Chapter Thirty-Eight - Takoyaki

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

***************************

Hindi ko alam kung kami na nga ba ulit ni Brian. Kasi simula noong maligaw siya sa bahay na lasing na lasing, regular na siyang nagte-text o tumatawag sa akin kahit mangumusta lang o magtanong kung kumain na ako. Minsan, dumadaan din siya sa bahay at sabay kaming nagdi-dinner sa labas. Pero hindi na siya nakitulog ulit. Gusto ko mang tanungin kung ano na status namin, nauunahan lagi ako ng hiya. Hindi ba dapat sa kanya manggaling yon?

Naliyo na naman ako. Di ko na kaya. Bigla akong napatakbo sa banyo at nagsuka na naman nang nagsuka. Parang hinahalukay ang sikmura ko. Papano kasi, hindi mawala sa isipan ko ang imahe ng maliliit na octopus. Nakikita ko silang nagwawagayway ng mga galamay nila at kinakamot ang lalamunan ko. Nang mahimasmasan na ako, tumawag ako kay Rhea.

"Rei, could you tell either Fujita-sensei or Mark Dale that I cannot attend our shogakkō (elementary school) group meeting today? I don't feel well," sabi ko dito.

"What happened?" tanong nito agad.

"We had takoyaki (octopus balls) for lunch today. I ate six of them," kuwento ko habang pigil na pigil dumuwal ulit.

"I thought you don't like octopus?"

"Yeah, I don't. But I have to show the kids that it's not good to waste their food. So just to show them that I mean it, I finished mine," sabi ko pa.

"You should have told the homeroom teacher that you don't eat octopus, sweetie. They should not serve you that. I actually refuse to eat my school lunch if there's taco (octopus) in it. Ugh! Just thinking about those little fellas make me sick! I just could imagine how you feel right now."

"Yeah. My bad. I should have told them. But then, kids may think it's not fair," sagot ko naman. At naduduwal na naman ako kaya dali-dali akong nagpaalam kay Rhea at tumakbo na naman sa banyo.

Nanghina ako pagkatapos. Kaya naghubad na lang ako ng skirt at blouse na sinuot ko sa eskwelahan kanina at napadapa na sa kama - ng naka-bra at panty lang. Wala akong lakas maghanap ng pampalit na damit. Nahihilo pa rin ako.

Mayamaya pa, may nagbuzzer. Napaungol lang ako. Wala akong sapat na enerhiya para bumangon at tingnan ko sino ang bisita ko. Naramdaman ko na lang na may pumasok sa kuwarto. Kahit alam kong naka-bra at panty lang ako at nakakahiya sa bisita, wala din akong strength na bumangon at takpan ang sarili.

"Alex! Okay ka lang?" narinig kong tanong ng pamilyar na boses-babae.

Idinilat ko ng kaunti ang mga mata ko. Si Ate Beth. Pano ito nakapasok?

May nilapag siyang mangkok sa ibabaw ng study table ko at inayos ang pagkakahiga ko sa kama. Kinuha niya ang kumot na nasa ilalim ng unan at tinakpan ang halos hubo't hubad kong katawan.

"Bakit hindi ka nagsabi sa principal nyo na hindi ka kumakain ng octopus? Pambihira namang babae to, oo. Hindi pupuwedeng pilitin mo ang sariling kainin ang mga inihahain nila sa yo kung di ka naman kumakain nun. Okay lang tumanggi, ano ka ba?" may himig pangangaral na sabi ni Ate Beth.

Ungol lang din ang sagot ko. May pinaamoy ito sa akin. White flower siguro. Tapos may nilagay din siya mula sa maliit na boteng yon sa aking sentido.

"Nagdala ako ng mainit na sabaw ng tinolang manok. Pantanggal nung aftertaste ng takoyaki. Gusto mo bang humigop?"

Tumango lang ako. "S-sige." Baka sakaling malimutan ng dila ko ang lasa ng takoyaki. At nang bumuti-buti ang pakiramdam ko.

Inayos ni Ate Beth ang unan sa likuran ko para pang-suporta. Halos nakaupo na ako ngayon sa kama. Nakandal sa patung-patong na unan. Inalalayan ako ni Ate Beth sa paghigop ng sabaw ng tinolang manok. Naubos ko ang isang maliit na mangkok. At nakaramdam ako ng ginhawa. Pinagpawisan pa ako.

