Chapter Twenty Two - Stare

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

****************************

Nagising ako sa tunog ng alarm mula sa cell phone ko. Awtomatikong kinapkap ko ang katabi. Wala akong nakapa. Tiningnan ko ang oras sa cell phone. Mag-aalas sais na! Kaagad akong napabangon. Kailangan na naming magbihis. Alas nuwebe y medya ang alis ng eroplano. Nasaan na ba ang Brian na yon? Pagbaba ko ng kama, bumulaga sa paningin ko ang tulog na tulog na Brian sa couch.  

Hindi ko na muna siya ginising. Dali-dali akong nagtungo sa banyo dala-dala ang isusuot ko. Mabilisan ang ginawa kong pagpunas sa sarili. Hindi ko na binasa ang buhok. Tinali ko na lang ito. Nakabihis na ako nang lumabas ng banyo. Tulog pa rin si Brian.

Pambihira naman ito. Tulog mantika. Nilapitan ko siya at marahang niyugyog ang balikat. Napaungol ito. Inulit ko ulit. Bumalikwas lang at tinalikuran ako. Talagang pambihira! Hinampas ko na sa balikat.

"Hey! It's almost six thirty!" sigaw ko. Napabalikwas ito kaya napaatras ako. Napatingin ito sa relos at napabangon bigla nang makitang pasado alas sais na nga.

"Why didn't you wake me up?" asar na asik nito sa akin.

"I did," sagot ko. Napangiti ako. Nakakatawa kasi siya tingnan. Di magkandatuto kung anong uunahin. Magsesepilyo o magpupunas.

Nahuli niya akong nakangiti. Tinapunan ako ng masamang tingin pero hindi na nagkomento. Tumakbo na ito sa banyo dala-dala ang damit na isusuot. Mayamaya pa lumabas na rin itong nakabihis na. Naka-polo shirt ito ng puti at nakapantalon ng maong. Ang guwapo. Nainggit na naman ako kay Maiko. Ano ba ang ginawa ng babaeng iyon in her past life para gantimpalaan ng ganito ka kisig at guwapong nilalang?

"Stop staring! You're almost drooling," inis na sabi nito. Hinagis pa sa akin ang basang tuwalya na pinampunas niya sa buhok.

"Hey!" sigaw ko. Half-startled, half-irritated.

"Please hang it for me," utos nito sa akin habang inaayos ang mga gamit sa maleta. Tiningnan ko siya nang masama pero agad din naman akong tumalima. Wala na kaming oras para magbangayan.

Tinulungan niya ako sa mga bagahe ko. Siya na ang nagbuhat kaya shoulder bag na lang ang tangi kong dala. Himala. Feel niyang maging gentleman ngayon. Di gaya nang una ko siyang makilala.

Pagka-check out namin, may shuttle bus nang naghihintay sa amin sa labas. Courtesy of our hotel. Ito raw ang maghahatid sa amin papuntang airport.

"Do you want an isle or window seat, sir?" nakangiting tanong ng Haponesa kay Brian. Nagpapa-cute ang bruha! Napasimangot ako. Ba't ako hindi niya tinanong? Malanding ito.

Binalingan ako ni Brian. Tinanong niya ako kung ano ang gusto ko.

"Isle seat," maikli kong sagot.

"Okay, I'll take the window seat," sabi ni Brian sa babae. Nun lang ako binalingan nito. "Oh, are you traveling together?" paninigurado pa.

Parang gusto ko siyang kutusan. Hindi ba obvious? Sabay naming binigay ang passports namin sa harap niya? Tsaka magkasama din naming pinakilo ang mga bagahe namin? Ano ba nangyayari sa bruhang ito?

"Yeah," nakangiting sagot ni Brian. I rolled my eyes.

Pagka-check in, dali-dali na kaming pumasok sa loob. After a few minutes, nakarating kami sa departure area namin. Napatingin kaagad ang mga Pinoy na nandoon sa amin. Ang mga babae'y halatang attracted agad kay Brian. Pasimple kong pinakiramdaman ang kasama ko. Parang wala naman itong pakialam. Parang hindi nga napapansin na ganun kalakas ang dating niya.

