Chapter Twenty Four - Jealous

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

*******************************

Nakatulog na sana ako nang magulantang sa tunog ng cell phone ko. May tumatawag. Si Benz! Kaagad akong napaupo.

"Oy, bakla!" masigla kong bati sa kaibigan ko. Grabe ang excitement ko. Namiss ko ang baklita. Patay ako nito. Nakalimutan ko siayng tawagan agad. Nawala sa isipan ko. Sobra akong abala sa mga alalahanin ni Brian.

"Bruha ka! Kung di pa ako tumawag, ni hindi mo naalala na may isang baklang naghihintay sa yo sa Pilipinas," kunwari'y galit na sagot nito sa akin.

"Sorry. Busy lang kasi masyado. Pero plano kong dumaan sa boutique mo sa Makati before I go back to Okayama. Promise ko sa yo yan," sagot ko naman sa malambing na boses.

"Magkikita tayo ngayon. Nagbibiyahe na kami papuntang Iloilo. Nagpunta akong Boracay. Di ko ba nasabi sa yo? May wedding akong inasikaso. Beach wedding ng isang starlet," kaswal nitong kuwento tapos parang natigilan.

Alam ko na kung bakit. Inisip siguro nitong apektado pa rin ako nung naudlot kong kasal apat na taon na ang nakakalipas.

"Bruha! Okay na sa akin, oy! Wala na akong pakialam sa lalaking yon," at tumawa pa ako para i-reassure si Benz na wala ng kaso sa akin ang lahat.

"Okay. Good to hear that. Pumunta ka ngang SM City. Dun na lang tayo magkikita. Malapit na kami sa Iloilo," sabi nito bago nagpaalam.

Alas dos pa lang ng hapon. Hindi pa nakakauwi mula sa work niya si Helen. Kakaalis lang din ni Kelly. Sino ang maghahatid sa akin papuntang SM City?

Nagbihis muna ako. Saka ko na lang poproblemahin kung papano pumuntang SM. Ang alam ko malapit lang siya sa Jaro, kung saan ang bahay nila Tita Alicia. Magta-taxi na lang ako siguro.

Paglabas ko ng kuwarto, nakita ko sa may sala sina Brian at mama niya. May kausap silang lalaki. Parang pamilyar sa akin ang mukha ng naturang mama. Parang nakita ko na dati.

Napalingon silang lahat nang mapansin ang pagdating ko.

"Ah, andyan ka pala, iha. Halika at ipapakilala kita sa Tito Mando mo. Siya ang asawa ko. Mando, ito nga pala si Alex, kasamahan ni Brian sa Okayama. Siya ang nakahanap sa atin. Siya ang dahilan kung bakit nagkita na rin kami sa wakas nitong anak ko," pagpapakilala sa akin ni Tita Alicia.

Ito pala ang asawa niya? In fairness, kahit matanda na may hitsura naman pala. May dahilan din pala si Tita Alicia kung bakit natiis na iwan ang anak. Siguro nung kabataan ni Tito Mando, di hamak na magandang lalaki ito. Hindi siya meztiso pero may dating. Maganda ang kayumnagging kulay. Lalaking-lalaki ang aura.

Ngumiti ako sa matandang lalaki. Tsaka nakipagkamay.

"Kumusta ka iha?" bati naman sa akin ni Tito Mando.

"Mabuti naman po," magalang kong sagot. At naupo ako sa tabi ni Tita Alicia. Nasa kabila naman si Brian. Pinapagitnaan namin ang mama niya. Nasa may pang-isahang sofa naman nakaupo si Tito Mando. Malapit siya kay Brian.

Habang nagkukumustahan kami sa Tagalog, tahimik lang kaming pinagmamasdan ni Brian. Paminsan-minsan ay tina-translate ito ng ina sa kanya.

"Sana pagbalik dito ni Brian ay marunong na siyang mag-Tagalog," nakangiting sabi naman ni Tito Mando at binalingan si Brian. Pinaliwanag dito ang sinabi. Ngumiti lang ito. Pero iyong klase ng ngiti na hindi naman umabot sa mga mata.

Palagay ko nagtatalo na naman ang damdamin niya. Mas okay pa nga sigurong hindi ganun ka bait at daling pakisamahan ang asawa ng kanyang ina. Mas madaling kontrolin ang emosyon kung sigurado ka. Mahirap itong gusto mong kamuhian ang taong mabait naman pala at mukhang madaling makapalagayang loob.

Hindi ko alam kung papano ako magpapaalam para pumuntang SM City. Mukhang gusto pa nilang makipagkuwentuhan sa akin.

