CHAPTER 14: Aya

Makalipas ang anim na oras, hindi parin nila nakikita ang daan pabalik. Pansin din nilang wala silang nakakasalubong na mga Bestri or Bysteria.

"Mukhang nasa Iceria nga tayo." Sambit ni Asana.

"Posible." Sagot ni Izumi. "Mukha ngang malapit na tayo sa gitna ng Iceria."

"Sigurado ba kayong ito nga yung Gubat ng Iceria?" Tanong ni Seyriel sa dalawa.

"Hindi rin. Kasi kanina pa tayo nandito, wala man lang akong nakitang ni anino ng mga Bysteria." Sagot ni Asana habang inililibot ang paningin sa buong paligid. Kanina pa kasi sila naglalakad pero wala man lang silang nakakasalubong na mga hayop o ba kaya mga magical beast.

"Napansin niyo 'yon?" Tanong bigla ni Seyriel at tumigil muna bago inilibot ang paningin sa buong paligid. Inilibot din nina Asana at Izumi ang paningin pero wala naman silang nakita pero nararamdaman nilang may mga pares ng mga mata ang nakatingin sa kanila.

Sabay-sabay na dumako ang paningin nila sa isang damuhan. Hanggang tuhod ang damo nito na kulay berde. Naglakad palapit si Asana sa damuhan at pinaghiwalay ang mga damo para makita kung anong meron sa gawing ito pero wala siyang nakita.

"Siguro, butiki lang 'yon." Sabi naman ni Seyriel at nagpatuloy na sa paglakad.

"Tinaguriang most dangerous forest 'to ng Ifratus tapos sasabihin mong butiki lang ang sinumang nakasunod sa atin?" Sagot ni Asana na di makapaniwalang iyon ang pumasok sa isip ni Seyriel. "Walang ordinaryong mga hayop o insekto ang napapagawi sa lugar na ito."

"E di halimaw." Sagot naman ni Seyriel na ikinatayo ng balahibo ni Asana saka tumakbo palapit sa kaibigan.

"Wag ka ngang manakot diyan." Nauutal niyang sambit.

Malayo na rin ang kanilang narating at pansin nilang may mga mata paring nakatingin sa kanila at may presenyang nakasunod sa kanila. Biglang tumigil si Seyriel at tumingin sa isang puno sa di kalayuan.

"Kanina ka pa sumusunod sa amin. Gusto mo magpa-autograph?" Muntik na tuloy matapilok si Asana sa tanong na ito. Kala pa naman niya na 'gusto mong mamatay' ang itatanong ni Seyriel base sa ugali nito. O ba kaya 'lumabas ka kung sino ka man.' Pero, 'gusto mong magpa-autograph pa ang tinanong?' Ano siya? Artista? Saka wala sila sa mundo ng mga tao at bakit iniisip ni Seyriel na may nang-i-stalk sa kanila?

Si Izumi naman ay kanina pa nagtataka. Kasi may mga salitang binibigkas sina Seyriel na kakaiba at unang beses niyang narinig sa ilang taon niya sa mundo ng Mysteria.

'Autograph? Ano yon?' Minsan naiisip niyang isa yatang dark magic user si Asana dahil kaya nitong gumamit ng Curse Spell pero naisip rin niyang baka isa si Asana sa mga kabataang may kakayahang gumamit ng higit sa isang ability o baka naman isa siyang Tiatros na may kakayahang gumamit ng Elemento at Curse or Blessed magic spell.

"Naiiba lang siguro ang pananalita ng mga taga-Emperialta sa mga Taga-Hariatres. Kaya di ko sila gaanong maiintindihan." Kumbensi niya sa sarili.

"O ba ka naman imortal nga sila na nawalan ng ilan sa mga kapangyarihan pagkatapos malaglag sa Mysteria."

Walang kaalam-alam sina Asana at Seyriel na napagkamalan parin silang imortal na nawalan ng kapangyarihan.

"Lumabas ka na diyan kung gusto mong sumama sa amin." Dagdag pa ni Seyriel.

"Bakit mo pinapalabas? Baka kakainin pa tayo e." Sambit ni Asana na nagtatago na ngayon sa likuran ni Seyriel.

Nakita nilang may mabalahibong nilalang ang lumabas mula sa likod ng puno. At nang tuluyan na itong nakalabas, natuklasan nilang isa pala itong maliit na rabbit na may malalaking tainga. Pula ang mga mata nito at may pink na balahibo.

"Si Pink Rabbit." Sigaw ni Seyriel at tumakbo palapit sa Pink Rabbit.

"Woah! Red eyed din!" Nagniningning ang kanyang mga mata makitang kulay red ang mga mata ng rabbit.

Yuyuko sana para damputin ang rabbit ngunit pinigilan siya ni Asana.

