Chapter Two - Cold Treatment
A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro. Retail price nito ay Php360 pero from time to time ay mayroon namang discounts especially kapag mayroong sale sa Lazada o Shopee. Just check Gretisbored store.
For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.
*****************************
Halos napasirko ang puso ko nang makita kung sino ang sumalubong sa akin sa istasyon ng JR Muromachi. Si Brian! Kung sinusuwerte ka nga naman, oo! Nag-init ang aking mukha at bahagya akong pinawisan sa naramdamang excitement.
May dala itong plastic basket na may nakalagay na sari-saring goods. Shampoo, sabon, noodle packs, chocolates, chopping board, maliit na kutsilyo at frying pan. Galing daw yon sa Board of Education o BOE ng Muromachi. Pang-welcome daw sa akin. How sweet!
"Thanks for volunteering to pick me up. I really appreciate it," sabi ko nang makapasok na kami pareho sa kotse nito.
"I didn't volunteer," malamig nitong sagot sa akin. Ni hindi man lamang niya ako tinapunan ng pansin. Ini-start na nito ang kotse. Mukhang mainit na agad ang ulo. Siguro dahil sa sangkatutak kong bagahe. Napuno nito ang baggage compartment sa likuran at may nilagay pa kami sa backseat.
Namula ako sa sinabi niya. Nairita na rin pero di lang nagpahalata. Loko-loko yata ito, a.
"I was asked to pick you up and show you your new apartment. Mark is still busy interviewing people so he can't do it himself. Usually he's the one doing this," paliwanag pa niya sa seryosong tono. Medyo iritado pa ang boses.
"Well, just the same, thank you."
Di na siya umimik pa. Naaasiwa na ako sa mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Ano kaya ang mabuting pag-usapan?
"How long have you been in Japan?" tanong ko para maibsan man lang ang awkwardness na nararamdaman ko nang mga sandaling iyon.
Hindi niya ako sinagot. Aba, isnabero! Bingi kaya? O baka masyadong mahina ang boses ko? Inulit ko ang tanong. Nilakasan pa ng kaunti ang tinig ko.
"I don't like to talk when I'm driving. I don't want to get distracted."
Antipatiko! Napasimangot ako. Noon lang may nagsupalpal sa akin nang ganun. Hindi ako nakatiis. Sinagot ko siya.
"Why are you so mad? What did I do?" mahinang tanong ko. Hindi ko na ikinaila ang pagdaramdam.
Noon lang ako binalingan. Ang lamig ng titig niya sa akin. Natakot tuloy ako. Paano na lang kung psycho pala to? Kung bakit kasi sa dinami-dami ng puwedeng utusan itong suplado pa ang napili ni Mark. Guwapo nga pero ang gaspang naman ng ugali. Binabawi ko na ang atraksyon ko sa kanya. Di ko na siya gusto!
"I'm not mad at anyone. I'm just extra careful when I drive," paliwanag nito. Nasa daan ang atensyon.
"Yeah, and extra boring, too," bulong ko at napasimangot.
"I'm not here to entertain you," sagot niya na kinabigla ko. Napaupo ako tuloy nang matuwid. Di ko sukat akalain na matalas pala ang pandinig ng mokong.
"Hey, I didn't mean it," paghingi ko ng despensa.
"No need to make excuses. I don't care."
"No, what I really mean is..." Di ako magkandatuto sa pag-iisip ng maikakatwiran. Pero walang lumabas sa aking bibig.
"I know exactly what you mean. And I don't care. Now, will you let me drive in peace? We're almost there." Tila nayayamot na rin sa aking kakulitan ang mokong.
Kahit asar, di na lang ako sumagot pa. Baka may topak ito at kung saan pa ako dalhin dahil sa kakulitan ko. Kung ayaw niya akong kausapin, di huwag. Rascist! Yon lang ang lohikal na paliwanag sa pagtrato sa akin ng kumag. Baka ayaw sana niyang magbigay ng serbisyo dahil hindi niya ako kalahi.
