CHAPTER 1: The Beginning of her Journey
Isang sampung taong gulang na batang babae ang makikitang naglalakad sa tabi ng kalsada. Naka-headphone ito at tumatango-tango habang sinasabayan ang pinapakinggang musika.
Maya-maya pa'y umatras-abante na siya. Hindi inalintana ang mga taong nasa paligid at mga sasakyang dumadaan.
Sakto namang pag-atras niya ay may naka-hood na batang lalakeng nasa twelve years old ang dumaan sa bahaging inatrasan niya kaya nabangga niya ito. Natumba ang batang lalake at napaupo. Natanggal din ang hood sa ulo at tumilapon ang hawak na crystal ball na gumulong na ngayon sa gitna ng kalsada.
"Naku! Uy, sorry. Di ko sinasadya." Pagpapaumanhin ng batang babae at tutulungan na sanang makatayo ang lalake pero napatigil siya dahil ang sama ng tingin nito sa kanya.
"Uy! Kuya. Sorry na nga di ba?" Napanguso siya matapos sabihin yun. Ang sungit kasi ng batang to, cute daw sana pero sobrang sama ng ugali.
Ngunit inaamin niyang kasalanan talaga niya kaya hindi humingi siyang muli ng paumanhin.
"Sorry talaga. Di ko sinasadya." Sambit niya at pinagdaop ang mga palad na parang nagdadasal.
Nakatitig ito sa kanya na nakatagpo ang dalawang kilay. Halatang naiinis. Tumayo ang lalake at inayos ang suot at ibinalik ang hood sa ulo bago naglakad palapit sa nagliliwanag na bagay na nasa gitna ng kalsada.
Nagsalubong ang mga kilay ng batang lalake habang nakatitig sa kanya.
Bahagyang tumigil ang kanyang hininga at bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Napalitan rin ng paghanga ang kanyang mga mata nang mapansin ang kakaibang kagwapuhan ng batang lalake. Parang nabuhay ang mga maladiyos na mukha ng mga nilalalro niyang hero sa mga online games.
"Anghel kaya siya? Di kaya artista?" Sambit ni Seyriel habang nakipagtitigan parin sa lalake.
Ngayon lang kasi siya nakakita ng ganito ka nakakaakit na mukha. Napakakinis na balat at cute ang matulis na ilong na nababagay sa mga nakakaakit na mga labi nito.
Ngayon lang din siya nakakakita ng ganito kagandang pares ng mga mata. Kung di siya tinawag ng kuya niya di niya mapansing nakipagtitigan na pala siya sa bata.
"Seyriel!"
"Bilisan mo dyan!" Tawag ng kuya Ariel niya na twelve years old.
Napalingon siya at nakita ang kuya at ang kanyang ama. Tiningnan niyang muli ang batang lalake at nakitang pinulot nito ang bolang kristal sa gitna ng kalsada.
"Halika na. Umuwi na tayo." Tawag ng kanyang kuya.
"Oo, andiyan na ako!" Sabay takbo niya palapit sa kanyang kuya at ama.
Nilingon muli ni Seyriel ang batang lalake at nakita niya itong may kausap na dalawang magagandang mga lalake na mga nasa desi-otso at desi-nueve ang edad. Parang may hinahanap ang mga mata nila sa paligid. Masyadong mga mapuputi ang balat ng mga ito na singputi ng yelo. Kakaiba rin ang presensya nila na tila ba sinasabing galing sila sa ibang mundo at hindi sa mundo ng mga tao.
Pansin niyang nakatingin din ang ibang mga tao sa batang lalake kanina at halatang namamangha ang mga ito sa kakaibang ganda ng mga misteryosong mga kalalakihan.
"Ang poge naman ng batang 'yon. May pagka-cold lang. Buti pa si Kuya, poge na mabait pa." Sabi niya sa sarili.
"Tara na nga!" Sabay hila ni Ariel sa kamay niya para di na matulala at sabay na silang naglakad palapit sa kanilang ama.
Ilang sandali pa'y nadala na naman sa musika si Seyriel at nagsisimula na namang sabayan ang tugtog mula sa kanyang headset.
"Para ka talagang baliw na sumasayaw-sayaw d'yan. Tandaan mo, nasa kalsada tayo." Sita sa kanya ng kanilang ama na hinila pa ang isa niyang headset sa tainga.
Ngumuso lang siya at pumasok na sila sa isang mall at namili ng mga maisusuot.
"Kuya. Tingnan mo, bagay to sayo." Inilapit sa kuya ang isang polo na abot tainga ang kanyang ngiti.
"Pink? Pambabae yan eh." Angal ng nakasimangot niyang kuya.
"Bagay nga sa'yo oh. Ang cute mo nitong tingnan, nagmumukha kang bakla." Sagot niya sabay tawa. Sinamaan naman siya ng tingin ng kanyang kuya.
