Chapter Thirty-Two - Nomikai

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

Thank you very much for reading this novel! 

This is also available on Shopee and Lazada. 

**********************************

Naging usap-usapan ng mga empleyado ng city hall ang nangyari kay Brian. Lahat iisa ang sinasabi. Kawaisou. Kawawa raw. Iniisip talaga ng lahat na tinraidor siya ni Gary at niloko siya ni Maiko. Hindi nila alam na Hunyo pa lang ay nag-cool off na sina Brian at Maiko.  Kaya technically, hindi inagaw ni Gary ang babae sa kaibigan.   

Nang dumating na magkasama sina Brian at Gary sa meeting naming mga IETs, pati mga kasamahan namin ay nagtataka. Hindi nila maintindihan kung papano nagagawa ng dalawa na maging okay pa rin ang pakikitungo sa isa't isa sa kabila ng lahat. 

"Hey. How's the newlywed?" masiglang bati ni Andrew kay Gary. 

"Blissful," maikling sagot ni Gary. Abot-tenga ang ngiti. 

Nakita kong nagpalinga-linga si Brian. Parang may hinahanap. Nang magtama ang aming paningin, kinindatan ako. Napayuko tuloy ako. Loko-loko siya. Baka may makakita sa kanya. Baka kung ano na naman ang isipin ng mga tismoso't tsismosa naming mga kasamahan. Masyado pang maaga para mabulgar ang relasyon naming dalawa. Ayaw kong mag-isip sila na inagaw ko si Brian kay Maiko kung kaya nangyari ang lahat. 

"Hi Alex," masiglang bati sa akin ni Gary. 

"Hi there," bati ko rin. 

Pumagitna na sa harap si Mark. Mag-uumpisa na ang miting. Bago ito nagsimula, binati muna niya si Gary. Naghiyawan din ang mga kasamahan namin ng kani-kanilang pagbati. Tumayo si Gary at yumuko sa harap naming lahat. Nakangiti. Hindi tulad nung araw ng kasal niya na medyo tensyonado. Parang naka-adjust na siya. 

"After the meeting, everybody's invited to a nomikai (drinking party) in honor of our newlywed," anunsyo ni Mark sabay turo kay Gary. "Drinks are free, courtesy of the Board of Education," patuloy pa niya na mainit namang tinanggap ng lahat. Nagpalakpakan pa ang mga lalaki.

"That's awesome, Mark!" naibulalas naman ni Rhea. "Thank you, Gary," malakas niyang sabi sabay pakawala ng signature laugh niya. Nahawa na rin ang iba.

Ako lang yata ang di masaya. May usapan sana kami ni Brian na ipagluluto ko siya ng dinner ngayong gabi. Pero mukhang di na yon matutuloy.

Naisipan ko siyang i-text. Sinabi kong i-postpone na lang namin ang nasabing dinner. Mayamaya, narinig kong nag-beep din ang cell phone ko. "Why not?" text niya sa akin at may nakasimangot pang emoticon sa dulo. 

Aba, mukhang walang balak iurong ang dinner. Inisplika ko kung bakit. Sinagot ba naman ako ng, "I don't give a shit. They can talk for all I care... I still want to be with you tonight. So the plan is still on."

I was so tempted to just say yes pero hindi maari. Ayaw ko rin namang pinagpipiyestahan siya ng mga makakati ang dila. Masyado na ngang kawawa ang image niya, dadagdagan pa niya. Hindi puwede. Tinext ko siya uli na kailangan namin umatend ng nomikai. Nilingon niya ako. Nakasimangot siya. Lalo ko siyang inirita. Ngumiti ako sa kanya nang ubod-tamis.

"What are you guys doing?" tanong sa akin ni Rhea nang pabulong. Nakita daw niya ang palitan namin ng tingin ni Brian. Bakit daw?

"Nothing," nakangiti kong sagot.

"C'mon, Alex. What is it?" at tinusok ako nito sa gilid. Muntik na akong mapasigaw. Pinandilatan ko si Rhea.

Nasususpetsa na ito sa amin ni Brian pero hindi ko pa rin siya sinasabihan ng mga detalye. Ang alam niya lang, nanliligaw na si Brian sa akin. Di ko sinabi sa kanya na natutulog na ito sa bahay paminsan-minsan. Hindi lang halata dahil imbes na magpunta sa bahay ng nakakotse, kadalasan ay naglalakad lang ito. Hindi naman kasi magkalayo ang mga bahay namin.

Nang magbreak time, sabay kaming bumaba ni Rhea sa cafeteria. Nadaanan namin sa labas ng cafe ang grupo ng mga junior high school teachers. Nandun din sila Gary at Brian. Nag-uusap sila na parang walang nangyari kung kaya ganun na rin ang trato ng iba pa. Tumingin sa akin nang makahulugan si Brian nang mapadaan kami. Ngumiti ako pero para sa lahat. Nako-conscious pa rin ako sa tuwing titigan niya ako. Parang nahihiya akong tumingin sa mga kasamahan namin. Although may tiwala naman ako sa nobyo ko na hindi siya kiss and tell, minsan natatakot pa rin ako. What if sinabi niya kay Gary? At sinabi ni Gary kay Andrew o Liam dahil close din ito sa dalawa? Naku, sobrang nakakahiya kapag nagkataon.