Tumingin ito sa relos. "I think we still have time for a light breakfast," sabi nito sa akin. Niyaya akong bumalik sa dinaanan naming coffee shop.

"Thank God! I thought we're skipping coffee this morning," eksaherado kong sabi. Hindi niya pinatulan ang parinig ko.

Nang makarating kami sa coffee shop, naghanap muna kami ng mauupuan. Iniwan niya ako sa table namin pagkatapos niya akong tanungin kung ano ang gusto ko. Kumuha ako ng pera sa wallet para ibigay sa kanya pero umiling siya. Sagot daw niya. Lihim akong natuwa. Feeling ko tuloy husband ko siya at honeymoon namin to. Napangiti uli ako sa kahibangang naisip.

Habang kumakain kami ng toasted bread at omelet, napansin kong panay ang buntung-hininga niya. Parang wala itong ganang kumain. Halos hindi niya naubos ang kapirasong toasted bread na inorder.

"Are you okay?" nag-aalala kong tanong. Tumango siya at humigop ng kape. Hindi na ako nakatiis. Hinawakan ko ang isa niyang kamay na nakapatong sa mesa. Pinisil ito. Gusto ko siyang ire-assure na okay lang. May kutob akong nininerbyos ito sa pagkikita nila ng ina.

Tumingin siya sa akin at napabuntong-hininga uli.

"Do you think, they will accept me?" mahina nitong tanong.

"Of course," sagot ko at nginitian siya nang ubod-tamis. "Don't worry," sabi ko uli.

Gumalaw ang kamay niya sa ilalim ng palad ko. At maya-maya pa, hinawakan na niya ang kamay ko. Pinisil pa ito.

"Thanks a lot," sabi niya. "She left us when I was just an infant. I don't have any memories of her. I only saw her on pictures my dad has kept for me."

"According to Ate Beth, she is a kind and sweet woman. I'm pretty sure she'll be very happy to see you. I'm also sure your sisters will be just as glad," sabi ko pa.

"I hope so," sagot naman niya. Nakayuko nang bahagya. Humigop uli ito ng kape. "Thanks for coming with me. I really appreciate it."

********************

Paglapag namin ng Philippine Centennial Airport, nakaramdam ako ng warmth. I'm home!  Na-appreciate ko na ang ingay ng airport ng Pilipinas. Maging ang nakakapanlagkit na init. At last, nasa Pilipinas na akong muli. Ang sarap ng feeling.

"Connecting flight po kayo, Ma'am?" tanong sa akin ng lalaki. Tumango ako. Tinuro niya sa akin ang daan papunta sa immigration. Iba daw kapag connecting flight.

Mabilis kaming natapos sa immigration dahil konti lang naman ang nagko-connecting flight. Kaya mayamaya pa ay nasa departure area na kami papuntang Iloilo.

"This will be my first time to Iloilo though I've visited Philippines several times. Usually my friends and I go to Cebu or Katiklan. We come here almost every summer," kuwento ni Brian.

Nakikita kong pilit lang niyang pinapakalma ang sarili. Feeling ko hindi ito mapalagay. Siguro kinakabahan pa rin sa pagkikita nila ng kanyang ina. Hindi ko siya masisisi.

Iniwan ko siya saglit para makabili ng load for my cellphone. Buti na lang at dala ko ito. Kaya may magagamit kami kahit papano.

Dinayal ko agad ang cell phone ni papa. Sabik na sabik na akong makausap siya. Kaagad na may sumagot sa telepono. Si Yaya! Touched ako na hindi niya kami iniwan kahit na halos hindi na namin siya nasuswelduhan kagaya noon. Tinanong agad nito kung kailan ako uuwi sa amin. Sinabihan ko siyang pagkatapos na maihatid ko si Brian sa mama niya ay uuwi na akong Cebu.

"Naka-loudspeaker tong phone, baby," sabi ni Yaya. "Kaya naririnig ka rin ng papa mo."