Pinatong uli ni Ate Beth sa study table ang bowl at nagpaalam sa akin na hanapan niya ako ng damit pambahay sa closet ko. Tumango lang din ako. May nilabas itong cotton shirt na maluwang, hanggang kalagitnaan ng hita. Isinuot niya sa akin yon sabay tanggal ng bra ko. Mas maginhawa daw kapag nag-shirt at undies lang ako. Walang sagabal sa paghinga.

Naupo lang muna siya sa tabi ko at nagkuwento. Buti daw at tinawagan siya ni Fuji-sensei, yong homeroom teacher ng sannensei (third graders). Yong class na kasama ko sa lunch kanina. Hindi na raw maganda ang kulay ko nang umalis ng eskwelahan kaya nag-alala na ang guro. Dahil alam ni Fuji-sensei na magkapitbahay daw kami, nakisuyo na ito na tingnan ako kung okay lang daw ako.

Napangiti ako. Na-touched naman ako dun.

"Mabait yong guro na yon. Lahat ng mga anak ko, paborito siya. Dati nilang guro yon, e. Kaya magkakilala din kami," paliwanag pa ni Ate.

Napatangu-tango lang ako. Gumaan na kahit papano ang pakiramdam ko. Ang laking tulong ng mainit na sabaw ng tinolang manok. At siguro ang white flower na rin. Dahan-dahan nang nawala ang pagkahilo ko.

"P-pano po kayo nakapasok?" tanong ko sa mahinang boses.

"Hindi naka-lock ang pinto. Siguro nakalimutan mo kanina."

"Ganun ba?" Sa pagmamadali ko siguro kanina. Naduwal kasi ako agad. Kaya tumakbo na lang ako sa banyo.

"Kung sa bagay, dito sa neighborhood natin, safe naman. Minsan nga nakakalimutan din naming mag-lock pero wala namang nangyayari," sabi naman nito. "O siya. Uuwi na rin ako. Tawag ka lang kung kailangan mo ng tulong."

"Opo," sagot ko. "Pakisara na lang po ng pinto. Mamaya ko na lang siya ila-lock," pahabol ko.

Pumikit ako. Magpapahinga lang ako sandali. Pagkatapos ay maliligo na ako. Feeling ko, amoy suka na ang bunganga ko. Pero ang sandaling pagkaidlip ay nauwi sa mahimbing na tulog. Dahil paggising ko, madilim na. Sinubukan kong bumangon. Magaan na ang pakiramdam ko. At hindi na ako nahihilo. Bumaba ako ng kama at kinapa ang switch ng ilaw sa dingding. Dumerecho agad ako sa banyo. Nagsepilyo at nagshower na rin. 

Manipis na blue cotton shirt with matching blue shorts ang isinuot ko. Hindi na ako nag-blow dry ng buhok. Hinayaan ko na lang itong nakalugay. Nag-init ako ng tubig para sa instant miso soup. Yon na lang ang hapunan ko. Bubuksan ko na lang sana ang pakete nun nang marinig ang tunog ng buzzer. 

Napangiti ako. Baka maghahatid na naman ng panghapunan si Ate Beth. Siguradong Pinoy dish na naman yon. Pinatay ko ang stove. Excited na ako sa dalang pagkain ni Ate. 

Dere-derecho ako sa pagbukas ng pintuan. Di ko tiningnan ang monitor. Di ako nakakilos agad nang iba ang mapagbuksan ko. Si Brian! At may dala-dala itong supot. 

"Oh," tanging nasabi ko. 

"You seemed disappointed," nakangiti nitong bungad sa akin. 

"I thought it was Ate Beth with some Filipino dish," paliwanag ko. "I didn't hear your car so I didn't expect you to be here." 

"I biked this time," sagot naman niya at pumasok na sa loob. "Are you okay now?" tanong nito agad. 

Pano nito nalaman? Tumango lang ako. 

"I heard from Ate Beth that you didn't feel well. And it was because of some takoyaki that you ate for lunch." 

Tumango ako uli. 

