CHAPTER 10: Spell Casting
Maghapong nagsasanay ng spellcasting sina Asana at Steffy habang hawak naman ni Luimero ang isang spellbook at tinuturuan sila kung paano bigkasin ang mga salitang nakasulat sa libro.
"Kailangan, isaulo niyo muna ang mga salitang dapat bigkasin kapag naisasaulo niyo na ito, saka niyo pa ito bibigkasin." Paliwanag ni Luimero sa dalawa.
Spellcasting at potion making ang pinakagusto ni Asana na pag-aralan. Kaya sobrang excited siya at nakikinig ng mabuti kay Luimero. Habang si Seyriel naman, mas mahilig siya sa levitation technique o ba kaya mga abilidad na kayang makapagpalutang o makapagpalipad ng mga bagay kaya habang nagpapaliwanag si Luimero, abala naman siya sa paglilipat ng Ki sa kanyang daliri at itinutok sa isang curse magic book na nasa mesa.
"Lumipad ka."
"Lumutang ka." Kaya lang walang nangyayari habang binubulong niya ang mga katagang ito.
"Ano ba 'yan. Kapag nanonood ako ng ganito sa TV ang dali-dali lang sa kanila ang magpalutang ng mga bagay. Tapos ako na nasa magic-magic world na 'to, di man lang magawa? Hmmp!" Disappointed niyang sambit sa sarili.
"Seyriel! Nakikinig ka ba?" Nandidilat na tanong ni Luimero. Nag-angat ng tingin si Seyriel at sumimangot.
"Makikinig po." Tinatamad niyang sagot.
"Kung gano'n, ano ang sinabi ko?" Tanong ulit ni Luimero.
"Sabi mo, Seyriel! Nakikinig ka ba?" Dahil sa sagot na iyon, umasim ang mukha ni Luimero. Kanina pa siya nagpapaliwanag pero wala man lang pumasok sa isip ni Seyriel.
Kung di lang talaga sa utos ng kanyang Master ay hahayaan niya na ang dalawang ito. Pinadala siya sa Zilcan Empire ng kanyang Master para hintayin ang pagbabalik ng mga kabataang naligaw mula sa mundo ng mga tao at turuan sila kung paano gamitin ang kanilang mga kakayahan.
Kadalasan kasi sa mga pinili, ay pinatapon sa mundo ng mga tao at doon na namumuhay. At kung may mga nakakapasok man sa Mysteria na galing sa mundo ng mga tao, tiyak na isa sila sa mga pinili o ba kaya anak sila ng mga pinili.
Ang mga pinili ay maituturing na Blessed child ng Mysteria dahil sila ang napiling mabigyan ng kakaibang lakas, abilidad at kapangyarihan.
May hinala si Luimero na isa sa mga pinili sina Asana at Seyriel ngunit kung totoong Arizon si Seyriel at Minju naman si Asana, ibig sabihin na mula sila sa hindi pangkaraniwang angkan. Kaya dapat itago niya sa iba ang pagkatao ng dalawa habang hindi pa sila lubos na malakas.
Isang wind elementalist si Asana pero marami siyang mga ability na maaring mapag-aralan at maaaring gamitin kung kinakailangan. Katulad ng spellcasting, teleportation, at mind reading.
Hinati ng mga Mysterian ang level ng Mysterian Ki ng bawat isa para malaman kung gaano na kalakas ang isang Mysterian. At natuklasan niyang nasa level 3 na agad ang lakas ni Asana.
Nagsisimula ang pagsusukat ng lakas at enerhiya ng mga Mysterian sa stage at level. Ang pinakauna na matatawag ding beginners stage ay ang novice, or stage one. Ang Novice stage ay binubuo ng level 1 to 10, bago mapunta sa Average stage o Second stage. Sinundan ng Elite stage, Expert, Master, at Grandmaster's stage. Nasa Elite stage level 3 na si Asana. Kapag mararating na niya ang Elite level ten mapupunta na siya sa Expert stage.
