Chapter Seven - Birthday Party
A/N: This book is available for purchase on LAZADA and SHOPEE. Makapal ito, nasa 334 pages at 5 X 8 ang size ng libro. Just check my store named: Gretisbored.
For those who prefer e-Book, available ito sa Smashwords at Google Play.
*************************
"O siya, ikaw na muna ang bahala dito, Alex. Pakitingnan lang yang pinapalambot kong karne. Sasaglit lang muna ako sa supa (supermarket). Kulang ang ingredients natin e," ang sabi ni Ate Beth sabay hubad ng suut-suot na apron.
"Sige po. Ako na pong bahala dito. Basta po titingin lang po ako, ha? Kasi wala akong kaalam-alam dito sa mga pinagluluto nyo," sagot kong nakangiti.
"Oo naman. O sige," at dali-dali na itong lumabas.
Birthday ng anak na panganay ni Ate Beth kaya naghahanda kami. Naging ka-close ko na rin siya simula ng araw na hinatiran niya ako ng chicken soup. Mabait siya.
Nagliligpit ako ng mga kalat sa kusina nang marinig kong may nag-buzzer. Shocked ako nang mapagsino ang bisita. Si Brian at Maiko! May dala silang birthday cake. Pinapasok ko sila. Medyo naasiwa ako. First time kong makaharap ang dalawa nang walang ibang tao sa paligid. Hindi ko alam kung papano pakiharapan ang babae. Mukhang nabigla din sila nang makita ako. Tinanong ako ni Brian kung nasaan si Ate Beth.
"She just went to the supermarket to buy some ingredients. Please come in," magalang kong sagot kahit medyo nag-aalburuto ang aking puso.
Tahimik lang si Maiko. Parang pinapakiramdaman ako. Ganun din ang ginagawa ko sa kanya habang kausap si Brian. Aminado akong di ko siya feel. Siguro ganoon din siya sa akin. Nang una kaming ipakilala sa isa't isa noong welcome party, hindi naman ako kinibo nito. Nag-hajimemashite (greetings sa taong nun lang nakilala) lang ito sa akin tapos di na ako kinausap.
Nilagay ko sa table ang birthday cake na dala nila. Pagkatapos ay sinabihan ko silang maghintay na lang sa living room at manood ng TV, total iniwan naman yong nakabukas ni Ate Beth.
"Oh, we'll just come back later on when the party starts. We still have to go to AU (cellphone company)," ang sabi ni Brian bago sila umalis.
Hmp. Kunwari ka pa. Ang sabihin nyo ayaw nyo lang mag-stay dahil ako lang ang tao dito.
Umalis nga ang dalawa. Buti naman. At least hindi ko na kailangang magpanggap na maging friendly sa kanila. Pero hinatid ko sila ng tanaw. At nalungkot na naman ako.
Mayamaya pa dumating naman si Ate Beth. Tinulungan ko siya sa mga pinamili niya.
"Nagdrop by po pala si Brian Thorpe, Ate. Magkakilala po pala kayo?" tanong ko sa kanya habang inaayos namin ang mga pinamili niya.
"A, si Brian? Oo naman. Siya ang naka-assign na IET sa Ikeda Chugakkō (Ikeda Junior High School). Teacher siya ng mga anak ko. Mabait yon."
Sino? Si Brian? Mabait? E bakit ang sungit sa akin?
"Talaga po? Mabait pala yon?" nangingiti kong tanong.
"Oo. Sobra. Dati noong hindi pa naging sila ni Maiko, palagi yon sa bahay. Minsan nga dito na nagdi-dinner."
Halos sabay nang dumating sina Brian at ang birthday celebrant. Mukha ngang mabait siya sa bata. Tsaka habang pinagmamasdan ko kung papano siya nakikisalamuha kay Ate Beth, napansin ko ring sweet nga pala siya. Nakaramdam tuloy ako ng paninibugho. Bakit parang sa akin lang masungit ang mokong na to? May kakaiba ba sa akin?
