Chapter Twenty-One - Suite

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

**********************************************

Wala akong sinabihan bukod kay Rhea na sasamahan ko sa Pilipinas si Brian. Pero naamoy pa rin nila Ricardo at David ang dahilan ng ora-orada kong pag-uwi. Hindi ko pinansin ang panunukso nila. Pero siyempre sa kaibuturan ng aking puso iniisip ko na sana nga'y magdilang anghel silang dalawa. 

Dahil alas nuweba y medya nang umaga ang alis ng sasakyan naming eroplano papuntang Pilipinas, nagpasya kami ni Brian na mag-hotel na lang malapit sa Kansai Airport para hindi kami magahol sa oras. Nag-shinkansen (bullet train) kami papuntang Osaka at nag-JR Rapid Train na pagkatapos hanggang sa nasabing paliparan. Pagdating namin sa hotel, nag-check in kami kaagad.

Nakita ko na nakikipagdiskusyon si Brian sa receptionist. Hindi ko sila maintindihan dahil parehong nagja-Japanese pero halatang medyo naaasar si Brian sa babae. Kaya di ko naiwasang magtanong. 

"What's wrong?" Medyo nababahala na rin ako. 

Sumulyap lang sa akin ang mokong at hinarap uli ang babae. Naawa ako sa receptionist. Kasi hirap na hirap na itong magpaliwanag kay Brian. Mukha kasing uminit agad ang ulo ng huli. Pero after a few minutes, mukhang nagkasundo rin. Nakita kong tinanggap ni Brian ang card ng room namin. Teka, isang card lang?

"Where's my key?" tanong ko habang naglalakad kami papuntang elevator. Kabuntot namin ang bellboy na may dala ng mga bagahe namin.

Walang kibong tinaas ni Brian ang nag-iisang card.

"But that's your room card, right?" naguguluhan kong tanong. Tumango siya at pumasok na sa kabubukas na elevator. Sumunod ako sa kanya. Tapos ang bellboy.

"Then, where's mine?" pangungulit ko.

Hindi na naman siya sumagot. Sumulyap lang sa akin tapos tumingin sa harap. Pagbukas ng elevator, naunang lumabas ang bellboy. May sinabi dito si Brian at tumango naman ito. Nauna na ito sa aming dalawa. Mayamaya pa tumigil kami sa harap ng isang pintuan. Inislayd ni Brian ang card sa gilid ng doorknob at bumukas ito. Pinasok ng bellboy ang mga gamit namin sa loob tsaka umalis na rin.

Napasulyap ako sa isang malaking kama sa gitna ng kuwarto at napakunot-noo.

"Don't tell me we're going to share a room tonight?" tanong ko. 

"You've seen me argued with the receptionist, right? This is the reason why. I booked for two single rooms for tonight online and it went through. I don't know why they're giving us this suite for honeymooners," walang ka emo-emosyong sagot sa akin ni Brian. 

Kaya pala mainit agad ang ulo niya nang kinakausap kanina ang receptionist. Papano na kami ngayon? Nanay ko, ano po ang gagawin ko? Baka ako po ang hindi makapagpigil. Pinilig-pilig ko ang ulo. Ano bang pinag-iisip ko. 

"Don't worry," sabi sa akin ni Brian nang sumulyap uli ako sa nag-iisang kama sa kuwarto. 

"Are you sleeping on the couch?" tanong ko nang makita ang malapad na couch sa di kalayuan. Okay na rin itong tulugan. Kasya din si Brian doon. Siyempre, ako na sa kama no? Ako ang babae, dapat lang. 

"No way! I paid for this room so I will sleep on the bed," sabi nito agad.

"But I want to sleep on the bed, too!" himutok ko.

"No one's stopping you. It's a huge bed. It can even accomodate four people in it. So it's okay."

"With you on the bed?" tanong ko. Naiinis. 

"Why not? Don't worry, you're safe with me," sabi nito at pinasadahan pa ako ng tingin bago nagtungo sa banyo. 

Napatingin tuloy ako sa hitsura ko. Feeling ko kasi parang ini-imply niya na hindi ako magiging problema para sa kanya nang pinasadahan ako ng tingin kanina. Nakakaasar! Mukha na ba akong manang? 

Tiningnan ko pa ang hitsura sa salamin. Babaeng-babae naman ang dating ko, a. Nakapantalon ako ng skinny jeans at white blouse na maikli ang manggas. Pinaresan ko iyon ng sandals na may maliliit na straps. Halos litaw lahat ang mga daliri ko sa paa. Mukha nga akong dainty sa get up ko. Anong problema ng lalaking yon? 

Lord, parang di ko kayang katabi siya sa kama. What should I do? Naupo ako sa kama. Nag-isip ng maaari kong gawin. Bago ka magmuni-muni dyan, mag-freshen up ka kaya muna? Ang lagkit mo na e! Tsaka medyo amoy-pawis ka na rin.

