Chapter Ten - Spark

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

You may buy the PRINTED Book on Shopee and Lazada. Look for Gretisbored.

**************************

Kinalunesan, excited akong pumunta ng city hall. Kung ang ibang mga kasama ko ay nagrereklamo dahil meron na naman kaming training, ako masaya. Nalaman ko kasing isa si Brian sa mga resource speakers namin.   

Nauna siyang magsalita sa grupo. Ayon sa kanya, hangga't maaari, kailangang i-relate raw sa famous Japanese personalities ang lesson para maengganyong makinig ang mga bata. It has always worked for him daw.   

Kahit naman tumayo ka lang sa harap ng mga estudyante mo, for sure, makikinig na sila sa yo. 

"Yes, Ms. Marquez? You were saying.....?" tanong nito sa akin. Napansin niya! Binulong ko na nga lang yon, e. Ang talas naman ng radar nito. 

"Oh nothing. I was just talking to myself," nahihiya kong sagot. Lahat kasi sila ay nakatingin na sa akin. Biglang napabunghalit ng tawa ang mga kasamahan namin, lalung-lalo na si Liam. 

Tiningnan ako nang masama ni Brian. Iniisip siguro na di ko siya siniseryoso. Hmp, paranoid. 

Kinalabit ako ni Rhea. Nakangisi ito. "What were you murmuring there, sweetie?" 

Tiningnan ko siya, ngumiti, tsaka umiling. Napahagikhik ito. Parang may ideya na raw ito kung ano.  Nang magbreak time nga, hinila niya ako sa tabi at kinausap. Nag-girl talk kami. Hindi na ako nakapagsinungaling sa kanya. Nahulaan niyang type ko nga si Brian. 

"Well, I can't blame you girl. Lots of girls here are crazy about him," natatawang sabi nito. 

"Including you?" panunukso ko. 

Para itong kiniliti. "A little," at humagikhik na naman. "But I prefer black guys. I actually, like," at binulong niya sa akin ang pangalan ni James. Isa yon sa mga magte-train sa amin. Gaya niya, black American din si James. Natawa ako. Kaya pala panay ang sulyap niya sa lalaking yon. 

Naghahagikhikan at nagbubulungan kami nang mapadaan si Brian. Nang magtama ang aming paningin ay kaagad na naningkit ang mga mata nito. Siguro iniisip na pinagtatawanan namin siya ni Rhea. Ang sama ng tingin niya sa akin. 

"Hey there, Brian," nakangiting bati ng kaibigan ko. Hinampas pa nito nang pabiro sa balikat si Brian. Ngumiti naman agad ang mokong. At tila nakalimutan na ang bad mood. Nakipagbiruan na ito kay Rhea. Dinedma lang ako. "Good job, with your little motivation technique. But you know what? I don't think you need them," tatawa-tawang sabi pa ni Rhea. 

Kinurot ko siya nang palihim. Pero umilag lang. Nagpatuloy pa rin. "As I was saying, all you need to do is stand in front of your class and they will be motivated to learn," at humagalpak na naman ng tawa ang bruha. Talagang hindi napigilan ang bunganga. Pinamulahan ako kahit na hindi naman ako ang nagsabi nun kay Brian. Pero kasi ganung-ganun ang binulung-bulong ko kanina sa sarili. 

"Really?" nakangising tanong nito kay Rhea. Tsaka tinapunan ako ng tingin. Umiwas ako. 

"Hey, Brian!" tawag ni Liz sa di kalayuan at kinawayan ang binata. Napatingin kaming tatlo sa babaeng yon.  "Wanna join us?" At minuwestra nito ang bakanteng upuan sa tabi. Kasama nito sina James at Gary. 

Nagpaalam naman agad si Brian kay Rhea bago lumapit sa table nila Liz. Kami naman ni Rhea ay dumeretso na sa kitchen ng cafeteria. Tapos ay tsinek namin kung okay na ang menu na inorder for lunch. Kami kasi ang naka-assign para sa lunch ng buong IET. Hindi naman kami ang magluluto. Kailangan lang naming masiguro na may sapat na pagkain para sa lahat. Kami rin ang namili ng dishes pagkatapos naming tanungin bawat isa kung ano ang preference nila. 

"That Liz girl," simula ni Rhea, "she's been chasing Brian since day one of our orientation. We came together, you know.  Geez, she's really a pain in the neck," at nagroll eyes ito. 

"I can sense, she doesn't like me," kuwento ko naman. 

"Of course. Women's intuition ne (right)," natatawang sagot nito. "I guess, she knew you also like Brian. Just like her."  

Nilagay ko ang hintuturo sa bibig at sinenyasan si Rhea na hwag niyang ilakas ang boses at baka may makarinig, mahirap na. 

"Oh, that's okay. If I were you, I would even tell Brian," at napahagikhik pa ito. "That way you will know if you have a chance or not." 

