Chapter Nineteen - Songs
For a digital copy of the book, check the following:
https://play.google.com/store/books/details?id=ALnyCAAAQBAJ
https://www.smashwords.com/books/view/509824
**********************************
Medyo nagkahiyaan kami ni Brian nang sumunod na mga araw. Hindi nga ako makatingin sa kanya ng deretso. Ganun din siya. Pero alam ko na pag di ako natingin ay nakatitig siya sa akin. Ang dami kayang nagmamasid para sa akin. Kaya nga natutuwa ako sa mga kaibigan ko.
Pati mga bata, ang mga chugakusei (junior high school students) na kasama namin sa grupo, ay nanunukso din sa amin. Nase-sense din siguro nila na may something between us although hindi ko pa inaamin sa kanya. Siyempre, dalagang Pilipina. Hangga't hindi malinaw sa akin ang lahat, wala akong aaminin. Bibitinin ko rin siya.
Tuwang-tuwa ako sa mga bata. Ang galing nila. Kami ang nag-overall champion. Nanalo sila sa halos lahat ng games. Kaya niyakap ko sila isa-isa nang matapos na ang English camp. Dahil hindi nga sanay sa ganung lambingan ang mga batang Hapon, medyo naasiwa pa sila. Pero napansin ko na kilig to the bones naman ang mga boylets.
Bago kami naghiwa-hiwalay, nagtipon-tipon muna ang lahat ng mga IET sa dining hall para sa huli naming lunch together doon. Okay na kahit saan maupo. Kaya katabi ko si Rhea.
Lihim akong luminga-linga sa paligid. Napansin ko kasing wala pa si Brian. Pati na sina Gary at Mark Dale. Bahagya akong siniko ni Rhea.
"Why aren't you eating your food?" pabulong na tanong sa akin.
Saka lang ako gumalaw at sumubo. "What are you talking about? I am eating."
"I think they are still out there, making sure that everything is taken cared of. You know how Japanese are. They want the place as clean and orderly as when we came here. So I think they are gathering all the props and everything we brought here and putting them away," paliwanag nito. Nahulaan ang mga katanungan sa aking isipan. Bilib talaga ako sa pang-amoy ng babaeng ito. Mind reader!
Mayamaya pa nakita kong lumitaw ang makintab na ulo ni Gary. Pawis na pawis ito. Nagreklamo nga pagdating sa dining hall. Silang tatlo lang daw kasi ang bumaklas ng mga tents na tinayo para sa English Camp. Wala man lang daw nag-volunteer among the other IETs para tumulong.
"You didn't ask us," pangangatwiran naman ni Ricardo. Half-joking, half-serious. May tumawa sa sinabi niya pero walang epekto yon kay Gary. Umasim lang ang mukha ng huli.
Tumayo si Rhea at ipinaghain siya. Tapos, inakay na parang bata at pinaupo sa harap namin.
"There you go. Eat," at humagikhik ito. Pinahiran pa ng sariling panyo ang pawis na pawis na ulo ni Gary. Natawa tuloy ang kalbo.
"Thanks, Rei. You just made me feel good," eksaheradong pasasalamat ni Gary kay Rhea..
"Where's Brian and Mark?" pasimpleng tanong ng kaibigan ko. "The food are almost gone."
"I think they are still checking on things. They will be here in a minute," sagot naman ni Gary habang ngumunguya. At maya-maya nga pumasok na rin sina Mark at Brian. Pawis na pawis din ang mga ito.
Gaya ng ginawa ni Rhea kay Gary, ipinaghain din niya ang dalawa. Kaya hindi na sila nagreklamo pa. Natawa na lang sila.
Patapos na kaming lahat nang mag-umpisang kumain ang dalawa. Kaya naupo na rin sila sa tabi ni Gary. Ito na lang kasi ang di pa nangangalahati sa lunch niya.
Sumulyap si Brian sa akin bago umupo. Ganun din ang ginawa ko. Pero saglit lang din. Hindi ko pa rin siya kayang tingnan pagkatapos ng mga messages niya sa akin nung isang gabi.
Nang matapos si Gary, tumayo ito at dinala na ang plato sa may lagayan ng mga dapat hugasan. Habang kumukuha ng green tea sa dispenser, kumakanta-kanta na ito ng You're Always On My Mind. Sinabayan siya ni Rhea. Tawa ito nang tawa dahil iba-iba ang tono ni Gary. Nawawala din tuloy sa tono ang kaibigan ko. Palihim pa akong kinindatan ng bruha habang kumakanta.
