Chapter Twenty - Babe
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
*************************************
Two weeks nang di nagpaparamdam si Brian simula nang hinatid niya ako sa bahay pagkatapos ng English Camp. Ganun na lang ba yon? Sising-sisi tuloy ako kung bakit nagpadala ako sa halik niya. Gusto kong kutusan ang sarili. Siguro nga hindi siya talaga in love sa akin. Baka type niya lang akong ikama at nang mapagtanto niya sigurong type ko rin siya ay nawalan na ng gana. Hay buhay.
"Hey girl," bati kaagad sa akin ni Rhea nang humahangos akong dumating sa city hall para sa general meeting namin. Hinawakan niya ang buhok ko. "Your hair is still damp," natatawang komento nito.
"I took a shower when I got home. Naomi-chan threw up on me," paliwanag ko. Si Naomi ay estudyante kong special child.
"Oh, boy. That must be gross," sagot nito
Nang malapit na kami sa ladies room, nagpaalam ako kay Rhea na aayusin ko lang ang sarili sa loob. Nauna na itong pumasok sa conference room.
Napatingin sa akin ang Haponesa na nasa ladies' room nang makita ang hitsura ko. Nawiwirduhan siguro dahil never silang lumalabas ng bahay na basa ang buhok. Pero hindi ko na siya pinansin. Puspusan kong pinatuyo ng dalang face towel ang basang buhok. Naglagay uli ako ng powder sa mukha tsaka lipstick.
"Hey, darling," bati sa akin ni Ricardo nang pumasok na ako sa conference room. "You look so pretty today. You're a lot better looking without any make up on."
"Hey Alex," bati naman ni David at kumuha ito ng extra chair para sa akin. Halos nandoon na pala lahat. Kaya wala na halos libreng upuan. Hindi ko alam kung saan nakaupo si Rhea. Kausap ito ni Mark Dale. Nasa harap sila.
Pasimple akong nagpalinga-linga. Hinahanap ko kung nasaan si Brian. Ganun na lamang ang pagtambol ng puso ko nang magtama ang aming paningin. Pero kaagad din niya itong binawi. Ba't ganun? Ba't parang naging cold uli ang bruho? Akala ko pa naman things will change between us pagkatapos ng halik na yon.
Makaraan ang ilang sandali, bumalik na sa upuan niya si Rhea. Katabi ito ni Gary at Brian. Kinawayan niya ako at sinenyasang tumabi sa kanila. Sumenyas din akong okay na ako sa puwesto ko. Nilingon ako nila Brian at Gary kaya medyo nahiya ako. Napayuko ako. Baka iniisip na naman nilang nag-iinarte ako.
Inanunsyo ni Mark na magbabakasyon daw si Brian ng tatlong linggo na magsisimula the week after next. Para daw yon sa preparasyon ng kasal niya at sa honeymoon na rin nila ng magiging misis nito. Hiyawan ang mga kasamahan ko. Inulan ng kantyaw si Brian. Tatawa-tawa lang ito. Ako lang yata ang di nakisaya sa amin. Parang may tumurok na karayom sa puso ko. Sobrang sakit. Sa kabila pala ng lahat, tuloy pa rin ang kasal.
"Since Brian will take a leave of absence, I asked Gary to be the leader of the junior high school teachers' group. So starting October, I'd like everybody to turn in their projects to Gary. Is that clear?" patuloy pa ni Mark.
"Okay," sagot naman ng mga junior high school teachers.
"Okay, I'd like everybody to sit with their group now. You may continue with your assigned projects," sabi pa ni Mark bago umalis.
"Alex, can you come with me for a sec?" tawag sa akin ni Rhea nang dumaan ito sa mesa namin. Napaangat ako ng mukha. Pero kaagad din naman akong tumalima. Pumunta kami sa ladies' room.
"Are you okay?" kaagad na tanong sa akin ni Rhea nang masiguro niyang kami lang dalawa sa loob ng CR. Tumango ako. Sinalat niya ang noo ko't leeg. Natawa ako.