Nagulat silang lahat nang kumuriring ang phone ko. Sobrang lakas kasi. Nakalimutan kong hinaan. Ginawa ko kasing pang-alarm to kanina kasi balak ko sanang matulog kahit sandali lang.

"Sorry po. Hindi ko po nahinaan kanina," paghingi ko ng paumanhin at tumayo para lumayo ng konti sa kanila.

"Oy Benz. Bakit?" tanong ko agad sa tumawag.

"Nakaalis ka na ba ng bahay? Malapit na kami. In twenty minutes nasa SM City na siguro kami. Hihintayin kita sa Kenny Rogers."

"Sige, sige. Andito pa ako e. Pero paalis na rin," at nagpaalam na rin ako sa kanya.

Hindi ko na kailangang mag-esplika kina Tita Alicia dahil mukhang nahulaan nila ang pinag-usapan namin ng kaibigan ko sa telepono.

"Oo nga po. Kasi nandito din pala siya sa Iloilo. May dumadaan po bang taxi dito sa inyo? O kailangan pang tumawag?" nahihiya kong tanong.

"Ano ka ba? Di na kailangan. Nandito naman ang Tito Mando nyo. Siya na lang ang maghahatid sa inyo sa SM City. Isama mo na rin si Brian para makapamasyal din," sagot ni Tita Alicia.

"Ay, di po ba nakakahiya?" at napasulyap ako kay Tito Mando. Medyo nahihiya.

"Okay lang, iha. Saglit lang at magpapalit lang ako ng t-shirt," at tumayo na rin ito at umakyat sa kuwarto nila.

Binalingan ni Tita Alicia at pinaliwanag kay Brian ang lahat. Tumangu-tango naman ito. Tsaka tumayo. Nagpaalam na magpapalit din ng damit.

Naku, sasama siya. Tiyak na sasakalin ako ni Benz nito pag nakita siya. Ni hindi ko kasi naikuwento ang tungkol kay Brian. Nabanggit ko minsan pero di ko na dinetalye. Mapamahiin kasi ako. Ayaw kong mausog ang kung ano man meron kami ni Brian. Lahat kasi ng naging boyfriend ko na simula't sapol ay blow by blow kung naikuento kay Benz simula sa kung papano kami magmeet at ang lahat ng developments ng love story namin ay nauwi lang sa hiwalayan.

Paglabas ni Brian, naka-t-shirt na ito ng puti tsaka nakamaong jeans. Kahit ganun lang ang suot mukha pa ring Hollywood star. Nakasukbit sa harapan ng t-shirt ang sunglasses niya.

Nun ko lang naalala na nasa kuwarto pa ang bag ko. Nagpaalam ako sandali para kunin yon. Pinahiran ko ang pawis. Gosh! Sobra akong affected dun a. Sinipat kong muli ang hitsura sa harap ng full-length mirror. Mukha naman akong presentable. Hindi naman kahiya-hiya na makasama ang isang tulad ni Brian. Tiningnan ko ang legs ko. Sinipat baka may dumi. Okay naman. Wala. Sinuklay ko muna ang mahaba kong buhok at umikot-ikot sa harap ng salamin bago lumabas.

Nakasimangot na Brian ang nadatnan ko sa sala. Ano na naman ang problema nito? Bakit parang iritado na naman.

"I thought you were just going to get your bag?" salubong nito agad sa akin.

"Yeah," at pinakita ko pa sa kanya ang dala kong shoulder bag.

"It took you that long just to get that bag?" naiirita nitong tanong. Tsaka nang banggitin ang salitang 'bag' ay parang minaliit naman niya masyado ang bag ko. Hoy, Gucci kaya yan. The last reminder of my grand past.

Nadatnan kami ni Tita Alicia na parang nagtatalo. Hinawakan nito sa braso ang anak. Parang inaawat. Nakangiti ito.

"You should get used to us, women," nakatawang sabi nito. "Are you guys ready? Your Tito Mando is waiting for you in the car."

Nun ko lang naintindihan kung bakit nairita sa akin si Brian. Kanina pa siguro naghihintay si Tito Mando sa amin. Naku, nakakahiya nga.

Hindi na ito kumibo. Lumabas na lang din.

Sa harapan siya naupo, sa tabi ng stepfather niya. Ako nama'y sa likuran. Parang nagkapalagayang-loob na ang dalawa. Kung magkuwentuhan ang mga ito'y parang matagal nang magkakilala.

Nang maihatid kami sa SM City ay nagbilin ang Tito Mando na tumawag lang daw kami pag nagpapasundo na. Nagprotesta pa sana kami. Sabi namin, okay lang din sa amin ang mag-taxi pero di ito pumayag. Mahirap na daw kasi pareho kaming hindi taga-roon. Baka maloko lang daw kami ng taxi driver.

