CHAPTER 23: YUANZANG FORTRESS

Maraming mga Mysterian ang gustong makakakuha sa halamang Incenia. Marami ng mga kaharian at Emperyo ang nagpadala ng mga tauhan nila para maghanap ng halamang Incenia sa Gubat ng Iceria.

Sa libo-libong mga sumubok, nasa sampo lang ang nakakapagpatuloy at nakakapasok sa unang portal. At iilan lang din ang nakakapagpatuloy sa ikalawang portal. Ilang taon na ang lumipas ngunit dalawang Mysterian pa lamang ang nakakakuha sa nasabing halaman. At dahil dito, natuklasan nila kung ano ang kaya gawin ng halamang Incenia at kung gaano ito ka-epektibo.

Kayang gamutin ng halamang Incenia ang kahit ano mang uri ng karamdaman. Kahit amoyin lang ang dahon nito, bumabalik na ang lakas ng sinumang nakakaamoy nito. Kaya din nitong magdagdag ng lakas at kapangyarihan, sampung ulit na mas malakas sa tunay na lakas ng sinuman kung pakuluan ito at iinumin ang katas ng halaman. Kaya itinuturing ng sinuman na isang miracle plants ang halamang incenia. Kaya lang, hindi ito basta-bastang nakukuha ng sinuman. Ang sinumang nakakakuha ng halamang ito ay dapat may ginintuang puso at walang negatibong emosyong nakabaon sa ilalim ng kanyang puso at isipan.

Ilang taon na rin ang nakalilipas, nasa dalawang Mysterian pa lamang ang nakukakuha ng Incenia at ang ibang mga nakapasok sa ikalawang portal ay hindi pa rin nakakalabas.

Halos malibot na nila ang gubat at ang iba ay namatay na lamang dahil sa mga magical beast na nagpagala-gala sa kagubatan. Ang iba naman dahil pinatay ng kapwa nila Mysterian.

"Pansin niyo ba? Kanina pa tayo nagpaikot-ikot pero hindi naman pare-pareho ang mga halamang nadadaanan natin pero sigurado akong napadaan na tayo dito kanina." Sabi ni Seyriel na inaamoy ang simoy ng hangin.

"Naamoy ko ang mga nilalang na napadaan na sa lugar na ito at naamoy ko ang mga amoy natin sa lugar na ito." Paliwanag niya.

"Naaamoy mo dahil nandito tayo." Sagot naman ni Asana.

"Naaamoy ko nga ang papawala na nating amoy. Ibig sabihin, napadaan na tayo dito ng  ilang ulit." Sagot muli ni Seyriel.

"Paano mo nasigurong amoy natin? Baka amoy ng iba ang naaamoy mo." Sagot naman ni Izumi.

"Sigurado talaga ako. Kasi amoy walang ligo." Sagot niya pa.

Inamoy tuloy ng bawat isa ang sarili. Hindi na nila alam kung ilang araw o oras na sila sa lugar na ito dahil hindi nagbabago ang paligid. Palage lamang itong parang madaling araw ngunit wala silang nakikitang sinag ng araw o ba kaya araw na nasa langit. Ang tanging nakikita nila sa kalangitan ay ang dalawang buwan at ang mga mapuputing ulap. Hindi na rin sila nakakaligo kaya na-concious tuloy sila sa kanilang mga amoy lalo pa't may matalas na pang-amoy si Seyriel.

"Buti nalang at di mainit ang araw, ayaw kong makaamoy ng amoy sunog o amoy bungang-araw no." Kinuso pa ang dulo ng ilong.

Umupo si Kurt sa isang nakaumbok na lupa at bigla na lamang itong nawala sa kanilang paningin.

"Uy! Nasan na 'yon?" Nanlalaki ang matang tanong ni Seyriel at ginaya ang posisyon ni Kurt sa pag-upo kanina.

Napakurap-kurap siya dahil bigla nalang naglaho sa paningin niya sina Asana.

"Bakit nang ako ang umupo sila ang naglaho? Bakit nang si Zaifer ang umupo siya ang naglaho?" Inilibot niya ang paningin pero wala parin siyang nakitang ibang nilalang sa paligid. Nagbago na rin ang paligid niya at medyo may kadiliman na ito.

"Hindi ka ba aalis?" Nagulat siya sa nagsasalita saka pa naramdaman na lumambot yata ang lupang kanyang kinauupuan kanina.

Mabilis siyang napatayo at napalingon kay Kurt na nakaupo sa lupa. Sa kanya pala siya nakaupo kanina.

Tatayo na sana si Kurt nang may bumagsak na naman sa kanya.

"Ugh!" Ungol ni Kurt.

"Paumanhin Kama-" napatigil siya sa pagsasalita nang makita si Seyriel. "Paumanhin Demi. Nadapa kasi ako kanina habang hinahanap kayo. Bigla na lamang kasi kayong naglaho sa kinauupuan niyo."