"Hindi natin alam kung hindi ba siya mapanganib kaya mag-iingat ka." Paalala ni Asana.

"Oo na. Ako'ng bahala." Sabi niya at nilapitan ang rabbit na nakatitig sa kanila. Mukhang sinusuri kung ano at sino din ba sila.

"Ikaw din yung stalker namin 2 years ago." Sabi ni Seyriel.

"Tao ka ba este Mysterian ka ba na nag-anyong hayop o isa kang magic beast na kilala sa tawag na Bysteria?"

Namilog ang mga mata ng Pink Rabbit. Mukhang di nito inaasahang kakausapin siya ni Seyriel at tatanungin kung anong uri ng nilalang siya.

"Nakakausap niya ang mga hayop?" Curious na tanong ni Izumi.

"Hindi. Gusto lang kinakausap kahit pa hayop." Sagot ni Asana.

"Bakit mo kami sinusundan?" Tanong ni Seyriel sa rabbit na nakatingala sa kanya.

"Kasi may dala kang minatamis. Yung kendi?" Sagot bigla ng rabbit na ikinagulat ng tatlo.

Hindi nga nawawalan ng minatamis si Seyriel. Kapag pumupunta si Luimero sa pamilihan, bumibili siya ng minatamis para kina Asana at Seyriel. At kay Seyriel napupunta ang lahat dahil hindi naman mahilig sa kendi si Asana.

'Yun lang? Dahil may kendi? Pero ang mas ikinagulat nila dahil nakakapagsalita ang hayop na ito. Bihira lang na mga magic beast ang may pag-iisip katulad sa mga tao o Mysterian at bihira lang din ang nakakapagsalita katulad sa mga Mysterian.

Mga Legendra at Mysticia lamang ang nakakagawa nito at iilang mga high rank Warbe lamang ang nakakagawa nito.

Ipinasok ni Seyriel ang kanang kamay sa bulsa at naglabas ng kendi. Binalatan muna saka inabot sa red eyed rabbit. Eksayted namang kinain ng munting hayop ang kending binigay niya.

"Ano ang pangalan mo?" Tanong niya at hinaplos pa ang balahibo ng rabbit.

"Aya." Maikli nitong sagot.

Nalaman nilang isang Mysterian si Aya at nakapaloob sa Curse Spell. Hindi siya makakalayo sa gubat ng Iceria pagkatapos tamaan ng sumpa.

Siya si Aya Zhiu, mula sa lahi ng mga invincible clan na pinatay ng mga Mysterian. Pinatay ng mga Mysterian ang buong clan nina Aya at siya lamang ang nakaligtas. Sa pagtakas niya mula sa mga humahabol ay naligaw siya sa Mysterian forbidden forest na kilala din sa tawag na Gubat ng Iceria. Marami siyang mga nakasalubong na mga Mysterian magic beast at kinalaban. Unfortunately, isa sa mga napatay niya ay ang anak ng Iceria Guardian na nag-anyong isang rabbit.

Nagalit ang bantay ng forbidden forest at pinarusahan si Aya at ginawang rabbit. Magmula noon hindi na magagamit ni Aya ang kanyang majika at abilidad. Maliban sa invisibility, di na niya magagamit ang iba pa niyang mga ability. Makakapunta siya sa mga lugar malapit lamang sa Gubat ngunit hindi siya maaaring lumayo dahil hihilahin siya ng malakas na pwersa pabalik sa gubat ng Iceria.

Wala siyang ibang magawa kundi manatili at magtago sa tuwing may mga magical beast siyang nakakasalubong.

"Ilang araw o taon ka ng gan'yan?" Tanong ni Asana sa kanya.

"Dalawang taon na rin. Ten years old pa lang ako noong magiging rabbit ako." Ang malungkot na sagot ni Aya.

Palage niyang pinapanood sina Seyriel at Asana mula sa malayo. Minsan naman nahuhuli siya ni Luimero at pinapabalik sa Gubat. O kaya naman ng tatlo pang bantay nina Seyriel.

Sinabihan siya ng mga ito na may dala rin siyang panganib at kung sino ang mapapalapit sa kanya, malalagay sa panganib kaya sinikap niyang hindi lapitan sina Seyriel at Asana. Kahit gustong-gusto na niyang makipagkaibigan sa mga kaedad niya.

"Wag kang mag-alala Aya. Hahanapin natin ang guardian na nagparusa sa'yo para bawiin ang sumpang binigay niya sa'yo." Sabi ni Asana na halatang naaawa sa sinapit ni Aya.

"Hindi ka na mag-iisa mula ngayon. Sasamahan ka namin." Pangako ni Seyriel. Dinampot si Aya mula sa lupa at binuhat.

Dahan-dahan namang namuo ang mga luha ni Aya. Hindi niya inaasahan na magkakaroon din siya ng makakasama.

