CHAPTER 19: Saving Aya and Izumi 2
May mga Mysterian na pinaikutan ang isang nilalang na nakagapos at nakabitin sa isang puno.
"Ang swerte natin sa araw na ito. Biruin niyo may libangan tayo habang naghahanap ng mga Bestri?" Masiglang sambit ng isa na may hawak na isang bote ng alak.
"Kung pumayag lang sana ang amo natin kanina ko pa siya tinikman." Sabi naman ng isa.
"Umayos ka nga. May nakikita si among kakaiba sa kanya. Ewan ko nga rin kung ano, e wala naman akong nararamdamang malakas na kapangyarihan sa loob ng kanyang katawan." Sagot ng ikatlo.
"Baka nagkagusto siya sa Shidang ito." Hula naman ng isa.
Hindi naman nagsalita si Izumi at pinagmamasdan lamang sila. Ang inaalala niya ay si Aya. Nagkahiwalay sila kanina para matakasan ang mga Mysteriang ito. Hindi niya alam kung kabilang ba ang mga ito sa grupo ng mga Dethrin o Mizuto.
Isa sa mga Mysterian ang hahawak sana sa kanyang mukha nang may tumamang bato sa kamay nito. Napahiyaw ito sa sakit habang nakahawak sa sariling kamay.
"Bakit niyo ako binato ha!" Sigaw niya sa apat na kasama. Nagkatinginan naman ang apat sabay kunot ng mga noo. Nagtataka kung bakit nagalit ang kanilang kasama at pinagbintangan pa silang nambato e wala naman silang ginawa.
"Bakit kami sinisigawan mo? Wala naman kaming ginagawa sayo." Lumingon-lingon ang isa pero wala naman siyang nakitang ibang nilalang maliban sa kanila.
Ilang sandali pa'y may tumamang bato sa ulo ng ikalawa na nakaupo sa may gilid. Kaya galit niyang binalingan ang kasamang sumigaw kanina.
"Ano ba Lek! Sinabi ng hindi nga ako ang bumato sa'yo bakit ako ang ginantihan mo!" Sigaw niya sa Mysteriang tinatawag na Lek.
"Anong ako? Wala akong ginawa noh." Pagtalikod ni Lek, may tumama na naman sa kanyang ulo kaya sinapak niya ang kasamang nasa kanyang likuran. Nagalit ang isa kaya gumanti ngunit tumama ang kamao sa mukha ng isa pa nilang kasama kaya nagsapakan na silang tatlo.
Nakita sila ng dalawa nilang kasamahan kaya nagsilapitan ang mga ito upang umawat.
"Anong ginagawa niyo?" Tanong ng isa ngunit bigla na lamang natumba. Bago pa man makalingon ang katabi nito, natumba na rin.
Natigilan ang tatlo. Hawak ang masakit na parte ng kanilang katawan saka hinanap ang sinumang nagpatumba sa dalawa nilang kasama.
Isang singhap ang kanilang narinig kaya napatingin sila sa gilid ng isang tent.
Nakita nila ang isang cute na batang babae na nasa ten or twelve years old. Nakatakip ito ng bibig at nanlalaki ng mga mata habang nakasilip ang ulo at nakatago ang katawan sa kabilang bahagi ng tent.
"Sorry po. Di ko po sinasadyang mawalan sila ng malay." Sabi ni Seyriel at nag-peace sign.
Matalim ang tingin at nagtagis ang ngipin ng tatlong nag-aaway sana kanina.
"Kung ganon. Ikaw pala ang bumato sa amin?" Tanong ni Lek at pinatunog pa ang mga daliri.
"Hindi ko kayo binato, tinira ko lang ng sling shot." Pinakita ang sling shot na yari sa sanga ng kahoy na ikinausok ng ilong ng tatlo.
Susugod na sana ang isa sa tatlo pero humarang na si Shinnon. "Pakawalan mo ang kaibigan niyo at ako na ang bahala sa tatlong ito."
Agad na nilapitan ni Asana si Izumi para tanggalin ang kadenang nakagapos dito.
"Seyriel! Tulungan mo ako dito. May nilagay silang protective spell." Sabi ni Asana.
"Mamaya na 'yan. Manonood pa ako ng live action fantasy scene." Nakalagay sa baba ang hinlalaki at hintuturo na kunwari may hinahaplos na begote.
"Seyriel!" Banta ni Asana. Pawang kalokohan lang kasi ang iniisip ni Seyriel.
"Oo na. Tutulong na." Naglakad na palapit kay Asana. Nakadalawang hakbang lamang siya nang may sumulpot na tatlong Mysterian sa tapat niya at agad siyang pinaligiran.
"Sandali lang. Hindi ako lalaban. Audience lang ako." Nilagay pa sa harap ang dalawa niyang palad na nagsasabing tigil muna.
"Audience? Anong audience?" Nakakunot ang noong tanong ng isa.
