Chapter Seventeen - In his arms
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
**********************************
Hilung-hilo ako. Grabe. Hindi ako sanay gumising nang ganito ka aga. Alas kuwatro pa lang naligo na ako dahil alas sais impunto daw ang call time sa city hall. Ngayon ang unang araw ng English Camp. Instant miso soup, fried egg, toasted bread at isang pirasong hot dog ang almusal ko. Medyo heavy para sa isang katulad ko na halos walang kinakain sa umaga. Papano kasi, natakot ako sa narinig kong mga kuwento na tanghali na ang lunch dahil sa dami ng activities. Kaya kailangang busog. Ayaw ko namang mag-collapse doon.
Pagdating ko ng city hall ng mga five minutes before six, naispatan ko agad ang mga kasamahan ko. Kakaunti pa lang kami. Mabuti at di ako late. Pero napag-alaman ko na nakaalis na pala ang first batch. Ang tindi!
Nang mag-impunto alas sais, dumating na ang van na magdadala sa amin sa location. Pinaakyat kami agad. Palinga-linga ako. Di ko pa nakikita si Rhea. Ang sabi nito, parating na siya.
"Hey, Alex. What are you waiting for?" sigaw sa akin ni David. Nasa front seat na ito. "This is the last shuttle that will take us there."
Bahala na nga ang babaeng yon. Ang tagal. Pumasok na ako sa loob ng van pero wala akong maupuan. Nun naman tumawag si Rhea.
"Sweetie, where are you? We're here," sabi agad nito nang marinig niya akong nag-hello.
Bumaba ako. Nakita ko ang kotse ni Brian na huminto sa likuran ng van. Dumungaw sa bintana si Rhea. Kinawayan ako. Nag-atubili akong lumapit.
"Hey girl! C'mon. We'll be late for the opening program," sigaw nito sa akin.
"Oh, that solves the problem," sabad naman ni Mark na nasa likuran ko na. Sinabihan niya akong sumama na kina Brian dahil wala na ngang espasyo sa loob ng van. Kaya wala akong nagawa. Kumaway muna ako kay David bago lumapit sa kotse.
"Okay, see you there, later," sagot naman nito.
Mabuti at nasa harapan si Rhea. Lilipat pa sana ito pero mabilis kong pinigilan. Kaya solong-solo ko ang likuran ng kotse. Ang bango. Parang bagong linis.
Nilingon ako ni Brian bago nito inistart ang makina. Tsaka nagsuot ng sunglasses. Mayamaya pa narinig ko ang cellphone nitong nagriring. Parang ang lapit lang. Luminga-linga ako. Kinapkap ang magkabilang gilid ko. Nakuha ko siya sa likuran ko. Si Maiko! Inabot ko agad ito kay Brian. Dahil nagda-drive, pinasagot nito ang telepono kay Rhea.
"Hello, girl," narinig kong bati ni Rhea. At humagikhik gaya nang nakagawian. Parang kausap lang ang best friend. Bilib talaga ako dito sa babaeng to. Kayang makisama kahit kanino.
"Your girl said hello and take care," pagre-relay ni Rhea ng mensahe. Tinukso pa si Brian. Tapos lumingon sa akin. At nag-roll eyes. Napangiti tuloy ako. Ang plastic ng babaeng to.
Hindi ako masyadong nagsalita habang nagbibiyahe kami. Nakinig lang ako sa kuwentuhan nila Brian at Rhea. Nainggit pa ako dahil mukhang ang close nila. Parati ko pang naririnig ang tawa ni Brian. Nakakakiliti. Ang seksi niya talaga kahit sa pagtawa.
Mayamaya pa, inantok ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang may yumuyugyog sa balikat ko. Tumawa si Rhea nang dumilat ako na parang naalimpungatan pa.
Sinalubong ni Gary si Brian at sabay silang pumunta sa parang gymnasium. Nakabuntot kami ni Rhea. Tinanong ko ito kung humilik ba ako habang natutulog. Naku, kung nagkataon, sobrang nakakahiya kay Brian.
"No. You slept like a baby. So peaceful," nakangiti nitong sagot. Panay nga daw ang lingon ni Brian lalo na kapag medyo napapapreno ito nang biglaan. Mukhang natakot daw na baka magising ako. Concern din pala ang mokong sa akin.
