Chapter Thirty-Three - Chicken Adobo
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
THERE'S A PRINTED COPY AVAILABLE. JUST ASK/PM GRET SAN DIEGO ON FB.
**************************
Naisip ko ang mga sinabi ni Liam tungkol sa pagseselos ni Brian sa kanya at ako'y napangiti. Napansin ko rin yon noon pero ayaw ko lang masyadong mag-assume. Naisip ko rin si Maiko. Kahit papano nakaramdam ako ng awa sa kanya. Alam ko ang hirap na pinagdaanan niya dahil halos magkapareho ang naging kapalaran namin. At least sa kanya, naisalba niya ang pride sa pamamagitan ni Gary. Pinagdadasal ko lang na sana hindi niya ginamit ang huli para gawing rebound lover lang.
Sa mga nangyari kamakailan, ngayon ko lang naintindihan ang naging damdamin ni Laurie. For the first time, lumambot ang puso ko sa dati kong best friend. Sadyang mahirap nga palang magdesisyon kung sangkot ang kaibigan kaya siguro umabot pa sa araw ng kasal ko. At sa bandang huli, nanaig din ang dikta ng puso. Ganun siguro talaga. Sabi nga ni Emily Dickinson, "The heart wants what the heart wants..."
Natigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang cell phone ko. Tumatawag si Brian.
"I'm sorry, babe. I cannot go there for lunch. I am now heading to Kansai Airport. Got to pick up my Dad. He decided to come to Japan afterall," sabi niya agad nang marinig akong mag-hello.
"Oh," tanging naisagot ko. Hindi ko naitago ang sobrang disappointment. Nagresearch pa naman ako kagabi kung papano lutuin ang chicken adobo tapos ako lang pala ang kakain nito.
"So sorry, baby. I will make it up to you. We'll have it for dinner tonight. Dad and I will drop by your house later, okay?"
Kasama niya Dad niya? Pupunta sila dito sa apartment ko? Gosh! Ang dumi ng bahay.
"O-Okay," sagot ko na lang. Medyo nag-aalangan. Pagkasabi ko nun, nagpaalam na si Brian. Nandiyan na raw ang train.
Natuloy din pala ang pagbisita ng Dad niya sa Japan. Akala ko kinansela na nito dahil hindi natuloy ang kasal. Medyo kinakabahan ako kasi baka iniisip niya na inagaw ko si Brian kay Maiko. Sana kasing lawak ni Liam ang pag-iisip niya.
Tinapos ko ang pagluluto at kaagad na sinimulan ang paglilinis ng bahay. Kailangang presentable naman ang apartment ko. Dali-dali akong nag-mop ng kitchen at nagvacuum sa dalawang silid. Pagkatapos kung maglinis, pinalitan ko ang mga kurtina, bedsheet, cover ng mga throw pillows, pati na unan at kumot. Sakaling magawi sila sa kuwarto ko at least di naman kahiya-hiya.
Mag-aalas tres na na nang natapos ako sa paglilinis at pag-aayos ng bahay. Mga bandang alas kuwatro, tumawag uli si Brian.
"Hey babe. We just got home. I'm excited to try your chicken adobo. Dad said he's also very eager to try it. He had not eaten any for a long time now so be prepared. We will devour it," sabi nito at tumawa pa sa dulo.
"Gosh, I'm pressured. I'm sure the last chicken adobo your dad had eaten was that of Tita Alicia's. Mine is nothing compared to your mom's cooking," nag-aalala kong sagot.
"Don't worry. I'm sure it's delicious. See you later."
Naisipan kong sumaglit sa supermarket para bumili ng ready to grill na meat at chicken just in case di nila magustuhan ang chicken adobo. Mabuti na yong may choice sila.
Mga bandang alas sais na nang dumating ang mag-ama. Ang weird ng feeling ko. Naikompara ko kasi sila ni Tito Mando. Kung gaano ako ka at ease agad sa stepfather ni Brian, ganun naman ako ka kabado dito sa tunay niyang ama. Hindi kasi palangiti.
"So you're Alexandra? Alex, right?" tanong nito.