Ilang taon din siyang nag-iisa at nangungulila sa pamilya. At sinikap mabuhay mag-isa habang nilalabanan ang panganib na nakaabang lage sa kanya. Ngunit ngayon, may kasama na rin siya. Hindi na rin niya kailangan pang mag-isang muli sa madilim na gubat.

"Uy, wag ka ng umiyak." Niyakap ni Seyriel ang munting Rabbit na pumalahaw na ngayon. Tila ba nailabas na rin sa wakas ang lahat ng iniipong kalungkutan sa kanyang puso at di na mapigilan pa ang pagdaloy ng mga luha.

Gusto ni Izumi na sabihing hindi dapat nagtitiwala sina Asana at Seyriel. At baka isa lamang patibong ng mga kalaban si Aya. Ngunit nang marinig ang iyak ng boses bata sa katawang rabbit na ito, ramdam na ramdam niya ang sakit, lungkot, pangungulila at pighati na minsan din niyang naramdaman noong mga panahong nag-iisa siya at walang malalapitan. Walang karamay at walang ibang maaasahan kundi ang sarili niya.

Alam niya ang ganitong iyak at alam niya ang ganitong pakiramdam. Hindi niya napigilang mapaluha na rin ngunit sa pagkakataong ito, may kasama ng saya dahil tulad ni Aya hindi na siya nag-iisa.

At nalaman niyang hindi lang pala siya ang batang nahuhurapan dahil marami rin palang katulad niya o katulad ni Aya na naghihirap at namumuhay na napapaligiran ng panganib.

Si Izumi ang tipo ng batang hindi agad nagtitiwala dahil nabuhay siya sa lugar na puno ng kasinungalingan, pagkukunwari at pandaraya. Ngunit sa pagkakataong ito, naniwala siya kay Aya at nagtiwala siya kina Asana at Seyriel.

"Iiyak mo lang 'yan baby. Para mamaya mawala na ang lahat ng lungkot mo." Sabi ni Seyriel habang hinihimas ang ulo ni Aya.

Napatigil sa paghikbi si Aya sa narinig.

"Di na ako Baby." Angal ni Aya.

"Pfft." Kinagat agad ni Asana ang labi dahil muntik na siyang matawa. Naluluha siya kanina nang makitang umiiyak sina Aya at Izumi ngunit natawa siyang bigla sa sinabi ni Seyriel. Kahit seryoso na ang sitwasyon nagawa paring magpatawa ng dalawa.

"Oo na tanda. Wag ka ng malungkot. Love na love ka ni Baby Seyriel."

Si Izumi na naman ang biglang natawa sa narinig. Itinikom angad ang bibig at pinunasan ang luha sa mga mata.

"Tanda? Magkaedad lang tayo." Angal ulit ni Aya habang sumisinghot parin ngunit nakatingin ng matalim ang pula niyang mga mata kay Seyriel.

"Baby pa ako e. Di ba Ash, baby pa ako." Sabi ni Seyriel at nagpa-cute. Nag-anyo namang nasusuka si Asana.

"Izumi, alalayan mo ako. Nasusuka ako e." Pagdadrama niya.

Natawa na lamang si Izumi sa dalawa.

"Magmula ngayon ikaw na ang bunso namin." Sabi ni Seyriel.

"Ayaw ko. Mas matanda pa ako sa'yo. Malapit na akong maglabing-tatlong taon. Labing dalawa ka palang."

"Basta, ikaw ang bunso." Sagot ni Seyriel at hinarap sa ibang direksyon ang mukha.

Nawala agad ang malungkot na atmosphere kanina dahil sa bangayan nila.

"Paano natin siya masasamahan dito e di nga siya maaaring sumama sa atin?" Tanong ni Asana.

"E di Hanapin natin ang sumumpa sa kanya. Total, nandito na rin naman tayo, bakit di nalang natin hanapin ang Incenia at Flora? Sabay hanap natin sa Guardian ng Iceria." Sagot ni Seyriel.

"Pero manganganib ang buhay niyo. Galit sa mga Mysterian si Gurdina. Higit sa lahat mga high level ang mga Bysteria na naninirahan sa gitna ng gubat kung nasaan matatagpuan ang portal patungo sa kanyang tahanan." Sagot ni Aya.

"Izumi! Ano ang ability mo?" Tanong ni Seyriel kay Izumi.

"Super speed pa lang ang kaya kung gawin." Sagot ni Izumi.

"Kayo, ano ang kakayahan niyo?" Excited na tanong ni Aya na kala mo hindi galing umiyak kanina. Napatingin naman si Izumi kay Seyriel na may nanabik na mga mata. Halatang gusto ring malaman kung ano ang kakayahan ni Seyriel.