Kumuha ako ng pampalit sa maleta. Naisipan kong mag-shorts at sando lang. Pero baka isipin ng mokong na yon na inaakit ko siya kaya kumuha ako ng pajama at maluwang na t-shirt. Kailangang hindi bakat ang katawan ko. Mahirap nang mapagkamalang lumalandi. Ang sabi nga nila, the more obvious you are of your feelings, the less attractive you become. Pero kailangan bang magmukhang pindangga talaga? Binalik ko ang t-shirt sa loob ng maleta. Pinalitan ko ng one-piece cotton night wear na umabot hanggang tuhod ko. Di naman masagwa dahil makapal naman ang tela at magba-bra naman ako.

Napalunok ako nang ilang beses nang niluwa ng banyo si Brian. Nakahubad ito at tanging tuwalya lang ang bumabalot sa pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan. May hawak-hawak itong face towel na pinupunas-punas sa ulo. Napatingin ako sa well-defined abs niya. At napalunok ulit. Lord, ba't mo ko pinaparusahan? 

"You nearly got married before. I know this is not your first time to see a half-naked man so stop staring," sabi nito nang malapit na siya sa akin. 

Nag-blush ako. Tumayo ako at dinampot na ang pampalit ko at tinungo na rin ang banyo. Pero bago ako makapasok, nilingon ko siya sabay sabi ng, "I was not staring at you. Why would I stare, anyway?"

Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil malakas ko nang isinara ang pinto. Nangarag kasi ako dahil sa nakita.

Nang pinapahiran ko na ng tuwalya ang basang katawan, saka ko napansin na wala akong dalang undies! Pambihira ka, Alex! Ang tanga mo! Papano kaya ako lalabas nito?

Kinapalan ko na ang mukha. Mahigpit kong binalot ng tuwalya ang katawan at nagtip-toe ako palabas. Nakita kong nakahiga na sa kama si Brian. Naka-t-shirt ito ng puti tsaka ang pang-ibabang bahagi ng katawan ay natatakpan ng kumot. Pero litaw ang balahibuhing binti. Nakapatong ang isang braso sa mga mata. Hay, salamat Lord. Tulog na ata siya.

Dali-dali akong naghalungkat ng maisusuot na undies sa maleta ko atmabilis na bumalik ng banyo. Paglabas ko, nakabihis na rin ako at na-blow dry ko na rin ang buhok. Hinayaan ko lang itong nakalugay.

Hindi pa rin nagbabago ang posisyon ni Brian sa kama. Sa gitna pa talaga humilata. Wala tuloy akong mapupuwestuhan. Pagod din ako, a. Lumapit ako at dahan-dahang kumuha ng unan. Pero bigla na lang itong tumagilid paharap sa akin kung kaya di ko yon nakuha. Naipit kasi ng braso niya. Nakakaimbyerna na!

Sinubukan ko ulit kunin nang dahan-dahan ang unan. Pero ganun na lang ang pagkabigla ko nang napadilat ito at tumingin sa akin. Iyong tingin ng naalimpungatan.

"What are you doing?" inaantok na tanong nito.

"I was just going to get some pillow. I want to rest, too. I'll sleep on the couch," sagot ko.

"Why on the couch? This is a huge bed," at umisod ito para bigyan ako ng espasyo. "Don't worry. I'm so tired today. I'm not in a mood for anything. Unless you will do the first move, you're safe with me," dugtong pa nito sa inaantok pa ring boses.

"What?!" tanging naisagot ko.

Hinarap ako ulit nito. Namumungay pa rin ang mga mata. "You heard me."

Kinuha ko ang unan at tatalikod na sana nang narinig ko na namang nagsalita ito. "Scared that your body will defy you? Is that why you want to sleep on the couch? Because you know you can't keep your hands off me?" hamon nito sa akin. Gising na gising na ang mokong.

Nagpanting ang tenga ko. Ako, matatakot sa kanya?Of course not! "Dream on, Brian. You're pretty safe with me. I would rather touch the bellboy than touch you!"

Napatawa ito sa sinabi ko. "Really?" hamon pa at nginitian ako. Nagtatatalon na sa kalibugan ang maharot kong puso. Pero kailangan ko pa ring magpigil. Hihilata na sana ako sa couch nang maisip na nagmumukha naman akong umiiwas nito. Para patunayan ko sa kanya na wala siyang epek sa akin, bumalik ako sa kama at hinagis dun ang unan. Saka binagsak ko dun ang katawan. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa nang gumalaw-galaw ang kama sa impact ng pagbagsak ko. Wala daw akong finesse. Bahala ka sa buhay mo! Hinila ko ang kumot mula sa kanya at nagtalukbong na. Nakatalikod pa rin.