Pagkatapos ng parang isang daang taon, narating na namin ang bago kong apartment. Hindi gaya ng mga tirahan sa paligid, moderno ang disenyo ng apato (apartment) ko. Parang townhouse lang din sa Pilipinas. Apat na units ang nandoon. Dalawa sa itaas at dalawa rin sa ibaba. Nasa second floor ang akin. Base sa nakita kong pangalan sa labas ng pintuan ng tatlo pang units, puro Hapon ang aking kapitbahay. Pinto ko lang ang naka-Katakana (Japanese syllabaries for foreign words and names) ang pangalan.
Dahil mabibigat lahat ang mga maleta ko, hinayaan kong si Brian ang magbuhat ng mga yon paakyat. Mataas kasi ang hagdan. Nauna ako sa itaas na handbag lang ang tanging dala. Inikot ko ang kabuuan ng aking palasyo. Not bad. Dalawa ang silid at may malawak pang kitchen and dining room. Pwede na rin.
Mayamaya pa, malalakas na katok ang pumukaw sa aking pagmumuni-muni. Nakasimangot na Brian ang napagbuksan ko ng pintuan. Hila-hila ang mabigat kong maleta.
"What the hell do you think you're doing?" Galit ito. Napakunot-noo ako. Medyo nalilito. Ba't galit na naman ito? Dahil ba sa naisara ko ang pintuan?
"What did I do this time?"
"Have you forgotten that you still have a couple of boxes and three suitcases in the car? Are you expecting me to carry them all here for you?"
Nainsulto ako sa narinig. So hindi ito magpapaka-gentleman sa akin? Hindi ba ako mukhang babae? Pagbubuhatin ako talaga?
"They're all heavy. I can't carry any of them up here!" protesta ko sa maarteng boses.
"Spoiled brat, aren't you?" mahina ngunit puno ng galit na sagot nito sa aking pag-aalsa boses.
Padabog ko siyang tinalikuran. Bumaba ako at binuksan ang likuran ng kotse. Sinubukan kong buhatin ang pinakamaliit kong suitcase. Puno ito ng aking kikay kits at kung anu-ano pang burluloy. Halos mapigtas ang aking balikat sa bigat. Hirap akong buhatin ito kahit hanggang sa puno ng hagdan lamang. Halos hinihila ko na nga lang ito dahil sumasakit ang balikat at braso ko sa tuwing ito'y bubuhatin.
Nakasalubong ko si Brian sa hagdan. Nagmamadali itong bumaba. Ni hindi man lang huminto para tulungan ako. Galit na tinapunan ko siya ng tingin. Walang modo! Hindi pala uso sa kumag ang pagiging gentleman. Grrr! Nagpupuyos sa galit ang aking kalooban.
Kararating ko lang sa pinakagitnang baitang nang dumating ulit siya buhat-buhat ang isa kong maleta. Halos hindi iniinda ang bigat na dala. Ang bilis ng lakad nito. Umiwas ako ng tingin. Pinauna ko siya. Baka mamaya ay sipain pa ako dahil pakalat-kalat ako sa hagdan. Akmang bubuhatin ko na sana uli ang suitcase nang may malalaking kamay na umagaw dito at dinala sa loob ng apartment. Napahawak ako sa dibdib sa pagkabigla. Tarantado! Ni hindi man lang nagsabi.
"Thank you!" pasarkastiko kong pahabol. Malakas na sinara niya ang pintuan ng apartment. Parang dumagundong ang paligid. Natakot tuloy akong pumasok. Hindi ko siya kilala. Baka mayroon itong violent tendencies, mahirap na. Sa pinapakitang kabastusan nito sa akin dapat lang sigurong paalisin ko na siya kahit na ang ibig sabihin nun ay kailangan kong magbuhat ng mabibigat na bagahe sa ibaba nang mag-isa. Hindi na ako mapanatag sa mga pinapakita nitong kawalanghiyaan sa akin. Halatang walang respeto. Natanong ko tuloy ang sarili kung tama ba ang desisyon kong tanggapin ang trabaho. Baka omen ito ng mangyayari sa akin sa Muromachi.
Malumanay ngunit puno ng katatagan na kinausap ko siya habang inaayos niya ang mga bagahe ko sa isang silid.
"Thank you for helping me with my suitcases. I can take them from here. You can now go if you want." Hindi ko siya tiningnan. Tumalikod na ako agad.
"You can't even carry this damn little thing," at pabagsak na binaba ang aking kikay suitcaase, "how much more the heavy boxes in the car?"
