CHAPTER 18: Saving Aya and Izumi 1
"Hahanapin natin sina Aya at Izumi. Baka kung saan na sila napunta." Sabi ni Seyriel kay Asana.
"Kaya lang, saan natin sila hahanapin?" Sagot ni Asana.
Tiningnan ni Seyriel sina Leonor at Liano na walang mga malay. Biglang lumawak ang ngiti niya sa labi.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Asana makitang kinakapkapan ni Seyriel si Leonor.
"Tyaran!" Sabay taas ng kamay. "Sabi ko na nga e, may dala din siyang prutas." Ipinasok niya sa bulsa ang maliliit na Mysterian berries at muling naghanap ng bagay na sa katawan ni Leonor.
May nakuha siyang ilang pirasong magic scroll, maliliit na paper crane at iilang mga teleportation stone.
"Bayad mo ito sa gamot na pinainom ko sa'yo." Nakangiti niyang sambit saka sinulyapan si Liano.
Nanghihinayang dahil hindi niya mabubuksan ang magic sphere at di makakuha ng pagkain at iba pang yamang meron si Liano.
Napadukdok sa dibdib si Asana habang palinga-linga sa paligid. "Ako ang kinabahan sa pinagagawa mo e. Lalong magagalit ang mga Guardian sa'yo."
"Ayaw mo no'n, makakalabas si Gurdina sa pikon. Tara na." Masiglang sabi ni Seyriel at patalon-talon pang naglakad.
Nagsimula muli silang libutin ang gubat.
"Hindi natin alam ang daan palabas paano natin sila mahahanap?"
"Wala ka bang tiwala sa ilong ko?" Sabi ni Seyriel at inamoy-amoy ang hangin habang naglalakad. Ilang sandali pa'y bumangga siya sa matigas na bagay.
"It's so warm and comfortable." Sambit niya at niyakap ang nabanggaan. "Aaahh!" Tili niya dahil umangat sa lupa ang kanyang mga paa at nakita ang nababalot ng maskarang mukha ni Kurt. Hawak nito ang kuwelyo sa kanyang likuran at inangat siya sa ere.
Napahinga ng maluwag si Kurt makitang si Seyriel pala ang bumangga sa kanya. Hinanap nila ang dalawang bata kanina ngunit hindi nila matagpuan. Hindi rin nila nararamdaman ang presensya nina Seyriel na tila ba bigla na lang naglaho.
Nakahinga rin ng maluwag si Shinnon makitang ligtas ang dalawa.
"Nandito lang pala kayo. Hindi namin kayo natagpuan kanina." Sabi ni Shinnon.
"Hinahanap niyo kami?" Tanong ni Seyriel kay Kurt. Patulak siyang binitiwan ni Kurt na muntik na niyang ikatumba.
"Ang harsh mo talaga." Sambit ni Seyriel at sinamaan ng tingin si Kurt.
"Sabi ko na nga ayos lang sila. Bakit mo pa kasi inaalala?" Sagot ni Kurt. Ngiti lang ang sagot ni Shinnon.
"Saan nga pala kayo pupunta?" Tanong ni Shinnon.
"Hinahanap namin ang aming mga kaibigan." Sagot ni Asana.
Naglakad ng muli sina Asana at Seyriel nang magsalita si Shinnon.
"Tutulungan namin kayong hanapin ang kaibigan niyo ngunit kapalit nito, maaari bang humingi ng potion na katulad sa binigay niyo sa akin kanina?"
Nagkatinginan sina Asana at Seyriel.
"Wala akong masamang intensyon. May mga kasama kasi kaming naiwan dahil malubha ang kanilang mga sugat. Nandito kami sa Sentro ng gubat dahil gusto naming makahanap ng halamang gamot para sa kanila. Ngunit kapag meron kaming potion katulad ng hawak niyo, hindi na namin kailangan pang magpupumilit pumasok sa Yuanzang Fortress." Paliwanag ni Shinnon.
"O ba. Tara!" Sagot agad ni Seyriel.
"Gano'n lang? Payag ka agad? Seyriel naman, bakit ka nagtitiwala sa mga 'yan? Hindi pa natin sila kilala." Bulong ni Asana kay Seyriel.
"Sila kaya ang nagligtas sa atin. Saka may kukunin pa tayong beast core ng mga high grade magical beast, at marami diyan sa storage bag nila."
Tiningnan ni Asana sina Kurt kung may storage bag ba sila pero wala siyang makita.