"Next time, be honest with them. They won't force you if you tell them you don't eat certain foods. I don't eat all of my kyuushoku (school lunch). I also hate octopus. I don't eat whales either." 

Nagse-serve din sila ng whales? Gosh, hindi ko rin kayang kainin yon! Baka lumabas na pati lamang-loob ko nun sa pagsusuka. 

"I was trying to show the kids that it's bad to waste food so I tried my best to eat my share of takoyaki. I thought I could do it," paliwanag ko naman. 

"Next time, don't force yourself, okay?" 

Tumango na naman ako. 

"Here, I brought you something," at inilapag nito ang supot sa ibabaw ng table sa living room. Yakiniku (grilled meat) obento. Mukhang masarap. 

Kumuha na lang ako ng drinks sa ref. Ikinuha ko siya ng malamig na Guinness at ako nama'y canned pineapple juice. 

Habang kumakain, halos di kami nagkikibuan. Parang nagkahiyaan kami. Parang may wall na between us. Unlike before na masyado akong komportable sa kanya, ngayon parang back to square one kami. Marami pa rin kasi akong pagdududa sa kanya. Hindi pa rin ako kumbinsido na hanggang kaibigan niya lang si Mayu. Hindi ko pa rin makalimutan yong pag-inuman nilang tatlo sa bahay niya. Tsaka ang pagtawag ng babae sa kanya nang ganun ka aga nang minsang matulog siya sa bahay. Kung magkaibigan lang sila, hindi naman siguro magkaka-guts ng ganun yon. 

"Mom said hi to you, by the way. We skyped last night," sabi nito makaraan ang ilang sandali. 

Buti pa si Tita Alicia. 

"Thanks. Please say hi to her for me next time," sabi ko naman. 

"We'll talk again this Sunday night. Why don't you come to my house so we can both talk to them," sagot naman niya. Sumulyap pa sandali sa akin. 

Natigil ako sa pagnguya at napatingin din sa kanya. Hindi siya bumaba ng tingin. Ang lagkit ng mga titig niya kaya ako na ang umiwas. 

"Okay," tanging naisagot ko. 

"That's settled then. I'll come pick you up here at around seven. Is that okay?" 

"That's fine with me," sagot ko naman nang hindi tumitingin sa kanya. 

Pagkatapos nun, nawalan na naman kami ng mapag-uusapan. Kasi ang gusto kong pag-usapan sana namin ay ang tungkol sa babaeng yon. Pero ayaw ko namang magmistulang insecure na girlfriend na nagger wife all rolled into one. Hindi ko alam kung papano buksan ang topic na yon. Hangga't hindi namin naaayos ang isyung yon, feeling ko hindi ako mapapanatag. Ayaw kong magtiwala nang ganun-ganun lang. Takot na akong maloko ulit. 

Dahil tapos na kami pareho, niligpit ko ang pinagkainan namin. Nagkaroon tuloy ako ng excuse na umalis saglit sa harapan niya. Nakaka-conscious na rin kasi. Lalo pa kapag tinititigan niya ako. Ikinuha ko uli siya ng beer. 

"Thanks babe," mahina niyang sabi. Para namang hinaplos ang puso ko.

Gosh, nami-miss ko siyang talaga. Actually, kanina pa ako natutuksong yakapin siya at halikan. Nami-miss ko nang makulong sa mga bisig na yon. 

Naupo na kami pareho sa sofa at binuksan niya ang TV. Kung bakit nataon talaga sa halikan ng dalawang bida ang palabas. Iniwas ko sa telebisyon ang mga mata. Kunwari'y abala ako sa iniinom na apple juice. 

From the corner of my eye, nakita ko ang biglang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi kaya napasulyap ako sa kanya. 

"What's funny?" di ko napigilang itanong. 

Umiling siya. Nakangiti pa rin. 

Napasimangot ako. Pinagtatawanan ba ako ng mokong na to? Dahil nakabusangot na ako, pinaliwanag niya. Na-amuse daw siya nang umiwas agad ako ng tingin nang makitang naghahalikan ang mga bida sa palabas. Tuloy ay nilipat niya ang channel. Para daw akong school girl kung magblush. 

"I didn't blush," tanggi ko. Namula ba ako nun? Di naman ata a. Nag-init lang ang pakiramdam ko. 

