Chapter Twenty-Six - Shameless
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
The printed copy is available on Shopee and Lazada. You may also message GRET SAN DIEGO on FB if you want to avail of the discounted rate. From the original price of Php360 bale Php280 plus SF na lang ito ngayon. J&T ang courier namin kaya mura lang ang SF.
*************************************
"Lexy, iha, may bisita ka," balita sa akin ni Tita.
Napakunot-noo ako at bigla ring napasimangot. Ang bwisit na Jacob! Ayaw talaga akong tantanan. Hindi na nahiya kina Papa. Kinabisado ko na ang maaanghang na salita na ibabato ko sa kanya. Pero ako ang nabigla sa nakita sa sala.
"Hey," bati sa akin ng bisita.
Para akong napatda. Papano niya ako natunton?
"I got your home address from Mom. Uncle Mando taught me how to get here. He's been to the nearby beach a lot of times for seminars and stuff so he knew your place like the back of his hand," pagpapaliwanag nito. Nahulaan yata ang iniisip ko.
Napatangu-tango ako. Speechless pa rin. Hindi ko talaga sukat-akalain na susundan niya ako. Kung kanina'y nabwisit ako sa kanya na ang tagal niyang magreply sa text ko, nawala na yong parang bula.
"Sorry for not texting back right away. I turned it off when the plane took off. And I forgot to turn it back on. I was already in my hotel when I remember."
Kaya pala!
"Hindi mo man lang ba siya pauupuin, iha?" nakangiting tanong ni Tita. At nun lang ako parang natauhan. Napakurap-kurap ako.
"Please," at minuwestra ko ang bakanteng espasyo sa sofa. Umurong pa lalo si Tita at Tito para mabigyan kami ng espasyo.
Titig na titig si Papa kay Brian. Hindi ko alam kung ano ang tingin nito sa bisita ko dahil wala akong nababasang emosyon. Pero si Tita at Yaya Merced ay halatang kinikilig.
Bago ako maupo sa pang-isahang sofa sa tabi niya, pinakilala ko muna sina Papa. Tumayo siya at lumapit sa ama ko at nagmano. Shocked ako. Ganun din ang ginawa niya kina Tita, Tito at Yaya.
Pinaliwanag ko sa kanilang lahat na kasamahan ko sa trabaho si Brian. Sinabi ko rin sa kanila na ito ang kinukuwento kong may lahing Pinoy. Na ito ang sinamahan ko sa Iloilo para magbisita sa ina. Halos hindi sila makapaniwalang Filipino din ang nanay ni Brian.
"We really thought you are full-blooded American or British," nakangiting sabi ni Tita.
"Do you speak Tagalog?" tanong naman ng Tito ko.
"No. How I wish I can." At sumulyap pa sa akin.
"Why don't you ask Alex to teach you Tagalog," hirit pa uli ni Tito. Palihim ko siyang pinandilatan. Si Tito talaga! Ngingisi-ngisi lang ito.
Si Yaya nama'y tahimik. Hindi kasi siya marunong mag-English. Pinapaliwanag pa ni Tita ang pinag-uusapan namin sa kanya. Wala ding kibo si Papa. Pero mataman niyang pinagmamasdan si Brian.
"If that would be all right with her, that would be great," at sinulyapan ako ulit. May kung anong kislap sa mga mata nito.
"Sure, why not," sagot ko. Medyo napilitan.
Bahagya akong naasiwa dahil hindi pa rin kumikibo si Papa. Nag-aalala ako na baka di niya nagustuhan itong biglaang pagbisita sa amin ni Brian. Pagkatapos ng nangyari sa akin, may rason siyang kabahan.
Nagkuwento si Brian tungkol sa childhood niya sa York. Wala daw siyang natatandaan masyado sa Pilipinas kahit na dito siya pinanganak dahil beybi pa lang daw siya nang maghiwalay ang mga magulang. Dinala nga daw siya ng ama sa lugar nito.
"Did your Dad tell you that your mother is a Filipina?" tanong ni Tita.
"Yeah. He also kept a picture of her so I knew how she looked like."
"Did your Dad remarry?" tanong naman ni Tito.
Umiling si Brian. "No, he didn't. I think he was hoping he and Mom would get back together in the future," malungkot nitong sagot. "But that is impossible now."
"I'm sorry to hear that," sabi ni Tita. "Oh, by the way, what would you like to have? We forgot to offer you a drink or some snacks."
"Too bad. We just had our dinner. You could have joined us," ang sabi naman ni Tito.
"Thanks. I just had dinner at the hotel. So I'm good."
"What about something to drink? What would you like to have?" sabi ulit ni Tita. Tapos binalingan si Yaya. Ano daw ba ang juice na nasa ref.
