Chapter Six - Grapevine

A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro. Just check my store named: Gretisbored.

For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.

******************

Narinig kong may kumatok sa pinto at kung ilang boses ang nagtatanong kung okay lang ako. Hindi ako sumagot. Wala akong lakas. Mayamaya pa narinig kong bumukas ang pinto. Hindi ko alam kung sino ang pumasok dahil hindi ko na maidilat ang mga mata at hindi ko na rin kayang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Ang sakit pa ng ulo ko. Tila kay bigat.

Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin at maingat akong nilabas sa ladies' room. Hindi ko na alam ang sumunod na pangyayari.

Nang magising ako kinabukasan, napansin ko agad na naka-panties na lang ako. Nang igala ko ang paningin sa paligid, tumambad sa akin ang pamilyar na silid. Nasa bahay na ako! Paano nangyari yon? 

Pilit kong inalala ang nagdaang gabi. Ang tanging natatandaan ko ay ang pagpasok sa ladies' room at pagsuka. Sino kaya ang nagdala sa akin sa bahay? Si Gary ang huli kong nakausap bago ako pumuntang CR. Si Gary ang naghubad ng pantalon ko?!Shit! Wala na akong mukhang ihaharap sa kalbong yon. 

Tumawag ako sa school namin. Imposible akong makapasok. Sobrang masakit ang ulo ko. Kahit Sabado ngayon at wala namang klase, obligado sana akong pumunta dahil mayroon kaming meeting with the parents. At gusto sana nila akong ipakilala sa mga magulang dahil bago lang ako sa school. Hindi ko naman kasi naisip na malalasing ako kagabi. Hay, ang nagagawa nga naman ng desperasyon ko kay Brian. Bwisit! 

"Aa, shinpai shinai de, Arekusu-san. (Aa, hwag kang mag-alala, Alex)," sagot ng principal namin nang tawagan kong di ako makakapasok. "Yukkuri yasunde ne. (Magpahinga ka na lang.)," sabi pa nito. 

Hindi ako makapaniwalang hindi man lang nagalit ang principal. Tinext ko si Ricardo kung kelangan ko pa bang sabihan ang Shidouka (Board of Discipline) na siyang in charge sa aming mga International English Teachers (IET)

"No need, darling. I'm pretty sure your Kōchō-sensei (principal) already informed them. You know how they are. They would say, shinpai shinai de but they will report you to Shidouka," natatawang sagot nito sa akin. 

"Should I be concerned about this?" Nag-umpisa na akong mag-alala. 

"Just rest, okay? Worry about it when they ask you for an explanation." 

Tumayo ako at dumeretso na sa shower room. Kailangan ko mapreskuhan para kahit papano'y bumuti-buti ang aking pakiramdam. 

Katatapos ko lang magshower nang mag-ring ang telepono. Sino naman kaya ito? Ang aga-aga e. Hala, baka Shidouka na yon! Dali-dali ko itong dinampot at kinakabahang bumati ng "hello". 

"I heard you are absent today?" patanong na wika ng malamig na boses sa kabilang linya. 

Si Brian! Pano nito nalaman? 

"How did you know that?" napapantastikuhan kong tanong. Wala naman akong ibang sinabihan liban sa principal namin at si Ricardo, a.

"Shidouka called me up this morning. They wanted to know why. They thought I may have some idea because we're neighbors." 

Tama nga si Ricardo! Bwisit na Kōchō-sensei yon! Grabe. Akala ko pa naman, okay lang. Nanggigil kaagad ako. 

"Although I know what happened, I told them that you may be having a painful period," patuloy pa niya. 

"W-What?!" 

"Oh, do you want me to tell them that you went out drinking last night and that you were so drunk you didn't even know who took you home?" hamon nito sa akin. 

Kung sa bagay, may katwiran nga naman siya. Hindi ako nakasagot agad. Nang makabawi, tinanong ko kung sino ang naghatid sa akin pauwi. 

"Who else do you think?" 

"Y-You?!" Hindi ako makapaniwala. 

"And you threw up in my car! I slept so late last night just to clean it up," naiinis na sabi nito sa akin. 

Pinamulahan ako ng mukha. Nakupo! Naalala ko ang hitsura ko kaninang umaga paggising ko. 

"So you were the one who—who," di ko masabi. Nagba-blush na ako. 

"Took off your pants for you?" agaw nito sa sasabihin ko. "Yeah. I had to. That was dripping with puke. Eww!" 

Hindi ako nakasagot. Nag-init ang aking mukha. Gosh! Sobrang nakakahiya! Ano na lang ang iniisip ng lalaking ito? Na masyado akong pakawala? Hay, imbes na ipakita ko ang good side of me, lalo yatang pumangit ang impresyon niya sa akin. 

Napansin sigurong bigla akong natahimik, nagsalita na naman ito. Pinaalalahanan niya ako. 

"I just called to tell you that I told Shidouka that you're having a painful period. Remember that. They might ask you for confirmation." 

Napabuntong-hininga ako. Inuutusan ako ng kumag na magsinungaling. Ikaw naman ang may kasalanan niyan. Buti nga sinalo ka pa niya e.  

"Okay, I'll remember that. Thanks." 

Pagkasabi ko nun, binaba niya agad ang phone. Ni hindi man lang nagpaalam. Wala talagang manners. Nakakaasar! 

Nagbibihis na ako nang tumunog naman ang aking keitai (cellphone). Si David, ang kaibigan kong Canadian. Nangungumusta. 

"What?!" tanong ko na di makapaniwala. Umabot pati kay David na nasa Osaka ang nangyari sa akin kagabi? 