Sa kabilang bahagi naman, nagkatinginan sina Asana at Izumi. Natisod kasi si Shinnon sa isang ugat ng kahoy kaya nadapa. At nang mapayakap sa nakaumbok na lupa bigla nalang naglaho ang lalaki.

"Dito siguro ang portal." Sabi naman ni Asana. Nagsitanguan ang dalawa at sabay-sabay na tinalunan ang nakaumbok na lupa. Yakap-yakap naman ni Asana si Aya na nasa katawang rabbit pa rin.

Sabay-sabay na sanang tumayo ang nakahigang sina Shinnon at Kurt. Saktong pagtayo nila ay may bumagsak sa kanilang mga ulo na ikinabagsak nilang muli sa lupa.

Sabay na napaungol ang dalawa at sinamaan ng tingin ang mga salarin. Agad namang napalayo ang dalawa. Si Izumi nahihiyang iniyuko ang ulo kasi forbidden area ni Shinnon ang naapakan niya, habang si Asana naman napasakay sa leeg ni Kurt.

"Patawad." Sabay peace sign at pekeng ngiti kay Kurt.

Si Seyriel naman natatawang dinampot ang tumilapon na si Aya saka dinala ng maglakad palayo.

Nag-alala kasi siyang baka masapok ni Asana dahil siguradong pagtatawanan niya ang mga ito at aasarin kung di agad siya makakalayo.

Palinga-linga siya sa paligid habang naglalakad.

"Pakiramdam ko talaga ang daming mga matang nakatingin sa atin."

"Ako din. Kahit wala naman akong nakitang ibang nilalang bukod sa atin." Sagot ni Aya.

"Di kaya may mga pakiramdam at mga mata ang mga halaman dito?" Tanong ni Seyriel.

Napatigil siya sa paglalakad makakita ng isang bulaklak na nalalanta na. May iilang petals na lamang ang natitira. Bahagya siyang umupo at yumuko saka hinawakan ang bulaklak.

"Kawawa naman 'tong bulaklak o. Nalalanta na. Siguro dahil di nasisinagan ng araw." Sambit niya.

"Seyriel, bakit ka nang-iwan ha?" Tawag ni Asana at tumakbo palapit kay Seyriel.

Napadiin ang paghawak ni Seyriel sa petals ng halaman.

"Aray." Ungol niya nang matusok sa maliit nitong tinik.

"Isa iyang soul devouring flower." Halos pasigaw na sabi ni Asana. Mabilis na hinila si Seyriel palayo sa bulaklak.

Ang sinumang hahawak sa nasabing bulaklak ay mamamatay kapag nakuha ng bulaklak ang kaluluwa ng biktima. Maging sina Shinnon at Kurt inihanda ang mga sarili para magpakawala ng kapangyarihan at ipatama sa bulaklak.

Napahawak si Seyriel sa daliri niyang nasugatan. Pumatak ang kanyang dugo sa isang halaman. Ilang sandali pa'y nakita nila ang pagtubo ng halaman at tumaba pa ito.

"Seyriel, yung dugo mo." Namimilog ang mga matang sambit ni Asana.

"Nagiging fertilizer ang dugo ko?" Gulat niyang tanong at napatingin sa Soul Devouring Flower.

"Masubukan nga 'to." Lalapitan sanang muli ang bulaklak ngunit pinigilan siya ni Asana.

"Mapanganib ang bulaklak na iyan Seyriel."

"Pero papalanta na siya. Saka di ko ramdam ang masamang pakiramdam sa kanya." Sagot ni Seyriel.

"Paano kung kukunin niyan ang mga kaluluwa natin kapag bumalik na ang lakas niya?" Tanong naman ni Aya.

Tiningnan ni Seyriel ang bulaklak.

"Susubukan ko lang. Kapag nagiging panganib siya e di gawin natin siyang sangkap ng potion." Kung kanina'y tila nakatingala ang bulaklak sa kanila, ngayon naman akmang ilalayo ang katawan.

"Susubukan kitang gamutin. Pero hindi mo kami maaring saktan pagkatapos nito. Dahil kapag ginawa mo yun, kakain talaga ako ng bulaklak." Sabi ni Seyriel saka inilapit ang daliring may sugat sa bulaklak. Pinisil niya ito para may pumatak na dugo.

Inihanda naman ng iba ang mga sarili sa ano pa mang posibleng mangyayari.

Ilang sandali pa'y unti-unting bumabalik ang kulay ng bulaklak at palaki ito ng palaki. Dumami rin ang mga bulaklak nito.

Napakurap-kurap si Seyriel makitang malusog ng muli ang bulaklak. "Woah, parang fantasy nga." Tiningnan niya ang kanyang daliri. Naghilom ng muli ang kanyang sugat.