"I'm okay. I know it will happen soon and I have come to terms with it. I'll be okay," at nginitian ko siya nang pilit.
"Have you heard the news?" halos pabulong niya lang itong sinabi sa akin. Anong news? Ba't kailangan niya pa akong dalhin sa ladies' room?
"What news?" naku-curious kong tanong.
"Brian plans to go to the Philippines. That's why he's taking a vacation. I heard from Gary that things between him and Maiko are not good," anas uli niya sa akin. This time ay may pigil na kilig na. "I'm so bad. I shouldn't be happy because there's somebody out there who is suffering right now, but I can't help it. Because my bff will soon be extremely happy," at tumawa na ito ng signature niyang tawa.
"You're crazy," sagot ko. Iyon ay para sa tawa niya. Hindi pa nagsi-sink in ang binalita nito sa akin. Teka, si Brian daw ay pupuntang Pilipinas? Para kaya yon sa ina? Pupuntahan kaya niya ang mommy niya sa Iloilo? Wala man lang siyang sinasabi.
Nun pa lang tumimo sa isip ko ang binalita ni Rhea na nagkakalabuan na sina Brian at Maiko. Nakaramdam ako nang konting pag-asa. Pero at the same time di ko rin naiwasang hindi makaramdam ng awa sa babae kahit sabihin pang karibal ko ito. Naranasan ko kasi kung papano ako pinagpalit ng groom ko sa iba. Pero naisip ko rin, kung siya sa lugar ko, palagay ko hindi rin siya mag-aatubiling sundin ang dikta ng puso. Tulad ni Laurie. Hindi naging hadlang ang pagiging matalik naming magkaibigan. Pinagpalit niya yon sa kanyang kaligayahan.
I'm confused.I feel guilty.Ako kaya ang dahilan ng pagkakalabuan nila?
"You shouldn't feel guilty, sweetie. It's not you. You're not the cause of their problem. Things like this happen if you don't truly love each other," pag-aasure sa akin ni Rhea. Nakita niya siguro ang guilt sa mukha ko. Inakbayan niya ako at sabay kaming lumabas ng CR.
Halos nagkabanggaan kami ni Gary na kalalabas lang din ng men's room. Buti na lang umatras agad kami.
"Hey, you two. What are you guys doing in there?" biro nito sa aming dalawa. May ini-imply.
Pabiro siyang tinadyakan ni Rhea. "We are both sure of our femininity. None of us like girls," nakatawa pa nitong sabi.
"I didn't mean that," natatawang sagot din ni Gary. "But it would be a lot exciting to see some girl-to-girl action," at kinindatan pa kami. Ang bastos talaga ng manyak na to.
Papasok na sana kami ni Rhea sa meeting room nang mapansin namin ang dalawang pamilyar na bulto sa dulo ng hallway na parang nagdidiskusyon. Si Brian at Liam! Parang nagtatalo sila. Bakit kaya? Mukhang galit na galit si Brian. Nagkatinginan kami ni Rhea.
"I haven't seen Brian this mad. Oh boy. This must be serious," bulong sa akin ni Rhea.
Nagseselos kaya si Brian kay Liam? Dahil kaya malapit sa akin si Liam? At lagi itong nagfi-flirt? Naalala ko na noong English Camp ay binalaan nya ako na huwag nang lumapit pa sa damuhong yon. Sabi niya hindi naman daw seryoso sa akin si Liam.
"I think, there's some truth in the rumor I've heard circulating among the junior high school IETs," bulong uli sa akin ni Rhea. Hinila niya uli ako sa ladies' room.
"What rumor?" tanong ko. May di na naman ako alam?
"Liam is pretty close to Maiko. A lot of IETs have seen them together lately. Andrew, for one, saw them came out of Aeon's cinema one time. They watched a last full show. Go figure."
Tsaka ko lang naalala na nakita ko din sila one time na lumabas ng Trattoria. Napabuntong-hininga ako. Akala ko pa naman dahil sa akin kaya siya nagagalit kay Liam. Nag-assume na naman ako.