"Ito, bagay ba to kay Seyria?" Tanong naman ng kanilang ama na hawak ang isang pulang bestidang naka-hanger.
"Uy, si papa. Dumadamovs din kahit matanda na." Tukso naman ni Seyriel sabay sundot sa tagiliran ng ama.
"Tumigil ka nga. Anong matanda? Bata pa ako noh? Tingnan niyo nga ako o, pagkakamalan lang na kuya niyo." Sagot naman ni Riven.
Pansin nga nilang pinagtitinginan sila ng mga tao lalo na sa mga kababaihan na nakatuon ang mga mata sa kanilang ama. Thirty-two years old na si Riven ngunit mukha pa ring nasa twenties. Maganda kasi ang tikas at tindig nito. Makinis ang balat ang maputing balat at may artistahing mukha.
May pagkakahawig sina Riven at Ariel, pero wala man lang namana si Seyriel sa kanyang ama at ina.
Habang palabas sila ng mall, isang lalake ang nakasalubong nila. Saktong pagtapat nila sa kinaroroonan nito, siya ring pagliwanag ng kung anong bagay sa loob ng bulsa ng nakahood na lalake. Tumigil ang lalake at tiningnan sina Seyriel na nakalabas na.
Paliko sila nang bumangga na naman si Seyriel sa isa ring batang lalake pero naka-hood din. Nakatingin lang kasi ang batang 'yon sa staff niyang nagliliwanag kaya bumangga kay Seyriel.
"Aray." Muntik pa siyang matumba. Buti nalang at nahawakan siya agad ng kanyang kuya.
"Umiwas ka kasi!" Sigaw ng lalake kahit ito naman talaga ang nakabangga kay Seyriel. Ngumiti naman si Seyriel sa batang masungit na ito.
"Pasensya na." Hinging paumanhin niya na nakangiti.
Pinagmasdan lamang siya ng lalake na may nagtatakang mga mata. Pero nagulat siya ng makitang kulay emerald ang mga mata nito. Ilang sandali pa'y naisip niyang baka foreigner ito.
"Hindi siya nagalit?" Tanong pa ng lalake sa kanyang isip. Siya naman kasi ang nakabangga rito at siya pa ang nanigaw tapos ngiti lang ang ganti sa kanya? Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalayong mag-anak.
"Anong ginagawa mo dito Karim?" Sigaw ng naka-hood na lalakeng nakasalubong nina Seyriel kanina.
"Tsk! Pinadala ako ni ama rito para hanapin ang iba pang pinili." Sabay tingin sa papalayong kotse na sinakyan nina Seyriel.
"Sundan niyo ang sasakyang iyun." Utos niya sa mga taong nakatayo sa di kalayuan. Agad namang sumakay ang mga ito ng motorbike at pinaharurot.
Tumawa naman si Lhoyd, eighteen years old at tiningnan ang pamangkin. "Akala ko, hindi mo mapapansin. Pamangkin nga talaga kita."
"Sinusundan ng kabilang parte ang mag-anak na iyun." Sabi ni Karim.
"Kumikilos na din pala sila at nagpadala ng mga tauhan sa lugar na ito." Tumango-tangong sagot ni Lhoyd.
***
Nakakunot ang noo ni Seyriel habang nasa loob ng kotse. "Alam niyo, parang may kakaiba sa mga nakasalubong ko kanina." Sabi niyang bigla.
"Baka crush mo lang kasi gwapo yung nakabangga mo kanina. Mukha pa ngang di tao e." Sagot naman ni Ariel.
"Pansin mo din pala? Mukhang hindi ordinaryo ang beauty nila. Ang balat nila kumikinang pa sa kaputian. Kaya siguro sila nagho-hood kahit mainit ang panahon." Sabi naman ni Seyriel. "Takot sigurong dumugin ng mga tao."
"Baka mga artista lang ang mga iyon." Sagot naman ni Ariel.
Hindi nila pansin ang nababalisang ama. Mabilis nitong pinatakbo ang kotse nila.
"Sa susunod na makakatagpo kayo ng ganoong mga nilalang, iwasan niyo." Sabi ni Riven.
Nagkatinginan ang magkapatid sabay na tumango. Nagtaka rin kung bakit patungo sa ibang direksyon ang kanilang sinasakyan at hindi sa daang patungo sa kanilang tahanan.
"Saan tayo pupunta Pa?" Tanong ni Seyriel.
"May sumusunod sa atin." Sagot ng ama.
Pagkatapos ng ilang liko at nawala na rin ang sumusunod sa kanila, saka pa sila dumiretso sa kanilang tahanan.
Pagdating sa kanilang tahanan agad na hinanap ang kanilang ina.
"Mama! May binili kami para sa'yo. Bilis, sukatin mo na." Excited na salubong ni Seyriel sa ina.
