Chapter One - Cold Stare

For a digital copy of the book, check the following:

https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ

https://www.smashwords.com/books/view/509824

A/N [October 27, 2020]: Mababasa ang buong kuwento sa Google Play. Hanapin lang ang the Jilted Bride by Gretisbored Google Play. Mayroon na rin itong libro na available sa LAZADA at SHOPEE under Gretisbored Store.

SOME PARTS of this book are ALREADY DELETED. Read at your own risk.

*************************************

Pagtingin ko sa orasan, bigla akong napabangon. Alas otso na! Gosh! Alas nuwebe ang interview ko. Dali-dali akong naghilamos at nagpunas. After ten minutes, tumatakbo na ako papunta sa istasyon ng JR Okayama. Buti na lang, malapit lang ang nakuha kong hotel.

Timing ang dating ko. May paalis ng tren na dumadaan sa Muromachi. Takbo agad ako pababa ng platform. Nang nakaupo na, saka lang ako nakahinga nang maluwag.

Pasara na ang tren nang may humahangos pang humabol. Muntik na siyang maipit ng pinto. Buti na lang nagbukas uli ito at nakapasok siya. Nang tumambad ang kanyang mukha, napasinghap ako. Ang guwapo! Napansin ko kaagad ang asul niyang mga mata. That was the most beautiful pair of blue eyes I have ever seen! And he was walking towards my direction. Oh my God! I think I'll die!

Hindi ako mapakali the whole time. Tumabi ang guwapong blonde guy sa akin. The moment he sat down, napapikit agad siya. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Nakakainis! But then, I had a wonderful time watching him sleep. What a beautiful morning!

"Stop staring," narinig kong bulong nito. Dinilat pa nang kaunti ang isang mata at tumingin sa akin. Pinamulahan ako. Tumagilid ako ng upo patalikod sa kanya. Hiyang-hiya.

Pagdating ng Muromachi station, bumaba rin ang guy. I was trying to keep up with his pace pero ang bilis niyang maglakad. Before I knew it, he was gone. Hay.

Timing ang dating ko sa city hall. Katatapos lang ng interview ng unang aplikante. Now, it's my turn. Napapikit ako at napausal ng maikling dasal. Lord, ibalato nyo na po to sa akin. I need this job badly.

Handa na ang ngiti ko pagpasok sa conference room kung saan naghihintay ang panel. Pero kaagad itong napalis nang makita ang isa sa mga nakaupo dun. Ang blonde guy sa tren! Nakita ko itong natigilan din saglit. Na-recognize yata ako. Parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa.

Bumati ako ng "ohayoo gozaimasu" (good morning) sa panel. Sinagot naman ako ng ganun din ng grupo liban na lamang sa blonde guy. Isang malamig na titig lang ang nakuha ko sa kanya. Gusto ko nang matunaw. Hindi ako sanay sa ganitong sitwasyon. Four years na akong tapos sa kurso kong Business Management pero ito ang kauna-unahan kong job interview. Hindi ko naman kasi kailangang magtrabaho dati dahil may sarili kaming pagawaan ng canned sardines sa Cebu. Tumutulung-tulong lang ako kay Papa sa pagma-manage ng negosyo. Kaso nalugi kami dahil sa sunud-sunod na kamalasang nangyari sa buhay ko.

"Hi, there. Please take your seat," bati ng isa sa panel of interviewers. Minuwestra niya kung saan ako uupo. Napatingin ako sa nag-iisang silya sa gitna ng silid. Doon ba? Napalunok ako.

"You must be Arexandra Marquez," anang Hapon sa grupo. Ngumiti ito sa akin. Mukhang mabait siya. Magaan na agad ang loob ko sa kanya.

Tumango ako at bumati sa Nihongo. "Hajimemashite (How do you do? I'm glad to meet you)." Yumuko ako nang bahagya sa kanya.

"Nihongo hanasemasu ka? (Marunong ka mag-Nihongo?)" tanong pa ng Hapon. Mukhang impressed.

"Sukoshi desu (konti lang)," at minuwestra ko pa gamit ang hintuturo at hinlalaki kung gaano ka konti ang alam ko. Nginitian ko rin siya.

