CHAPTER 11: 2 Years later

Sa loob ng dalawang taon, pinag-aralan ng dalawa kung paano gumawa ng mga iba't-ibang uri ng mga potion at pagamit ng mga spell at incantations. Natutunan narin ng dalawa kung paano gumamit ng mga curse magic at ng mga iba't-ibang uri ng mga ordinary at magic weapons.

Sa loob ng dalawang taon ding ito, walang tigil sa paghahanap ng mga impormasyon tungkol sa birthmark ni Seyriel sina Feyu, Feru at Feyn.

Nalaman nilang isa itong Chamnian seal. Ang Chamnian seal ay ang ginagamit ng mga Chamnian para pigilan ang isang malakas na kapangyarihang nagnanais lumabas sa katawan ng isang batang Mysterian.

Kadalasang ginagamit nila ang seal na ito sa mga batang may napakalakas na kapangyarihan na maaring ikasira ng katawan nito. Kaya naisipan ni Luimero na palakasin muna ang physical body, mental strength, body resistance, and endurance ng bata bago maghanap ng paraan para matanggal ang seal sa katawan nito.

"Kailangan nating tanggalin ang seal na meron ka, para malaya mo ng makapagpalabas ng kapangyarihan mo at mapag-aaralan mo kung paano ito gamitin at kontrolin." Sabi ni Luimero.

Hanggat hindi malalaman ni Seyriel kung anu-ano pa ang mga kakayahan at kapangyarihang taglay niya, hindi rin nito mapag-aralan at walang pag-asang makokontrol niya ito. Hindi rin sila makakagawa ng anumang artifact para pipigil sa kapangyarihang hindi pa nila nadidiskubre sakaling magpupumilit na kumawala dahil hindi naman nila alam kung ano ang ipapangkontra nila rito.

At di nila alam kung ano pa ang kakayahan ni Seyriel maliban sa magiging bato ang matitingnan.

"Kapag po ba nagtanggal ito, magiging sobrang malakas na ako?" Tanong ni Seyriel sabay turo sa wrist niya.

"Hindi pa natin alam. Kaya nga tatanggalin natin para malaman. Nang sa ganoon, mapag-aralan mo ng mabuti ang anupamang kakayahang taglay mo."

"Pero paano ito matatanggal?" Tanong naman ni Asana.

"Kailangan nating makakuha ng isang Mysterian labyist at high rank Bysel cores, para sa sangkap ng pagawa ng isang magical potion na kayang magtanggal ng Chamnian seal. At iilang magical plants tulad ng incenia at Flora."

Napatingin si Seyriel sa birthmark niya sa wrist. Hindi niya inaasahang may kakahayan itong ikulong ang kakayahan at kapangyarihang taglay niya

"Matatagpuan ang iba pang mga magical plants sa pinakagitna ng gubat ng Iceria. Pero, walang gaanong mga pumupunta sa lugar na iyon dahil maraming mga malalakas at mapanganib na Bysteria sa nasabing gubat. At ang sinumang nakakapasok sa pinakagitna ng Iceria ay di na nakakalabas pa. Kaya mahihirapan tayong makakuha ng mga sangkap para sa pagtatanggal ng Chamnian seal sa katawang mo."

"Pupunta po kami sa gubat ng Iceria bilang training na rin Ele." Sabi ni Asana.

"Oo nga po Ele. Gusto ko ring malaman kung hanggang saan ang kaya ko at gusto ko ding subukan ang real life na labanan. Hindi puro training nalang." Sagot din ni Seyriel.

"Kailangan ko rin ng mga sangkap para sa pagawa ng mga healing potion at mga magic pills." Sagot ni Asana.

"Para mapalitan na rin namin ang kinain kong Elemental at Deiyo pill mo." Dagdag pa ni Seyriel.

Napaisip naman si Luimero. Kailangan nga nina Seyriel ang actual na labanan para masubok ang tunay nilang kakayahan.

"Saka na kayo pumunta kapag nakabalik na ako. Pinatawag ako ng Emperador ng Zilcan kaya pupunta muna ako sa Sentro ng Zilcan. Pagbalik ko, sabay tayong pumunta sa gubat ng Iceria." Sabi ni Luimero sa dalawa.

"Opo."

Kinabukasan, maagang umalis si Luimero para pumunta sa Zilcan capital city. Dala ang mga healing potion at mga magic pills at iilang mga magic weapon na gawa nina Asana at Seyriel sa loob ng dalawang taon. Ibibinta nila ang mga ito sa Emperador. O ba kaya ipagpapalit ng ibang mga bagay na kailangan nila.