"Asan diyan? Wala naman e." Sinuring mabuti ni Asana ang paningin sa katawan ng dalawa.
"Ewan ko kung saan nila nilagay ang mga beast core na nakukuha nila pero naaamoy ko. Mga beast core ng mga high grade magic beast." Sagot ni Seyriel at suminghot-singhot pa. Ilang sandali pa'y napatakip ng ilong. "Ano ba 'yan, amoy panis naaamoy ko. Naligo ka ba?"
"Naligo ako no. Naligo ng pawis." Sagot naman ni Asana.
"Kaya pala amoy bungang-araw ka e." Biro ni Seyriel sabay tawa. Nilayo ang mukha kay Asana.
"Kaysa sa'yo amoy kabayo." Sagot din ni Asana at nilabasan ng dila ang kaibigan.
Nagpatuloy sila sa paghahanap kina Izumi at Aya. Nakasunod naman ang dalawang lalake.
"Shinnon, di ba ako amoy bungang-araw o amoy kabayo?" Pabulong na tanong ni Kurt kay Shinnon. Inamoy pa naman siya ni Seyriel kanina.
"Hindi po Kamahalan."
Napahinga naman ng maluwag si Kurt. "Pero amoy dugo po kayo." Napawi bigla ang ngiti sa mga labi ni Kurt.
Inamoy rin ni Shinnon ang sarili at napakunot sa ilong maamoy ang pawis at dugo sa suot niya.
Si Seyriel naman, parang aso na inamoy-amoy ang paligid.
"Nagmukha ka ng aso." Sabi ni Asana mapansin ang pagsinghot ng kaibigan sa hangin.
"Hindi ako mukhang aso, mukhang tuta. Mas cute ang tuta kaysa sa aso." Angal niya at nagpatuloy parin sa pag-amoy sa hangin.
"Proud ka pang matawag na anak ng aso gano'n?" Asana rolled her eyes.
"Naaamoy ko na ang amoy nila." Sinundan agad ni Seyriel ang amoy nina Izumi at Aya.
Napatigil sila makarinig ng mga ingay sa di kalayuan. Naglakad sila palapit at nakita ang mga tent na nakatayo sa isang clearing.
"Teka, may amoy dugo. May mens yata si Izumi." Sabi naman ni Seyriel dahil don sinamaan siya ng tingin ni Asana.
"Sira ka talaga. Sa dami ng dapat mong isipin iyan pa ang pumasok sa isip mo? Dapat isipin mo na baka nasaktan sila. Kung naaamoy mo ang presenya nila rito ibig sabihin may posibilidad na nabihag sila." Paliwanag ni Asana.
"Ako na ang mag-imbestiga." Sabi ni Shinnon at agad nawala sa kanilang paningin.
"Wow! Astig! Biglang nawala." Manghang sambit ni Seyriel. Pero napatigil dahil may narinig silang paparating kaya agad silang dumapa sa damuhan para di makita.
Nilingon ni Seyriel si Kurt sa kanyang tabi ngunit naglaho na rin ito sa kinatatayuan. "Ganito ba dito? Para silang mga ninja warrior? Ano nga ba tawag do'n, shadow warrior? Mga mandirigmang ang bilis kumilos na biglang maglalaho at biglang lilitaw. Sana ako rin."
"Sshh. Wag kang maingay. Marinig tayo." Bulong ni Asana na ikinatahimik ni Seyriel.
May lumapit sa kinaroroonan nila kaya nagchant agad ng illusion spell si Asana. Ilang sandali, nakatulala na ang Mysterian na parang na love-struck at bigla nalang tumakbo palayo.
"Anong nangyari sa kanya?" Takang tanong ni Seyriel.
"Nakakakita siya ng isang napakagandang babae kaya siya natulala kanina at sinundan niya ang illusion image na likha ko." Masiglang sambit ni Asana.
"Kaninong mukha naman yung naisip mo? Mukha ko ba?" Hinipan pa ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa mukha.
"Kapal ng mukha nito." Nakanguso na lamang si Seyriel sa sagot ni Asana.
"Sino nga kasi iyon? Sabihin mo na?" Ganyan siya kakulit.
"Mukha ng ina mo." Sagot ni Asana and sighed helplessly.
"Di ka takot magmulto si mama?" Nakatakip bibig na tanong ni Seyriel at nanlalaki ang mga mata.