"I didn't know you're a singer, Gary," kantyaw ni Mark. Walang kamuwang-muwang sa kanyang paligid.
Ngingiti-ngiti lang si Brian habang kumakain. Tingin ko alam nito na siya ang pinaparinggan ng kaibigan niya. Ako nama'y kinikilig na hindi maintindihan. Na-appreciate ko ang sintonadong boses ni Gary. Feeling ko ang dami nitong alam. Kung sana close kami. Strange. Ngayon ko pinanghinayangan na di ako nag-exert ng effort na makipagkaibigan sa kanya. Disin sana'y nagagamit ko siya para lubusang maintindihan ang nararamdaman ni Brian para sa akin. Pero sa isang banda, naisip ko rin na kahit siguro naging magkaibigan kami, mas magiging loyal pa rin ito sa best friend niya.
Dahil tapos na kami, niyaya ko nang pumanhik sa room namin si Rhea para magligpit ng mga gamit. Hindi ko na kayang mag-stay in the same room with Brian. Di ko ma-explain ang damdamin ko. Buti kong dalawa lang kami. Mahirap palang mayroong ibang nakakaalam. Siguro kung hindi siya engaged, okay lang. Pero dahil ikakasal na nga, naaasiwa rin ako. Parang feeling ko I'm a fiance stealer kahit na wala naman akong ginagawa.
"It's confirmed," nakikilig na sabi ni Rhea nang kaming dalawa na lang sa room. "I told you so. I've always observed you, guys. There's a certain chemistry between the two of you that I've never seen before in any couple. You're both lucky."
Lucky? Anong lucky ka dyan? "How could we be lucky when he's already engaged? I don't think he would give her up for me," sagot ko. Medyo malungkot ang tono ko.
"Hey, be positive! Let's wait and see. He's a fool if he will still let you go knowing how he feels about you. I'm sure, he will do something," buong tiwala na sabi naman ni Rhea.
Tumigil kami sa kakadiskusyon ni Rhea nang maramdaman naming may tao na sa kabila. Kumakanta na naman si Gary ng You're Always on My Mind.
"Bry, c'mon sing with me," narinig naming sabi pa ni Gary kay Brian. "This one's for you."
"You're doing great, buddy. I'm already happy just listening to your golden voice," tumatawang sagot naman ni Brian. Na-sense ko na parang kinikilig ito. Alam niya kayang nakikinig ako?
Siniko ako nang bahagya ni Rhea at minuwestra na pakinggan ko ang dalawa. Napangiti kami pareho sa kantyawan nilang magkaibigan. Hindi man nila deretsahang sinasabi, naramdaman kong may sinabi na si Brian kay Gary.
Tempted na tempted akong kumanta din. At ang unang pumasok sa isipan ko ay ang Till I Met You. Kinakanta-kanta ko na nga sa isipan ko at napapangiti ako habang ini-imagine na kinakanta ko yon para kay Brian.
"Why are you smiling?" panunukso sa akin ni Rhea. Hininaan ang boses dahil alam niyang pinapakiramdaman din kami ng dalawa sa kabila.
Umiling ako. "Nothing."
Siniko niya uli ako nang bahagya at humagikhik. Kilig na kilig siya. Nang tapos na kami sa pagliligpit, nahiga muna kami sandali dahil alas dos pa naman daw ang uwian. Mayamaya pa, nag-beep ang cellphone ko. Si Brian.
"You guys ready to go?" anang text niya.
Sinagot ko agad ito. "Yeah. But Rhea took a nap. She said the shuttle will leave at two o'clock so we still have time to rest."
"Gary and I will be leaving in a few minutes. If you want, you two can come with us," sagot naman agad ni Brian.
Ginising ko si Rhea at pinakita ang text ni Brian. Bumangon agad ito. Sayang daw ang pagkakataon. Nang sinabi ko sa text kay Brian na sasama kami sa kanila kung okay lang, agad-agad ang response. Kinatok kami.
Inayos ko ang hitsura bago lumabas. Naka-tshirt ako ng kulay puti at shorts na pinutol na maong pants.
Nakita kong napatitig sa legs ko si Brian nang makita ako. Kunwari'y di ko lang napansin. Napasipol naman si Gary at pinuri ako. Ngiti lang ang sagot ko at simpleng "thank you."
"You too, Rei," nakangiting sabi ni Gary nang makita niyang nag-pout kunwari si Rhea nang di siya agad pinansin. Humalik pa ito sa pisngi ng kaibigan ko. Kakamot-kamot sa ulo.