"Taga-sabong."
Si Asana na nag-alalang makitang napaligiran siya ay napaubo.
"Kailan pa naging taga-sabong ang audience?" Tanong niya sa sarili na narinig naman ni Seyriel.
"Ang mga audience, taga-cheer at taga-sabong. Sabay sabi ng go fighting. Fight! Fight! Kaya niyo 'yan. Tuloy ang laban. Yung mga gano'n." Sagot ni Seyriel.
Ang tatlong mga Mysterian naman ay nagkatinginan. Wala silang naintindihan sa 'go fighting at fight fight', na tinutukoy ni Seyriel. Iniisip nilang isa itong uri ng incantation. Kaya agad nilang inatake si Seyriel habang di pa lumabas ang kapangyarihan ng incantation niya.
Agad yumuko si Seyriel nang may espadang papunta sa dibdib niya. Sabay sipa sa binti ng isa. Kasunod nito ang tunog ng nabaling mga buto, at ang malakas na hiyaw ng Mysteriang sinipa niya.
Sinipa siya ng isa pa. Agad siyang yumuko, ginamit ang pagiging mababa niya at sinuntok ang kaselanan ng sumipa sa kanya kaya nagpagulong-gulong ito sa lupa habang hawak ang kayamanan. Umalingawngaw ang hiyaw nito sa tindi ng sakit.
Ang isa na natira ay napahawak sa kaselanan ng di oras sa takot na masuntok sa gawing iyon kaya di agad nakaiwas nang may papalapit na kamao sa kanyang mukha na ikinatilapon niya palayo.
Nanlaki ang mga mata ki Seyriel habang nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa kamao at sa binti.
"Yaah." Sigaw ng lalaking bigla na lamang sumulpot at nakataas ang espada papunta sa gawi ni Seyriel.
"Mag-iingat ka." Sigaw ni Izumi ngunit ungol lamang ang lumabas sa kanyang bibig dahil may telang nakatakip dito.
Lumiad si Seyriel at umangat sa lupa ang dalawang mga paa. Umikot sa ere bago sipain ang binti ng lalake na ikinatilapon nito. Isang hiyaw na naman ang umalingawngaw sa paligid.
"Asana! Asana! Na-nadurog yung- yung binti niya." Gulat niyang sambit nang makatakbo sa tabi ni Asana.
"Asana. Bakit gano'n? Anong nangyayari?" Kahit si Asana ay napatulala. Umiling-iling pa ito at kumurap-kurap.
Sabay silang nagsanay ni Seyriel at alam niya ang kakaibang lakas nito ngunit ngayong nakikita na niya sa actual na labanan, hindi pa rin niya maiwasang mapatulala.
"Bato yata 'yang kamao mo Seyriel." Manghang sambit ni Asana. Kundi gumalaw ang nakatakip ang bibig na si Izumi hindi na nila ito maalala.
Hinila ni Seyriel ang kadena at napigtas naman ito na lalong ikinalaki ng mga mata ni Asana. Hinawakan ang kamay ni Seyriel para matingnan.
"Seyriel. Saang gawa ba iyang kamay mo ha?" Gulat niyang tanong. Siya kasi kanina napapaso kapag hinawakan ang kadena. Hindi rin naaapektuhan kapag tinitira niya ng wind blades. Tapos ang si Seyriel, isang hila lang napigtas agad?
Tinanggal ni Seyriel ang nakatakip sa bibig ni Izumi.
"Si Aya nasaan na?" Seyriel asked.
"Hindi ko alam. Nagkahiwalay kami kanina."
"Asana, ikaw na ang bahala dito. Hahanapin ko lang si Aya." Tumakbo na siya palayo.
Nakahandusay na sa lupa at wala ng mga malay ang tatlong lalaking nakalaban ni Shinnon.
Pinainom ni Asana si Izumi ng potion para maibalik ang lakas nito saka nila sinundan si Seyriel na bigla nalang naglaho.
"Pabalik na yung iba nilang mga kasama. At kung hindi agad tayo makaalis dito tiyak na mahihirapan tayong harapin sila." Sabi ni Shinnon.
Patuloy sila sa paghahanap kay Seyriel. Pinasok ang bawat tent hanggang sa makarating sa storage room ng mga Mysterian kanina. Nakita nilang nag-eenjoy sa pagkain ang kanina pa nilang hinahanap na nilalang.
"Seyriel!" Sigaw ni Aya at sinapok ang kaibigang prenteng nakaupo sa mesa at sarap na sarap sa pagkain. Napaubo pa ito dahil sa pagsapok sa kanya.
"Papatayin mo ba ako? Ginulat mo na nga ako, sinapok pa!" Sigaw niya kay Asana habang patuloy sa pag-ubo.
