Chapter Sixteen - Pictures
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
***********************************
Matagal na tinitigan ni Brian ang larawan sa iPad ko. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Matagal itong hindi nakapagsalita. Panay pa ang galaw ng kanyang Adam's apple. Halatang pinaglalabanan niya ang damdamin. Kakaibang Brian yon. Hindi ako sanay sa ganung Brian. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin.
"A-Are you okay?" medyo kinakabahan kong tanong. Tinitigan niya ako sandali. At huminga nang malalim. Ramdam ko na nainis ito sa tanong ko. Pero wala na akong ibang maisip.
"Do you think I'll be okay after this?" iritado nitong tanong.
Aba, nagmamalasakit lang po ako, no! Pambihira.
"I'm just concerned," sagot ko. Nagtimpi na lang.
"They're pretty lucky," mahina nitong sabi pagkaraan nang ilang sandali. Tumangu-tango ako. Di ko siya masisisi kung bakit ganun na lang ang paninibugho. Mukha kasing masayang mag-anak yong nasa larawan. Nakatawa ang lahat. Lalung-lalo na ang mestisahing ginang. Nakaakbay dito ang bago niyang asawa, ang dahilan kung bakit nito iniwan ang ama ni Brian.
"You're so quiet," puna nito nang di ako sumagot.
"You snap at me when I say something. So I don't know how to comfort you," sagot ko.
"You could at least hold my hand," sabi nito. Di ko alam kung niloloko lang niya ako o seryoso siya. Ganunpaman, sinubukan kong hawakan ang isa niyang kamay. Ang laki naman nito.Ang sabi nila, kapag malaki daw ang kamay, malaki din ang...Lihim akong napangiti.
Gusto ko siyang tabihan at yakapin. Ilagay ang ulo niya sa dibdib ko habang hinahagud-hagod ang kanyang likod. Pero siyempre hindi ko kayang gawin yon lalo pa't nasa loob kami ng Royal Host. Kung bakit dito ko pa siya niyaya. Nakaligtaan kong marami palang tao dito kapag weekends.
Naramdaman ko na lang na marahan niyang binalik sa mesa ang kamay ko at umupo siya nang maayos. "I'm sorry for being so emotional," paghingi nito ng paumanhin.
"It's okay. I understand," sagot ko.
"I've always wondered about her... What made her leave us. What made her leave me. But after seeing those pics, I think I understand now. I just wonder though...if she had ever loved us," malungkot nitong sabi. Na ikinadurog ng puso ko. Naiiyak na ako.
"All mothers love their kids. I think she does love you," pagpapakunswelo ko. Tumingin ito sa akin. Sa kabila ng kalungkutan nito ay hindi pa rin nabawasan ang hotness ng titig niya. Na ikinalukso naman ng maharot kong puso.
"I doubt it. Because if she does, she would have brought me with her. Or at least, came back for me. But she didn't. I think she loves this guy more..."
Ano pa ba ang pwede kong sabihin? May katwiran naman siya. Pero malay naman namin. Baka binalikan din siya ng ina pero di lang binigay ng kanyang ama? Walang makapagsabi kundi ang mga magulang niya lang.
"Are you still going to see her?" tanong ko na lang.
"Not sure anymore. She seemed so happy and contented...I may just ruin it," malungkot nitong sagot habang nilalaru-laro ng chopsticks ang naiwang kapiraso ng carrots sa vegetable salad niya.
"Don't you miss her?" tanong ko. Nag-angat ito ng mukha. Nang makita ko ang ekspresyon nito ay pinagsisihan ko kung bakit yon pa ang naitanong ko. So stupid of me! Hindi na kailangang itanong yon. Kaya nga nagpatulong sa paghahanap, di ba?
"I'm sorry," paghingi ko ng paumanhin agad.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay tumayo na lang. Kinuha ang bill at sinenyasan akong aalis na raw kami. Tapos na naman kaming magdinner.
Nang nasa loob na kami ng kotse, wala na naman kaming imikan. Hay buhay. Inistart na nito ang makina. Saka walang sabi-sabing pinaharurot ang sasakyan. Ambilis naming nakarating sa apartment ko mula sa siyudad ng Muromachi. Lalabas na sana ako ng kotse nang marinig ko itong magsalita. May tinatanong sa akin.
"If you found out you love someone but you're already committed to another, would you leave that other person for the one you truly love?"