"Wag niyo akong tingnan ng gan'yan. Maliban sa kaya kung asarin o palabasin dahil sa pikon ang forest guardian na iyon, wala na akong iba pang kayang gawin." Sagot nito at mukhang itinaas ang noo sabay tapik sa dibdib. Mukhang proud sa sinabi.

"Kung gano'n, hindi kayo maaring pumunta do'n. Baka ikakamatay pa natin." Nag-alalang sagot ni Aya.

"Nasa pinakagitna ng gubat ang hinahanap naming magic beast kaya kailangan parin naming pumunta sa lugar na iyon." Sagot ni Seyriel.

Napaisip naman si Asana. "Hindi rin naman natin maaaring iwan ulit dito si Aya, kaya hahanapin nalang natin si Gurdina." Sagot ni Asana.

"Ayos lang ako. Nasanay na ako dito sa gubat. Pero kayo, malalagay sa panganib ang buhay niyo. Paano kung isumpa din kayo ni Gurdina?" Nag-alalang sagot ni Aya.

Kahit anong sabihin ni Aya, hindi na nakinig sina Asana at Seyriel.

Nagpatuloy na sila sa paglakad hanggang sa mapunta sa pinakasentro ng Gubat.

"Pansin ko lang, bakit di tayo inaatake ng mga Bysteria?" Nagtatakang tanong ni Izumi.

"May powder kaming pinahid sa katawan. Ang sinumang mga Bysteria na makakaamoy nito ay manghihina at lalayo. Tanging mga high rank magic beast lang ang di gaanong naapektuhan nito tulad ng mga Elite stage Warbe." Paliwanag ni Asana.

Pumasok sila sa isang masukal na kakahuyan. Halos di na nila makikita ang liwanag ng araw dahil sa kapal ng mga dahon at naglalakihang mga puno sa buong paligid. May mga nakakasalubong man silang mga Mysterian magic beast pero nagsisitakbuhan ito palayo sa kanila.

"Dito 'yon banda!" Napatigil sila sa sinabi ni Aya. "Ang punong iyan! Diyan ang portal patungo sa tahanan ng forbidden forest guardian na si Gurdina." Sabi ni Aya.

"Gurdina? May naalala ako. Di ba isa siya sa legendary Mysterian na tinaguriang galing sa Chamni?" Biglang tanong ni Izumi.

"Kilala mo si Gurdina?" Tanong ni Aya na halata ang gulat sa mga mata.

"Narinig kong isa siya sa legendary guardian ng dating legendary Mysterian chosen noon. Magmula noong mamatay ang legendary chosen savior at maglaho ang five invincible clan galing sa Chamni continent, hindi na rin muling nagpakita pa si Gurdina. May nagsabing nagtungo siya sa mundo ng mga tao. Mayron namang nagsabing bumalik siya sa Chamni continent." Sagot ni Izumi.

"Chamni? Five invincible clan?" Naguguluhang tanong ni Seyriel.

"Isa ang Chamni sa apat na kontinente ng Mysteria at ang Chamni ang tinaguriang pinakamaliit ngunit may pinakamalakas na kapangyarihan. Sa Chamni nagmumula ang limang invincible clan at sa kanila rin nagmumula ang mga Mysterian legendary chosen ones, maging ang mga piniling mga pinuno sa lahat ng mga Pinili. Dahil mas malakas ang Chamni, sinikap ng mga Mysterian na burahin sa mundo ng Mysteria ang five invincible clan sa Chamni. Ang una nilang inatake ay ang Perzellia empire na isa sa limang invincible clan. Hindi na namin alam kung paano naglaho ang kontinente ng Chamni dahil nilihim ng mga may alam sa mga nangyari ang mga bagay na ito."

"Mga legendary chosens? Pinili? Ano na naman ang mga 'yon?" Naguguluhan tanong ni Seyriel.

"May mga Pinili sa mundong ito na tinaguriang binigyan ng basbas ni Bathala para maging mas malakas kumpara sa iba. Sila ang tinaguriang mga Pinili." Sagot ni Asana. "Kung nakinig ka lang kasi kay Ele e di sana di ka na maguguluhan."

"Manenermon na naman to." Binalingan ng tingin si Aya. "Nga pala Bunso, bakit ka nga ba napadpad sa lugar na ito?"

"Nangyari ang digmaan ng mga chamnian at Mysterian mula sa ibang kontinente, anim na taon ng nakalilipas. Sa anim na taon ding iyon nagtatago kami ng nag-ampon sa akin. Kaya lang may nakakaalam sa aking tunay na pagkatao three years ago kaya pinadala ako ng adopted mom ko sa mundo ng mga tao. Pero di ko inaakalang masusundan ako ng mga taga-hariatres kaya napabalik ako rito. Hanggang sa mapadpad sa gubat na ito." Pagkukwento ni Aya.

"Nandito na tayo." Bigla niyang sabi. Kaya nailibot nila ang tingin sa buong paligid.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top