Kadalasan sa mga Mysterian ay may isa o dalawang ability. At iilan lang din ang nasa Elite habang nasa ten pababa pa lamang ang edad. Pero si Asana, sa edad na sampo, nasa stage 3 at level three na ang level ng lakas niya sa pagamit ng wind element.
Nakakapag-teleport na rin siya at nakakagawa na rin ng sariling portal patungo sa saan mang lugar na naiisip. Na kahit si Luimero ay di nagagawa at ng iba pang mga Mysterian.
Kung maturuan niya at mapa-improved pa ng mabuti ang mga ability ni Asana, tiyak na magiging isa ito sa mga tataguriang young genius ng buong mundo ng Mysterian.
Kaya lang, magkabaliktaran sina Seyriel at Asana. Kung si Asana ay may alam na sa tinatawag nilang supernatural ability, itong si Seyriel naman ay parang bagong silang na walang alam ni kahit isa. At di rin nila mawari kung isa rin ba siyang elementalist tulad ni Asana.
Wala itong muwang pero pawang mapanganib ang lumalabas na abilidad. At hindi alam kung paano ito kontrolin.
Nakakapaglabas si Seyriel ng bluish white na liwanag na hindi alam ni Luimero kung anong uri ng enerhiya o elemento ba ito. Wala pang Mysterian ang may ganitong uri ng Ki. Ang malala dahil napakamapanganib ng bluished white na liwanag na ito dahil kaya niyang hatiin ang bawat bagay na matatamaan, mabato man o bakal.
Ang pinagtutuunang pansin ni Luimero ay ang nakaukit na tattoo sa wrist ni Seyriel na lumilitaw lang kapag nagko-concentrate ang bata o ba kaya kapag sinabihan niyang mag-meditate para pakiramdaman ang sariling daloy ng enerhiya sa katawan. Faint ang pigurang iyon kaya di niya mawari kung ano.
"Posibleng dahil sa kakaiba nilang kakahayan kaya sila hinahabol ng mga misteryosong nilalang." Sambit ni Luimero habang pinagmamasdan ang dalawang bata.
"Master, kapag kayo ang nagiging guro ng mga batang ito, tiyak na mas magiging bihasa pa silang gamitin ang kanilang kakayahan at mas marami pa silang matututunan." Sambit ni Luimero.
Walang imik si Seyriel nang magsimula ng bumulong si Luimero ng mga incantation.
Pero halata namang wala siyang balak makinig at matuto. Humihikab pa nga siya eh at sa kung saan-saan na nakarating ang mga mata.
Habang tinuturuan ni Luimero ang dalawa ng mysterian magic spell at mga incantations, may mga matang nakatingin sa kanila sa di kalayuan. Yung isa sumasakit na ang labi sa kakakagat para mapigilan ang pagtawa. Yung isa naman muntik ng mahulog sa inaapakang sanga. Habang yung isa naman cool parin at parang hindi naaapektuhan.
"Lipad Seyriel. Lipad." Sambit ni Seyriel na nakalutang sa hangin, at dalawang metro ang layo ng mga paa sa lupa. Ginagalaw ang mga kamay at paa na parang lumalangoy sa tubig. Halatang di nakikinig kay Luimero.
"Ano na naman ba iyang ginagawa-" di natapos ni Luimero ang gustong sabihin makitang nakalutang na naman ngayon si Seyriel sa hangin.
Ngayon mas mataas na ito at wala man lang silang nararamdaman na kahit anumang Mysterian Ki sa katawan ng bata. Halata ang pagkagulat sa mga mata ni Luimero pero agad ding tinago saka muling nagsalita.
"Anong kinakapa-kapa mo diyan? Nasa tubig ka ba? Ipokus mo ang mysterian Ki sa 'yong katawan at isipin mong lumutang ka. Hindi gan'yan." Ayon, nagbigay narin ng pointers.
"Iniisip ko pong ako ang bagong version ni Dyesebel." Sagot naman ni Seyriel.