Lumapit sa akin si Liam nang pumasok na kami ni Rhea sa gym. Tumabi ito sa akin at nakipagtsikahan. Pero saglit ko lang siyang kinausap dahil all eyes na ako kay Brian na nagsasalita sa harap naming lahat. Siya ang nagbigay ng instruction para sa lahat ng IET. Siya rin ang nag-announce ng room assignments namin. Kasama ko si Rhea sa kuwarto. Ang lapad ng ngiti namin pareho.
Pagkatapos ng briefing, pumunta na kami sa kuwarto namin. May oras pa kami para makapagpahinga.
"Is it okay to turn on the aircon?" tanong ko kay Rhea.
"Yeah, please. It's so hot in here."
"Oh, thank God," halos sabay naming nasabi nang umaandar na ang aircon. Tumayo pa kami saglit sa harapan nito.
"I'm going topless," maarte kong sabi kay Rhea.
"You go, girl. No one's stopping you. I'll do the same," nakatawang sagot nito.
"Hey, don't temp us girls!" narinig naming sigaw ni Gary sa kabilang kuwarto. Tapos may tumawa. Pinakinggan kong mabuti ang tunog ng tawa. Nasa kabilang kuwarto lang sina Brian! Pinamulahan ako.
"You're blushing," puna ni Rhea sa mahinang boses. Kinilig ito. Sinenyasan ko siya na nasa kabila pala sila Brian.
"Yeah, I heard Gary," sagot nito nang nakangiti. At naghubad na siya ng blusa. Ganun din ang ginawa ko. Pero tinira ko ang bra. Pinatungan ko na lang yon ng sando.
Mayamaya, may narinig kaming kumatok. Nagtinginan kami ni Rhea. Nakahubad pa rin siya.
"Who's that?" tanong ni Rhea.
"It's Brian. I'm giving you your schedule for the day," sagot nito.
Dali-dali naman akong naghanap ng t-shirt sa bag. Ganun din ang ginawa ni Rhea.
"Why don't you just leave it on the door? We'll pick it up later," si Rhea uli.
"Oh, you won't let us take a peek even just for a sec?" may himig pagbibirong tanong ni Gary. Narinig ko na namang napatawa nang mahina si Brian. Dios ko! Kinikilig ako. Tawa pa lang niya yon.
"Go away, Gary. Brian is okay. Bry, you can come in," ganting biro din ni Rhea. Pinandilatan ko siya. Ano bang pinagsasabi nito? Di pa ako tapos mag-ayos ng sarili ko. Humagikhik naman ito.
"It's locked. You are teasing us!" si Gary uli.
Nun lang ako nakahinga nang maluwag. Humagalpak naman ng tawa si Rhea. Nang nakabihis na kami pareho, ito ang lumapit sa pintuan at pinagbuksan si Brian at Gary. Kinuha nito ang papel sa kanila. Nagpakita ng eksaheradong disappointment si Gary nang makita niyang nakabihis na kami pareho ni Rhea. Hinampas ito ng huli sa braso nang pabiro. Nakita ko naman si Brian na sumulyap sa akin habang kausap ang kaibigan ko. May kung anong kiliti akong naramdaman. Gosh, nasa kabilang kuwarto lang sila!
"I have a feeling you were the one who assigned people to their rooms, right buddy?" panunudyo ni Rhea kay Brian.
"It was actually Mark," kaagad na sagot ni Brian. Napakamot pa sa ulo na parang schoolboy. Pero di siya tinigilan ni Rhea. "Okay, partly me," nakatawa nitong pag-amin. "I remember you said you don't want to be in the same room with Liz. So I made sure you are with your friend," natatawa nitong sagot.
"For real?" panunudyo pa rin ni Rhea.
"Lunch will be served at noon. So don't be late," pag-iba nito ng usapan. Tsaka nagpaalam na sila ni Gary sa amin. Sumulyap siya uli sa akin bago sila umalis.
Nakasuot na kami ni Rhea ng jogging pants at t-shirt na may nakaimprentang pangalan ng grupo namin nang bumaba kami para salubungin ang mga estudyanteng kalahok ng English Camp. Madali ko namang nakita ang kagrupo namin dahil nakasuot din sila ng kapareho kong t-shirt. Kasabay ko si Brian na sumalubong sa kanila. Pinakilala niya ako sa mga bata. Ang iba kasi dito ay mga estudyante niya.