Yon kaya ang dahilan kung bakit winarningan ako ni Brian na di talaga ako gusto ni Liam? Dahil ang target nito ay ang nobya niya? Ginagawa lang pala akong panakip-butas ng bwisit na lalaking yon. Siguro gusto lang lansihin ang ibang mga kasamahan namin. Nakakaasar! Hindi dahil sa hindi niya ako talagang gusto kundi dahil sa tapang ng apog niyang gawin pa akong panakip-butas sa kalokohan niya.
"Where have you been?" halos sabay na sita sa akin nila David at Ricardo nang bumalik na kami ni Rhea sa loob. Humingi ako ng dispensa.
Dahil ang tagal kong nakabalik, ako na ang pinagawa nila ng worksheets para sa vegetable at fruit lessons namin. Di na ako umangal. Patapos na ako sa ginagawa kong worksheet nang marinig ko ang pagbeep ng cell phone. Tinapos ko muna ang ginagawa bago ko yon tiningnan. Si Brian. Himala. Nagparamdam pa.
"Are you free tonight? Let's have dinner," sabi nito sa text.
Kumunot ang noo ko. Hindi siya nagparamdam sa akin ng dalawang linggo tapos kung manduan ako nito akala mo kung boyfriend ko na siya. Nakakainis! Di ko siya sinagot. Mayamaya pa, tumunog uli ang cell phone ko.
"Why are you not answering my message? You've read it already," sabi uli nito. Nakita niya pala akong nagbukas ng cell phone ko. Lumingon ako sa kinaroroonan ng mga junior high school IETs. Nakatingin nga siya sa akin. Tiningnan ako na parang nagtatanong ng, "Ano na?" Inirapan ko siya. Apurado!
"I'm busy tonight. My friends and I are going out," pagsisinungaling ko.
"Little liar. I've already checked with your friends," sagot nito agad.
Napalingon ako ulit. Nakita ko itong nakatingin pa rin sa akin. Hawak-hawak ang cell phone niya. Tapos, nginitian niya ako na parang nagbubunyi. Panalo na naman siya. Tiningnan ko siya nang masama. Hindi ko na rin sinagot ang text niya. Pinagpatuloy ko ang ginagawa.
Nang matapos kami, binigay ko kay Rhea ang USB kung saan namin nilagay ang mga nagawang materials. Tinulungan ko sina Ricardo at David na magligpit ng mga gamit. Pinauna na rin ako ni Rhea dahil kakausapin pa daw nito si Fujita-sensei, ang boss naming Hapon.
"Are you guys up for a drink?" tanong ko kina Ricardo at David.
"Oh, I can't. My girlfriend's here," tanggi agad ni David.
"Me, too. I can't. I have a date with our school nurse," nakatawang sagot naman ni Ricardo. Nilingon ko si Macky na kasalukuyang nakikipaghuntahan kay Andrew. For sure, hindi rin ito puwede. Lately ay naging busy na rin ito kay Akiko. Napabuntong-hininga ako. Mag-isa pala akong uuwi kung ganun.
Nagpaalam na ako sa mga kaibigan at dali-dali nang lumabas. Ayaw kong makasabay si Brian. Palabas na ako ng city hall nang biglang may humablot sa braso ko.
"I know you're going to run away from me," nakangising sabi niya. Hinampas ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Bumitaw naman siya pero sinundan pa rin ako.
"Why are you mad at me?"
Hindi ako sumagot.
"Sorry for not keeping in touch with you in the last two weeks. I was so busy."
Hindi pa rin ako sumagot.
"Oh, is that why you're mad?" at natawa ito nang mahina.
"Of course not!" tanggi ko. Pero kahit sa sarili kong pandinig, halatang nagsisinungaling na naman ako. Nakita ko siyang ngumiti.