Nasa bungad pa lang ng Kenny Rogers, nakita ko agad ang bakla. May kausap ito sa telepono. Nang makita ako'y kaagad itong nagpaalam sa kausap. Tumakbo ako papunta sa kanya at yumakap.

"Namiss kita bakla," maluha-luha kong sabi.

"Mas namiss kita Lexy baby. Kumusta na? Mukhang hiyang na hiyang ka sa Japan, a? Lalong gumanda ang kutis mo," at hinaplos-haplos nito ang pisngi ko.

Kapwa kami napalingon dahil may tumikhim sa likuran namin. Nun ko lang naalala si Brian. Madilim na naman ang mukha nito. Masama ang tingin kay Benz.

"Oh, sorry. I almost forgot. Benz, this is my friend, Brian. We work at the same place in Okayama. Brian, this is my good friend, Benz," pagpapakilala ko.

Palihim akong kinurot ni Benz sa tagiliran. At halatang nagpipigil lang itong tumili dahil maraming tao sa paligid. Pero nararamdaman kong nalaglag ang salawal nito nang makita si Brian. Hindi lang nagpapahalata. Si Benz kasi ang tipo ng bakla na hindi naglaladlad kapag may estranghero sa harap. Kaya akala mo, lalaki lang siya.

"Hi, Brian. Nice to meet you," at nakipagkamay ito. Ganun din ang ginawa ni Brian. Pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon sa mukha. Nababanaag pa rin ang pagkairita nito.

Pinaupo na kami ni Benz. Tinanong kami kung okay lang ba sa amin na dun na kami magmeryenda o maghanap pa ng mas okay na makakainan.

"Dito na lang," sabi ko.

Pinaliwanag namin kay Brian na pupunta lang kami sa counter para mag-order ng food. Tinanong namin siya kung ano ang ipapabili. Imbes na sabihin sa amin ang gusto, tumayo din ito at sumama sa amin.

"Mukhang suplado yan, a," bulong sa akin ni Benz.

"Medyo. Hwag mo siyang pansinin. Ganyan lang yan dahil may pinagdadaanan," anas ko din sa bakla.

"Baka nagdududa sa ating dalawa, di kaya? Baka iniisip na jowa mo ako. Yuck, kadiri! Hinding-hindi kita papatulan," at humagikhik pa ito.

"As if naman papatulan kita. Bwisit kang bakla ka!" asik ko kay Benz.

Nang sumulyap ako kay Brian, nakatitig ito sa amin. Mukhang galit. Halatang nagpipigil lang.

Si Benz sana ang magbabayad ng inorder namin pero di pumayag si Brian. Hinayaan na lang namin dahil mukhang in a bad, bad mood.

Nang bumalik na kami sa table namin, nagkuwento si Benz kung papano kami nagkakilala. Sinabi nito na naging designer ko siya nung magdebut ako at since then ay naging malapit na kami sa isa't isa. Sa tuwing may party akong dinadaluhan ay si Benz na palagi ang pinapadesign ko ng mga gowns ko. Minsan, pumupunta pa siyang Cebu para lang ayusan ako.

Tumangu-tango lang si Brian. Hindi naman masyadong nagkomento liban sa manakanakang "Oh, I see."

"Ang suplado niya. Gusto ko siyang kutusan kung di lang siya guwapo," bulong ni Benz na narinig ko naman. Inapakan ko paa niya para sawayin. Baka makahalata si Brian. Bad mood na ito kaya ayaw ko nang madagdagan pa.

Pinandilatan ba naman ako.

"So, Brian. How do you find the Philippines so far?" tanong ni Benz kay Brian dahil natahimik na naman kaming tatlo.

"Hot," sagot nito. At tumusok sa steamed vegies sa harap niya. Pero ang pagtusok niya dun ay parang may halong panggigigil.

"Daig pang babaeng nagme-menopause nitong bruhong etech," anas uli sa akin ni Benz habang kunwari'y humihiwa sa roasted chicken sa harap niya.

"Ano ka ba!" anas ko din. "Baka makahalatang pinag-uusapan natin," sabi ko naman habang ngumunguya.

Hindi pa tapos kumain, pero tinulak na ni Brian palayo ang pagkain niya. Busog na raw. Pagkatapos ay nagpaalam ito sa amin na pupunta lang sandali sa CR.

Napahawak sa dibdib niya si Benz sabay pakawala ng malalim na buntong-hininga. Kinuha ang pamaypay at pinaypayan pa ang sarili. Tsaka uminom ng tubig. Napahagikhik ako sa kaartehan ng kaibigan ko.