Tumango ako. "Yes, sir. It's nice to meet you. Brian has been talking a lot about you," nakangiti kong sagot. Inabot ko agad ang kamay niya nang nakipagkamay siya sa akin.
"Really?" nasabi nito at tumingin sa anak.
Habang pinagmamasdan ko sila, nakita ko agad ang special bond nilang dalawa. Natitiyak kong close sila sa isa't isa. Alam ko na ngayon kung saan nakuha ni Brian ang mga mata niya. Malaki din ang pagkakahawig ng hugis ng ilong at mukha nila. Pero ang ibang features ni Brian, gaya ng bibig, noo, at kinis ng kutis ay mula naman kay Tita Alicia.
Pinaupo ko na muna sila sa sofa na nasa living room.
"Would you like some drinks, sir?" tanong ko.
"Yes, please. Thank you and call me Phil," sagot naman niya habang tumitingin-tingin sa paligid.
Phil. Short for Philip. Medyo na-disappoint ako. Siguro ganun lang talaga sa kanila. Masyado namang feeling close kung 'Dad' agad.
Pumunta akong kitchen at kinuha ko ang nabili kong white wine sa supermarket. Nagdala ako ng tatlong kopita sa living room. Pagkalapag ko ng wine sa center table, dinampot agad ito ni Phil at binasa ang label. Naku, sana okay ang nabili ko. Sana magustuhan niya.
"Oh. This is white wine. Didn't Brian mention that I don't drink white wine?" sabi nito sa malumanay na boses pero matindi ang naging impact sa akin. Nag-init kaagad ang tenga ko sa pagkapahiya.
Napakamot ng ulo si Brian at napatawa nang mahina. "Sorry Dad. That, I didn't mention. You see, Alex and I love white wines. So I think she assumed you like it, too."
Tumatambling na sa kaba ang natataranta kong puso. Feeling ko anytime from now ay tatalon na ito mula sa dibdib ko.
"Do you have other drinks?" tanong nito. Nilapag ang bote ng vino sa center table.
"I think I have some beer in the fridge," nahihiya kong sagot. Hindi pa nga ako naka-first base, out kaagad ako. Natatakot na tuloy ako for my chicken adobo.
"Okay, I'll have some beer then."
"And some non-alcoholic drink for me, if you have one, babe," sabi naman ni Brian. Babe. Sa harap ng ama. Kahit papano gumaan ang pakiramdam ko. "I'm driving, you know," paliwanag nito nang makita niyang parang nagtatanong ang mga mata ko.
Tumango ako at bumalik sa kusina. Kumuha ako ng Guinness at yong non-alcoholic drink para kay Brian. Inabot ko ito sa kanila. Siguro naman magugustuhan na ni Phil ang nakuha kong beer para sa kanya. Most British I know gusto naman ang Guinness.
Inabot nito ang beer. "Thank you. Hmn. This is not Japanese beer," sabi na naman. "There's this Japanese beer that Maiko used to offer to me every time I come here. What's that again, son?' at binalingan si Brian.
"Asahi Super Dry," walang kagatol-gatol namang sagot ni Brian. Mukhang hindi napansin ang tensyong kanina ko pa nararamdaman.
"Yeah. I think that tastes better than this. Although this comes from our side of the world," at nginitian nito ang anak.
Two outs na ako. Gosh! Mukhang disaster na agad, drinks pa lang.
Hindi na ako sumagot. Kinuha ko na lang ang bottle of wine para buksan. Ako lang pala ang iinom nito ngayon. Ang saklap naman. Nag-aksaya pa ako. Ang mahal pa naman nito.
"Let me do that for you, babe," sabi uli ni Brian at kinuha sa akin ang bote ng wine. Babe. Two times na. At least, alam kong pinapaalam niya talaga sa ama kung sino ako sa buhay niya. Nakakagaan ng loob.
Nilagyan ni Brian ang wineglass ko. Ako naman ang naglagay ng inumin niya sa kanyang baso pati yong sa dad niya. Pagkatapos ay sabay-sabay kaming nagsabi ng 'cheers'.