"Di si mama Seyria mo ang tinutukoy ko." Sagot niya at nagulat pa nang bigla nalang sumulpot sa tabi nila si Shinnon.
"Natuklasan kong may isang Shida na nakagapos sa isang puno." Sabi ni Shinnon sa kanila.
"Bilisan natin, baka mapano pa sina Izumi." Tumakbo na si Seyriel palapit sa mga nagka-camping.
Napatigil si Seyriel nang may maamoy na inihaw na karne. "Uhmm.. Ang bango! Parang may fiesta. Tara makikain tayo." Pinandilatan na naman siya ni Asana.
"Ah, sabi ko makihingi pala." Bawi niya at nagkamot ng noo.
"Pagkain na agad ang iniisip mo? Di mo man lang ba naisip na baka si Izumi yung bihag na nila?" Nakapamaywang na tanong ni Asana. Pahero-hero pa kasi ang batang ito tapos pagkain lang pala ang palaging laman ng isip?
"Baka sila pa ang mabihag sa ganda ni Izumi. Nabihag sa kanyang angking ganda. Ehem.... Nauubo yata ako." Hinila na siya ni Asana papunta sa lugar kung saan nakatali ang bihag.
Napadaan sila sa isang tent na may naliligo sa loob. Mapapansin kasi ang anino ng tao sa loob ng tent na binubuhusan ng tubig ang katawan at nakaupo sa isang bath tub. Nahiwalay ang tent na ito sa iba.
Napangiti si Seyriel at bumulong sa tainga ni Asana.
"May naliligo yata sa tent na ito, tara silipan nati-aray!" Nabatukan naman kasi ni Asana.
"Sina Izumi pakay natin, di manilip." Bulong din ni Asana.
"Tingin nalang." Bubuksan na sana ang zipper ng tent pero pinigilan siya ni Shinnon at inilingan.
"E di magnanakaw na nga lang tayo ng makakain." Sabi naman ni Seyriel.
Muli na namang lumanghap sa hangin si Seyriel. Pumikit pa ito at biglang dumilat. Nagulat pa sila sa biglang pagliwanag ng mga mata niya. Nagliwanag sa tuwa.
"Naaamoy ko na!" Masigla nitong sambit.
"Naamoy mo na sina Aya? Nasaan sila?" Natutuwang sambit ni Asana.
"Nasa'n sila? Sa'n banda?" She asked anxiously.
"Sa gitna ng camp. Ang sarap." Seyriel answered and licked her lips.
"Anong masarap? Ano ba kasi ang naaamoy mo?"
"Amoy inihaw."
"Inihaw nila si Aya?" Si Aya naman kasi ang posibleng iihawin dahil nasa anyong rabbit ito.
"Inihaw na wild boar, hindi rabbit." Sagot ni Seyriel.
"Talaga namang ang sarap-sarap mong batukan." Pagtalikod nila sa tent, biglang bumukas ang zipper nito at lumabas ang isang nakamaskarang lalake. Napatigil sila sa paglakad at napalingon sa lalaking nakamaskara.
Bumungad sa kanilang paningin ang black na kasuotan at black na maskara. Tanging mga mata lang ng lalake ang makikita.
"Bakit ba ang hihilig nilang magmaskara?" Nakakunot ang noong tanong ni Asana.
"Tinatanong pa ba 'yan? E di may bun-i or acne sila sa mukha." Seryoso namang sagot ni Seyriel na muntik ng ikatapilok ng black mask man.
"Kung ayaw niyong mamatay just kneel down and beg." The man with a young teens voice said lazily.
"Di nga. Kapag di luluhod patay agad?" Sinilip pa ni Seyriel ang mukha ng lalake kaso mga mata lang nito ang kanyang nakita. Cold na mga mata.
Napa"wah!" Na lamang siya nang biglang may sumulpot sa tapat niya iniharang ang katawan nito para di siya makita sa nakamaskarang lalaking galing sa loob ng tent.
"Ako na ang bahala sa kanya. Iligtas niyo na ang kaibigan niyo." Sabi ni Kurt. Ang lalaking bigla nalang sumulpot sa tapat ni Seyriel.
"Ikaw lang naman pala 'yan. Ginulat mo pa ako. Sige ikaw na bahala diyan. Solohin mo na siya." Tinapik-tapik ni Seyriel ang balikat ni Kurt bago sila umalis at tinungo ang mga nagkukumpulang mga Mysterian na parang may libangan sa pinakagitna ng pinagkakampuhan ng mga ito.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top