"Dyesebel? Sino na naman ba ang dyesebel na iyan? Dyosa ba iyan? O isang bathaluman?" Tanong na naman ni Luimero sa sarili.
Ilang sandali na naman ay binanggit na naman ni Seyriel ang mga superhero nitong hindi nag-eexist sa mundo ng Mysteria.
"Superman! Spiderman! Batman. Ultraman! Bananaman! Ikawman! Akoman." Sunod-sunod nitong sigaw para raw makalipad at makalutang ng mas mataas kaso bumagsak na naman.
"Hindi mo pa kayang kontrolin ang mysterian Ki mo at panatilihin ng ilang minuto kaya kung makalutang ka man sa hangin, babagsak ka rin at posible ka pang mapapahamak. Kaya habang di mo pa kayang panatilihin nang mas matagal ang Ki mo, mag-aral ka na muna ng mga magic spell." Pangungumbensi ni Luimero.
Kahit ang totoo'y nagulat siya. Dahil naiiba ang Ki ni Seyriel kumpara sa iba. Pamilyar sa kanya ang presensya ng enerhiya na ito na pilit lang itinatanggi ng kanyang isip.
"Hindi siya Zaihan. Hindi siya Zaihan. Isa siyang Arizon." Ang paulit-ulit na kumbensi sa sarili.
Hinihintay pa naman niya na makatulog ulit si Seyriel pero ilang minuto nalang ang lumipas, wala paring nangyari. Naisip tuloy niya na dahil sa suot nitong artifact o dahil sa iba ang enerhiyang napapalabas ni Seyriel kumpara sa dati.
"Mamaya na. Ito na po talaga yung huli. Pangako." Pumikit siya at itinaas ang nakakuyom na isang kamao.
Ginaya niya ang style ni Darna at ilang sandali ay may bluish-white na liwanag ang bumalot sa kanyang kamao. Pumikit siya ng ilang segundo saka muling idinilat ang mga mata.
Kasunod nito ay ang bigla niyang paglutang sa hangin ng sobrang bilis. Dire-diretso pataas patungong langit. Pero kung gaano siya kabilis sa paglipad, gano'n din kabilis ang pagbulusok niya pababa.
"Aaaah!" Hiyaw niya sa gulat. Agad namang nakagawa ng wind net si Luimero at sinalo nito si Seyriel.
"Uwah! Ele! Bakit di niyo sinabing may higanteng maso dun sa itaas? Ayan tuloy, nabangga ako." Nakalabi nitong tanong na naiiyak na.
At may mumunting luha sa mga mata. She look adorable and cute kaya gusto tuloy kurutin ni Asana ang pisngi niya. Nagpipigil lang talaga siya dahil baka magngawa na naman ang isang 'to.
Habang si Luimero naman ay nakatulala parin. Kinusot pa ang isang mata saka tumingin sa itaas at ilang sandali kay Seyriel na naman. Kadalasan sa mga nakakalutang sa hangin sa kahit anong paraan ay ang mga Norzian lamang na nakatira sa Norzian kingdom. Isa lamang itong maliit na kaharian at tinaguriang pinakamahinang kaharian sa buong mundo ng Mysteria dahil mahina sa mga combat fighting ability ang mga naninirahan sa lugar na ito ngunit pinakamaunlad na kaharian.
Sila ang nangunguna sa pagpapalipad at pagpapalutang ng mga bagay pero wala silang gaanong mga fighting skills. Kaya nga halos lahat ng mga Norzian ay nagpopokus na lamang sa pagpapalago ng mga kalakal at naging pinakanangungunang merchants o business tycoons ng Mysteria.
"Ele, may nilagay ka bang di nakikitang magic maso sa himpapawid?" Tanong muli sa nakatulalang guro.
"Anong magic maso ka diyan? Walang maso sa itaas pero may invisible barrier akong inilagay. Kaya ka bumangga at bumagsak pababa."
"Kaya pala nagkanda-bukol de hilo ako." Sagot ni Seyriel habang hinihimas ang ulo.