"May apple juice dun, Ma'am. Yon na lang po ba?"
Binalingan ni Tita si Brian kung okay lang ang apple juice. Tumango lang ito at sumulyap kay Papa. Naramdaman ko ang pagkaasiwa niya dahil ang pinakaimportanteng tao na nandoon ay hindi pa rin kumikibo.
Mayamaya pa narinig kong may sinasabi si Papa kay Tita. Nagkatinginan kaming dalawa. Kaagad namang tumalima ang tiyahin ko. Nagpaalam na ito kay Brian. Dinala pati si Tito. Mayamaya pa dumating na si Yaya na may dalang juice. Pagkahatid sa juice nagpaalam na rin ito sa amin.
Napasulyap sa akin si Brian nang kaming tatlo na lang ang naiwan sa sala. Medyo kinakabahan ako. Si Brian naman ay mukhang okay na. Hindi na ito mukhang kabado.
"I-iha, d-di b-ba mm-may c-cake p-pa t-tayo d-dun? B-Bat di mm-o bb-igyan ang b-bisita m-mo?"
Naintindihan kong gusto lang akong umalis ni Papa para makausap niya si Brian. Kaya tumayo na ako at nagsabi kay Brian na ikukuha ko siya ng cake. Ni hindi ko na hinintay pa ang sagot niya.
Si Tita pala at Yaya ay nasa kumedor lang. Pasilip-silip sa sala.
"Hoy, ano ba kayo!" asik ko sa kanila. Sinundan nila ako sa kusina.
"Iha, nanliligaw ba siya sa yo? Hindi mo yata nabanggit sa amin ito, a."
Lihim kaming nagkatinginan ni Yaya. Siya lang kasi ang nakakaalam ng lahat.
"Hindi ko po alam," sagot ko. Na totoo naman. Dahil walang malinaw sa amin ni Brian. Wala kaming napag-usapan.
Napakunot-noo si Tita. "Papanong hindi mo alam? Pwede ba naman yon? Susundan ka ba naman dito kung hindi siya nanliligaw sa yo? Ba't siya mag-aaksaya ng panahon sa yo kung wala naman pala siyang balak na ligawan ka?"
"Medyo komplikado po kasi. Saka ko na lang po ipapaliwanag sa inyo kung sigurado na po ako."
"Tingin ko naman, he's a good man. Iba ito kaysa dun sa nauna mong nobyo. I have a feeling na totoo kang mahal nito. Kaya huwag mo nang pakawalan," nakangiti nitong sagot. Hindi na ako pinilit na mag-esplika.
Mayamaya pa, dumating si Tito at tinawag na si Tita. Nagpaalam na rin sa akin si Yaya na papasok na rin sa kuwarto niya.
Sinilip ko muna ang dalawa sa sala mula sa kumedor. Nakita kong napapatawa paminsan-minsan si Brian. Aba, himala. Mukhang magkasundo na sila ni Papa. Lihim akong natuwa.
Medyo tinagalan ko ang pagkuha ng cake para may pagkakataong makapag-usap nang maayos ang dalawa. Sinilip ko muna sila mula sa kumedor kung okay nang pumasok. Mukhang okay na.
"Here's your cake," sabi ko kay Brian.
"Thanks, babe," sagot nito. Napamulagat ako. Anong babe ka dyan? Marinig ka ni Papa! Pasimple kong sinulyapan si Papa. Nagpatay-mali ito. Walang reaksyon. Tiningnan ko naman nang makahulugan si Brian. Nginitian lang ako.
Nang makaupo na ako sinabihan ako ni Papa na gusto na niyang magpahinga. Pinapatawag niya sa akin si Yaya. Nagboluntaryo akong ako na ang maghahatid sa kanya sa kuwarto niya pero di ito pumayag. Wala daw maiiwan kay Brian.
Tumayo ako uli at tinawag si Yaya.
"Ilang beses akong inusisa ng Tita mo kanina kung anong alam ko sa inyo ni Brian. Wala akong sinabi sa kanya," at napahagikhik ito.
"That's good, Yaya. Baka mausog pa," at napangiti na rin ako.
Nang kami na lang ni Brian sa sala, nakaramdam ako ng pagkaasiwa. Papano ba ako aakto? Ia-assume ko na bang nanliligaw ito sa akin?
"I like your family," kaagad na sabi niya nang makaupo na ako. "They're all wonderful. Your dad is awesome. I remember my Dad in him."
"T-thanks. I hope Dad didn't give you a hard time," nakangiti kong sagot.
"Nope. I loved talking to him," nakangiti namang sagot nito.
"What did you guys talk about?" naku-curious kong tanong.