Napatakip ng tainga si Aya gamit ang kanyang mahahabang tainga at maliliit niyang kamao dahil sa sigaw ng dalawang bata malapit sa kanya. Nakadapa siya ngayon sa mesa at may kagat-kagat na isang piraso ng karne.
"Nag-alala pa kami sa'yo tapos kumakain ka lang pala?" Nakapamaywang na sambit ni Asana habang patuloy namang nag-i-enjoy sa pagkain si Seyriel.
"Paparating na sila kaya kailangan na nating makaalis sa lugar na ito." Paalala naman ni Shinnon. Sumulyap lang si Seyriel sa kanya at nagpatuloy sa ginagawa.
"Tama na 'yan, Seyriel! Umalis na tayo dito." Hinila ni Asana si Seyriel dahil wala itong balak umalis sa kinauupuan.
"Sandali lang naman." Kumuha muna ng ilang hiwa ng karne bago sumama sa kanila.
Nang makaalis sila, siya ring pagdating nina Lhoyd at ng iba pa.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ng isang lalaking kasama ni Lhoyd.
"Mukhang may lumusob sa kanila. Hanapin ang kamahalan."
Agad nilang hinanap ang kanilang kamahalan. Natagpuan nilang nakasandal sa isang puno.
"Hanapin sila. Tiyak na hindi pa sila nakakalayo." Utos ng isang Elder na kasama nila.
"Wag na. Hindi sapat ang lakas niyo." Sabi ng batang boses. May hawak itong maliit na bote at nilalaro sa mga daliri.
Bumalik na ang bata sa kanyang tent. Hinubad ang maskara at tiningnan ang boteng hawak.
"Hindi siya kakampi at binihag pa namin ang kaibigan niya ngunit binigyan niya ako ng gamot?" Sinilip ang laman ng bote. Mabango ito may ma kulay berdeng likido sa loob.
"Kamahalan, bakit may hawak kang Invincible potion?" Tanong ni Lhoyd sa kanya.
"Invincible?"
Kinuha ni Lhoyd ang maliit na bote at tiningnang maigi. "Kundi ako nagkakamali, ang ganitong amoy ay ang mga Invincible potion na matagal ng naglaho sa Mysteria. Saan mo ito galing?"
***
"Sino na naman ba yung binigyan mo ng potion kanina ha? Kalaban siya, kalaban." Paulit-ulit na sinasabi ni Asana.
"May sugat nga siya." Sagot din ni Seyriel.
"Eh ano naman kung may sugat? Kalaban parin siya dahil binihag niya sina Aya at Izumi. Tapos gagamutin mo pa?" Sagot ni Asana at inikot ang mata.
"Oo nga Seyriel. Kulang nalang bigyan mo ng patalim ang Mysterian na papatay lang pala sa'yo." Sagot ni Aya.
"Hindi naman masama ang batang 'yon. Di ba siya ang pumigil sa mga masasamang Mysteriang mga kasama niya, na wag tayong saktan? Kundi pa dahil sa kanya, matagal na tayong pinahirapan ng mga yun." Sagot ni Izumi.
"Wag na nga kayong magtatalo. Hahanapin nalang natin si Batman." Sagot ni Seyriel.
"Sinong batman?" Tanong ni Asana.
"E di yung kasama natin na laging nakamaskara?"
"Nagalit yun sa'yo. Sino bang hindi? Sinikap niyang iligtas tayo tapos kinampihan mo ang kalaban." Sagot ni Asana.
"Pagkampi ba tawag do'n? Binigyan ko lang ng gamot kasi nga may sugat e. At alam kong manganganib ang buhay niya kapag di agad nagamot? Masama ba yun?"
"Hindi nga masama pero dapat ilagay mo naman sa tamang lugar ang pagawa mo ng mabuti." Sagot ni Asana.
"Oo na. Mali na ako. Magsosorry na ako kay Batman."
Nadaanan kasi ni Seyriel sina Kurt at ang batang nakamaskara na nagpapalitan ng atake. Binigyan ni Seyriel ng gamot ang isa na ikinainis naman ni Kurt.
Umalis ito at di na nila alam kung saan nagpunta.
Natagpuan nila si Kurt na nakasandal sa isang puno ng kahoy malapit lang sa Punong Gaines kung saan nakaratay sina Leonor at Liano kanina.
Wala na ang mga natumbang puno at mga nabutas na lupa. Bumalik na sa dati ang buong paligid na animo'y walang naganap na labanan sa gawing ito kamakailan lang.
Nakita nila si Shinnon na nagsusumamo ang mga mata habang nakatingin kay Seyriel.
"Wag mo na siyang lapitan. Masama ang loob niya. Wag mo ng isipin ang usapan natin. Ayos lang kami. Maghahanap na lamang kami ng paraan paano makakuha ng halamang Incenia." Sabi nito.
Napakagat naman sa labi si Seyriel. Mukhang ikinasama nga ng loob nina Kurt ang ginawa niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top