"Paano mo pala nagawa 'yon?" Puno ng kyuryosidad na tanong ni Asana. Parang gusto na rin niyang matutong lumipad.
"Inisip ko lang na makalipad. Kaso kailangan kong ipopokus ang isip ko sa enerhiyang ginagamit ko para makalipad. Kaya lang palage akong nawawala sa konsentrasyon at naglalahong bigla ang nilalabas kong enerhiya." Disappointed na sagot ni Seyriel.
"Saan mo naman galing ang enerhiya na ginagamit mo? Ibang-iba kasi siya sa Mysterian Ki." Tanong ni Luimero.
"Ewan. Basta kapag ang enerhiyang iyon ang iniisip ko, iyon ang lalabas. Kapag yung katulad naman sa nasasagap ko noon, nagwawala siya. Hindi ko nakokontrol." Paliwanag niya.
May walong uri ng enerhiyang alam si Luimero. Iyon ay una ang Natural energy or Natural Ki na ginagamit sa mga ordinaryong mga gawain at mga enerhiyang galing sa mga kalikasan. Hindi ito nabibilang sa mga Ki ginagamit nila para maging kapangyarihan.
At pangalawa ay ang Mysterian energy (ki) na ginagamit ng mga Mysterian para sa kanilang mga supernatural ability at naabsorb ito sa saan mang parte ng Mysteria na pinaniniwalaan nilang galing sa pinakailalim ng lupa ng Mysteria o sa itinuring nilang Mysterian core. Tinatawag nila itong Combat Ki.
Ang pangatlo ay ang Elemental energy (ki) na nagagamit lamang kapag isang elementalist ang isang Mysterian.
Ang ikalima ay ang Chamnian energy (Tsi) na pinakamalakas na enerhiya sa lahat. At ang pang anim ay mental energy, Mysterian Ki man siya o Chamnian Tsi, na lalabas lamang kapag may malakas na enerhiyang galing sa Mysterian energy ba o Chamnian energy ang isang Mysterian.
Ikapito ay ang death Ki or Tsi na nagpapahina sa sinumang mga nagbubuhay at bihira lang ang nagtataglay ng ganitong uri ng enerhiya at ang panghuli na halos hindi na nag-eexist ay ang Mystical Ren na sa legend lang nila naririnig.
Posibleng Chamnian energy itong hindi napipigilan ng artifact na gawa nina Luimero. Dahil masyadong malakas ang enerhiyang ito kumapara sa Mysterian energy.
"Mabuti pang pag-aralan na muna natin ang spell book na ito. May mga spell din kasing nagagamit sa pagpapalutang ng mga bagay o pagpapalipad ng iyong katawan sa himpapawid sa loob ng ilang minuto o oras. Depende sa lakas ng kapangyarihang taglay mo." Paliwanag ni Asana na ikinalaki ng mata ni Seyriel hindi sa gulat kundi sa tuwa.
"Talaga? Sige nga. Subukan mo. Subukan mo na bilis." Pang-aapura pa niya.
"Ito na nga o." Binuklat ulit ni Asana ang hawak na spell book at tumigil sa isang pahina.
"Iskiedas, medyievas esta homre cheolpteras myiestras." Ang bigkas ni Asana. Ilang sandali pa'y unti-unting umangat ang kanyang mga paa sa lupa. Tumigil ito mga ilang dalawang metro ang layo mula sa lupa.
"Tingnan mo, di ko na kailangan pang magkonsentreyt. Kailangan ko lang bigkasin ang katagang iyon." Sabi ni Asana at nagpaikot-ikot pa kay Seyriel.
"Woah! Ang galing! Ako din. Gusto ko ding makalutang." Lumapag si Asana sa lupa at inabot kay Seyriel ang libro.
Mabilis nitong binasa ang pahina na binasa kanina ni Asana. Pero nakailang minuto nalang pakunot ng pakunot pang lalo ang noo. Habang tumatagal ay lalong kumukunot ang noo. Binabaliktad-baliktad na niya ang libro pero di parin niya alam kung paano basahin ang mga nakasulat sa librong iyon.