"You will know in due time," sagot nito. Pinilit ko pa sana pero ayaw talaga sabihin. Napasimangot tuloy ako. Natawa ito sa akin.
"You're cute when you frown like that."
Lalo lang akong nag-pout.
"You're so far. Why don't you sit here beside me," at tinitigan ako nang malagkit. Nag-init ang pisngi ko. Pinamulahan pa yata ako. Tumayo ako pero nakayuko. Kunwari tinitingnan ang nilalakaran ko pero gusto ko lang ikubli ang pamumula ng pisngi. Naupo ako sa tabi niya. Pero nilagyan ko ng espasyo sa pagitan naming dalawa.
"Who was that prankster who was bothering you this morning?" tanong nito.
"Just a random caller," pagsisinungaling ko.
"Really? A random caller only calls once. But the guy seemed to be persistent based on how angry you were when you answered my call. It seemed like he had already called you a number of times...He even sent you text messages."
Hinarap ko siya at nginitian nang ubod-tamis. "I'll tell you in due time."
Napakagat siya ng labi. Parang pinipigilan ang pagngiti. Akala mo, ikaw lang ang marunong umiwas sa pagsagot, ha.
"Even if you wouldn't tell me, I have a feeling he was a former flame," hirit pa rin nito. Nagkibit-balikat lang ako. Tine-tempt yata ako nitong magkuwento.
"By the way, why did you come here? If I have known, I could have suggested we travelled together. It would have saved you a lot of time in finding our place. We could have also offered you our home."
"Really? Your aunt would have allowed a stranger to stay in her house?" paninigurado nito.
"Why not? Your mom was very kind to me. We could have returned the favor," sagot ko naman.
"Actually, I had no plan at first. But then when it rained heavily after you left, I got so worried. I wanted to see for myself that you have arrived safely," sagot nito. Kakamot-kamot sa ulo. Mukhang nahiya dun sa rason niya.
"You have called me and I assured you I was all right," pagpapaalala ko sa kanya.
"Yeah, but I was already on my way to Cebu then," nakangiti naman nitong sagot.
Ganun? Tapos, di ka pa aamin na pareho din tayo ng nararamdaman? Ano ba talaga? Pwede klaruhin mo? Ano ba plano mo?
"I missed you a lot," halos pabulong nitong sabi sa akin at umisod para makalapit pa sa akin. Umurong naman ako nang konti. Pero hinagip niya ang kamay ko at pinisil. Tsaka tinitigan ako. Nag-init na naman ang mukha ko. Napayuko ako.
"You always say about a lot of things but ___," kinakabahan ako. Pwede ko ba siyang sumbatan? He's leading you on, dapat lang na malaman mo ang totoong pakay niya sa yo, no. You go, girl! "Have you forgotten you're engaged?" at nag-angat ako ng mukha. Tinitigan ko din siya.
"I know," sagot niya. "But I like your company a lot... I've gotten used to have you around that it's hard when I don't see you..."
Hinintay ko ang karugtong nun. Pero imbes na magpatuloy, napayuko ito nang bahagya at napabuntong-hininga.
"And?" medyo naiinis kong tanong. Lagi na lang ba niya akong bibitinin?
"I don't know," at napabuntong-hininga ito. Tama ba ang narinig ko? I don't know daw? Anong klaseng sagot yon? Lalo lamang akong nabitin.
"You don't know?" panggagagad ko sa kanya.
"M-Maiko is a sweet girl," mahina niyang sabi. Na nagpakulo ng dugo ko. Hindi ko na gusto pang marinig ang karugtong nun.
"Okay," putol ko sa sasabihin pa niya. Klaro na sa akin ang lahat. Gusto niya ako pero di niya kayang iwan si Maiko dahil she's a sweet girl. Nakakagigil.
Sinubukan niya uling hawakan ang kamay ko. Pero binawi ko agad ito. Hindi na maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko inuuto lang niya ako. Hindi naman pala niya kayang iwan ang nobya pero nakikipag-flirt pa sa akin? Pinapaasa ako? Wala ba itong hiya?
"I want to be sure first before anything else. When we get back to Okayama, I'll explain everything," sabi uli nito. Pero wala na itong sense sa akin.
Bakit kailangan pang hintaying bumalik kami sa Okayama para mag-explain? Di ba pwedeng i-explain na ngayon?
"There are still a lot of things I want to be sure about," paliwanag pa nito nang makita ang ekspresyon sa mukha ko. Siguro nabasa niya ang laman ng isipan ko.
Nagkibit-balikat ako. Bola.
**************
AN: Oo nga. Bakit kailangang sa Okayama pa mag-e-explain? Do you think binobola ni Brian si Alex?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top