"Why are you blushing?" panunudyo ni Rhea nang makaupo na kami sa isa sa mga mesa sa loob ng cafe.

"I'm not," tanggi ko.

"You were blushing," at humagikhik pa ito. "Is it because of him?" at tinuro pa ang direksyon nila Brian. Hinuli ko ang kamay niya at binaba.

"You're crazy," sabi ko. Nilingon ko pa ang tinuro niya. Baka nakatingin. Glass door lang kasi ang dingding. Buti naman, hindi.

Patapos na kami nang dumating si Liam. May bitbit itong sandwich at ngumunguya pa habang papalapit sa amin.

"Hi girls," bati nito sabay lapit sa amin. "Are you going to the nomikai?" tanong nito, sa akin nakatingin.

"Of course," sagot agad ni Rhea. "But it seemed like you're only interested if Alex is going or not," nakatawang sabi nito. Hinampas nang pabiro sa balikat si Liam.

"I was actually asking you both," nakangising sagot naman niya. "Are you also going, Alex?"

Tumango ako. "Yeah."

"That's great," sagot nito at napangiti.

Nang tumayo kami ni Rhea para bumalik na rin sa city hall, nakita kong pumasok si Brian. Nang makita kami, medyo napasimangot ito saglit. Nakita niya kasing kausap namin si Liam at nagtatawanan pa kaming tatlo.

"Hi Bry," bati agad ni Rhea dito. Sumagot naman ito nang malabnaw na, "Hi." Tumingin makadali kay Liam tsaka sa akin. Napatingin tuloy ako sa kanya. Nagtatanong ang mga mata. Bakit mukhang bad mood na naman ito? Huwag niyang sabihin na nagseselos pa rin siya kay Liam.

Sumabay na ito sa aming bumalik sa city hall. Nang nasa loob na kami ng meeting room, dumeretso silang dalawa ni Liam sa junior high group at kami naman ni Rhea ay sa shogakkō group. Nang malayo na ang dalawa ay binulungan ako ni Rhea. "I think he was jealous. He came to check on you," at napahagikhik ito.

Sinenyasan ko siyang tumahimik.

Makalipas ang ilang oras, natapos na rin kami sa mga nakatoka sa aming lesson plans at worksheets. Tinanong ko ang mga kaibigan kung pupunta sila sa nomikai. Umiling si Ricardo. Ganun din si David at Macky. Pambihira naman. Anong drama ng mga ito?

"He din't invite us to his wedding and he expects us to go to his nomikai? No," mariing sabi pa ni Ricardo.

Sinimangutan ko ito. Grabe naman ito kung makatampo. Nilingon ko ang dalawa. Pero ganun din ang paliwanag ni David at Macky. At di ko sila napilit. Hay, bakit ang aarte ng mga lalaking ito? Ang akala ko kaming mga girls lang ang ganun.

Sumabay na ako kay Rhea na pumunta sa pagdadausan ng nasabing drinking party. Habang naglalakad kami, tumawag si Brian.

"I'm here with Rhea. Don't worry," sabi ko. Susunduin daw kasi sana niya ako. Naihatid na raw niya sina Gary at iba pa nilang kasamahan sa restobar. Mariin kong sinabihan na gusto kong maglakad with Rhea. Hindi naman namilit. Pero bago magpaalam, nagtanong kung kaming dalawa lang ba. Iniisip siguro na kasama namin si Liam.

"Yeah. Just the two of us," sagot ko.

"Someone's jealous," malakas na sabi ni Rhea. Pinarinig pa talaga kay Brian.

"I'm not," kaagad na tanggi nito. Nakatawa.

"You're defensive," hirit pa ulit ni Rhea. Tumawa na lang si Brian at nagpaalam.

Nang makarating kami sa nasabing restobar, tinuro ni Mark kung saan kami uupo ng kaibigan ko. Ang layo namin kay Brian. Nakakainis!

Binigyan kami ng waiter ng tig-isang inumin para pang-toast. Ang pinuno pa ng Board of Education (BOE) ang namuno nito. Pagkatapos, makapag-toast, pinagsalita ang bagong kasal.

"First of all, I would like to thank everybody for coming here in my honor, especially my good friend, Brian. Buddy, thank you." Itinaas pa nito ang wineglass sa direksyon ni Brian. "A lot of people are wondering about what happened. But I just want to reassure everyone that all three of us are happy where we are right now. I hope you respect that," at tinaas uli ang kopita. Nag-sigawan ng kampai ang lahat.

"He's a brave guy," tanging nasambit lang ni Rhea at pumalakpak kagaya ng iba pa.