"Letra ba to o mga simbolo?" Kunot-noo niyang tanong. Natampal naman ni Asana ang kanyang noo maalalang di nga pala nababasa ni Seyriel ang mga nakasulat sa librong iyon.
"Nakalimutan ko. Akin na nga 'yan." Kinuha ang libro. "Ito, gayahin mo ang anumang sasabihin ko." Tumango naman si Seyriel.
"Sino bang guro dito? Ako na nagtuturo ayaw pakinggan? Iwan ko sila dito eh." Kahit naghuhuramentado na ang kaloob-looban niya pinili parin niyang tumahimik. Mahirap na at baka tamarin na naman ang isang to.
"Iskiedas, medyievas esta homre cheolpteras myiestras." Sambit ni Asana.
Umasim ang mukha ni Seyriel at napakamot ng ulo habang nagtatanong sa isip ng ano raw? Di ko gets. Pero confident parin niyang itinaas ang noo at tumayo ng matuwid sabay lunok ng ilang ulit at nag-go fighting gesture.
"Isdaas, maensenas etaas homre chenilas pilipinas sardinas."
Si Feyu na nasa sanga ng kahoy ay nalaglag ng wala sa oras. Iniisip pa naman niyang makukuha agad ni Seyriel ang enchanting spell na iyon dahil natuto nga itong lumipad kahit wala ang tulong ni Luimero iyon pa bang pagbigkas lang ng low level spell? Malay ba niyang may sardinas at pilipinas pang nalalaman ang bata?
Sina Feyn at Feru naman ay napatawa na talaga. Ang totoo kasi di sila umalis at patuloy na binabantayan sina Asana at Seyriel ng palihim.
"Itong isa na nga lang." Natatawang sabi ni Asana at binuklat muli ang libro. "Ito, baka makukuha mo na 'to." Sabi pa niya.
"Inducteo schaepeoctleo, teolptae miemo."
Matapos banggitin ni Asana ang salitang ito, bigla nalang humangin at umikot sa katawan ni Asana at ilang sandali, umangat muli ang kanyang paa sa lupa habang ang katawan ay dahan-dahang umiikot paitaas.
Tumigil ito at hinarap muli si Seyriel pero nakalutang parin ang katawan sa hangin.
Gumaya naman agad si Seyriel sabay sabi ng "Idukdok, kaputol tae mo!" Confident niyang sigaw na ikinalaglag ni Asana lupa at halos hindi na makahinga sa kakatawa
"Hahaha!" Bumunghalit din ng tawa si Luimero.
Ngayon naiintindihan na nila kung bakit ayaw ni Seyriel ng spell casting, dahil wala talaga siyang talent sa bagay na ito.
Si Feru na pacool pang nakaupo sa rooftop kanina ay muntik ng mahulog sa narinig. Si Feyn naman ay tinakpan na ang bibig para di makatawa ng malakas. Shadow guard daw kasi sila at dapat walang makakaalam na lihim nilang binabantayan ang dalawang bata.
"Ano ba! Wag niyo nga akong pagtawanan." Nagdadabog na sabi ni Seyriel pero yung dalawa lalo namang tumawa.
"Ngayon alam ko na kung bakit ayaw mong mag-aral ng spellcasting at enchantments." Sabi naman ni Luimero pero natatawa parin.
"Hayaan mo, matutunan mo rin yan basta ba magsikap ka lang." Pang-eengganyo ni Luimero.
"Ayaw ko ng bumigkas ng mga spell-spell na pananalitang 'yan. Pagtawanan niyo lang ako eh." Nagsitawanan namang muli ang dalawa. Kaya lalong napasimangot si Seyriel at nagdabog pa. Pero sa halip na tumigil ay muling tumawa sina Luimero at Asana.
Ngunit napangiti na rin makitang tumawa ng malakas ang dalawa sa unang pagkakataon.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top