Pinarinig sa akin ni Yaya ang paputul-putol na sagot ni Papa nang marinig ang boses ko. Naiyak ako. Hindi ko na napigilan. Ang laki na ng improvement niya simula nang ma-stroke. At least, naiintidihan ko na ang sinasabi niya.

"I love you, Papa," pamamaalam ko. Narinig ko ding nag-I love you siya sa akin sa paputul-putol na wika.

"What took you so long?" salubong sa akin ni Brian nang bumalik na ako sa tabi niya.

"I called my Papa," sagot ko. Kalmado na ang boses ko. Tapos na kasi akong mag-emote.

Hindi na siya sumagot. Tumitig lang sa akin saglit.

"I'm sorry for keeping you from seeing him," sabi nito makaraan ang ilang sandali. Napasulyap ako sa kanya. Ibang Brian ang nakikita ko. Hindi na ito ang suplado at aroganteng Brian.

"Its okay. I won't be here anyway if not for you," sagot ko naman at ngumiti sa kanya.

Mayamaya pa, inanunsyo na ang flight namin. Pinapalipat kami ng gate. Ano ba naman to? Pero okay lang. At least, hindi nahuli ng dating ang eroplano.

Walang kibo si Brian sa buong biyahe papuntang Iloilo. Nakita ko siyang napapikit agad pagkaupo niya. Hindi ko na siya ginambala pa. Abala din ako sa kate-text kay Yaya. Nang mag-take off na ang eroplano ay pinatay ko na ang cell phone.

Pinapakiramdaman ko ang katabi ko. Tulog na ba ito? Kahit halatang problemado at hindi nakatulog nang mabuti nang nagdaang gabi, ang guwapo pa rin niya. Panay nga ang daan ng flight stewardess sa tabi namin para magtanong kung may kailangan kami. Pasimple din itong sumusulyap sa tulog kong katabi. Napaka-obvious naman ng babaeng to.

Nang masiguro kong tulog na nga siya, tumagilid ako nang upopara mabistahan ko siyang mabuti. Ang sarap sigurong hawakan ang pisngi niya. Ang kinis kasi. Walang pimple ni isa man. Tsaka ang lantik ng mga pilik-mata. Gusto kong halikan ang tungki ng kanyang ilong. Ano kaya ang feeling kapag hinalikan ko nga? Napangiti na naman ako. Life is wonderful!

Nakangiti akong parang timang habang nakamasid sa kanya nang biglang dumilat ang mga mata nito. Tiningnan ako na parang naiinis.

"What are you staring at?" tanong nito. Naningkit pa ang mga mata.  Nahuli ako! Gosh! Upuan, lamunin mo na ako, please!

Napaupo ako nang maayos. Kinuha ko ang magasin sa pouch ng upuan na nasa harapan ko. At kunwari'y nagbasa-basa. Hindi ko na siya sinagot pa. Ginawa kong pantakip ang magasin sa namumula kong pisngi.

Mayamaya ay sinilip ko siya mula sa magasin na hawak. Nakapikit na uli. Nakahinga ako nang maluwag. Binaba ko na ang magasin at sumandal sa upuan. Napapikit ako. Dahil na rin sa pagod, hindi ko namalayang nakatulog na ako nang tuluyan. Nagising na lang ako nang may marahang yumuyugyog sa balikat ko. Pagdilat ko, nakatayo na ang mga tao sa isle. Isa-isa nang lumalabas ng eroplano. Susko! Nakatulog pala ako nang matagal. Nawala bigla ang antok ko. Tumayo na rin ako habang kinukusot-kusot pa ang mga mata.

Paglabas namin ng airport, kapwa kami napalinga-linga ni Brian. Tinawagan ko ang number ng mama niya. Boses ng dalagita ang narinig ko sa kabilang linya. At mayamaya pa'y may kumakaway nang magandang babae sa amin.

"Hello po," bati niya sa amin. Tantiya ko'y mga twenty five years old na siya. Ang ganda niya. Tumingin ako kay Brian. Nakatitig din pala ito sa babae.