Napansin ko rin na pati yong Maiko ay magiliw din kay Ate Beth. Sa akin nga lang pala aloof ang babaeng yon. Bakit kaya? Na-sense kaya na may gusto ako sa fiance niya? Ang talas naman ng radar.
Nainis ako na parang naa-out of place ako dun kung kaya nagpunta akong kitchen. Gumawa na lang ako ng pang-dip sa chips. Nakita ko kasing ubos na ang ginawa namin ni Ate Beth. Mayamaya pa, naramdaman kong may tao sa likuran ko. Si Maiko pala.
"Oh, looking for this?" tanong ko at inabot sa kanya ang dip na ginawa ko. Medyo nag-atubili siyang tanggapin yon. Bruha.
Nakita kong kumuha muna ng kutsara at tinikman ang ginawa ko. Tapos napangiwi. Hambalusin ko kaya to? Hindi niya nagustuhan? Samantalang nilantakan naman ang ginawa ko kaninang dip na nasa sala? Ang arte!
"Gommen ne. Chotto, shio karai kara. (Sorry, it's a bit salty.)," medyo nakangiwi nitong sabi.
Shio karai lang ang naintindihan ko dun pero sapat na para makuha ko ang gusto niyang sabihin. Ayaw niya ng ginawa kong dip dahil salty? Bruha siya! Ako rin naman ang gumawa ng isa kanina. Wala naman siyang reklamo dun. Baka inisip niya si Ate Beth?
Tumaas ang kilay ko. "Honto ni? (Really?)" tanong ko. Hindi na ako nagkunwari. Pinahalata ko dito na hindi ako naniniwala sa kanya.
Umiba din ang ekspresyon sa mukha niya. Parang na-offend. Siya pa ang na-offend ha? Hindi na ito sumagot sa akin. Bagkus, naghanda na lang ng sarili nitong dip. Nainsulto ako dun. Parang gusto ko siyang sabunutan. Kaso nga lang, naisip ko din si Ate Beth. Hindi naman siguro makatwiran yon.
Tiningnan ko siya nang masama habang nakatalikod at naghahanda ng avocado dip niya. Nakaekis ang mga braso ko sa dibdib. If looks could kill, nangisay na sana siya.
"Honey, where are you?" narinig kong tawag ni Brian at bigla itong lumitaw sa harapan ko. Hindi ko agad nabawi ang tingin ko sa nobya niya. Palagay ko ay nakita niya yon. "What's happening here?" medyo naningkit ang kanyang mga mata nang tumingin sa akin.
"Oh, hon. Hey." Lumingon si Maiko at ngumiti nang ubod tamis sa nobyo. Lumapit naman si Brian dito at nilingon ako. Nagtatanong pa rin ang mga mata. Siguro ipinagtataka kung bakit ang sama ng tingin ko sa fiancee niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at lumabas ng kitchen. Magsama kayong dalawa! Hindi ko na na-enjoy ang party. Parang sumama ang aking pakiramdam. Nagpaalam ako kay Ate Beth na umuwi na lang. Kaysa naman makagulo pa ako sa party ng bata. Baka kasi di ako makapagpigil sa kaartehan ng Maiko na yon at kung ano pa ang masabi ko.
"Ang aga naman yata. Mamaya na lang," pigil ni Ate Beth.
"Baka kasi tumawag sina Papa e. Saturday kasi ngayon. They know na nasa bahay lang ako at walang pasok," pagsisinungaling ko.
"O sige. Magdala ka ng food para hindi ka na magluto. Hetong cake. Dalhin mo ang iba. Ang sarap niyan talaga. Sobra," at naghiwa pa siya ng malaking slice para sa akin. Alam kong yon ang cake na binili nila Brian at Maiko kung kaya tinanggihan ko.
