Chapter Twenty-Nine - Bombshell
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
***************************************
Medyo naging mahirap ang pag-alis ko ng Cebu this time. Sa maikling sandaling nakapiling ko uli ang pamilya ko, lalung-lalo na ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko, ang Papa at si Yaya, nahirapan akong iwan silang muli. Pero inisip ko na lang na kailangan ko pang mag-ipon para sa pampagamot sa aking ama at sa naisangla naming bahay at lupa. At naisip ko rin na sa pupuntahan ko naghihintay naman ang lalaking pinakamamahal ko. Kaya kahit papano'y nagkaroon din ako ng lakas ng loob na bumalik.
Pagkababa ko ng Kansai Airport, tinurn-on ko na ang cell phone ko. Inulan ako ng sangkaterbang text. Karamihan galing kay Rhea at sa tatlo kong kaibigan na sina David, Macky, at Ricardo. Dalawa lang ang mula kay Brian. Disappointing.
Ang unang mensahe ni Brian ay maikling, "Hello, how are you" lang. Ang sumunod ay tanong kung nakarating na ako sa Kansai Airport. Mga mensaheng walang kalatuy-latoy. Pero tinext ko siya kung gaano ko siya na-miss. Sinabi ko rin na looking-forward ako sa pagkikita namin nang gabing yon. Pero wala akong natanggap na reply.
Habang papalapit sa Okayama ang sinasakyan kong Shinkansen (bullet train), hindi ako mapakali. Sa kabila ng lahat, excited akong makita siya. Ini-imagine ko na ang hitsura niya habang naghihintay sa akin sa parking lot malapit sa JR Okayama station. Parang ang tagal naming di nagkita. Kung tutuusin ilang araw lang naman.
Hila-hila ang maleta, halos tinakbo ko na ang exit papunta sa parking lot. Palinga-linga ako nang makarating ako dun. Mayamaya ay nakita ko na ang pamilyar na kulay puting Toyota Prius. Napangiti ako. Lumapit ako sa kotse. Nagbukas ang pintuan sa bandang driver's seat. Pero ganun na lamang ang pagkabigla at panlulumo ko nang hindi si Brian ang bumaba kundi si Andrew, ang British Taiwanese na kasamahan din namin sa trabaho.
"Hey, Alex. Nice to see you again. Welcome back," nakangiti nitong bati sa akin.
"Hey," tipid kong bati. Ngumiti ako sa kanya kahit ang sama na ng pakiramdam ko. Ni wala na ngang reply, hindi pa ako sinipot.
Tinulungan ako ni Andrew sa mga dala ko at pinagbuksan pa ng pintuan sa bandang passenger's seat. Gentleman din ang kumag.
"Thank you for picking me up here," sabi ko sa kanya nang nasa loob na kami pareho ng kotse. Hindi pa rin ako nagtanong kung bakit siya ang sumundo. Medyo nag-aalangan pa rin ako.
"You're welcome. Brian wanted to come himself but he was very busy. He's still in the hospital, you know. But Maiko and the baby are doing okay now. So I think she will be discharged soon," sagot nito. Parang nagkukuwento lang ito ng tungkol sa weather. Walang preno at napaka-casual. Pero parang bombang sumabog sa pandinig ko ang mga sinabi niya. Pakiramdam ko may dumaklot sa puso ko at piniga ito.
Maiko and the baby?!
"Why? What happened to them?" tanong ko sa kontroladong boses. Pinilit ko ring hwag magpaapekto. Kunwari'y casual lang din ako.
"Oh, Brian didn't tell you? Maiko was rushed to the hospital because she bled. At first, we thought she will lose the baby. But thank God she was brought to the hospital right away."
Kaya pala ora-oradang bumalik ng Okayama si Brian. Hindi lang pala dahil kay Maiko kundi sa kanilang magiging anak.
Hindi ko alam kung papano kami nakarating sa bahay. Lumilipad ang aking puso't isipan. At napakabigat ng aking pakiramdam. Para akong pinagsukluban ng langit at lupa.