"Please accept my apologies then," nakangiti nitong sabi at hinila ako papunta sa kotse niya. Hindi na ako pumalag. Gusto ko rin naman kasi, e. Miss na miss ko siyang talaga. Kulang na lang ay yakapin ko ang damuho. Pero siyempre, kailangan ko ring mag-behave. Baka lalong tumabang sa akin. Halata na yata niyang gusto ko siya.
"I know this nice Japanese restaurant just a couple of blocks away from our place," sabi nito nang nakaupo na kami pareho sa loob ng kotse. "Is Japanese food okay with you?"
Tumango ako. Ang dami kong arte. Yon pala, I'll end up having dinner with him.
Malapit lang pala ang sinasabi niyang Japanese restaurant. Mga sampung minuto mula sa city hall. Madadaanan papunta sa lugar namin.
Nagtataka ako kung bakit sa halip na ang nobya nito ang yayaing magdinner ay ako ang niyaya niya. Mukhang totoo ngang nagkakalabuan sila ni Maiko.
"Did Ate Beth mention anything to you?" tanong nito nang dumating na ang order naming drinks. Umiling ako.
"I'm going to the Philippines in two weeks," walang kaabug-abog na balita niya sa akin. Kahit narinig ko na yon kay Rhea, nabigla pa rin ako nang siya na mismo ang nagbalita.
"Oh," ang tangi kong sagot.
"I already talked to my mom. Ate Beth helped me get her email address so we exchanged emails and then later on, I called her up."
"That's good to hear. Finally, you're reaching out to her. I'm happy for you," bukal sa loob na sabi ko sa kanya. Nginitian ko pa siya.
Hinawakan niya ang isa kong kamay at kinulong sa kanyang palad. "I owe it all to you. Thanks a lot," seryoso niyang sabi. Titig na titig sa akin. Hindi ko nakayanan ang mga titig niya kaya napayuko ako at dahan-dahan kong binawi ang aking kamay.
"And one thing more. The reason why I asked you out tonight is because I want to tell you that —- I'd like you to come with me to the Philippines."
Nabilaukan ako ng kinakain kong sushi sa narinig. Anong sabi niya? Gusto niya akong sumama sa kanya sa Pilipinas? Gusto niya akong sumama sa kanya sa Pilipinas!
"Oh sorry," nasabi niya at inabot sa akin ang baso ng tubig.
"Why me? Why not your fiancee? Your mother may be interested to see who your bride is," sagot ko nang naging okay na ang pakiramdam.
"Yeah," sagot nito sa mahinang boses at tinitigan na naman ako nang nakakalusaw niyang titig. Nagbaba na naman ako ng tingin. Peste talaga siya. Bakit niya ako tinititigan nang ganyan? Nakakaasar.Nawawala ako sa sarili tuloy. "My mom is also interested to see you. I told her that it was you who helped me find her."
Touched naman ako dun. Pero siyempre, kailangan ko munang mag-isip. Tsaka for sure hindi ako papayagan ni Fujita-sensei na magbakasyon ng ora-orada
"I don't think I can get a leave of absence in such a short notice," sabi ko sa kanya. Sa mga baguhan kasing tulad ko, kailangan naming magpaalam a month ahead bago makapagbakasyon.
"I already talked to Fujita-sensei and he agreed. Don't worry about Mark. Fujita-sensei can talk to him for us. Will you come with me?"
Teka. Mag-iisip pa ako. "I'll think about it," sabi ko.
"No, I need your answer now so I can finalize our flight schedule when I get home tonight."
Naningkit ang mga mata ko sa narinig. "Are you always this impatient?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko siya nang masama.
"If I have to," nakangiti nitong sagot. Na ikinalusaw ng yelo sa puso ko. Napabuntong-hininga ako.
"Okay," sang-ayon ko.
Tumawa siya nang mahina. "Thanks a lot, babe," at pinisil nito ang kamay ko.
Ano daw? Babe? Tinawag niya akong babe!
Nag-init ang aking mukha. Feeling ko namula ang pisngi ko. Shit! Ang obvious ko talaga!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top