"Sensei no kanojo? (Girlfriend nyo, teacher?)" tanong ng isang batang lalaki kay Brian. Tinuturo ako. Ano kayang tinatanong nito?
Sinulyapan ako ni Brian at saka tumingin uli sa nagtanong. Nginitian niya ito at ginulo ang buhok pero di naman sumagot. Sinaway ng kasama nilang Japanese English teacher ang batang nagtanong. Ako nama'y walang kaalam-alam kung ano ang mga pinagsasabi nila. Binalingan ko si Brian pero di naman nag-explain. Kaasar talaga to.
Dinala na namin ang mga bata sa dining hall para maglunch. Nasa iisang table lang ang magkagrupo. Nang inaayos naming dalawa ni Brian ang set up ng table namin, nahagip ng tingin ko si Rhea na nakangiting nakatingin sa amin. Nag-thumbs up sign ito. Bruhang ito. Ipapahamak pa ako. Ngiti lang ang sagot ko.
Parang feeling nanay ako ng mga bata, Gustung-gusto ko naman yon dahil kung ako ang nanay, si Brian naman ang tatay nila. Napangiti na naman ako sa naisip.
"What's that smile for?" tanong ni Brian. Nakatingin pala sa akin.
Nagulat ako. Kaagad akong sumeryoso. "Nothing. I just remember something funny."
"Do you wanna share it?"
Napailing ako. "It's nothing, actually. You wouldn't find it funny," sagot ko at umiwas na ako ng tingin sa kanya.
Nakita ko naman si Macky sa di kalayuan. Kumaway ito sa akin. Gumanti naman ako ng kaway. Kagrupo nito ang English teacher na girlfriend. Kaya abot-tenga ang ngiti.
Mayamaya pa nag-anunsyo na si Fujita-sensei na pumunta na ang lahat sa kabilang building kung tapos nang kumain para sa unang group competition. Mga estudyante lang ang pwedeng lumahok at ang mga guro ay taga-cheer lang ng kani-kanilang grupo.
Message relay ang unang game. Nakita kong mabilis ang grupo namin. Sila ang unang nakatapos. Nang tingnan ko ang sinulat ng bata sa malaking card na binigay sa kanila, napakamot ako sa ulo. Anang nakasulat, "The wite fat catto ate some ratto." Naku, patay! Mali. Binaybay ng bata ang 'cat' at 'rat' ayon sa pagbigkas nilang mga Hapon sa mga salitang yon. Mali din ang spelling niya ng white. Sumilip din si Brian sa sinulat ng bata at pati siya'y natawa.
"Ryuhei-kun!" kunwari'y pinagalitan nito ang bata.
"E?" napatingin ito kay Brian. Nagtatanong. "Chigau no? (Mali ba?)"
"Ryuhei, ba-ka. (Ryuhei, tanga)." Panunudyo ng kaibigan nito. May emphasis sa 'baka'. Kakamot-kamot lang sa ulo si Ryuhei.
Nang pinakita na ng mga bata ang sinulat nilang mensahe kay Mark Dale at Fujita-sensei na siyang nangangasiwa sa game, nanalo pa ang grupo namin. Spelling lang ang mali sa amin pero nakuha ang mensahe samantalang sa iba nama'y hindi na maintindihan kung ano ang original message.
Nag-fist bump kami ng mga bata. Binigyan naman sila ni Brian ng high five. Nag-thumbs up sign sa kanila ang Japanese English teacher nila.
Ang sumunod na game ay charade. Dahil merong dalawampu't apat na grupo at dalawang teams lang ang pwedeng maglaro at a time, pinaiklian ang unang round. Kada grupo ay hiningan ng tatlong simple phrase in English. Nilagay ito sa basket ng kada isa.
Isa sa dalawang naunang grupo ang team namin. Kalaban ang team na hawak nila Gary. Kumuha ng card sa basket ng kabilang team si Ryuhei. Nakita kong seryoso talaga ito sa pag-iisip kung papano i-act out ang nakuhang English praise. Sumenyas na siya sa grupo gamit ang mga daliri kung ilang salita meron sa pinapahulaan niyang English phrase. Naku, five words! Papano nila makukuha yon? Pero namangha ako nang makuha ng mga bata. "It's raining cats and dogs!" malakas na sigaw ng grupo.