Natigilan ako sa narinig. Para akong tinulos...Dumagundong ang puso ko. Naririnig ko na naman ang buzz-buzz ng mga bubuyog sa tenga ko. Nabibingi ako. Ang pakiramdam ko kasi'y magtatapat na siya sa akin. Ayaw ko namang magpahalata na may ideya na ako sa gagawin niya.
"I don't know. Maybe. Lots of people do. Well, my bridesmaid ——," natigilan ako nang ma-realize na naikuwento ko na sana ang nakaraan ko nang ganun-ganun lang.
Hindi iyon nakaligtas kay Brian. "Your bridesmaid? You mean, you're married?" nagugulumihanang tanong nito.
Kaagad akong umiling. "No!" Napalakas ata yong pag-'no' ko. "What I mean is——," di ko alam kung papano sisimulan ang kasinungalingan. I'm always not a good liar.Nakita ko ang interes nito sa paliwanag ko. Napakamot ako sa ulo. Peste! I'm caught off-guard!
"Okay," tila pagsuko ko. Wala na nga akong kawala. Me and big mouth! "Four years ago, I nearly got married. But my groom left me for my bridesmaid. He called off the wedding right on the day itself. I even went to the church only to find out he called it off."
Hindi ako tumitingin sa mukha niya habang nagkukuwento. Nahiya kasi ako. Baka isipin nitong ang loser ko. Jilted bride.
"He's an asshole," tila galit na bulalas niya nang matapos akong magkuwento. Napatingin tuloy ako sa kanya. Tila galit nga. Nakita ko pang napahawak ito nang mahigpit sa manibela. "On a good note, at least he did not go through with it and cheat on you. He doesn't deserve you."
Touched ako ng sobra sa reaksyon niya. Wala ang inaasahan kong pangungutya. Kasi kadalasan napipingasan ang value ng tao sa paningin ng iba kapag nalaman nila na rejected ito.
"Yeah. I'm glad he didn't go through with it because annulment in the Philippines is very expensive. Not to mention the tedious process," sang-ayon ko naman. Gumaan na ang aking pakiramdam. Nabunutan ako ng tinik. At least, may napagsabihan na ako ng aking sekreto. Nakakaluwag pala sa dibdib lalo na kapag may espesyal na bahagi sa puso mo ang taong pinagsabihan mo nito.
"The guy in the picture - was that him?" tanong uli nito.
Nalito pa ako sandali kung anong litrato ang tinutukoy nito. Nang maalala ko ang insidente minsang nagmimiting kami sa city hall, nagulat ako. Naalala pa niya yon? Tagal na nun a. Yon kasi ang time na tinitingnan ko ang pinadalang pictures ni Benz. Stolen shots nina Anton at Laurie nang minsang nag-Jollibee silang mag-anak sa SM Southmall.
"Yeah. That was him having some quality time with the woman he chose over me," mahina kong sabi. Pero parang nagkukuwento na lang ako ng isang distant memory dahil wala na yong impact sa akin. Nang sulyapan ko si Brian, parang tinatantya nito ang aking damdamin. Parang naaawa sa akin. Kaya ngumiti ako sa kanya para ipakita na wala na yon.
"I'm totally over it," nakangisi ko pang sabi sa kanya. Mukha kasing awang-awa sa akin.
"Are you sure?" paniniguro pa.
Tumango ako ng paulit-ulit. "Yeah. I'm sure."
"That's good to hear because you deserved a much hotter guy," at ngumiti naman ito sa akin.
Yeah. At ikaw sana yon. Kainis. Nakalimutan na niya yong tanong niya sa akin. Asan na ang pagtatapat? Huwag mong sabihing nakalimutan mo na rin?
"I guess, people make bold choices when they're in love. I now fully understand why my mother left us for that man. Thank you for sharing your story with me," at umisod ito sa direksyon ko at walang sabi-sabing niyakap ako nang mahigpit. Hinagud-hagod nito ang likod ko at ibinaon pa ang mukha sa leeg ko, sabay sabi ng, "Don't worry, you will find someone who truly loves you." Pagkatapos nun, binitawan na ako at kumaway. Ibig sabihin, pinapaalis na ako.
Nun lang ako nahimasmasan sa kahibangan. Buong akala ko kasi nagpaparinig ito nang nagtanong. Yon pala, ang mom niya ang kanyang iniisip. Gusto kong tumambling sa frustration. Pano kasi, ang dali mong mag-assume.
