka ng iyong ina." Sagot ni Asana.

"Kung gano'n, posibleng hindi Chamnian ang iyong ama. Tanging pag-iisang dibdib lamang ng mga Chamnian sa ibang lahi ang maituturing na pinaka-ipinagbabawal na pag-iisang dibdib para sa mga Chamnian." Sagot ni Shinnon.

Napayuko si Arken. Hindi man niya kilala ang kanyang ama ngunit alam niyang hindi ito isang Chamnian.

"Bakit hindi nalang ang incenia ang hinanap mo?" Tanong naman ni Izumi.

"Hindi basta-bastang natatagpuan ang incenia. Kailangan mong alisin ang anumang negatibong emosyon sa puso mo. Samantalang hindi ko iyon maiiaalis sa aking sarili. Hindi ko maiwasang mangamba at mag-alala para sa aking ina. Hindi ko maipagtapat sa kanya na buhay ako dahil ayaw kong malaman ito ng mga iba at muli na namang lulusob sa aming tahanan. Kapag malakas na ako, saka ako magbabalik at magpapakita."

Napatitig tuloy silang lahat kay Arken. Lahat sila pinangarap na maging malakas at matalo ang mga masasamang Mysterian.

"Pano 'yan Ash. Hindi pwedeng may negative emotion. Hindi naman siguro negative emotion yung pag-iisip ng magkaroon ng napakaraming mga prutas at mga pagkain di ba?" Nag-aalalang tanong ni Seyriel. Ayaw niyang mabigo sa mission nila dahil sa katakawan niya.

"Ewan ko sa'yo. Iba nalang kaya ang iisipin mo? Maliban sa mga pagkain?" Suhestiyon ni Asana.

Napaisip naman si Seyriel maya-maya pa'y tumingin kina Shinnon at Kurt at bigla nalang tumawa.

"Anong tinatawa-tawa mo?" Nagtatakang tanong ni Asana.

"Para mawala ang negative emotion sa isip at puso ko, iniisip kung sumasayaw si Shinnon na naka-bathing suit. Sabay pose ng pang-bakla. Tapos si Kurt lumilipad sa himpapawid na ang attire ay ang attire ni Wonder woman." Napaimagine nalang din si Asana ng wala sa oras at animoy nakikita nga si Shinnon na kakaahon lang sa beach at naka two-piece bathing suit at siopao ang ginawang boobs. Tapos larawan na naman ni Kurt na nakataas ang kamao na may suot ng katulad ni Wonder woman. Hindi tuloy niya maiwasang matawa.

Habang sina Kurt at Shinnon naman ay tinatanong kung sino si wonder woman. Pero naiintindihan naman nila ang bathing suit na sinasabi ni Seyriel. Napatingin tuloy si Kurt kay Shinnon at napapaisip kung ano ang hitsura ng bantay niya kung nakasuot ito ng bathing suit ng babae at rumarampang pangbabae. Iniisip niya kung ano ang hitsura ng cold niyang tagapagbantay kapag nakasuot ng two piece bathing suit. Hindi tuloy niya maiwasang matawa sa sariling imahinasyon.

Si Shinnon naman na kapareho ng iniisip ni Kurt ay namula sa hiya. Di yata niya kayang lumabas pa kapag nangyari nga ang ganoong eksena.

"Ano bang nangyayari sa mga 'to?" Naguguluhang tanong ni Arken dahil bigla nalang nagsitawanan ang tatlo habang namumula naman sa hiya si Shinnon. Nagkibit balikat lamang si Izumi at muling sinuri ang pulso ni Aya na hanggang ngayon ay wala paring malay.

"Ayos na man na siya, pero bakit ayaw paring magising?" Nag-alalang tanong niya.

Hinintay na lamang nilang mabalikan ng malay si Aya. Ilang oras din ang lumipas bago ito magising saka sila muling nagpatuloy sa paglalakbay sa gitna ng gubat.

"Bakit hindi tayo nakakatagpo ng mga high grade magical beast? Di ba dapat marami sa lugar na ito?" Nagtatakang tanong ni Shinnon.