"Wag kayong umalis o lumayo sa harang na ginawa ko para di kayo mapahamak o makita ng iba." Paalala ni Luimero sa dalawa.

"Opo." Panabay nilang sagot.

Sa unang araw ng pagkawala ni Luimero, nanatili lamang sa tahanan ang dalawa ngunit pagsapit ng ikalawang araw, niyaya ni Seyriel na pumunta sila ni Asana sa gilid lang ng Iceria.

"Sige na Ash. Di naman tayo lalapit e. Titingnan lang natin at aalamin kung gaano ito ka mapanganib." Pakiusap ni Seyriel.

"Malalagot tayo kapag nalaman ni Ele na lumabas tayo."

"Kaya nga, wag mong sabihin."

Nagpalit si Asana ng maisusuot samantalang si Seyriel naman kumuha ng backpack. Halos lahat ng mga gamit na meron sila ay may mga special storage na maaaring lagyan ng mga gamit o bagay.

"Hindi ka pa ba tapos mag-empake diyan? Kanina ka pa e." Sabi ni Asana.

"Malapit na." Sagot ni Seyriel.

Sinuot ang dalawang sling ng backpack at ikinwintas ang isang slingshot saka naglakad palapit sa naghihintay na kaibigan.

"Handa na ako." Sabi ni Seyriel.

"Suot mo na naman iyang damit mong binalot mo ng magic compartment. Kulang nalang pati katawan mo lagyan mo na rin ng magic space."

"Lalagyan ko talaga kung alam ko na kung paano. Saka itong bulsa ko, maaari ng lagyan ng ilang kilong prutas. O di ba, ang galing ko." Proud na sagot ni Seyriel.

"Baka mamaya pati panty mo ha?"

"Iniisip ko na rin 'yan. Mas mahirap nga lang gumawa ng storage item na mukhang panty."

"Ay, ewan ko sa'yo. Di ka rin naman papipigil e. Buti pang umalis na tayo habang wala pa si Ele. Baka mamaya mahuli pa tayo e."

***

Sa isang bahagi ng gubat na may malalaki at makakapal na mga puno, may isang babaeng nasa edad na 14 years old ang tumatakbo patungo sa pinakagitna ng Iceria. Punit-punit na ang mahaba niyang suot na kulay berdeng roba. May kulay green din siyang kapa sa likod na nabababalot ng golden colored furr ang bawat gilid. Butas-butas na din ang green boots dahil sa ilang araw ng pagtakbo. Hinahabol siya ng apat na mga lalakeng nakasakay sa mga warrior beast na may katawang katulad ng cheetah at ang iba ay parang mga kabayo ngunit may mga metal ns kaliskis.

"Wag ka ng tumakbo pa. Hinding-hindi ka na makakatakas." Sabi sa isa sa mga lalakeng humahabol sa kanya. Isa ito sa mga kawal ng pamilyang Vermin. Isa sa mga tinitingala at pinakamalakas na clan sa Wynx empire ng Hariatres continent.

Marami silang mga humahabol kay Izumi. Pero sila na lamang apat ang natira at patuloy na hinahabol ang dalagitang nanghihina na.

"Bakit di ka nalang magpahuli? Mahuhuli at mahuhuli ka rin lang naman namin." Sabi ng isa na nakaharang na sa harapan niya.

"Sabi ni Haria Aviola, pwede daw natin siyang pagsamantalahan bago ibigay sa mga Mizuto." Nakangiting sabi naman ng isa. Si Izumi naman ay napatingin sa apat na may matatapang na mga mata.

"Wag kayong lumapit!" Banta niya na ikinatawa ng apat.

"Anong magagawa ng isang tulad mong di nakakagamit ng majika? Hahaha! Maliban sa bilis mong tumakbo, wala ka ng iba pang kayang gawin, mahal kong Prinsesa Izumi." Sabi naman ng lider nila.

Inilahad ang palad nito at may kadenang lumitaw sa palad nito.

"Mukhang kailangan mong matalian para di na makapalag." Hinampas niya ang kadena sa gawi ni Izumi. Pero bago pa man maigalaw ang kamay, may tumamang bato sa wrist niya. Naglaho ang kadenang hawak niya at galit na hinanap kung sino ang may gawa nito sa kanya.

"Sino ang bumato sa akin?" Sigaw niya.

Agad namang nagtago sa likod ng malaking puno ang salarin. Tatakas na sana siya pero bigla nalang sumulpot sa tapat niya ang isa sa apat na Mysterian.

"Ikaw! Kala mo makakatakas ka?" Hahawakan na sana si Seyriel pero napaungol ng masipa sa kanyang kayamanan. Matapos sipain ang lalake ay tumakbo ito patungo kay Asana na nagtatago rin sa di kalayuan.