"Hey, buddy," siko ni Gary kay Brian. Kunwari'y ginigising. For a while kasi ay di ito nakapagsalita. "Are you okay?" tanong nito nang nakatawa.
"Of course, I am," sagot naman ni Brian at dinampot na nito ang bagahe ko. Sinabihan akong huwag nang mag-alala at sila na ni Gary ang bahala sa dala namin ni Rhea. Nauna ang dalawang bumaba. Nagtinginan naman kami ni Rhea. Hindi namin maikubli ang kilig.
Sa likuran na ako naupo kasama si Rhea. Pinalipat ako ni Gary sa front seat pero tumanggi ako.
"I'm comfortable here with Rhea. I know you guys want to sit together, too," sabi ko kay Gary.
"I doubt that. I think Brian wants to sit beside someone else," parinig nito.
"Get in, Gary," sabat naman ni Brian. Nasa harap na ito ng manibela at inistart na nga ang kotse. Napahagikhik si Rhea. Alam niyang ayaw pa ring magpahalata ni Brian kahit bistado na. Kaya minanduan ang kaibigan na pumasok na sa front seat dahil parang ibibisto na siya nito.
Hindi ko nakayanan ang antok. Napasandal ako kay Rhea at natulog. Nagising na lang ako nang may marahang yumugyog sa balikat ko. Ginigising ako. Nakarating na pala kami kina Rhea. Wala na rin si Gary sa harap. Ayaw ko mang tumabi kay Brian, napilitan din ako. Ayaw ko namang magmukha siyang driver ko.
Wala munang nagsalita sa aming dalawa. Kapwa nakikiramdam. Pero pagkalipas ng ilang minuto, halos sabay kaming nagsalita.
"Okay, you first," natatawang sabi niya.
"No, you go first," sabi ko naman.
"Alright. I was just saying, you know...The text messages that I sent you ——" seryosong sabi nito sabay sulyap sa akin. "...they were —-real."
Mabilis na kanina pa ang tibok ng puso ko pero lalo iyong nagwala nang marinig yon mula mismo sa bibig niya. Pinamulahan ako at pinagpawisan kahit na malakas ang aircon sa loob ng kotse. Feeling ko namumulang parang kamatis ang aking pisngi. Hindi ko rin maipaliwanag ang sayang nadarama nang mga sandaling yon.
Hindi ako nakasagot dun. Bahagya lang akong napasulyap sa kanya at tumingin sa bintana.
"I know I shouldn't have said that. I'm engaged. What am I thinking?" narinig kong dugtong pa niya nang di ako nakapagsalita.
"Y-yeah. You're engaged," malungkot kong sagot. Mahina ang boses.
Pero narinig pala niya yon. Nakita ko siyang tumangu-tango from the corner of my eye.
"If I wasn't, do I have a chance?" prangka nitong tanong. Inalis na ang sunglasses. Tumitig sa akin sandali. Tsaka binalik ang atensyon sa highway.
"I don't know," sagot ko naman.
Nabigla ako nang biglang niliko ni Brian ang kotse. Tsaka hininto. Hinarap ako. Bigla tuloy akong kinabahan. Excited akong kinakabahan. I haven't felt this way before. Even with Anton. Grabe. Ang ingay ng mga bubuyog sa tenga ko.
"What do you mean, you don't know?" tanong nito. Tumagilid ako. Mas sa labas ako ng bintana nakatingin kaysa kanya kaya nabigla ako nang walang sabi-sabing kinuha niya ang isa kong kamay at ikinulong sa kanyang palad. Napatingin tuloy ako sa kanya.
"Hey," mahina kong protesta.
"I want an honest answer from you," mahina nitong sabi. Pero nakita ko kung gaano siya kaseryoso.
"What's the use? It doesn't change the fact that you're getting married in two months," sagot ko naman tsaka dahan-dahang binawi ang kamay ko.
Tinitigan niya ako. Iyong klase ng titig na nakakalusaw. Hindi ko nakayanan. Napayuko ako. Itinaas niya ang baba ko at bago ko pa mahulaan ang gagawin ay dumampi na ang mainit niyang labi sa mga labi ko. Awtomatiko akong napapikit. Nung una, banayad lang ang halik. Pero nang maramdaman nitong hindi ako nagprotesta, naging mapangahas na ang sumunod. Kapwa namin hinahabol ang aming hininga nang bitawan niya ako.
Nakangiti na ito nang inistart ang kotse. Hindi na nagsalita pa. Ang bwisit! Naisahan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top