Nagkuwento si Brian tungkol sa pagbisita niya sa Pilipinas. Pero hindi niya binanggit ang tungkol sa ina at sa pamilya nito. Puro tungkol sa amin. Kung gaano daw kabait ang papa ko, ang Tita at Tito ko, pati na si Yaya. Pinuri din niya ang beach na napuntahan namin sa Cebu. Sinabi rin sa ama na next time daw na magbakasyon siya sa Pilipinas gusto niyang kasama na ito. Ngumiti lang si Phil pero hindi naman nagkomento.
Pagkatapos maubos ng mga drinks namin, hinanda ko na ang hapunan. Nagtungo sa kusina si Brian para tulungan ako. Nakita siguro niyang natataranta ako kaya niyakap niya ako mula sa likuran at hinalikan sa batok.
"Relax, baby. You're doing fine," natatawang sabi nito nang di ako magkandaugaga sa kakahanda ng mga prutas. Kinuha niya ang melon at siya na ang naghiwa nito. Kinuha ko naman ang grapes at hinugasan.
"Melon would be enough," sabi niya.
"Just want your dad to have a choice," paliwanag ko habang hinuhugasan ang mga ubas.
Napangiti na naman ito. Hinalikan ang tungki ng ilong ko. "You worry, too much. Don't stress yourself out. You're doing fine, believe me," at pinisil niya ang baba ko.
Hindi pa rin ako napangiti. Papano ako ngingiti kung hanggang leeg ang nerbyos ko? "Are you sure?" paniniguro ko.
"Come here," at hinila niya ako palapit sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Binaon niya ang mukha sa leeg ko habang hinahagkan-hagkan ito.
"You're crazy. Your dad is just in the other room," anas ko sa kanya habang nagpupumiglas.
"It's okay. He knows about us, anyway."
Sabay naming dinala ang mga prutas sa living room at kumain na. Pagkatikim ng ama niya sa chicken adobo, nakita kong napangiwi ito. Patay! Heto na naman po kami. Si Brian naman ay maganang kumain.
"I think you put too much vinegar in your adobo. I could also taste a lot of garlic," malumanay na komento ng matanda. Siniko ito nang mahina ni Brian.
"Just eat, okay," natatawang wika nito sa ama. "Alex had done so much for us."
"Sorry, son," at ngumiti ito sa anak. "So Alex, what made you come to Japan?" tanong nito para lang may pag-usapan kami.
Nagkuwento naman ako tungkol sa naging buhay ko sa Pilipinas. Pero may mga detalye din akong hindi isinama gaya ng pagtalikod sa akin ng groom ko sa araw ng kasal namin. Pero kahit nagkukuwento na, hindi maalis sa isipan ko ang panlalait niya sa ginawa kong chicken adobo na ilang oras kong ginawa kanina. Obviously, si Maiko ang gusto niya para sa anak.
Feeling ko bumagal ang oras. Pakiramdam ko ilang years na kaming kumakain di pa rin kami tapos. Buti na lang from time to time ay ginagawang biro ni Brian ang mga pasaring ng kanyang ama. Kaya medyo nabawasan ang tindi ng impact sa akin.
Nang matapos kaming kumain, nagtsika-tsika pa muna kami habang umiinom. Mayamaya, nagyaya nang umuwi ni Phil. Kailangan na daw niyang magpahinga dahil pagod sa biyahe. Naintindihan ko naman yon. Hindi ko na sila pinigilan.
Hinatid ko sila hanggang sa ibaba ng hagdan. Niyakap ako ni Brian. Habang yakap-yakap niya ako, nauna nang pumunta sa kotse ang dad niya.
Nagliligpit na ako ng mga pinagkainan namin nang marinig ko ang komento ni Phil mula sa baba.
"Are you sure about that woman? And you left Maiko for her?!"
Nanlamig ako sa narinig. Pakiramdam ko pa may kumuha ng patalim at sumaksak sa puso ko. Natigil ako sa pagpupunas ng mesa. Mayamaya ay narinig ko nang inistart ang sasakyan. Kaya di ko na nakuha ang sagot ni Brian.
Matagal nang nakaalis ang mag-ama, pero hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang sinabi ni Phil. Napasandal ako sa sofa habang hawak-hawak ang pampunas sa mesa. At malayang umagos ang aking mga luha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top