"Asana tulong!" Sabay yakap kay Asana. Si Asana naman nakahawak sa ulo. Bakit kasi nagpakita ang isang to? Ayan tuloy nakita sila.

"Ang lakas ng loob niyong batuhin ang aming lider!" Galit na sigaw ng isa.

"Di ko siya binato. Tinira ko lang siya nito o." Sabay pakita ni Seyriel sa sling shot niya.

"Ano pang ginagawa niyo? Hulihin na ang dalawang batang iyan at dalhin dito." Utos ni Kiru, ang lider sa apat.

Agad na iniharang ni Asana ang katawan kay Seyriel. "Subukan niyo lang kung kaya niyo." Matapang niyang sabi na nakataas noo.

"Hahaha! Matapang na bata. Ang lakas ng loob mo. Isa akong metal user. Kaya kung isa ka lamang Gelerian huwag ka ng magtapang-tapangan. Baka magiging mabait pa kami sa inyo at gagawin lang kayong alipin." Sabi ni Kaisu.

"Gelerian? Ano 'yon?" Tanong naman ni Seyriel kay Asana.

"Gelerian ang tawag sa mga Mysterian na iisa lamang ang ability at Tiatros kapag may dalawang special ability. Superio naman kung may tatlo o higit pang special ability." Sagot naman ni Asana.

"E bakit sabi niya metal user daw siya? Isa ba siyang panday?" Tanong naman ni Seyriel.

"Metal magic user ang tawag sa mga Mysterian na kayang kontrolin, o manipulahin ang metal. At may kakayahang lumikha ng mga Magic weapon na yari sa metal tulad ng imaginary chain kanina na inilabas ng isa sa kanila." Sagot muli ni Asana.

Lalapitan na sana ni Kaisu ang dalawa pero napatigil dahil may dinukot sa bulsa si Seyriel. Iniisip nilang isa itong magical weapon kaya malakas ang loob ng batang ito na harapin sila. Napaatras pa ang tatlong Mysterian ng ilang hakbang sa pag-aakalang high grade magical weapon ang dinukot ni Seyriel.

"Kaisu! Baka mga Elemental magic user sila." Sabi ni Kumin.

"Umalis na kayo kung ayaw niyong mamatay!" Matapang na sabing muli ni Seyriel.

"Aba't ang tapang mo ah. Bakit? Anong user ka ba ha?" Tanong ni Kedar.

"Ako?" Napakamot si Seyriel sa ulo. User daw. Ano ba yon?

Pero muli ring matapang na hinarap ang tatlo.

"Isa akong-" wala siyang maisip na user.

"Isa akong drug user." Proud niyang sagot.

Si Asana ayan, natapilok. Aakalain mo ba namang drug user ang isasagot ng kasama.

"Drug user! Bwahahaha!" Tawa ni Kedar. Sina Kaisu at Kumin naman ay naguguluhan.

"Drug user? Ano 'yon? May ganoong uri ba ng majika?" Takang tanong ni Kumin. Tumigil naman si Kedar sa pagtawa.

"Ehem! Di ko din alam. Kaya nga ako tumawa e. Baka pinakamalakas na kapangyarihan iyan." Agad siyang napatago sa likuran ni Kaisu nang maisip na secret magic technique ang Drug user na iyan.

"Mga t*nga. Drug user ang tawag sa mga taong humihitit ng ilegal na gamot sa mundo ng mga tao." Sagot ni Kaisu na minsan ng nakapunta sa mundo ng mga tao dahil sa paghahanap ng mga Pinili.

Dahil sa sinabi ni Kaisu ay inis nilang binalingan ng tingin si Seyriel. "Di naman pala kapangyarihan 'yan, tapos ang lakas pa ng loob mong harapin kami!" Sigaw ni Kumin kay Seyriel at humakbang palapit.

"Kung di drug user e di rugby nalang." Sabay hila ng kamay na nasa loob bulsa.

Agad na napaatras ang tatlong lalake sa pag-aakalang isa na naman itong uri ng magical weapon.

"May bagong uri na ba ng kapangyarihan ngayon?" Nakakunot ang noong tanong ni Kedar makita ang hawak ni Seyriel na kendi.

"Baka isang special magical item iyang ragbi." Sabi naman ni Kumin.
"Eh, rugby user ka lang pala, bakit ang tapang-tapang mo?" Maangas na tanong ni Kumin na wala ring ideya kung ano yang rugby user.

"Hindi lang ako rugby user. Isa din akong wattpad user."