"Ang OA mo talaga! Sobra!" nakatawa kong sabi.

"Kung di lang siya guwapo ang sarap tadyakan. Ganun ba talaga yon?"

"Medyo," sabi ko tapos kinuwento ko na ang mga pinagdaanan ko with him. Hindi ko na isinama yong mga kilig moments namin. Yong kung gaano lang ito ka suplado at arogante sa akin.

"Pano mo siya napagtyatyagaan kung ganun?" halos di makapaniwalang tanong ni Benz. Kilala niya kasi ako. Maikli lang din ang pasensya ko. "Pero kung sa bagay. Sobrang guwapo, e. Kaya siguro napapalampas mo. Umamin ka, bruha. Gusto mo siya, ano?" at kinurot ako sa tagiliran.

"Ano ka ba?" singhal ko sa kanya dahil muntik na akong mabilaukan.

Hindi siya tumigil sa pangingiliti sa akin. Ganun kami naabutan ni Brian. Nang mapatingala kami ni Benz, nasa harap na pala namin siya. At naniningkit ang mga mata habang nakatingin sa paghaharutan namin.

"I want to go back to Mom's house now. You can stay here if you want," pamamaalam nito. Tsaka tumalikod na.

Dahil sa kabiglaanan napatingin lang muna ako sa kanya. Kahit nang tumalikod na ito at lumabas ng Kenny's ay nakatitig lang ako na parang natulala.

"Anong nangyari dun?" takang tanong ni Benz.

Siniko ako ng bakla nang di ako tuminag. Nun lang ako parang naalimpungatan. Tumakbo ako palabas at hinabol si Brian. Nakupo. Buti kung alam nun kung papano umuwi. Baka maloko nga ng taxi driver dahil foreigner. Tsaka nakakahiya kay Tita Alicia kapag mag-isa itong umuwi.

Nang maabutan ko siya, hinablot ko sa braso. Tumigil naman sa paglalakad. Tinitigan ako. May galit pa rin sa mga mata.

"What's wrong?" tanong ko.

"It was pretty obvious, you guys were talking about me while we were eating. It seemed like I was just a nuisance," galit nitong sagot.

Sabi ko na nga ba kay Benz, e. Ang bakla kasing yon! Hindi ko na ikinaila yon.

"I'm sorry if you felt out of place," paghingi ko ng paumanhin. Hindi ko hantarang inamin ang paratang nito kahit na totoo.

"Why didn't you tell me you're going to meet your boyfriend here? I should have stayed in Mom's house if only you said so," patuloy pa nito.

Boyfriend? Teka. Tama nga ang hula ni Benz! Napagkamalan kaming mag-dyowa ni Benz! Nagseselos ba ito?

"He's not my boyfriend," tanggi ko agad. Tumaas pa ang boses ko.

"Really?" tanong nito pero sa tonong hindi naniniwala.

"Benz is gay," at binigyan ko ng emphasis ang salitang 'gay'.

Tumingin na naman ito sa akin na parang inaarok kung nagsasabi ako ng totoo.

"You guys were so sweet," patuloy pa nito. Parang hindi pa rin kumbinsido.

"Of course. We are very good friends. He was my wedding planner. He was there for me all throughout my ordeal, my humiliation, my heartache. He is no more than a friend. And he doesn't like girls!"

"Are you sure?" paninigurado pa rin nito.

Hindi na ako nakatiis. "Are you jealous?" tanong ko.

Parang natauhan ito. Pero kaagad na nagkaila.

"Why would I be jealous? I just felt leftout," sagot nito. Pero umaliwalas na ang mukha. Kaya kahit hindi umamin, alam kong nagselos. Napangiti ako.

"Stop smiling," mando nito sa akin pero hindi na mabagsik ang boses.

Hindi ko pa rin mapigilan ang sarili. Ang lapad ng ngiti ko. Confirmed! May gusto nga sa akin ang lalaking ito. Ang tanong na lang ay kung enough ba yon para talikuran nito ang kasal. Saka ko na lang iisipin yon. Nagbubunyi ang aking puso.

"I said, stop smiling or I'll kiss you right here, right now," banta nito.

Kinontrol ko ang sarili. Hinarap ko siya na seryoso na ang mukha. Pero mayamaya ay napangiti na naman ako.

"You're crazy. You want to be kissed," sabi nito at yayakapin na sana ako nang bigla kong tinabig ang braso at lumayo. Pero nakangisi pa rin.

Hinablot niya ang braso ko. Akala ko totohanin nga niya ang banta. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at pinagpawisan pa ako. Pero niyakap niya lang pala ako at hinalikan sa buhok.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top