Chapter Twenty Eight - Emergency
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
*******************************
Kami ni Brian ang pinakahuling pumasok ng restaurant. Nauna na ang mga pamilya namin. Natuwa naman ako at for the first time sumamang lumabas ni Papa. Nakikita ko sa kanyang mukha ang kasiyahan.
Perpekto na sana ang gabi ko kung hindi namin nakasalubong si Jacob. May kasama itong babae at inaakbayan pa niya. Nang makita niya ako ay parang gulat na gulat ito. Inalis niya ang kamay sa pagkakaakbay sa kasama at nakangiting lumapit sa akin.
"Well, well, well. Look who's back," bati nito. Nag-iba ang ekspresyon nang makita niya si Brian na umakbay sa akin at tinitigan siyang mabuti.
For a few seconds, parang nagtagisan ng tingin ang dalawa pero nauna ding sumuko si Jacob. Nakita ko ang pag-asim ng mukha niya. Nagbubunyi naman ang aking kalooban. Feeling ko nakabawi na ako. Alam ko kasi na medyo minaliit ako ng hambog na ito porke't iniwan ako ng groom ko sa altar. Inisip siguro na wala nang papatol sa akin dahil nga I was publicly rejected.
Ang sarap ng feeling na meron kang katabing eye candy. Sino ba naman ang hindi maging proud na mapagkamalang girlfriend ng kasing guwapo at macho ni Brian? Oo, hindi pa kami officially mag-on pero meron na kaming mutual understanding.
"Kelan ka pa nahilig sa puti?" may himig pang-uuyam na tanong sa akin ni Jacob.
"Kailangan ko bang mag-explain sa yo?" ganting tanong ko.
"Well, gaya ng mga nauna, tiyak kong iiwan ka din nyan. And when that time comes, sinisiguro ko sa yo na hindi na ako available for you," sagot nito at tinapunan pa ng matalim na titig si Brian.
"Who's this guy?" tanong sa akin ni Brian nang pabulong.
"A nobody," sagot ko naman. Sinadya kong iparinig iyon kay Jacob. Nakita ko ang pagpupuyos ng damdamin niya at tinabig pa ang kamay ng babaeng aalo sana sa kanya. Sira-ulo.
Lumapit sa amin si Tito Mando.
"May problema ba?" tanong niya. Tiningnan kami tapos si Jacob.
Nagbago ang ekspresyon sa mukha ng unggoy pagkakita sa stepfather ni Brian. Bigla ba namang ngumiti.
"Attorney Robles. Nandyan pala kayo," at nakipagkamay ito. Pagkatapos ay maayos na nagpaalam.
Kumunot ang noo ako. Magkakilala pala sila? Papano?
"Naging abogado ako ng ate niya nang mag-file ito ng annulment case laban sa ex-husband. Naipanalo ko ang kaso pati yong custody case sa dalawang bata. Kaya, since then, sobra silang naging mabait sa akin," pagpapaliwanag ni Tito Mando. Nahulaan siguro ang mga katanungan sa isipan ko. "Ginagambala ka ba ni Jacob?" tanong nito.
Umiling ako. "Hindi naman po. Dati kasi siyang nanligaw sa akin. Binasted ko po siya. Pero malakas pa rin ang fighting spirit."
Natawa si Tito Mando at hindi na nang-usisa pa. Sinabihan kaming sumunod na sa kanya at halos nakaupo na raw ang lahat palibot sa mesa.
Kinalabit na naman ako ni Brian at tinanong kung ano ang pinag-usapan namin ni Tito Mando.
"It's not important. Let's go," sabi ko sa kanya.
Feeling ko parang pamamanhikan ang dinner naming yon. Siguro ganun din ang feeling ni Papa kung kaya ang saya-saya niya.
"Hey Manong, be careful with that fish. That's matinik," at humagikhik pa si Kelly nang makitang napaubo si Brian. Natakot naman ako baka nabilaukan. Hinagud-hagod ko ang likod niya.
"Are you okay, son?" medyo nag-aalalang tanong ng ina.
Umokey naman ang hitsura ni Brian nang makainom ng tubog. Inesplika ko na hindi dapat nilulunok agad ang bangus. Dapat kinukuhaan muna ito ng tinik. Pinakita ko sa kanya kung papano. Mukha namang interesadong matuto.
"I think Manong is just trying to make pa-cute to Manang Alex," hirit pa uli ni Kelly. "You see, he's okay na," dugtong pa nito.
"Lokaret ka talaga. Kita mong nabilaukan nga, e," saway naman ni Helen sa kanya.
Napangiti lang ako sa dalawa. Inalaska rin sila ni Brian at sumulyap sa akin. Nahuli tuloy niya akong nakatingin sa kanya. Kaagad akong napayuko. Medyo pinamulahan pa ako nang kunwaring mapatikhim si Kelly. Ang bruhita talagang to. Hindi na kami tinitigilan.
Nakapalagayang loob agad ni Tita Alicia at Tito Mando si Papa. Pati na ang mga Tita at Tito ko. Wala ring masabing masama sa kanila si Yaya. Halos hindi na matapos-tapos ang usapan kahit nung hinatid kami sa bahay. Magpapaiwan pa sana si Brian para makipagkuwentuhan sa akin pero sinabihan ko na siyang sumama na sa mom niya. Minsan lang naman sila nagkikita-kita kaya dapat sulitin. Tumalima naman agad ito. Pero sinenyasan akong tatawag na lang daw sa akin.