Malakas ang palakpak namin ni Brian. Proud na proud kami sa kanila. Natalo nila ang team nila Gary. Habang kino-comfort ni Gary ang mga "anak" niya, nag-rejoice naman kami. Pasok ang aming team sa semi-final round. Labindalawang grupo na lang ang pwedeng maglaro. Nasa panghuling pair ang grupo namin. Namangha uli ako sa performance nila. Nanalo na naman sila. Dahil sa katuwaan napayakap ako kay Brian. Gumanti naman siya ng yakap. Napansin ko na lang yon nang maghiyawan at tuksuhin kami ng mga bata. Bahagya akong pinamulahan. Kaya di ako makatingin sa kanya. Dahil sa nakitang discomfort ko, pinagsabihan ng Japanese English teacher ang mga pilyong bata na tumahimik.
"All winning teams should practice with their teachers for the final round tomorrow," anunsyo ni Mark nang matapos na ang semi-final round. Maraming bata ang disappointed. Gusto kasi nilang malaman kung sino ang magtsa-champion.
"That's okay. At least we have time to practice," sabi sa kanila ni Brian. Madali namang kausap ang mga bata. Natapos ang unang araw sa larong charade. Pinagpahinga na namin sila.
Nang pabalik na kami sa quarters namin, nakisabay sa akin si Liam.
"Your group is awesome," sabi nito.
"Yeah. I was surprised at how good they were in the games," sagot ko naman.
"Well, if I were them I would be really motivated," nakangisi nitong sagot. May himig paglalandi. Hinuli nito ang mga titig ko at ako'y kinindatan. "With a beautiful sensei like you, any student would be really inspired to learn," dugtong pa nito. At pabiro nitong binundol ng balikat ang balikat ko. Dahil sa gulat at di ako nakapaghanda, nahulog ako sa may kanal. Mababaw lang naman pero dahil sa kabiglaanan, napasubsob talaga ako.
"Alex!" narinig kong sigaw ni Brian. At kaagad itong tumalon sa kanal para patayuin ako. Tinulungan akong pagpagin ang dumi sa damit ko at sa pag-akyat sa tulay na kahoy. Nagkaroon ako ng konting galos.
"Oh, I'm really sorry, Alex," di magkandatutong paghingi ng paumanhin ni Liam.
Kinwelyuhan siya ni Brian. Galit ito. Napamura nga ng F-word. Inawat sila ni Gary.
"C'mon, he didn't mean it," sabi ni Gary. Na sinang-ayunan ko naman. Napahawak pa ako sa braso ni Brian para awatin siya. Natakot naman ako sa ginawa niya. At naawa din ako kay Liam. Alam ko namang wala siyang kasalanan. Di niya sinasadya.
Nang sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko, nakaramdam ako ng pangingilo. Napangiwi ako. Kaagad naman akong inalalayan ni Brian.
"Are you sure you can walk?" tanong nito.
Tumango ako. At hinakbang uli ang mga paa. Pero parang lalo lang iyong kumirot kaya wala akong nagawa. Kinarga ako nito hanggang sa quarters namin. Nandoon na si Rhea. Nabigla ito nang makita akong pinapangko ni Brian. Habang dahan-dahan akong binaba sa kama, nagpaliwanag si Brian kay Rhea kung anong nangyari sa akin.
"Oh, that Liam guy!" kunwari'y asar nitong sabi pero palihim akong kinindatan.
Lumuhod naman si Brian sa harap ko at bago ko nahulaan ang gagawin ay natanggal na niya ang sapatos ko at hinilot ang namaga kong paa. Masakit pero mas nanaig ang kiliti kaya napapikit ako.
"Is it painful?" nag-aalalang tanong nito sa akin.
Tumango lang ako pero sumasayaw ang maharot kong puso.
"I'm sorry but I need to do this to ease the swelling," at pinagpatuloy nga ang paghilot. Maya-maya'y tumigil na ito. "Take a rest. I'll get you some ice," at lumabas na ito.
Kaagad namang lumapit sa akin si Rhea. Sobrang kinikilig.
"You must be grateful to Liam," anas nito. At napahagikhik. Hindi ko napigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top