Ni hindi man lang siya pumanhik sa itaas. Umalis agad. Gusto ko pa sana siyang makasama nang matagal-tagal pero parang nagmamadali namang umuwi.
Binaba ko lang ang bag sa kama at binuksan na ang laptop ko. May email ako galing kay Ate Beth. Shocked ako nang mabasa ko ang mensahe nito. Kaagad ko siyang tinawagan. Nasa bahay daw siya. Hindi na ako nag-isip. Dali-dali akong bumaba at nilakad ko papunta sa kanila.
Nakangiting Ate Beth ang sumalubong sa akin.
"Shocked naman ako dun sa impormasyon mo," sabi nito agad. "Alam mo never ko silang nakonek. Hindi ko talaga inisip ni minsan," at napatawa pa ito.
"Kaya pala meron akong gut-feeling na kailangan kong sabihin sa inyo e," sagot ko naman.
"'Lika muna sa loob. Gusto mo bang mag-tea?" tanong nito.
"Ay, huwag na po. Actually, kagagaling lang namin ni Brian sa Royal Host. Nagdinner kami. At nag-usap tungkol nga dun sa sinend ko," paliwanag ko naman.
"Alam na pala niya?"
Tumango ako. "Opo. Naawa nga po ako sa reaksyon niya. Nalungkot siya. Lalo pa't nakita niyang mukhang masaya sa piling ng bagong pamilya ang mama niya."
"Ay oo. Since day one, never kong nakita na nag-away ang mag-asawang yon. Sa pagkakatanda ko, para silang mga bagong kasal nung dumating sa lugar namin. Hindi namin alam na may naging asawa pala si Ate Alicia," manghang-manghang kuwento ni Ate Beth.
"Mabait po ba yong Alicia?" curious kong tanong.
"Oo naman. At ang ganda pa. Tisay na tisay yon. Parang European. Kakaiba ang mga mata nun. Akala nga namin dati naka-contact lens. Blue eyes kasi yon e."
"Sana naman dalawin siya ni Brian para matapos na ang mga hinanakit niya sa buhay. Kailangan talaga nilang mag-usap."
"Aba'y di natin madidiktahan ang isang yon. Alam mo naman ang mga taong iniwan ng magulang. Hindi ako magtataka kung hindi rin nito puntahan ang ina. Baka sapat na ang malaman na buhay ito at masaya na sa bagong pamilya. Baka lalo lang siyang masaktan kung makita niya na inaruga at minahal ng kanyang ina ang mga kapatid."
"Ano po ang gagawin ko, Ate Beth? Sasabihin ko po ba na alam nyo kung pano puntahan ang mom niya? O kayo na po ang magsabi? Ano po ang gagawin natin?" nalilito kong tanong.
"Makiramdam ka muna. Kapag tinanong ka uli, kung siya na mismo ang magkusang magpatulong kung papano puntahan ang mom niya, di saka mo na lang sabihin. Hayaan muna natin siyang mag-emote. Kailangan niya yan."
Niyakap ko si Ate Beth saka nagpaalam.
Pagdating ko ng bahay, nakita kong umiilaw ang cell phone na naiwan ko sa kama. May dalawang missed calls at isang text message. Galing lahat kay Brian.
"If you asked my opinion, you're a lot prettier than the girl he ran away with," sabi nito sa text. Na ikinataba naman ng puso ko. Naiisip pa rin niya yon? Ano kaya? May something din kaya siyang nararamdaman para sa akin?
Sinagot ko ito ng simpleng, "Thank you." Nagbeep uli ang cell phone ko.
"Where have you been? I've been calling you..." anang text message.
"I went to Ate Beth's house," paliwanag ko naman.
"Thanks for today. I really appreciate your efforts in finding my mom. Someday when I decide to meet her, I'd like you to come with me," text uli nito.
Nag-init ang buo kong katawan nang mabasa ang message. Sobra akong na-touched na ewan. Feeling close. Ramdam kong kahit papano ay meron na rin akong impact kay Brian. Dali-dali kong sinagot ang text niya.
"Sure. I'd love to," at meron pang smiley sa dulo. Hinintay ko ang sagot niya. Pero naka-twenty minutes na wala akong reply na natanggap.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top