Napatingin lamang si Asana kay Seyriel at di nagsalita.

"Baka natakot sa panget niyong mukha." Sagot naman ni Seyriel. Napahawak tuloy ang bawat isa sa mga mukha.

'Panget ba ako? Pinapapatay ako nina Lara at Aviola dahil sa aking hitsura. Di kaya dahil panget nga ako?' Izumi thought.

Si Kurt naman, 'kaya nga ako nagmamaskara dahil ang sinumang makakakita sa mukha ko ayaw na akong tantanan. Parang mga linta na dikit ng dikit. Tapos sasabihin ng babaing 'to na panget ako? Di ba niya alam na ang dami ng nababakla sa kagwapuhan ko? Pasalamat siya at di niya nakita ang mukha ko. Baka mamaya ayaw pa akong layuan. Tsk!'

Si Shinnon naman, 'kahit ganito ang hitsurang 'to. Isa ito sa pinagkakaguluhan sa Wynx empire. Wala pang babaing humihindi rito."

Habang si Arken 'pumanget kaya ako pagbalik ng dati kong anyo? Hindi na kaya gaya ng dati?'

Habang si Aya "ang cute ko kaya. Tingnan mo nga o." reklamo niya.

"Anong cute ka diyan? Mukha ka ngang may sore eyes. " panglalait naman ni Seyriel dahil kulay pula ang mata ni Aya. Malinaw naman at maputi ang paligid nito.

"Natural na 'to. Kulay pula ang mga mata ko." Katwiran naman ni Aya.

Napatawa naman si Seyriel sa mga reaksyon nila.

"Hahaha! Alam niyo, grabe ang mga reaksyon niyo. Parang ngayon lang kayo nasabihang panget a. Saka nagbibiro lang naman ako. Malay ko bang gano'n ang magiging epekto sa inyo? Kung panget pa kayo ako na sana ang unang tatakbo palayo no."

Halos panabay naman silang nakahinga ng maluwag.

"Saka hindi sila aatake kung naaamoy nila ang powder na dala-dala namin ni Asana." Pinakita ang isang bote na may lamang kulay puting powder.

"Hindi sila aatake kung tunay silang mga magic beast. Alam nila kung ano ito at hindi nila sasaktan ang sinumang may hawak ng ganito." Hindi niya sinabi kung ano ang hawak niya at di narin muling nagpaliwanag pa.

"Alam mo ba kung ano 'yan?" Tanong naman ni Izumi kay Arken.

Hindi sumagot si Arken at pinagmasdan lamang si Seyriel. "Who are you?" Ang bigla na lamang lumabas sa bibig niya. Alam niyang hindi basta-bastang nahahawakan ng kahit sino man ang nilalaman ng boteng iyon. Pero alam niya kung ano ang mga sangkap sa pagawa sa powder na hawak ni Seyriel.

"Iyan din ang gusto kong malaman." Sagot ni Seyriel at ibinulsa ng muli ang maliit na bote.

"Nga pala. Gaano ba kalakas ang mga Dethrin na kahit si Gurdina ay walang laban?" Tanong bigla ni Seyriel kay Arken.

"May kakayahan ang ilan sa kanila na halos kapantay ng mga Chamnian." Sagot ni Arken na nakayuko. Muli na namang nanahimik si Seyriel.

"Tingnan niyo! Parang naliligaw na yata tayo." Sambit ni Aya kaya nailibot nila ang paningin sa paligid.

Patay na mga kahoy, mga tuyong halaman at isang maliit na sapang halos matuyo na sa tubig. Iilang isda na ang nakalutang. Yung iba nangangamoy na habang ang iba ginagalaw-galaw parin ang mga buntot kahit nasa lupa na.

"Ang taba nito o. Sarap ulamin." Sambit ni Seyriel at dinampot ang isang malaking isda na nakita sa gilid ng munting sapang halos maubusan na ng tubig.

Ang buong akala nila ay iihawin niya ito pero ginamot lang pala. "Pasalamat ka at naawa pa ako sa'yo. Saka walang apoy dito. Kung meron pa sana kanina pa kita inihaw." Sabi pa niya at nilapag ang isda sa mababaw na tubig.