Naghintay ako sa tawag niya pero walang tawag na nangyari. Halos hindi na umaalis ang mga mata ko sa screen ng cell phone pero wala talaga. As in zero, nada. Kahit text ay wala rin. Nag-alala na ako. Kaya nang mga bandang alas onse na ay tinext ko siya. Bahala na kung magmistulang needy ako. Di ko matiis na di siya sumbatan.
"I thought you will call me."
Hinintay ko ang reply. One minute. Two minutes. Umabot na sa sampung minuto pero wala pa rin akong natanggap na reply. Ang kaninang pagtatampo ay nauwi na sa pag-aalala. Baka may nangyari sa kanila sa daan. Tinext ko si Kelly. Tinanong kung maayos silang nakauwi ng hotel. Sumagot agad ito. Oo naman daw. Nagpapahinga na nga daw silang lahat. Nainis na naman ako. Talagang sinadya nga ni Brian na huwag akong tawagan.
Tinapon ko sa kama ang cell phone at nagtungo sa banyo. Mas mabuti pang maligo na lang nang mapreskuhan. Baka sakaling bumuti ang pakiramdam ko.
Tina-towel dry ko na ang buhok nang marinig ang pag-ring ng cell phone. Gusto ko sanang isnabin ito pero di ko rin napigilan ang pananabik. May halong inis na dinampot ko ito. Pambihira. Mag-aalas dose na. Kung kelan hatinggabi na saka pa naisipang tumawag.
"Hello," malabnaw kong bati.
"Hey, something happened. I will be returning back to Okayama tomorrow. You can stay behind," sabi nito agad. Ni hindi nga napansin ang matamlay kong pagbati.
Dahil sa narinig bigla akong kinabahan.
"What happened?" tanong ko. Nawala na ang tampo. Napalitan na ng di maipapaliwanag na kaba at pag-aalala. Base sa tono ng pananalita ni Brian masyado itong worried.
"Maiko was rushed to the hospital," sagot nito sa medyo pagod na boses.
Para akong sinukluban ng langit at lupa. Si Maiko! Puro na lang si Maiko. Nakaramdam agad ako ng matinding paninibugho. Nanlamig ang buo kong katawan. Naalala ko ang sinabi kanina ni Jacob. Na gaya ng mga nauna kong boyfriend, iiwan din ako ni Brian. Ni wala pa ngang isang araw, nagkatotoo na ang prediction ng damuho. Nahabag ako sa aking sarili.
"Hospital? Why?" kunwari'y concerned kong tanong. Hindi ko pinahalata na nagseselos ako nang sobra. Pero hindi naman ibig sabihin na I am that heartless. Nag-aalala din ako kay Maiko kahit papano. Ayaw ko ding may masamang mangyari sa kanya. Pero just to think na isang tawag lang nito at kumakaripas na agad ng takbo ang lalaking pinakamamahal ko ay sobrang napakasakit.
"I don't know yet. Her parents are with her. They haven't heard from her doctor yet."
"She will be alright, don't worry. She's in good hands," pag-aalo ko sa kanya kahit na halos sumabog na ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman.
"Thanks. Got to go. I still have to pack my things. See you in Okayama in a few days. Take care of yourself, okay?" at nag-hang up na ito.
Napaupo ako sa kama nang dahan-dahan. Parang sobra akong napagod. Namalayan ko na lang na may umaagos na luha sa aking pisngi.
Dapat ko pa bang pagkatiwalaan si Brian? Hindi kaya binibilog lang nito ang ulo ko? Papano kung puro empty promises lang pala ang mga sinabi niya sa akin sa beach? Papano kung isa lang pala akong conquest na dapat niyang i-conquer bago magpatali? Napakatanga ko talaga! Hindi na ako nadala. Bakit ang bilis kong maniwala?
Pero sa isang banda, my gut-feeling says na sincere naman siya. At baka nga may masama lang talagang nangyari kay Maiko. Siguro naman ang pag-aalala ni Brian ay dala lang ng pinagsamahan nila.
Hindi ako makatulog. Mga bandang alas dos, lumabas ako ng kusina para kumuha ng gatas. Nagdala pa ako ng extra glass of milk sa loob ng kuwarto.
Mahihiga na sana ako ulit nang mapansing nagbi-blink ang cell phone ko. Meron akong text message? Binuksan ko agad ito. Dalawang messages from Brian.
"I hope you're not mad," anang unang mensahe nito. Pinadala niya nang bandang ala una. Ang sumunod ay sinend thirty minutes later. "We will talk when everything's settled. I promise you that."
Napabuntong-hininga ako. Dapat pa ba akong maniwala sa kanya? Kung hindi at nagsasabi pala siya ng totoo, siguradong makokonsensya ako talaga. Kung niloloko naman ako nito, tiyak na pagsisisihan kong naniwala ako sa kanya. Hay, ang hirap. I think I just have to trust my gut-feeling. And it says I'll just have faith.
Kinaumagahan, bandang alas sais, nakatanggap na naman ako ng tawag mula kay Brian.
"I am leaving for Manila now. Please take care of yourself for me. Send me a message when you arrive at Kansai," bilin nito.
"Okay, I will," mahina kong sagot.
"Take a Shinkansen and give me a ring as soon as you get to Okayama. I'll pick you up," at binaba na nito ang telepono.
Naibsan ang aking pag-aalala. Kahit papano, nakaramdam ako ng assurance na totoo naman ang mga sinabi nito sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top