"Huwag na, Ate. Hindi naman kasi ako mahilig sa matatamis. Itong kare-kare na lang." Timing pala sa paglabas ni Brian buhat kusina. Medyo umasim ang mukha nito nang makitang sobra kong tinanggihan ang cake.
"If she doesn't want it, then let her be, Ate Beth." Nilingon ko siya. Hindi ako kumibo. Sanay na akong masungit sa akin ang bruho. Nagdagdagan pa nga siguro dahil nahuli akong nakatitig nang masama sa fiancee niya.
"Naku, hwag ka nang mag-diet, Alex. Ang ganda-ganda na ng katawan mo e. Diet ka pa," nakatawang biro ni Ate Beth. Inakala sigurong nagda-diet nga ako.
Hindi na ako nagpapilit pa dito. Dali-dali na akong lumabas pagkakuha ko sa kare-kare. Nakahinga ako nang maluwag nang nasa labas na. Hindi kami puwedeng nasa iisang bubong ni Maiko. Nasu-suffocate ako sa kaartehan niya. Lalo pa kapag nakikipag-usap ito kay Brian sa sobrang maarteng boses. Nakakainis!
Hindi pa ako nakarating sa bahay nang mag-beep ang cell phone ko. Si Brian.
"Maiko told me you seemed upset because she refused to use your dip. She's not being mean to you. She just doesn't like salty food," paliwanag nito sa text.
Ah, nagkwento nga ang girl. Nagmukha tuloy akong makitid ang utak. Sinagot ko ang text niya.
"I'm not upset at all," sabi ko. No explanations na. Kahit ano naman ang sabihin ko for sure hindi naman ako papaniwalaan nito. Para sa akin, sinadya yon ni Maiko. To make me feel and look bad. Sa isang banda, hindi ko rin masisisi ang bruhang yon. Baka nahalata na may pagtingin ako sa nobyo niya. Pero dapat maging kampante na siya. Kita naman niyang mabigat ang dugo sa akin ng fiance niya e. Dapat hindi na siya ma-threaten, kung nate-threaten nga siya sa akin.
Hindi na nagtext muli si Brian. Nagsisi naman ako. Sana nag-explain pa ako. Para humaba ang palitan namin ng text messages. Para ano? Wala rin namang mangyayari. Kita mo namang parang sobra niyang mahal ang girlfriend.
Hindi ko nakaya ang mag-stay sa bahay. Nalulungkot ako. Kaya pagkatapos kong mailagay sa ref ang dala kong kare-kare, nagpasya akong maglakad-lakad. Naisipan kong pumuntang Baskin and Robbins. Medyo malayu-layo ito sa bahay. Pero okay lang. Feel kong maglakad.
Nag-order ako ng nuts to you at dinala ko sa labas. Doon ko siya kinain habang pinagmamasdan ang mga nagdaraang tao sa harap ng ice cream parlor. Hindi ko pa halos nakakalahati ang isang medium-sized cup na ice cream nang biglang bumulaga sa harapan ko ang isang pamilyar na kotse. At umibis ang isang taong kanina ko pa iniisip. Naka-sunglasses ito. Nagtanggal lang nang makita ako doon. Nakita kong parang nabigla ito.
"I thought you were on a diet?" kaagad nitong tanong nang makalapit sa kinaroroonan ko.
"I didn't say I was," mabilis kong sagot habang dinidilaan ang nagkalat na ice cream sa gilid ng bibig ko. Nakita kong umiwas ng tingin ang kumag. Naku, baka isipin nitong sini-seduce ko siya! Huwag naman siyang asyumero. Although I would love to give it a try if given a chance, hindi ko naman gagawin yon in public.
"Really?" tanging naisagot nito at pumasok na sa loob. Paglabas nito may dala-dala nang dalawang malalaking supot.
"If you want more, you can come back with me to the party," paanyaya nito. Pero alam ko, out of politeness lang yon dahil naabutan ako doon kaya umiling ako.
"Okay, at least I've invited you," malamig nitong sagot tsaka pinasibad na ang kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top