"But he's engaged," sabi ko. 

"So what? The local women do that all the time. They're really good at pretending they're innocent. You should do the same," payo pa nito. Na-sense ko ang bitterness sa boses niya. Alam kong may pinaghuhugutan. 

May katwiran siya. Kung si Laurie nga nasulot niya si Anton nung araw ng kasal namin, how much more itong isa na to na buwan pa ang bibilangin bago ang nasabing wedding? Pero sa isang banda, may isang bahagi ng utak ko na nagpo-protesta. Hwag na raw akong makigaya sa traidor kong kaibigan para mabawas-bawasan naman ang negative vibes sa mundo. 

Pagka-lunch time, dumeretso agad kami ni Rhea sa cafeteria. Tinulungan namin ang mga obaasan (lola) na mag-ayos ng mesang kakainan ng mga IET. Napansin namin na wala pa sina Mark, Brian, Gary, at James. 

"Oh, they went to buy some props for this afternoon's session," sabi ni Ricardo. 

 Nabahala kaming dalawa ni Rhea dahil halos na-serve na ang lahat na pagkain. Hindi kami nakakuha para sa kanilang apat. At halos papaubos na ang inihain naming pagkain sa mesa. Ang bilis! 

Imbes na maupo para kumain din, tumayo ako at nagpunta sa kusina. Nagtanong ako sa mga obaasan kung meron pang natirang pagkain. Kanin na lang daw. Naku, patay! Dali-dali akong nagpahain para sa apat na katao. Pinalagay ko sa plato ang kanin. Pagkatapos ay bumalik ako sa labas at kumuha ng uulamin nila. Mabuti na lang meron pa akong nakuhang karaage (fried chicken), tempura, vegetable salad, at ilang hiwa ng melon for dessert. Pina-arrange ko sa plato ng kada isa. Tsaka pinatakpan ng plastic wrapper. Nagmukhang sosyal naman kahit na left-over na. 

"Do we have enough food for them, sweetie?" tanong ni Rhea sa akin nang makita akong pabalik-balik sa kitchen. 

"Yeah, everything's taken cared of," at ngitian ko siya. 

"Sorry, I was too hungry to care," at tumawa na naman ito. Napangiti na lang ako. Itong babaeng to talaga. Konting kibot, tumatawa nang malakas. She reminds me of Whoopi Goldberg sa Sister Act. 

Halos simot na ang mga pagkain nang naupo ako para kumain. Pambihira! Ni wala man lang nakaisip na magtira nang kahit konti para sa akin. Parang di ako makapaniwala na here I am, si Alexandra Marquez na pinagsisilbihan ng pagkain almost all my life, ay magkakaganito. Mangsimot ng tira. No choice. Gutom na ako.

"Where have you been?" tanong sa akin ni David nang makita akong nangsimot sa natirang karaage at tempura. 

"There," at tinuro ang kitchen. Wala na akong lakas para makipagsosyalan. All eyes na ako sa natirang pagkain sa harap ko. Kinuha ni David ang natirang isang slice ng melon sa pinakadulo ng mesa at binigay sa akin. Tapos sinabihan ako na mauuna na raw silang tatlo nila Ricardo at Macky sa conference room. Dun na lang daw sila maghihintay sa akin. Total kasama ko naman daw si Rhea. 

Katatapos lang naming mag-toothbrush ni Rhea nang makasalubong namin ang apat. Parang aburido ang mga ito. Kararating lang ba nila? 

"Hey guys. Have you eaten yet?" bati ni Rhea. 

Simangot ang sagot ni Gary. Mukhang bad mood na naman ang isang to. Namumula na naman ang mukha at ulo. 

"There was no food left when we came. So what can we do?" relaxed na sagot ni Mark. "We were actually thinking of going to Royal Host but the training will start in half an hour," sabay tingin nito sa relos. 

"We've saved some food for you, guys," sabat ko sa kanila. "Wait, I'll ask the obaasan here," at dumeretso na ako sa kusina. 

"She was actually the one who saved food for you, guys," narinig kong sabi ni Rhea nang makalayo na ako. At tumawa-tawa ito gaya nang nakagawian niya. 

Pina-microwave ko ang nakaset aside na pagkain para sa kanila. Nagpatulong ako sa isang obaasan (lola) sa pagdala ng mga yon sa labas. Parang manghang-mangha ang apat nang makita ang ginawa ko. Parang hindi nila inasahan. Kasi lahat kayo puro sarili nyo iniintindi nyo. Ni wala man lang thoughtful. 

Kitang-kita kong gutom nga silang apat. Kaagad na ngumiti si James at Mark nang makita ang pagkain. Nagpasalamat kaagad ang dalawa. Sina Brian at Gary naman ay parang di makapaniwala na sa kabila ng nangyari nang isang araw ay maiisipan ko pang tirhan sila ng pagkain. 