"Talaga? Sige nga. Patingin." Sabay kuha ng damit na hawak ni Seyriel.
Si Ariel naman ay napatitig sa kapatid. Iniisip kung di ba nananakit ang panga ni Seyriel sa kangingiti. Pagising sa umaga, ngiti na nito ang sasalubong sa kanila. Kapag may nakasalubong, nginingitian. Kahit di kilala, nginingitian. Kahit sinusungitan ng sinuman, ngumingiti parin.
"Bakit siya lang pinansin mo?" Maktol ng ama dahil hindi pinansin ng asawa.
"Si papa, nagselos. Ako nalang yayakap sa'yo." Biro ni Seyriel at akmang yakapin ang haligi at di ang ama.
"Tse! Ayoko sa'yo." Sagot ng ama at inikot ang mga mata.
Natawa na lamang sila.
Kinuha ni Ariel ang bitbit ng ama at dinala sa kusina. Alam niyang panghapunan iyon at kailangan na naman niyang lutuin. Mahilig sa adobo ang kanyang ina kaya mag-aadobo na naman siya.
"Kuya!" Sabay damba sa likuran ng kuya na muntik ng mabagok ang ulo sa pader.
"AYBUTIKI!" Sigaw nito sa gulat at napahawak pa sa dibdib.
"Seyriel naman eh. Sinabi ng wag gulatin ang kuya."
Ngumuso si Seyriel pero lumawak ulit ang ngiti nito. "Aish. Gusto kitang gulatin eh. Ang cute mo kaya pag nagugulat." Sabay kurot sa pisngi ng kuya.
"Tulungan mo nalang kaya ako dito." Sagot ng kanyang kuya.
"'Yon lang pala, luto din tayo ng menudo." Kaya naman kinuha niya ang kutsilyo at mga spices para hiwain.
Habang naghihiwa ay tumatango-tango naman ang ulo nito at minsan iginigiling ang baywang.
"Adik talaga sa sayaw oh." Naiiling na sambit ng kanyang kuya habang nakangiti.
"Music and dance is the color of my life, Kuya." Sagot ni Seyriel at isinantabi na ang spices na tapos ng hiwain.
"Pagkain kaya." Kontra ng kanyang kuya.
Ngumuso siya at ipinagpatuloy na ang paghihiwa ng ilang mga ingredients. Bukod sa pagsasayaw may ibang habit pa siya. Iyon ay ang pagkain. Mahilig siyang kumain. Kung music and dance is the color of her life, food naman ang joy of her life. Or let us say, food is her life.
"Alam mo bang nananaginip na naman ako? Tapos isa daw akong prinsesa. Nakatira sa isang napakalaking palasyo. Kaya lang, malabo e. Ni di ko namukhaan ang reyna na kumausap sa akin sa panaginip ko."
"Palage ka nalang kasing nanonood ng mga fairytale at sci-fi kaya palage ka nalang nananaginip ng ganyan."
"Ang unfair lang kasi hindi ako ang pinakamaganda kahit panaginip ko na nga sana yon e. Tapos may mas maganda pa rin sa akin? Ang unfair." Ngumuso siya.
"Aray naman e." Angal niya at napahawak sa labing pinitik ng kuya.
"Nagmumukha ka ng pato sa kakanguso mo." Sabi ni Ariel at kinuha ang hiniwang sibuyas ni Seyriel.
Habang abala sa kusina ang magkapatid, bigla nalang silang nakarinig ng sunod-sunod na mga kalabog.
BLAAAG!
BOOOOGSSS!
"Ano 'yon?" Sabay na sambit ng dalawa at sabay ding napatingin sa may pintuan.
"Nasaan ang bata? Ibigay mo na." Narinig nilang sabi ng isang babae.
Dahan-dahang nagtungo sa may pintuan ang dalawa at sumilip.
Napasinghap si Steffy makitang may nakatutok na espada sa leeg ng ama. Ibinuka niya ang bibig para tawagin ang ama ngunit tinakpan ni Ariel ang kanyang bibig.
"Ssh. Wag kang maingay."
Base sa ekspresyon ng mga magulang nila, halatang kilala nila ang mga bisita. Ang ipinagtataka lamang ni Seyriel dahil kakaiba ang mga kasuotan ng mga bisita at kadalasan sa kanila nakasuot ng puting mabalahibong hoodie cloak.
Kakaiba rin ang kulay ng mga mata. Parehong kulay ash gray. Sobrang puti rin ng mga mukha na tila ba hindi man lang nasisinagan ng araw.
"Inuulit ko, nasaan na ang bata?"
"Sinong batang hinahanap nila?" Bulong niya at napatingin sa Kuya.
"Hindi ko rin alam." Sagot ni Ariel sabay iling.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top