Saka binalatan ang hawak na kendi. Si Kaisu naman na karirinig lang sa salitang rugby ay inihanda ang sarili. Inaakala kasi niyang isang malakas na magical item ang dinukot ni Seyriel sa bulsa kaya malakas ang loob ng batang ito na harapin sila.

Hinintay nila kung ano ang susunod na gagawin ng twelve years old na batang ito at para malaman kung anong uri ng magical item ang hawak nito. Kapag makita nilang mas malakas ang kapangyarihan ng magic item na hawak ni Seyriel, aagawin nila ito at gagamitin kaya hinihintay nila kung ano ang susunod na mangyayari.

Alam ni Kaisu ang tungkol sa drugs pero wala na siyang ideya kung ano ba iyang rugby o wattpad user na tinutukoy ng batang ito. Kaya naman inihanda din niya ang sarili para sa susunod na mangyayari.

Nakita nalang kinain ni Seyriel ang binalatang kendi.

Nagtaka sila kung bakit wala paring nangyari. Hinihintay pa naman nilang magta-transform si Seyriel at kung ano ang kapangyarihan lalabas mula sa kinain nito ngunit nagbalat nalang muli si seyriel ng panibagong kendi pero wala paring nangyayari.

Lumipas ang ilang segundo, nakatayo parin ito at panay nguya. Iniisip nilang isang gamot na pampadagdag ng epekto ng abilidad ang kinain niya pero wala paring nangyari.

"Ano iyang kinain mo?" Di na nakatiis na tanong ni Kumin.

"Kendi! Bakit, gusto mong humingi? May isa pa ako dito." Sagot ni Seyriel.

"Talaga? Pahingi ako." Akmang lalapit si Kumin kay Seyriel pero nakatanggap siya ng isang malakas na sapok sa ulo.

"Kaisu naman bakit ka nambatok?" Tanong ni Kumin kay Kaisu.

"Alam mo ba kung ano 'yang kendi ha?" Sigaw ni Kaisu at halatang nagalit sa katangahan ng kasama.

"Hindi! Pero mukhang masarap. Ikaw ba alam mo?" Balik tanong ni Kumin.

Umirap muna si Kaisu bago sumagot ng may galit na boses.

"Hindi rin. Kaya kung manghingi ka dapat dalawa." Sagot ni Kaisu at tumingin sa ibang direksyon saka nagkamot pa ng ulo.

"Huy mga g*go! Bakit ang tagal ng pinapagawa ko sa inyo? Para isang minatamis lang magpapaloko na kayo. Itali ang mga batang iyan!" Sigaw ni Kiru, ang lider nila. Hawak na nito si Izumi na di na kayang pumalag pa.

"Minatamis lang pala 'yan e. Akala ko may majika na." Disappointed na sabi ni Kaisu.

"Oo nga! Huy bata! Minatamis lang pala yan kaya akin na!" Sigaw naman ni Kumin. Kaya nakatanggap na naman ng masasamang tingin.

Si Kedar na kanina pa tahimik ay muntik ng makatulog. Ilang araw kaya silang walang pahinga at tulog dahil sa paghahabol kay Izumi. Kaya habang nakikipagdebate pa ang dalawa, sa dalawang bata, siya naman ay pipikit-pikit na habang nakatayo. Muntik pa ngang matumba.

"Ano ba Kedar! Hulihin mo na sila!" Sigaw ni Kaisu na ikinagulat niya at ikinagising ng kanyang diwa.

"Bakit ako? Dapat ikaw." Reklamo niya.

Akma siyang hampasin ni Kaisu kaya napaatras siya. Tiningnan niya sina Seyriel at Asana. Iniisip niya kung ibenta nila ang dalawang batang ito, siguradong maraming bibili. Kahit kasi nakapanlalaki sila ng suot at kupas pa ang mga damit pero di maipagkakailang mga magagandang bata ang mga 'to. Kahit siya parang gusto na niyang kurutin ang mga kyut nilang mga pisngi.

Pero naiisip rin niyang hindi basta-basta ang mga batang kaharap nila. Ang gubat na ito ay hindi basta-bastang napupuntahan ng mga low level magic users. At kahit sila nga ay ilang beses ng nakatagpo ng mga magical beast kanina. Kaya kung simpleng mga bata lang ang dalawang ito, bakit sila nakaligtas sa mga magical beast? Kaya nagdadalawang-isip siyang umatake.

Lingid sa kaalaman nila na wala pa lang talagang nakasalubong na mga magical beast ang dalawang batang ito. Kaya wala pa silang nakalabang magical beast.

"Atakehin mo na!" Utos ni Kaisu. "Mga bata lang yan e." Dagdag pa nito.

....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top