"Hey, that's so sweet of you, Alex," parang nahihiyang sabi ni Gary. Ngumiti ito sa akin. Kahit medyo iritado pa ako sa kanya, ngitian ko rin siya. 

Isang walang kalatoy-latoy na "thanks" lang ang nakuha ko kay Brian. Pero ramdam ko rin na na-appreciate nito ang thoughtfulness ko. Hindi na nakabusangot ang mukha nito. Umupo sa tabi ni James si Rhea at tsinika ito. Nahalata ko ang pagpapa-cute niya dito. Napailing na lang ako. Talaga ngang pinangangatawanan ang sinabi nitong flirt while you can motto. 

"Do you want some coffee?" tanong ko sa kanila. Kumislap kaagad ang mga mata ni James. Adik daw kasi ito sa kape. 

"Yes please, honey," nakangiti nitong sagot. 

"Oh, that's sweet of you, Alex," dugtong naman ni Mark. Nagpasalamat din sina Gary at Brian. Pero medyo awkward pa ang dalawa. Lalo na si Gary. 

Nang maayos na silang kumakain at naibigay ko na rin ang kape, niyaya ko na si Rhea na pumanhik na sa conference room. Nagpaalam na kami sa kanila. 

"Thanks again, Alex," sabay na pasasalamat nila Mark at James. Nag-salute pa sila sa akin. Ngiti lang ang sagot ko. Ngumiti rin si Gary at nag-peace sign sa akin. Napangiti na rin ako sa kanya. Si Brian lang ang walang reaksyon. Nakakagigil. 

Nang uwian na, sumabay ako ulit kay Rhea. Dahil kapwa kami di nagdala ng bike, naglakad na lang kami patungong bus stop. 

Naghaharutan kami sa daan nang bigla na lang may nagbusina sa amin. Dumungaw sa bintana si Brian. Niyaya kaming sumakay sa kotse niya. Nagtinginan kami ni Rhea. Tapos bago pa man ako makareact ay hinila na niya ako papunta sa kotse. Siya na rin ang nagbukas ng pintuan sa tabi ni Brian. Dun niya ako pinasok. "Hey," protesta ko pa sana. Sa likuran siya naupo. 

"I want to stretch my legs so I want to sit here in the backseat," nakatawa nitong esplika sa akin. Tiningnan ko kasi siya nang masama. 

Pagdating namin sa may post office, pinahinto ni Rhea ang sasakyan. Napalingon ako sa kanya. Nagtatanong ang mga mata ko. Ano na naman ang drama nito? Ang layo pa ng bahay niya, a. 

"I'll be picking up my package. You can go ahead, guys." 

Tinapunan ko siya ng nakamamatay na tingin. Alam kong sinadya nitong mapagsolo kami ni Brian. Tumawa lang siya sa akin. 

"Thanks for today," mahinang sabi ni Brian nang kami na lang dalawa. "You saved the day." 

Napatangu-tango lang ako. Hindi na ako sumagot. 

"Sorry if I was a brute to you the other day," sabi ulit nito. "Did I hurt you?" 

Napatingin ito sa braso ko. Hindi naman nagkabruise yon so okay lang. Umiling ako. 

"Strange, You're so quiet. But you were distracting me with whatever you were murmuring to yourself during my lecture." 

Sinulyapan ko siya. Paano naman ako nakadistract? Binulong ko lang naman yon a. Unless he was watching me all throughout his lecture? 

"Distracting you? I didn't do anything," sagot ko sa kanya. 

"You were murmuring something to yourself. What was that?" 

"N-Nothing. It was nothing," paulit-ulit kong sabi.  

Tumingin na naman siya sa akin. Hindi naniniwala. 

"Was it something Rhea had told me at break time?" 

Kaagad akong pinamulahan nang maalala ang sinabi ng bruha dito nang magrecess kami kaninang umaga. Nakita kong napangiti siya. Pero kaagad ding pinawi. Napakagat pa ito sa lower lip na ikinatalon ng puso ko. Ang guwapo niya tingnan kapag gumaganun siya. My gosh, di ko kaya to. Hotness overloadna. Nag-init ang aking pisngi. Iyong pakiramdam kapag sobra kang excited na kinikilig. 

"So that was it? You were not paying attention to what I was saying because you were thinking of something else," makahulugang sabi nito at sinulyapan ako. 

Lalo akong nagblush. "Of course not!" deny ko. 

Sumulyap siya uli sa akin. Nagtama ang aming paningin. Parang may kislap sa mga mata nito. At naramdaman ko ang spark. Pakiramdam ko meron din siyang interes sa akin. May spark din siyang nararamdaman!

Pero kung gaano iyon kabilis sumibol, ganun din kabilis nawala. Nakita ko itong nagseryoso na. Hindi na ito nagsalita pa hanggang sa dumating kami sa tapat ng apartment ko. Hay. Ano ba naman yan. Parang pinatakam lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top