"Okay, if you say so," sabi na lang niya. 

Naisip ko, kelan to mag-o-open up sa mga issues namin? Sabi naman niya mag-uusap kami. Ngayon sana ang magandang pagkakataon. Pero mukhang walang balak magsalita. Ang dami ko sanang gustong itanong sa kanya gaya ng: ano ang dahilan kung bakit nag-two-day leave of absence ito noong nakarang linggo? Bakit lilipat siya ng Kyoto? Ano na ang gagawin niya after March? Ano plano niya sa aming dalawa? Sino si Mayu sa buhay niya? 

Mayamaya pa, tumunog ang cell phone ko. Si Ricardo. Nangungumusta. Narinig daw niya kay Rhea na sumama ang pakiramdam ko. Pinaliwanag ko dito na okay lang ako. Di naman siya nagtagal sa phone. Nagpaalam agad nang masigurong okay lang ako. Siya na raw ang magsasabi kina David. Worried din daw ang mga yon. 

Nang tingnan ko nga uli ang screen ng cell phone ko, nakita kong meron akong three messages mula kay David at dalawa kay Macky. Agad kong tinext sila na okay lang ako. 

Nang bumalik ako sa living room, nagtanong agad si Brian kung sinong tumawag. 

"It was Ricardo. He just wanted to know if I feel better now," sabi ko. 

"I like your friends. They are very caring. I like how they worry about you." 

Tumangu-tango lang ako. Pero kating-kati na akong buksan ang usapin tungkol sa aming dalawa. Wala lang akong guts. Kelan kaya ito mag-o-open up? 

"Dad wants me to go back to York," bigla-bigla ay sinabi nito. Napatingin agad ako sa kanya. Awtomatikong bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis na ito kanina pa dahil sa presensya niya, pero lalo itong bumilis nang marinig yon. Kinakabahan ako. Pigil ang hiningang hinintay ko ang karugtong nun. 

"He wants me to take over our business. We're into selling used cars, you know. My grandfather inherited that from his father and now Dad's running it. But he wants to retire soon," patuloy pa niya. Medyo may lungkot sa kanyang mga mata. 

"And what did you say?" tanong ko. Di ko na mapigilan. 

"I don't know. I don't see myself as a car dealer," sagot naman nito agad. 

"But are you going to accept it just to please your dad?" kinakabahan kong tanong. Feeling ko pinanlalamigan na ako. Meron palang mas malalang problema bukod kay Mayu. 

Napasandal siya sa sofa at napapikit. Gustung-gusto ko siyang lapitan at haplusin ang pisngi. Yakapin. Maipadama ko lamang na hindi siya nag-iisa. 

"Not sure," sagot niya makaraan ang ilang sandali. Ano ba namang sagot yon? Ibig sabihin may chance pa na pagbigyan niya ang ama. Pano na lang kami? Akala ko ba nasabi na nito sa ama na gusto pa niyang manatili sa Japan? Hay. 

Napatungo na lang ako. Mukhang hindi maganda ang nakikita ko sa kanya. Baka seryoso nitong kino-consider ang alok ng ama. 

Naramdaman ko na lang na may malapad na kamay na humawak sa isa kong kamay at pinisil-pisil ito. Napatingin ako sa kanya. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap. Hinagkan niya ako sa buhok. Tapos hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang tungki ng aking ilong bago bumaba ang mga labi niya sa labi ko. Awtomatiko akong napapikit.  Nang una, banayad lamang ang halik pero nang bandang huli ay naging mapusok na rin ito. Gosh, sobra ko siyang na-miss! 

Nang bitawan niya ako, ako pa ang nagprotesta. Napangiti siya. Hinalikan niya ang gilid ng mga labi ko. 

"I missed you so much," nakangiti nitong sabi at niyakap ako uli. 

"I missed you, too," anas ko sa kanya.

Pinatay niya ang TV at pinangko ako papunta sa kuwarto. Ang isang bahagi ng isip ko ay nagpoprotesta. Teka, Alexandra. Hindi pa nga kayo tapos sa pinag-uusapan nyo. Awat muna. Pero a bigger part of me wants to be with him intimately na. Bahala na ang bukas. Saka na lang ako iiyak uli.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top