Mabibigat ang mga paang tinungo ko ang banyo. Naligo ako para mapreskuhan at maibsan ang labis na kalungkutan. Pinipilit ko ang sariling kalimutan ang mga sinabi ni Andrew pero parang broken record ito na paulit-ulit kong naririnig. "Oh, Brian didn't tell you? Maiko was rushed to the hospital...she will lose the baby. ....the baby....the baby."
Hindi ko na nakayanan ang bigat ng dinadala. Napaupo ako sa harap ng shower. At napahagulgol. Hindi ako dapat nagkakaganito. Dapat sa simula pa lang naihanda ko na ang sarili sa ganitong sitwasyon. Kung ang lalaki ngang akin na ay naagaw pa ng iba, how much more yong may nagmamay-ari ng iba?
Buti na lang Sabado the following day. Kaya kahit tinanghali ako ng gising, okay lang. Tinamad akong kumain kaya nagkape na lang ako. Mayamaya pa, nag-ring ang telepono. Si Ate Beth ang unang tumawag.
"Nakabalik ka na pala. Kumusta naman ang Iloilo?" masiglang bati nito sa akin.
"Okay naman. Ang ganda ng siyudad nyo, Ate. Nag-enjoy talaga ako dun," sagot ko naman. Pinilit kong pasiglahin ang boses para hindi niya mahalata ang aking pinagdadaanan.
"Oo naman, no. Maraming old structures sa Jaro. Historical kasi yan. Naipasyal ka ba nila sa Jaro Cathedral? Dyan kami ikinasal ng asawa ko. Ang ganda, di ba?" buong pagmamalaki nitong sabi.
"Oo nga e," sang-ayon ko sa kanya. At nagpaalam na. Sinabi kong marami pa akong gagawin.
Ang sumunod ay si Rhea.
"Hey, girl. How are ya?" at tumawa ito ala-Whoopi Goldberg.
Kahit masama ang loob, napangiti niya ako. "Not bad," sagot ko.
"Hey, do you any have plans today? Do you wanna watch a movie in Aeon?"
"Sorry, Rei. I have a ton of things to do. Some other time," tanggi ko. Hindi naman ito namilit. Pero nagtanong kung pwede niya akong dalawin. Tumanggi din ako. Sinabihan ko siyang hindi ko siya mahaharap dahil may aasikasuhin pa ako. Pero sa totoo lang ayaw ko lang may makasaksi ng paghihirap ng aking kalooban.
Ang kaisa-isang taong hinihintay kong tumawag ay hindi man lang nakaalala. Gusto ko na siyang tawagan at murahin sa telepono pero nagtimpi pa rin ako. Ayaw kong magmukhang naghahabol. Baka nga hindi naman siya ganun ka seryoso sa akin. Ayaw kong magmukhang pathetic.
Pagkahapon, tumawag ang mga kaibigan ko. Niyayaya akong maglakwatsa sa Okayama at magdinner kami together. Tumanggi din ako. Sinabi kong may jetlag pa ako.
Nagmukmok ako sa bahay buong araw ng Sabado. Pinatay ko ang cell phone at tinanggal ang koneksyon ng home phone para hindi ako maistorbo sa maya't maya'y tawag ng mga kasamahan. Wala rin namang kuwenta ang mga teleponong yon dahil ang taong gusto kong makausap ay hindi na ako naalala.
Kinaumagahan, maaga akong nagising. Magsisimba ako sa Muromachi. Dapat tuloy pa rin ang buhay. Hindi ako dapat nagmumukmok. Dahil Brian doesn't deserved to be cried over. Bwisit siya! Hindi siya naging honest sa akin. Puro lang siya empty promises!
Halos mag-a-alas dos na nang hapon nang umuwi ako. Pagkatapos kasi ng misa ay naisipan ko pang mamasyal muna. Gusto kong kahit papano'y maiba naman ang paligid ko.
Malayo pa ako sa bahay, natanaw ko na ang puting Toyota Prius. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Ang init ng panahon at pananabik sa may-ari ng kotse ay naghalo-halo para lalong humulas ang aking katawan. Ano ka ba? Hindi ka na dapat nagkakaganito sa lalaking yan. Huwag kang gullible. Pero ang isang bahagi naman ng pagkatao ko ay iba naman ang sinasabi. In love, you need to have faith. You have to listen to your heart more... The heart sees what is invisible to the eye.