"Hi," baling sa kanya ng kaharap namin. Medyo nahiya ito bigla. "You must be Brian? Manong Brian?"

Nakita kong medyo nag-alangan ito. Pero yumakap din sa kuya. Gumanti naman ng yakap si Brian sa kanya. Parang sinundot ang puso ko sa nasaksihan. Natuwa ako para sa kasama ko. Nang bumitaw sila pareho, nakita ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ng babae.

"I'm Helen nga pala," pakilala niya. "Ako po ang inutusan ni Mama na sumundo sa inyo. Actually, kasama ko si Kelly. Younger sister ko. Pero nandoon siya sa kotse. Ayaw lumabas dahil mainit," nakangiti nitong dugtong.

Tinranslate ko kay Brian ang sinabi ng kapatid niya. Napangiti lang siya.

Nang nasa harap na kami ng kotse tsaka lang lumabas yong Kelly. Nakangiti itong nakipagkamay sa akin. Sandali itong napatingin lang kay Brian pagkatapos ay yumakap na rin ito sa kapatid. Tinawag din itong 'Manong'. Pinaliwanag ni Helen kay Brian kung ano ang ibig sabihin nun. Tumango lang din si Brian.

Napansin kong medyo asiwa siya sa mga kapatid. Pero dahil madaldal yong bunso nilang si Kelly, kaagad ding napalagay ang loob niya. Ako nama'y natutuwa sa kanila. Mukhang mababait naman pala ang mga kapatid niya. At ang gaganda! Hindi kailang magkadugo nga. Tisay na tisay ang dalawang babae. Naintriga na tuloy ako sa nanay nila. Sabi ni Ate Beth ang ganda daw talaga nun.

"You must be Manong Brian's fiancee, right?" tanong ni Kelly sa akin. Namula ako. "Mabuti pala at Pinay ang nobya ni Manong."

Magkatabi sa harapan sina Kelly at Helen. Ang huli ang nagmamaneho ng kotse.

Napasulyap ako kay Brian at iko-correct ko na sana ang kapatid nang hinawakan niya ang kamay ko. Kaagad akong napatingin sa kamay naming magkadikit na naman.

"Are you still in school?" nakangiting tanong ni Brian sa kapatid. Hindi niya pinansin ang tanong nito kanina.

"Yeah. I will be graduating this March," proud namang sagot ng dalaga.

"This is the Jaro Cathedral," baling sa amin ni Helen nang mapadaan kami sa napakagandang simbahan. Nasa boses ng babae ang pagmamalaki. Sumilip ako sa bintana. May karapatan ngang magmalaki.

"Sana dito kayo magpakasal sa Iloilo," sabi uli ni Kelly. "Hey, Manong. Do you have any plans to get married in church? I hope you do it here in Jaro Cathedral."

Sumilip din si Brian sa naturang simbahan. "Maybe someday," sagot niya sa bunso nila.

"Okay, that's a promise ha?" hirit pa uli ni Kelly.

Papayag naman kaya si Maiko? Yon pa? Ang arte-arte kaya nun. Malamang ipipilit nun ang Shinto ceremony over a church wedding.

Pagkatapos ng ilang sandali ay pumasok na sa isang subdivision ang kotse at huminto sa harap ng isang magarang bungalow. Sinalubong kami ng isang mestisahing ginang. Kahit may edad na, bakas pa rin ang kagandahan. Tama si Ate Beth.

Pagbaba ni Brian sa kotse, saglit itong natigilan. Nakita kong mabilis na gumalaw-galaw ang Adam's apple niya. Batid kong nilalabanan nito ang emosyon.

Lumapit kaagad sa kanya ang ginang at niyakap siya nang mahigpit. Nung una, nakita kong nakatayo lang na parang tuud si Brian. Hindi gumagalaw. Nakatingin sa malayo. Pero mayamaya nang konti ay gumanti na rin ito ng yakap sa ina. Nakita ko pa ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata at narinig ko ang mahina niyang pagsambit ng "Mom".

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top