"All right, let's start. Let me intoduce the panel to you," panimula ng nasa gitna. Nagpakilala ito. Siya daw si Mark Dale, ang nangangasiwa ng English program sa Muromachi. Isa-isa nitong pinakilala ang mga kasamahan. Mukhang mababait lahat puwera na lang sa blonde guy. Brian Thorpe daw ang pangalan niya.

Si Mark ang unang nagtanong sa akin. Puro tungkol sa personal information kaya madali kong nasagot. Medyo kinabahan na lamang ako nang mapunta sa teaching ang tema ng interbyu dahil feeling ko kulang ang aking kaalaman. Wala pa akong karanasan sa pagtuturo. Pero naging panatag ang aking kalooban nang sinabi niya na may ibibigay naman daw silang training kung sakaling matanggap ako sa trabaho. Kaya huwag daw akong mag-alala.

"Could you do a teaching demo for us? Fujita-sensei here will be your homeroom teacher or HRT," si Mark Dale pa rin. Pinaliwanag pa nito sa akin na team teaching ang pagtuturo ng Ingles sa shogakkō (elementary school) sa Japan. Kaya mainam daw na pag-usapan namin ng HRT ang role ng bawat isa sa klase para di kami malito. Binigyan niya ako ng apat na malalaking class cards. Larawan yon ng mga prutas.

Napalunok ako. Now na ba ang demo?Mukha nga. Nakita kong tumayo na si Fujita-sensei at lumapit sa akin. Nag-usap kami saglit ng Hapon. Nang okay na kami, hinarap ko na ang panel - ang mga estudyante ko kunwari. Tumikhim ako saglit para ma-warm up ang boses ko. Ngumiti ako sa kanila at nagkunwaring kalmado kahit na sobrang nininerbyos. Nakakapraning kasi ang malamig na titig ni Brian. Di ko tuloy alam kung umayon sa panlasa nito ang mga sagot ko kanina. Kinapalan ko na lang ang mukha.

"Good morning everyone," bati ko sa kanila sa masiglang boses. Sumagot din na parang batang Hapon ang grupo. "Today, we are going to talk about fruits," nakangiti kong sabi at pinakita ang mga cards ng iba't ibang prutas. "Okay, please repeat after me, ORANGE," at itinaas ko ang card na may larawan ng orange.

"Orenji," sagot ng grupo nang sabay-sabay. Tawanan pa sila. Sa wakas nag-smile din ang blonde! My heart skipped a beat. Pero ano ba naman yon? Parang 5 seconds lang. Hindi man lang hinabaan nang konti.

"No, no, no. It's O-ORANGE," pagtatama ko ng bigkas. Nakangiti pa rin. "Say it again, please. ORANGE."

Binigkas na ito ng tama ng grupo. Ang sumunod na itinuro ko ay watermelon. Katulad noong una, binigkas nila kunwari na parang mga batang Hapon. Kaya kailangan ko na namang ituwid yon.

Nang matapos ang demo, napangiti sa akin si Mark. May kakaiba daw akong warmth at charm. Mukhang magugustuhan daw ako ng mga shogakkusei (elementary pupils).

Nagpatuloy ang aking interbyu. Tinanong ako ni Gary, ang kalbo, kung ano ang nagtulak sa akin na mag-apply sa Muromachi kahit na alam kong malayo ito sa malalaki at exciting na siyudad kagaya ng Osaka at Tokyo.

"Well, it depends on how you define exciting," sagot ko. Bahagyang tumawa si Gary. "I've always liked the countryside since I grew up in a country myself. So for me, this place is perfect. It actually reminds me of home," dugtong ko pa. Sinabi ko na malaking bagay din sa aking desisyon ang magandang benepisyo na iniaalay ng siyudad sa mga foreign English teachers nito. Mas malaki kasi ng di hamak kung ikompara sa ibang teaching jobs sa Japan.

Tumangu-tango ang panel.

"You indicated here in your resume that you are from Cebu," ani Brian, ang supladong blonde. "Actually, your place is close to the beach that I went to when I was in your country. What makes you leave a beautiful place like that?"

"I heard you're from York, England, right?" balik-tanong ko sa kanya. Parang nabigla ito sa tanong ko. Pero tumango din. Papano ko daw nalaman?

"I've read it on the website of Muromachi City," sabi ko. "You were featured in an article for giving on inspirational speech to young Japanese English learners. The article said it was the mayor himself who invited you."