Nainsulto ako sa ginawa nitong pagbagsak ng aking kikay suitcase. "Hey! if you don't like helping me, go! I don't need you here anymore!" naibulalas ko.
"Fine. I don't have time for a spoiled brat like you." At kaagad itong tumalikod. Sinundan ko ito sa ibaba. Nilabas nito sa kotse ang naiwan kong mga kahon at isa pang suitcase. Saka walang anumang sabi na pinasibad ang sasakyan palayo.
Napaupo ako sa kahon ng mga libro na umiiyak. May lumapit sa aking ginang na Haponesa. Nagtatanong ata kung okay lang ako dahil ako'y umiiyak. Tinalikuran ko lamang siya. Iniwan ako nito na parang nag-aalala pa rin. Pero wala ring nagawa dahil di ko nga pinapansin. Ayaw kong kausapin ito dahil hindi naman kami magkakaintindihan. Baka lalo lamang akong maaasar.
Ano kaya kung tawagan ko si Mark at isumbong ang hayop na lalaking yon? Kung di sila nangakong susunduin ako sa istasyon ng JR Muromachi, pina-kuruneko (door-to-door service) ko na lang sana ang mga bagahe ko.
Laylay ang balikat at masama ang loob na tumayo ako at inumpisahang hilahin ang naiwang maleta. Wala na akong choice. Nahabag ako sa sarili. Ang baba ng kinabagsakan ko simula nang iwan ako ni Anton. Gosh, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa future ko, nakinig ako kay Papa nang tutulan niya ang relasyon namin.
Nasa ganun akong pagmumuni-muni nang may biglang humablot ng maleta ko at walang sabi-sabing pinanhik sa itaas. Bumalik si Brian! Di na ako kumibo. Pinahiran ko na lamang ang aking pisngi na noo'y basang-basa na sa luha. Sumunod ako kay Brian nang walang dala. Mga kahon na kasi na puno ng aklat ang naiwan. Ni hindi ko kayang mahila man lamang ang mga yon. Palakad-lakad ako sa loob ng apartment. Dapat sigurong bigyan ko siya ng malamig na inumin. Pero di ko alam kung saan makakabili ng maiinom. At di ko rin alam kung ano ang gustong inumin ng mokong. Kung tanungin ko nama'y baka bulyawan ako o pagsupladuhan lang.
Tama nga ang kutob ko. Sinupladuhan nga ako. Sinagot ako ng malamig na, "No, thanks." Hindi pa nakatingin sa akin.
"Thanks for coming back to help me out," mahina kong sabi pagkatapos. Pababa na ng hagdan si Brian noon. Hinabol ko lang para pasalamatan. Nilingon naman ako. Tsaka tumango.
"Hey, if you are free tonight..." nasabi ko nang wala sa isip. Nabitin ang karugtong nang ma-realized ko ang implikasyon ng mga sinabi ko. Baka iisipin nitong nagpi-flirt ako sa kanya at inaaya ko siyang lumabas. After what happened between us? Parang it sounds strange din kahit sa sarili kong pandinig. Pero huli na para bawiin ko yon. Wala naman sana akong ibig ipakahulugan doon liban sa pasasalamat. Aayain ko lang sanang magdinner. Libre ko siyempre.
"I'm engaged," mahinang sagot nito. Pinamulahan ako. Iba nga ang dating sa kanya. Nahiya tuloy ako. Siguradong iniisip nito na nakikipag-flirt nga ako sa kanya.
Tama ba ang dinig ko? Engaged na si Brian? Engaged?! Noon lang nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Nanlumo ako. Pilit ko lang na ikinukubli.
"I'm getting married in the fall," patuloy pa nito. Seryoso ang mukha.
Napalunok ako. Ganun ba ako ka obvious? Pull yourself together at huwag mong hayaang nagmumukha kang tanga sa harapan ng lalaking ito!
"Oh, I didn't ask you for a date," mabilis kong bawi. "I just want to buy you a drink for helping me with my luggage."
"Don't bother." Tsaka tinalikuran na ako.
Napaupo ako sa labas ng aking pintuan. Nanlulumo. Mukhang I'm bound for another heartache.
A/N: Alex's photo on the side.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top