"Parang walang buhay ang buong paligid. Ayan pa ang mga nalalanta ng mga halaman." Sambit ni Izumi na ngayon hinahawakan ang mga nalantang mga halaman at unti-unti itong nagkaroon ng buhay.

Si Arken naman ginagamot na ang mga nakikitang mga maliliit na mga magical beast na sugatan na tila mamamatay na anumang oras.

"Mukhang may lumusob yata sa lugar na ito." Sabi naman ni Shinnon.

"Kailangan nila ng tubig. Sino sa inyo ang may kakayahang lumikha ng elementong tubig?" Tanong ni Seyriel.

"Kaya kong tumawag ng tubig pero hindi ko kayang lumikha ng ulan kung wala akong nakikitang water source sa paligid. Hindi sapat ang tubig sa sapang ito." Sabi ni Izumi.

Naghanap sila si Seyriel ng mapagkukuhanan nila ng maraming tubig. Lumuhod siya at idinikit ang tainga sa lupa.

"May tubig sa pinakailalim ng lupa." Sambit ni Seyriel habang nakadikit ang tainga sa lupa.

"Susubukan ko." Sabi ni Izumi at pumikit. Pinakiramdaman ang daloy ng tubig sa mula sa bukal patungo sa ilalim ng lupa. Ilang sandali pa'y may namumuo ng mga pawis sa noo.

"Hindi ko kayang hilahin paitaas ang tubig. Nauubusan ako ng enerhiya." Sambit niya at napaupo sa lupa na hinihingal.

Binigyan siya ng isang hiwa ng prutas ni Asana.

"Nagbibigay lakas 'yan. Pero hindi ko alam kung ano ang magiging epekto niyan sa'yo." Kinuha naman ni Izumi ang prutas na bigay ni Asana at kinain.

Ramdam ni Izumi ang masaganang enerhiya ang nanunuot sa kanyang mga kalamnan at unti-unting nanumbalik ang kanyang lakas.

"Parang mas nadagdagan pa yata ang lakas ko." Nagniningning ang mga matang sambit ni Izumi.

"Subukan mong muli kapag kaya mo na." Sabi ni Asana na umupo sa isang malaking bato. Pumikit at ipinokus ang sarili sa paligid. Gumaya naman si Izumi at sabay nilang tinawag ang tubig mula sa ilalim ng lupa paakyat sa mga bukal at batis.

Hindi mawari nina Shinnon at Kurt kung bakit ito ginagawa nina Asana pero nang marinig nilang kailangan ng mga halaman ang sinag ng araw agad ding kumilos si Kurt. Kaya lang kahit ano mang gawin nila wala paring nangyayari.

"Parang may humihigop sa lakas ko." Nanghihinang sambit ni Asana.

"Parang may pumipigil sa aking kapangyarihan." Naguguluhan namang sambit ni Kurt. Alam niyang hindi niya nagagamit ang kanyang buong lakas ngunit hindi ibig sabihin nito na di niya nagagamit ang kanyang kapangyarihan. Ngunit sa pagkakataong ito, tila may humihigop sa kapangyarihan niya.

"May napakalakas na pwersa akong nararamdaman." Sabi naman ni Arken.

"Ano ang dapat nating gawin?" Tanong naman ni Aya. Sumagot naman si Seyriel na pinaglalaruan ang kaunting tubig na lumalabas sa maliit na bukal.

"Ako, may ideya ako." Sabay taas ng kanang kamay niya.

"Ano naman 'yon?" Tanong ni Asana. Seryoso namang naghihintay sa kanyang sagot ang mga kasama.

"E di magpahinga. Pagod na kayo di ba? Magpahinga na muna kayo."

Sabay-sabay na bumagsak ang balikat nila sa narinig. Inaakala pa naman nila na may ideya na naman si Seyriel. Magpahinga lang pala.

"Mas nakakabuti ngang magpahinga na muna tayo." Sabi ni Shinnon.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top