"Oh that," at napangiti ito nang maalala. Lumabas ang biloy sa isa nitong pisngi. Shit, ang guwapo talaga! Pero kagaya ng una niyang ngiti, saglit lang din ito. Kaagad itong nagseryoso.

"I've been to your place, too. It was so beautiful that I couldn't imagine somebody leaving a place like that for another."

"What's the connection?" tila hindi makapaghintay na tanong niya.

"No matter how beautiful your place is, there will always be a part of you that would want to explore the world."

Napangiti ang lahat sa sagot ko liban na lamang kay Brian. Saglit na di ito nakasagot. Nang makabawi, nagsabi ng, "I have my reasons," sa mahinang boses.

Pagkaraan ng isang oras at kalahati ay natapos din ang interbyu. Sinabihan akong tatawagan na lang daw nila sa susunod na mga araw kung tanggap ako o hindi sa trabaho.

Bumalik ako sa hotel ko sa Okayama. Patang-pata ang katawan. Nag-hot bath muna ako tsaka bumaba at naglibot sa paligid. Bumalik ako sa mga shops sa ilalim ng istasyon ng JR Okayama. Napansin kong kompleto na rin iyon sa mga paninda. May mga magagandang kainan, tindahan ng damit, sapatos, at kung anu-ano pang abubot ng mga babae. Marami pang coffee shops. Manghang-mangha ako sa mga nakikita ko. Parang ang hirap isipin kung papano itinayo ng tao. Ang lalim kasi ng hinukay para lang magkaroon ng basement.

May nakita akong isang international store. Pumasok ako doon. Gusto ko lang malaman kung mayroon itong produkto na galing sa Pilipinas. Mayroon nga pero de latang Dole pineapple at Philippine dried mangoes lang. Karamihan sa mga paninda nila ay galing North America. Kung mayroon man galing Asya, yon ay produkto ng Thailand o di kaya'y India.

Nang-uusyuso ako sa iba't ibang klase ng keso nang may marinig akong isang pamilyar na tinig. Awtomatiko akong napalingon sa pinanggalingan nito. Tama ang aking sapantaha. Si Brian! Hindi ko sukat akalain na makikita ko siya muli sa araw na yon. Mukhang pinagtatagpo kami ng tadhana. Lalapitan ko na sana siya para batiin nang bigla na lang may sumulpot na isang magandang Haponesa sa tabi niya. May dala-dala itong basket na puno ng sari-saring inumin - beer, whisky, wine at kung anu-ano pa. Nakita kong kinuha ni Brian sa babae ang naturang basket at ito na ang pumila sa counter.

May girlfriend na si Brian? Ang malas ko naman. Pinakiramdaman ko silang dalawa. Nagkubli ako sa isang estante ng mga canned goods. Walang duda. Girlfriend nga niya ang babae. Dahil kung hindi, bakit niya ito tatawagin ng 'honey'? Nakaramdam ako ng bahagyang paninibugho. Buti pa ang girl. Mukhang sweet dito si Brian.

Hindi muna ako lumabas sa pinagkukublian ko. Hinintay ko silang umalis. Nakita ko pang magkahawak-kamay na nilisan ng dalawa ang nasabing tindahan. Nakaramdam ako ng inggit.

Nagkaroon din ako ng nobyo dati. Si Anton. Pero ni minsan ay hindi nito hinawakan ang kamay ko sa harap ng maraming tao kahit pa noong kapanahunan ng engagement namin. Ang rason niya palagi, hindi siya showy.

May ibig palang ipahiwatig ang hindi pagiging demonstrative ni Anton ng damdamin niya sa akin. Hindi pala niya ako totoong mahal. Dahil ang lahat ng mga hinanap ko sa kanya noon ay nagawa naman niya sa best friend ko at bridesmaid na si Laurie nang maging sila na.

Naalala ko na naman ang eksena sa simbahan. Nakaramdam ako ng labis na kalungkutan. Naisip ko si Papa. Kumusta na kaya ito? Isang linggo nang di ako natawag. Papaubos na kasi ang baon kong pera. Kailangan kong tipirin. Kaya nga dapat makuha ko na ang trabahong ito dahil kung hindi mapipilitan akong umuwing luhaan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top