Dahil sa pagod, nakatulog agad ako. Nagising na lang ako nang maramdamang may marahang yumuyugyog sa balikat ko at may mainit-init na dumantay sa noo ko. Nang idilat ko ang mga mata, nakita kong may mukhang nakatunghay sa akin. Si Brian! Napabalikwas agad ako. Kaya nagkauntogan ang mga ulo namin.

"What were you doing?" naiinis kong tanong.

Hinihimas-himas rin niya ang ulo nang sabihan akong, "You're crazy! I was just trying to wake you up. You did not respond when I was trying to tap your shoulders so I tried to kiss you," nakangising sabi nito.

Tiningnan ko siya nang masama. Halik lang kaya ang ginawa nito? Wala kaya itong hinawakang kung ano? Naningkit ang mga mata ko. Tinanong ko siya.

"Of course not! Why would I do that? I don't take advantage of sleeping women. C'mon get ready. Let's have dinner downstairs," sagot nito at tumayo na.

Nakita kong nakabihis na ito. Nakamaong jeans at polo shirt ng kulay asul. Simpleng get up pero mukha pa ring modelo ng Ralph Lauren.

Mukha namang  nagsasabi siya ng totoo kaya di na ako nagpumilit sa paratang ko. Bumangon na lang ako at naghanap ng maisusuot.

"I'll wait for you downstairs," sabi nito at tinungo na ang pintuan. Sumulyap pa muna siya sa akin bago lumabas.

Black skirt na above the knee ang pinili kong isuot. Tinernuhan ko ito ng sleeveless white blouse at nag-flat sandals na may maliliit na straps na umeekis sa paa ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok. Nang pinuntahan ko sa lobby ng hotel si Brian, napansin kong maraming nakatingin sa aking mga panauhin din ng hotel. Karamiha'y lalaki. Narinig ko pa ang isang tinedyer na babae na nagsabi sa kasama niya ng "Kawaii ne (Ang cute niya no?)" habang nakatingin sila sa akin. Ngumiti ako sa kanila.

Titig na titig si Brian sa akin habang papalapit ako. Na-conscious tuloy ako. Tumayo siya nang malapit na ako sa kanya at naglakad kami sa dining area ng hotel para sa buffet dinner. Sari-sari ang pagkaing nakahanda. May Japanese at mayroon ding Western.

Naunang bumalik sa table namin si Brian. Nang dumating ako, may kausap itong ginang na sa tingin ko ay isang Amerikana base sa accent ng English nito. Ngumiti ito sa akin kaya ngumiti din ako sa kanya.

"You have a lovely wife here," sabi ng babae kay Brian. Bago pa makareact ang mokong, kinakausap na ako ng ginang.

Tumingin ako kay Brian. Nagtatanong ang mga mata ko. Nagkibit-balikat lang ito at nagsubo na ng sushi.

"Enjoy your stay here in Japan. This is a lovely country," sabi pa ng babae bago kami iwan nito.

"Who was that?" tanong ko.

"She just came to me and talked. She thought I was here on my honeymoon. So when she saw you, she immediately assumed you're my wife," walang kaemo-emosyong pagpapaliwanag nito.

Napagkamalan kaming mag-asawa? Hmn, I like that.

Habang kumakain, pinapakiramdaman ko siya. Ano kaya ang iniisip nito? Masaya akong napagkamalan kaming mag-asawa. Siya kaya?

Natigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang phone ni Brian. Kilala ko ang ring tone na yon. Malakas ang kutob ko na si Maiko ang tumawag. Mayamaya pa, narinig kong nag-'hello honey' na ang mokong. Si Maiko nga!

"Yeah, I'll call you when I get there. Don't worry, honey. I'll be safe," narinig kong pamamaalam niya sa nobya. Shit! Malutong na 'honey' pa rin ang tawagan. Ibig sabihin, walang nabago. Ano naman ang ini-expect mo? Siguro init lang ng katawan ang naramdaman niya para sa yo. Kaya hwag ka nang masyadong umasa pa.

Hindi na rin ako nagsalita. Nabubuwisit ako. Sumama ako sa kanya dahil inisip kong kahit papano ay may something na between us. Pero mukhang guniguni lang namin yon ni Rhea.

"Are you okay?" tanong nito

Tumango ako. "Yeah."

"Are you sure?" paniniguro nito. Tinitigan akong mabuti.

"I'm okay," naiinis kong sagot. "Why would I be otherwise?"

"I thought you were jealous," nakangisi nitong tanong. May kapilyuhan sa mga mata.

"Why would I be jealous?" ganting tanong ko agad. Medyo napataas pa ang boses. Lalo akong nainis nang makita ko itong nagkibit-balikat lang. "I'm not jealous!"

Tumingin siya sa akin ulit. At ngumiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top