Pagkatapos makapagsalita ni Gary, nagsidatingan na ang order na pagkain. Nag-hop from table to table ang pinuno ng BOE. Nakipagtsikahan sa mga guro sa bawat table bago ito bumalik sa kanyang mesa kung saan naroon ang newlywed at ang kaibigan nitong si Brian. Mukhang nag-e-enjoy na ang lahat.

Tumayo na rin si Rhea at umikot-ikot din sa mga tables. Nakipagtsikahan sa iba pang mga guro. Sinenyasan akong ganun din ang gawin ko. Ang pangit daw kasi na manatili lamang sa iisang table sa mga ganoong klaseng pagtitipon. Tatayo na sana ako pero lumapit si Liam.

"Can I sit here beside you?" tanong nito.

"Of course," sabi ko naman.

Tingin ko marami-rami na rin ang nainom niya. Namumula na ang pisngi, e. Medyo namumungay na rin ang mga mata.

"You know, I am truly happy that Maiko's with Gary now," makahulugan nitong panimula. Napatigil tuloy ako sa pagtusok ng karaage (fried chicken) sa harap ko at napatingin sa kanya.

"She was very unhappy for a long time. I remember she asked me once --- how would a girl know if the guy is into her?" Lumagok muna ito sa hawak-hawak na kopita bago nagsalitang muli. "I told her, one of the most obvious signs is when he easily gets jealous when she's talking to some guy. And she told me, Brian was NEVER jealous. To prove her point, she asked me to meet her at Trattoria. We had lunch together. Then, she called Brian to pick her up. He saw us. But he was just cool about it. He even thanked me for taking his fiancee to lunch," tumungga uli si Liam.

Ah, ganun pala ang nangyari nun. Akala ko pa naman nagdate sila in the real sense of the word.

Ini-imagine ko ang Maiko na kinukuwento ni Liam at nakaramdam ako ng matinding awa.

"When he didn't react to us having lunch together, Maiko asked him if it was okay for her to go with me to a local baseball match on that very same day. Actually, there was no baseball match. She just wanted to test him. And you know what he said?" Tumingin pa ito sa akin. Napaka-dramatic naman nito magkuwento.

Pinagbigyan ko siya. "What did he say?" tanong ko.

"He said, okay. That's all. He seemed preoccupied that day. I think, he was kinda relieved that Maiko was going somewhere because he seemed to have other plans, too."

Naku, yon yata ang time na inimbitahan ako ni Brian sa bahay niya para gawin ang group logo namin para sa English Camp. Yon din ang first dinner namin together.

Tumingin sa akin si Liam. Parang may nais malaman. Napayuko ako. Kunwari, abala sa katutusok ng karaage sa plato ko.

"I really felt sorry for Maiko then. There was nothing she could do to make her fiance jealous. And I remember then that there was this girl I like so much who I cannot talk with or goof around with without Brian glaring at me," at napatawa pa ito.

Medyo nag-init ang mukha ko. Alam kong alam na ni Liam na may namamagitan sa amin ni Brian. Hindi pa rin ako nagsalita.

"Remember English Camp? When I accidentally pushed you and you fell in the ditch? He looked at me like he wanted to devour me alive. Not only that. Even way before English Camp. Everytime I go near you, he glared at me. So I know that with the right girl, he could be jealous as hell. So I was pretty sure that he is the jealous type."

Sobra akong na-flattered dun. Pero at the same time, I felt bad for Maiko.

"But I'm not blaming you, sweetie. It was never your fault. They had some problems long before you came. It just so happen that you made him realize what he was missing. But bad news for me because I really like you, you know," at tumawa na naman ito. Lasing na nga ito siguro.

"How did you and Maiko become good friends?" naku-curious kong tanong

"She often comes to our get-together. You know, the junior high school get-together on Friday nights. She used to tag along with either Brian or Gary. When I started to get to know her, I realized that she's cool. Not my type, either. But she's cool."

Napangiti ako dun. Loko-loko talaga itong Liam na 'to.

"But I'm glad, she's now with Gary because I know he has loved her for a long time. Thank God, she has made the right decision."

Napatangu-tango ako.

"Want more drinks?" tanong nito nang makitang halos wala nang laman ang wineglass ko. Nilapit ko sa kanya ang kopita para lagyan niya ng white wine. Nang magkaroon na ako uli ng drinks, tinaas namin pareho ang mga baso namin sabay sabi ng, "Kampai!"

Nun naman lumapit si Brian sa amin. Madilim ang mukha. Napatayo tuloy si Liam, hawak-hawak ang kanyang baso. Tumingin siya sa akin nang makahulugan at nagsabi ng, "See what I mean?" bago umalis.

Hinarap ako ni Brian. Galit. "What was he talking about?" May pagdududa ang boses. Hindi ako sumagot. Hinagod ko lang ang likod niya at humilig sa kanyang dibdib. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top