"Mabuti at ayos ka na. Kapag nangunguha ka ng mga kaluluwa, siguraduhin mong mga masasama sila ha ba?" Hinimas ang tuktok ng halaman. Mukhang nakakaintindi naman ito at tumango. Kaya napangiting muli si Seyriel.

Pansin niyang nakatingin silang lahat sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

"Naibalik mo sa dati ang malapit ng malantang soul devouring flower at nahahawakan pa tapos di ka napano?" Gulat na sambit ni Asana.

"Akala ko OP na ako. Di na ako Out of Place. May kakayahan din naman pala ako na naiiba sa lahat. Ang astig ng dugo ko." Masiglang sambit niya.

"Wag mo iyang ikatuwa. Dahil kapag nalaman iyan ng ibang Mysterian, siguradong magiging sangkap ka ng kanilang mga gamot at potion." Sagot ni Asana.

"Tama. Hindi mo dapat ipaalam sa iba ang sekreto ng dugo mo. Dahil ikakapahamak mo lang ito." Sagot naman ni Shinnon.

"Problema ba yun, isusumpa ko lamang sila." Itinaas niya ang isang palad.

"Simula ngayon, ang sinumang gagamit sa aking dugo sa anumang paraan na hindi nagpapaalam sa akin o hindi ko pinapayagan ay makakaramdam ng matinding sakit habangbuhay. Isang sakit gustuhin na lamang niyang mamamatay ngunit hindi siya mamamatay. Ito ay sumpa mula sa aking dugo na ako lamang ang makakapagpawalang-bisa." Sabi niya.

Ramdam niya ang maraming mga mata na nakatingin sa kanya at may iilang malice pa siyang nararamdaman. Kaya naisip niyang hindi lang sila ang nandirito sa lugar na ito at kung may gagamit man sa kanyang dugo sa masamang paraan, tinitiyak niyang pagsisisihan nila.

Wala siyang kaalam-alam, na sa ibang bahagi ng Mysteria, may mga nilalang ngayon na bigla na lamang namimilipit sa sakit.

"Matanong ko lang, naiintindihan mo ba at nakakausap ang mga halaman?" Tanong naman ni Izumi.

"Hindi. Kinakausap ko lang sila." Sagot naman ni Seyriel.

'Isa ba siyang chosen one?' Tanong ni Kurt sa isip. "Naghilom agad ang sugat mo. Naglaho na rin ang kaninang dumikit na dugo. Alam mo bang may mga Mysterian na may kakayahang manggamot ng kahit ano mang uri nh sakit ang mga dugo nila?" Sabi ni Kurt habang tinitingnan ang daliri ni Seyriel.

"Gusto monñ din bang subukan ang dugo ko? Saka nalang pag niregla na ako. Ngayon hindi pa-awts!" May tumulak kasi sa likod ng ulo niya. Sinamaan niya ng tingin si Asana.

"Yung bibig mo." Puna nito.

"Ano na naman ba ang kasalanan ko ha?" Nakangusong tanong niya at inirapan si Asana. Pero nagpapasalamat na rin siya dahil hindi siya nabatukan.

"Sa lawak ng lugar na ito, saan naman natin hahanapin ang Incenia?" Tanong ni Izumi habang nililibot ang paningin sa buong paligid.

"Sabi nila, may malaparaisong lugar sa Yuanzang Fortress at sa lugar na iyon matatagpuan ang halamang Incenia." Sabi ni Aya.

"Hanapin na natin." Sabi ni Seyriel at muli na silang naglakbay.

"Sa palagay mo, isa sila sa mga hinahanap natin?" Tanong ni Kurt kay Shinnon through mind link.

“Hindi rin ako sigurado. Pero kung isa siya o sila, maaaring malalagay sa panganib ang buhay nila.” Sagot naman ni Shinnon.

“Pero sa palagay ko, hindi sila ordinaryong Mysterian lang. Hindi sila basta-bastang napapadpad sa forbidden forest na sila lang kung wala silang kakaibang kakayahan." Sabi ni Kurt.

"May naaamoy ako. Mukhang masarap na prutas na naman." Sambit ni Seyriel habang inaamoy ang hangin.

"Seyriel sandali!" Tawag ni Asana dahil kumaripas na ng takbo si Seyriel at naglaho na ito sa makakapal na mga dahon.

Napatigil sa paghabol si Asana makita ang mga magic herbs sa paligid. Sagana rin sa mga Mysterian Ki ang mga magic herbs na ito.

"Ang daming mga magic herbs dito ngunit naninilaw na ang iba." Sambit ni Izumi.

"May sugatang Bystre sa gawing ito." Sabi ni Kurt at binuhat ang maliit na ibon sa kinaroroonan nina Asana.

Ginamot ni Izumi ang mga halaman. Pinainom naman ni Asana ng potion ang maliit na ibon.

"Tulong!" Napatigil sila sa ginagawa dahil sa malakas na sigaw.

"Waaah! Asana, heeeelp me." Kasunod nito ay ang mga papalapit na mga yabag.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top