Nang pumasok na ako sa parking lot namin, umibis na sa sasakyan ang nagmamay-ari ng kotse. Naka-tshirt ito ng puti at nakapantalon ng maong. Naka-sunglasses. Nilampasan ko siya,
"Hey, Alex!" tawag niya sa akin.
Dali-dali akong umakyat sa apartment ko. Pagkapasok ay sinara ko agad ito. Narinig kong nag-buzzer si Brian. Ilang beses. Nakasandal lang ako sa pintuan. Nakapikit. Umalis ka na!
"I will be waiting here until you open the door even if it takes forever..." sabi niya.
Nagpunta ako sa banyo. Naghilamos. Nagpunas na rin. Letse, amoy-pawis pala ako. I was hoping na wala na siya nang matapos akong magpunas at magbihis ng pambahay. Pero mayamaya uli ay narinig ko ang buzzer.
"Alex, we have to talk. Open the door, please."
Hindi ko siya pinansin. Bahala kang manigas dyan. Hindi mo na nga ako sinundo. Ni hindi ka pa tumawag. Nagsend ka lang ng lousy text. Ano yon? Yon lang ang worth ko sa yo? Isang simpleng "how are you?"
Mayamaya ay narinig ko ang mga mabibigat na hakbang ng papalayong lalaki. Nakahinga ako nang maluwag. Decided na akong huwag siyang harapin. Baka kasi magbago na naman ang isipan ko. To hell, with having faith. I followed my heart blindly before. Ano'ng nangyari sa akin? Hinding-hindi ko na hahayaang mangyari uli sa akin yon. Once is enough.
Binuksan ko ang TV at sumalampak na sa sofa. Mayamaya uli, may narinig na naman akong buzzer. Aba, ang lakas ng fighting spirit ng mokong. Hindi ko pinansin. Pero may boses babae akong naririnig. Pinakinggan ko. Parang matinis ang boses a. Hininaan ko ang TV at lumapit sa may pintuan.
"Alex. Alex. Nandyan ka ba?" narinig kong tawag mula sa labas.
Ay, si Ate Beth! Hindi na ako nag-isip pa. Binuksan ko ang pinto. Pero ganun na lang ang inis ko nang makita na kasama nito si Brian.
"Sorry, Alex. Nagmakaawa kasi sa akin, e. Hindi ko siya natiis. Alam mo namang hindi ko mahihindian ang poging ito," at kinurot pa sa pisngi si Brian.
Nginitian ni Brian si Ate Beth at hinalikan pa sa pisngi. "Thanks, Ate Beth."
Hindi na hinintay ni Ate Beth ang sagot ko sa paghingi niya ng paumanhin. Dali-dali itong bumaba. Pagkaalis niya, tinulak ko na pasara ang pintuan pero dahil hinarang ni Brian ang kalahating katawan nito hindi ko maipinid ang pinto. Wala akong nagawa kundi papasukin na lamang siya.
Tiningnan ko siya nang masama. Noong Biernes pa ako nakarating, ngayon niya lang naisip dumalaw? At iniisip na okay lang yon sa akin? Nakakabuwisit siya.
Kumunot ang noo ko nang makita ang matinding pagnanasa sa kanyang mga mata. At nahagip ng tingin ko ang mga titig niya sa ....Shit! Wala pala akong bra. Awtomatikong napakurus ang mga braso ko sa aking harapan.
"Ang bastos mo!" mura ko sa kanya. At dali-dali akong pumasok sa kuwarto para kunin sana ang tinanggal kong bra at isuot muli. Pero dinaklot niya ang braso ko at mabilis akong naikulong sa mga bisig. Bago ko pa mamalayan ang gagawin niya, naramdaman ko na ang mga labi niya sa labi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Tinulak ko siya pero lalo lamang niyang hinigpitan ang yakap sa akin hanggang sa naramdaman ko na lamang ang paghina ng aking mga tuhod. Nawalan ito ng lakas. Napakapit tuloy ako sa leeg niya at napapikit.
*****************
A/N: Ngayong buntis na si Maiko, may pag-asa pa kaya si Alex sa puso ni Brian?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top