"I heard from Gary. Are you okay, sweetie?" 

"Oh. He told you," medyo naiirita kong sagot. 

"He was just concerned. He knows we are friends so...." 

"Yeah," sarkastiko kong sagot. Bwisit na Gary yon! Ang sarap kalbuhin lalo. 

Pagkatapos ni David, si Macky naman ang tumawag. Narinig niya ang balita sa isang kaibigan ni Gary na nandoon din daw sa party kagabi. Lalo na akong nabwisit. Talagang walang pangyayari na naitatago ng Gary at ng grupo nito. Mga tsismoso. Ni hindi nga ako tinext para kumustahin kung ano na ba ang lagay ko, tapos ipapamalita sa buong IET ang nangyari sa akin? Nakakaasar siyang talaga! 

Imbes na may balak akong mag-groceries dahil wala na akong makain, minabuti kong huwag muna lumabas. Baka makita ako ng mga kapitbahay ko at maisumbong pa sa aking prinsipal. Ito ang mahirap kung nasa neighborhood mo lang ang boss mo. 

Mayamaya pa ay may narinig akong nag-doorbell. Nang tingnan ko sa monitor sa may bandang pintuan, isang di kilalang ginang ang nasa labas. May dala itong bowl. Mukhang hindi siya Haponesa. Pinay kaya? 

Pinagbuksan ko ang babae. Ngiti agad ang sinalubong nito sa akin. Saglit lang. Kilala ko ba ito? Saan ko siya na-meet? Parang hindi pamilyar ang mukha niya sa akin. 

"Hello. Ikaw ba ang bagong titser ng Seto Shogakkō (Seto Elementary School)?" tanong nito sa akin sa Tagalog. Tama ang aking sapantaha. Pinay nga siya. 

"Ako nga po," magalang ko namang sagot. 

"Ako si Beth Yamaguchi. Tawagin mo na lang akong Ate Beth. Malapit lang ang bahay ko dito, mga five houses from here." 

Pinapasok ko siya sa bahay pero tumanggi ito. Inabot lang sa akin ang bowl na may lamang chicken soup. Biglang kumalam ang sikmura ko nang malanghap ang sopas. 

"Nag-abala pa po kayo. Nakakahiya naman. 

"Ano ka ba? Okay lang yan. Magkababayan naman tayo. Sige, next time na lang tayo magkuwentuhan ha? Alam ko na kailangan mo pang magpahinga. Tsaka may pupuntahan din kasi ako. Kung may kailangan ka, heto ang number ko," at inabot niya sa akin ang business card niya. 

"Maraming salamat po." 

Mabuti din minsan ang pagkakaroon ng mga tsismosa't tsismoso. Nakatikim tuloy ako ng mainit-init na chicken soup. Sino kaya ang nagsabi dun na may sakit ako? Si Kochō-sensei? Naku, napaka-tsismoso talaga ng principal na yon. Pambihira. 

Kinalunesan, nang magmeeting ang buong elementary school teachers, naging tampulan na ako ng tukso. Ano daw ang nangyari sa akin nung Friday night? Nung una, nainis ako talaga. Pero nang bandang huli sinakyan ko na lang. 

"Oh, I so love you now, Alex." Si Rhea yon, ang black teacher na dating nagturo sa school ko. Tuwang-tuwa sa nangyari. Ibig sabihin daw hindi ako manang. 

Nabawasan ang hiyang naramdaman ko sa nangyari dahil sa sinabi niya. Nang kami na lang dalawa, tinanong ko siya kung hindi ba nakakahiya ang nangyari sa akin. Umiling siya. Tumatawa. Wala raw yon. Mas malala daw ang nangyari sa iba dati. Kaya huwag daw akong mag-alala masyado. 

"Thank you, Rhea." 

Tumawa na naman siya. Huwag ko na raw intindihin ang mga nangyari. Tsaka binalaan din niya ako tungkol sa culture ng mga International English Teachers (IET). 

"If one IET knows about something, then expect that the following day everybody will know about it. That's how it is here," nakangiting pagpapaalala niya sa akin. Kaya kung may ayaw daw akong i-share na impormasyon sa lahat, dapat huwag kong sabihin kahit kanino sa mga co-teachers ko. 

Ganun? And to think na ninety percent sa mga kasamahan ko ay mga lalaki. Naalala ko si Gary. Bwisit yon! Hinding-hindi na ako sasama sa kung ano mang party ng tsismosong yon.  

"You see? I told you. You don't need to tell Shidouka once you've told your Kōchō-sensei," nakangising sabi ni Ricardo nang nagme-meryenda na kami sa cafeteria. Break time namin sa meeting. 

"I was actually shocked at how fast news travel in this part of Japan," sarkastiko kong sagot. At kinuwento ko ang mga nangyari nung Sabado nang umaga. Tatawa-tawa siya. Nangyari na rin daw sa kanya yon one time. Umuwi siya ng bahay dahil sumakit ang ngipin. Hindi siya nakapagturo sa dalawa niyang klase. Hayun, kinahapunan nakatanggap siya ng sunud-sunod na tawag from City Hall. 

"Really? That's too much. They are being so suspicious." 

"Well, we're foreigners, darling."

Kailangan ko palang maging extra careful kung ganun.  Buti na lang tinawagan ako ni Brian. Napangiti ako nang maalala siya. Kahit na medyo nakakahiya ang nangyari, at least siya ang naghubad ng pantalon ko at hindi ang kalbong Gary na yon. Pero nag-blush ako nang maalala kung anong klaseng undies ang suot ko nun. Sa dinami-dami, bakit iyong white cotton panties pa? So juvenile!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top